Share

Chapter 6

"Oh anak, napabisita ka?"

Hindi ko agad sinagot ang tanong ni mama at agad syang sinalubong ng yakap nang pagbuksan nya ako ng gate sa luma naming bahay.

Pakiramdam ko ay naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ko nang mayakap sya.

I really missed her so much.

Simula pa nung bata ako ay lagi akong napapanatag kapag yakap ko sya. Mabuti nalang at naisipan kong pumunta dito para bisitahin sya ngayon.

"Florence, anak. Ba't napadalaw ka? Nasaan si Gavin? Kasama mo ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Dalawang beses akong umiling bilang sagot.

"Hindi po mama, mag-isa lang po akong pumunta dito." I tightened the hug. "Na miss ko po kayo, mama. Sobra." I said.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangiti sya saakin ngayon.

After a minute, humiwalay na ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya.

"Halika, tumuloy ka muna sa loob."

Dala-dala parin ang lunch box na ibibigay ko sana kay Gavin kanina ay pumasok na ako sa gate ng luma naming bahay.

Ang bahay namin na tinutukoy ko ay bahay pa ng tatay ng lolo ko. May kalumaan ang dating pero maayos pa naman ito.

The house is big.

May apat na palapag at benteng kwarto. Dito narin ako lumaki kasama ang dalawa kong kapatid na may mga kanya-kanya naring pamilya ngayon. Sina ate Maria at kuya Rolex.

Ayaw ko nga sanang iwan si mama at papa mag-isa dito pero kailangan kong gawin yun dahil may asawa na ako. Isa pa, dahil malaki ang bahay at sila nalang dalawa ang nakatira, may mga bata silang inampon at dito pinatira. Mahilig kasi si mama sa mga bata.

Merong malaking garden na puno ng iba't ibang klase ng halaman ang makikita pagkapasok na pagkapasok mo palang sa may gate. Sa tabi nito ay merong malawak at malalim na pond.

Marami tuloy akong naalala simula nung bata pa lang ako sa bahay na 'to.

Nakakamiss. Nakakamiss talaga ang pagkabata. Yung tipong laro lang at pag-enjoy ang ginagawa mo at wala kang iniisip na problema. Hindi katulad ngayon na araw-araw nalang ata 'di nawawalan ng problema.

"Ate Florence!"

Agad akong sinalubong ni Crizel, ang pinakamatanda sa mga batang inampon nila mama ng makita nya ako at mabilis na tumakbo palapit saakin para bigyan ako ng isang yakap.

Natuwa naman ako lalo na ng magsilapit din saakin yung apat na bata pa nyang kasama. Yung isa ay si Maxine. Hindi ko na kilala yung tatlo dahil ngayon nalang ulit ako nakabisita dito at bago palang ata sila.

I smiled at them, widely.

"Hello mga bata!" Masiglang bati ko.

Sinenyasan ako ni mama na makipaglaro nalang muna ako sa mga bata at mamaya nalang kami mag-uusap.

Pumayag naman ako dahil gusto kong makilala yung tatlong bata. Ang cu-cute kasi nila.

"Ate Florence, mabuti po bumisita ulit kayo dito. Akala ko po hindi ko na kayo makikita eh!" Sambit ng batang si Maxine at niyakap rin ako.

Dahil masyado akong matangkad sa kanila, kinailangan ko pang yumuko para makaganti ng yakap.

"Bakit naman hindi? Sorry kung natagalan ah? Alam nyo naman kasing may asawa na si ate Florence 'diba?" Tumango-tango sila na mas lalong ikinalawak ng ngiti ko.

"Opo, alam po namin. Sinabi ni Mamalola na may asawa na nga po kayo. Kasama mo po ba sya ate Florence?" Tanong naman ni Crizel.

Yung mamalola na tinutukoy nya ay si mama. Yun kasi ang gusto nyang tinatawag sakanya ng mga bata.

"Hindi Crizel, eh. Mag-isa lang pumunta ngayon si ate. But don't worry, ipapakilala ko rin kayo sakanya balang araw."

"Ah, nga pala ate. Sina Shia, Ton-ton at Eli nga pala." Pakilala nya sa tatlong bata na inosenteng nakatingin saamin ngayon.

