Share

Chapter 5

Sabado ngayon.

Nasa opisina si Gavin kaya naisipan kong dalawin sya.

Bibisitahin ko sya para dalhan sya ng pagkain na niluto ko. Hindi na kasi nya nahintay kanina dahil late narin akong nagising.

So ayun, ako nalang magdadala nito sakanya sa office para naman dagdag effort.

Pero kahit naman sobrahan ko ang effort ko, hindi ko naman yun isusumbat sa kanya.

Para saan pa? Mas lalo lang syang magagalit saakin pag ganun. At ang effort na ginagawa ng kusa, hindi dapat isinusumbat.

"Excuse me miss? Sino sila?"

May isang matangkad na babae ang humarang saakin ng astang kakatok na ako sa office ni Gavin.

May hawak syang plastic bag na hula ko ay naglalaman rin ng pagkain.

I don't know this girl pero pamilyar saakin ang mukha nya. Minsan narin syang dumalaw sa bahay namin ni Gavin at may pinapermahan.

"Miss? Sino ho sila? Anong kailangan mo kay sir Gavin?" Ulit nyang tanong.

I blink when she called my husband, sir.

Siguro ay sya ang sekretarya nito at dahil lunch na, nagpabili sya dito ng pagkain.

I force a smile.

"Ah, dinalhan ko kasi sya ng pagkain dahil hindi sya nakadala ng baon. Nandyan ba sya sa loob?" I asked.

Kumunot ang noo nya na parang may nasabi akong hindi nya naintindihan.

"Yes, nandyan nga si sir. Bakit nyo ho sya dinalhan ng pagkain? Hindi nyo naman po kailangan mag-abala pa eh," then she whispered, "Ganyan na ba ka concerned ang mga maid sa amo nila ngayon?"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa binulong nya, pero rinig ko naman.

Maid? Ako ba yung tinutukoy nya? Hindi naman ako katulong ni Gavin eh. I'm not his maid, I'm his wife.

Porket dinalhan ko lang sya ng baon, katulong na agad? Mukha ba akong katulong sa lagay ko ngayon?

Bumuntong hininga ako.

Sasabihin ko na sana na hindi ako maid or should I say, 'katulong' ni Gavin, pero hindi ko na nagawa dahil kusa ng bumukas yung pintuan ng office nya. Iniluwa nito ang seryosong mukha ni Gavin.

"Gavin,"/"Sir Gavin," sabay pa naming tawag sakanya.

He got shocked when he saw me.

"What are you doing here?"

Ngumiti ako ng pilit at iniabot sa kanya yung niluto kong beef steak tsaka mechado.

"Eto oh, dinalhan kita ng pagkain. Masarap yan dahil niluto ko yan with love." Dagdag banat ko pa, pero sya, poker face parin.

Maging yung sekretarya nya ay napataas ng kilay sa sinabi ko na akala mo maid lang talaga ako at boss ko si Gavin.

Bayolente akong napalunok.

"A-Ayaw mo ba?" Pilit itinatago ang lungkot na tanong ko ng makalipas ang tatlong minuto ay hindi nya parin ito kinukuha sa kamay ko.

Nakakangalay na kaya binaba ko narin. Mukhang ayaw nya naman kasi eh, nakakalungkot naman.

"You know what? You don't need to care for me. Tingin mo ba hindi ako makakakain kung hindi mo ako dinalhan dito? Itapon mo nalang yan. Malay ko ba kung may lason yan?"

Nasaktan ako sa sinabi nya, hindi dahil sa sinabi nyang baka may lason daw ito kundi dahil hindi ko na daw kailangan mag-alala sa kanya.

Akala ko pa naman maaappreciate nya kahit papaano ang effort ko. Yung kahit one percent lang?

Kailan nya nga ba naappreciate yun? Ni isang beses, hindi ko nakita o napansin sa kanya na natuwa man lang sya sa mga effort na ginawa ko para sakanya.

I look down. "I'm sorry."

Hinigpitan ko yung pagkakahawak sa lunch box na hawak ko at muling tumingin sakanya para pilit na ngumiti.

"Sige, saakin nalang 'to. Kumain kang mabuti ah? Mukhang hindi mo nga talaga ako kailangan."

Nilingon ko yung sekretarya nya na hindi parin makapaniwala sa pinagsasabi namin.

Ngumiti rin ako sakanya at bahagya ng lumayo.

"'Wag kang magtataka, ganyan talaga kaming mga katulong sa amo nila.. Masyadong concerned."

Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako palayo at bumaba na gamit ang elevator.

My tears fell again. Asar naman.

Masaya akong umalis sa bahay, tapos uuwi akong umiiyak? Ang babaw naman ng luha ko.

Pinahid ko ang luha sa mata ko at sunod-sunod na bumuntong hininga.

Masyado pang maaga para umuwi.

Wala naman akong gagawin sa bahay kaya naisipan kong puntahan nalang si mama sa luma naming bahay.

Sabado naman ngayon. Mabuti siguro kung bisitahin ko na muna sya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status