Isang babae at dalawang lalaki. Hindi pantay ang bangs nung Shia at bungi rin. Pero hindi maitatangging ang cute-cute nya naman. Ang sarap nyang ipisil sa pisngi sa sobrang taba nito. Pwede ko kaya syang iuwi saamin?

Tiyak matutuwa sakanya si Gavin.

"Hello po ate Plorens!" Bati nya kasama nung Ton-ton at Eli.

Ngumiti rin ako sakanilang tatlo.

"Hello rin sainyo. Ilang taon na ba kayo?"

"Limang taon na po ako." Yung Ton-ton ang unang sumagot.

"Ako six," si Eli.

"Ako po ganito," sagot ni Shia at pinakita yung apat na daliri sa kamay nya.

Natuwa naman ako sa ka cute-an nya. Seryoso, baka mamaya isako ko na sya para iuwi saamin.

Nag usap-usap pa kaming tatlo hanggang sa mapagpasyahan namin na maglaro. Syempre nagpaalam muna kami kay mama at agad naman itong pumayag basta daw 'wag kaming masyadong lalapit sa pond dahil malalim ito.

Naglaro kami ng tagu-taguan. Pagkatapos ay piko. Tinuruan pa nila ako dahil hindi ako marunong nun. Nag in-out rin kami, Chinese garter, tumbang preso.

Ang sarap sarap lang sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ay bumalik muli ako sa pagkabata. Enjoy na enjoy kaming anim hanggang sa hindi namin napansin na apat na oras na pala kaming naglalaro.

"Ano? Pagod na ba kayo?" Nakangiting tanong ko habang pinapahiran yung namuong pawis sa noo ko.

Nakita ko si Shia na may inabot saaking dyaryo galing ata sa loob ng bahay. Agad ko itong pinunit isa-isa at nilagyan sila ng dyaryo sa likod para tuyuin yung pawis nila.

Naunang sumagot si Ton-ton sa tanong ko.

"Hindi pa po ate Florence, gusto ko pa pong maglaro."

"Oo nga po ate Florence, tara laro naman po tayo ng habol-habolan!" Suggestion ni Maxine.

Napakamot nalang ako sa batok. Ang hyper naman ng mga batang 'to.

"Habol-habolan? Baka masyado kayong mapagod nyan?"

"Eh! Sige na po ate Florence!" Pagpilit saakin ni Eli at niyugyog-yugyog pa yung braso ko.

I chuckled. Makakatanggi pa nga ba ako? Kids are irresistible nowadays.

"Okay, Okay, maglalaro tayo. Basta wag kayong lalapit sa pond ah? Baka mahulog kayo dun at malunod."

"Opo ate Florence!" Sabay-sabay nilang sagot.

"O sya. Sino na ang taya ngayon?"

Lahat sila nagkatinginan sa tanong ko na parang ayaw nilang sila ang maging taya. Lihim na natawa nalang ulit ako. Ang cu-cute talaga nila.

Makahingi nga ng sako kay mama para maiuwi na ang mga ito. Uunahin ko syempre yung Shia.

"Okay, ako na ang taya. Bibigyan ko lang kayo ng tatlong segundo para lumayo saakin ah? Isa!" Nagsimula naman silang magsitakbuhan palayo saakin.

"Dalawa." Naghanda na ako para sa pagtakbo.

"Tatlo! Ayan na ako!" Agad akong tumakbo para habulin sila pero talaga namang ang tutulin ng mga batang ito.

Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo.

"Kyaah! Ayan na si ate Florence!"

Hindi ko alam kung sino ang huhulihin sa kanila. Nakakahilo ang tulin nila sa pagtakbo. Halatang hasa na sila sa larong ito.

Gusto ko sanang hulihin si Shia pero ayaw ko namang ma out agad sya dahil alam kong nag-eenjoy pa sya.

Napatingin ako kay Crizel at nakitang papaliko sya sa gate ng bahay. May balak pa ata syang tumakas ah? I smirk.

Nakangiti paring tumakbo ako para sundan at habulin sya.

Pero imbes na sya ang hulihin at gulatin ko ay ako pa mismo ang nagulat ng sa pagliko ko pasunod sakanya ay mukha ni Gavin ang sumalubong saakin.

Chokolateng hugis mayon!

Anong ginagawa nya dito?

"G-Gavin? A-Anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong habang gulat na nakatingin sakanya.

Hindi sya sumagot, instead tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa.

Na-conscious tuloy ako bigla dahil pawis na pawis ako ngayon. Syempre magulo rin ang buhok ko.

"Oh, Gavin, buti andito ka na, Florence anak, ako ang nagpapunta sakanya dito."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni mama sa likuran ko at agad nyang pinatuloy si Gavin sa loob ng bahay.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Bakit nya naman pinapunta si Gavin dito? May kailangan ba sya dito? Kung meron man, ano yun?

Kahit naguguluhan ay sumunod nalang ako sa kanila sa loob.

Pinapasok narin yung mga bata dahil amoy pawis na sila. Kailangan pa nilang magpahinga para makapagligo mamaya. Sayang tuloy yung laro namin. Halatang disappointed sila pero sinabi kong next time nalang ulit kaya pumayag nalang sila.

Nag-usap kami nila Mama at Gavin sa may sala. Nakakapanibago dahil ngiti nang ngiti si Gavin ngayon. Ano kayang nakain nya? Sigurado naman akong 'di ko yun niluto dahil hindi nya naman tinanggap yung lunch box kanina diba?

O baka naman dahil nasa harap namin ngayon si mama kaya ngiti na naman sya nang ngiti?

"Mabuti naman at ayos lang pala kayong dalawa ni Florence, iho. Alagaan mong mabuti 'tong anak ko ah? Alam mo naman yan, medyo makulit."

Hindi ko na sila pinakinggan pa at nagpaalam na lalabas nalang. Pauwi narin kasi kami kaya nauna na akong magpaalam kay mama at sa mga bata.

Hihintayin ko nalang sa likod ng bahay si Gavin.

Mapresko at mahangin ang likod ng bahay ng makarating ako doon. May daan din dito palabas kaya dito na kami dadaan.

Pero ang pinagkaiba lang, may ibang naninirahan na dito ngayon. Kapit bahay namin kung baga. Pinarenta ata ni mama dahil wala namang gagamit. Sayang naman ang tirahan kung walang titira.

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang malawak na pond. Naalala ko yung panahon na naligo kaming dalawa ni papa sa pond na iyon. Syempre alalay-alalay nya ako dahil hindi ako marunong lumangoy.

Namimiss ko narin tuloy si papa. Out of town sya ngayon for business trip. Sana sa susunod na punta ko dito, nandito narin sya. Para makapag bonding ulit kami.

After a few minutes of reminiscing my childhood memories, dumating na si Gavin na seryoso ang mukha.

Ang bilis magbago ng mood nya. Kanina masungit, mamaya palatawa, ngayon naman seryoso?

Bipolar ba sya?

"Pinapunta ka ba dito ni mama para sunduin ako?"

Maya-maya ay tanong ko dahil masyado kaming tahimik na dalawa.

Tinignan nya naman ako at parang bigla na namang nainis. Kasalanan ko na naman yan. Nagtatanong lang naman eh!

"Ano pa nga ba?" Masungit nyang sagot.

"Tinawagan ako ng mama mo dito para sunduin ka. Ayaw ko nga sana pero pinilit nya ako. Tsk, alam mo ba kung ilang oras ang nasayang ko sa pagpunta dito?" Dagdag nya pa.

Yumuko ako. Ouch naman. Yun lang sinumbat nya pa. Ang sakit naman nun.

"I'm sorry. D-Dapat kasi sinabi mo nalang na busy ka." Edi hindi nya kailangan mag sayang ng oras para pumunta dito.

Biglang parang mas lalo lang syang nainis sa sinabi ko.

"Tingin mo tanga ako kagaya mo para isipin yun?" He asked.

Napaangat ako ng tingin sa tanong nyang yun at bahagyang napaatras ng bigla syang lumapit saakin.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng matinding takot.

"H-Hindi. Wala akong sinasabing ganun."

Sagot ko pero patuloy lang sya sa paglapit hanggang sa namalayan ko nalang na ilang hakbang nalang ay mahuhulog na ako sa may pond.

Napasinghap ako.

"G-Gavin. T-Teka lang," hinarang ko ang dalawang kamay ko sakanya pero patuloy parin sya sa paglapit.

Isang hakbang paatras, isa pang hakbang.. Hanggang sa hindi ko namalayan at muntik na akong mahulog sa pond.

"Ahh!"

Ramdam ko ng mahuhulog ako pero nabitin lang yun sa hangin dahil hinawakan ni Gavin yung kamay ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin.

Ihuhulog nya ba ako dito? Pero hindi ako marunong lumangoy kaya tiyak na malulunod lang ako.

I look at Gavin once again and he is staring at me seriously. Saglit nya akong pinagkatitigan habang hawak-hawak parin ang kamay kong kapag binitawan nya ay diretsyong mahuhulog ako sa malalim na pond.

Gavin, please don't let go of my hand..

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang maiyak.

Mabait naman sya diba? I'm his wife. Alam kong hindi nya saakin gagawin yun.

"G-Gavin." I called his name, begging.

Pero imbes na maawa ay ngumisi lang sya. I still see no emotions on his eyes.

"Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong na bi-bwisit sa twing nakikita kita," He started. Sumeryoso ulit ang mukha nya at nagtiim ang bagang.

"Sinira mo ang mga pangarap ko, alam mo ba yun? When you came into my life, everything gone chaos. At alam mo ba kung anong nakakapagpawala ng galit ko?" Humigpit ang pagkakahawak nya saakin.

Mas lalo namang dumoble ang kabang nararamdaman ko.

No..

"It's when I see you crying,"

After he said that, my heart sinks when he immediately let go of my hand.

Napapikit ako lalo na ng maramdaman ang paglubog ko sa tubig.

Hindi ako makahinga.

Hindi rin ako marunong lumangoy.

Pinipilit kong makaahon pero hindi ko magawa. Eto na ba? Dito na ba ako mamamatay?

Habang lumilipas ang segundo ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Nahihirapan na talaga akong huminga.

Akala ko nga ay katapusan ko na, pero nabuhayan rin ako ng pag-asa at muling nakahinga ng may tumalon sa pond kung nasaan ako ngayon at tinulungan akong makaahon.

Habol habol ko parin ang aking hininga habang sapol sapol ang dibdib ko. Malakas parin ang pagtibok ng puso ko. I close my eyes. Thank God I'm still alive!

Even though I nearly died because of being drowned on the pond, nagpapasalamat parin ako dahil may nagmagandang loob na tumulong saakin.

Tinignan ko yung sumagip saakin at nakita ko ang may kaedaran ng babae na nag-aalalang nakatingin saakin.

Hindi ko sya kilala. Mukhang ngayon ko rin ata sya nakita.

"Ayos ka lang ba iha? Dapat nagiingat ka! Malalim yung pond na yan!" She shouted. Siguro dahil sa nag-aalala lang talaga sya.

I force a smile.

"A-Ayos l-lang p-po a-ako. M-Maraming s-salamat p-po." I answered while still catching my breath.

Nilibot ko ang tingin ko para hanapin si Gavin dahil alam kong nandito pa sya.

Hindi naman ako nabigo at tama ang hinala ko ng makita sya sa 'di kalayuan sa pwesto namin ngayon.

Nakatingin lang sya saakin, pero wala na namang emosyon ang mukha nya.

Parang wala syang pakealam.

Nginitian ko sya. I know it's just a force one, pero yung pilit na ngiting yun ay napalitan rin agad ng mapait na ngiti ng basta basta nalang syang tumalikod sa direksyon ko at nagsimula ng maglakad paalis.

As If I'm nothing to him.

My heart breaks..

I'm sorry Gavin. I'm so sorry if because of me, your life gone chaos.

Sana mapatawad mo ako.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nining Seblit Marina
hy mganda ang story,, piro ko bunos para mkapg unlock
goodnovel comment avatar
Tess Castillo
tsk nilunod na hindi pa din magawang magalit,yun sa totoo lang tayo writer.........
goodnovel comment avatar
Mary An Javerina
pls unluck all chapter..or ads
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status