Sabado ngayon.Nasa opisina si Gavin kaya naisipan kong dalawin sya.Bibisitahin ko sya para dalhan sya ng pagkain na niluto ko. Hindi na kasi nya nahintay kanina dahil late narin akong nagising.So ayun, ako nalang magdadala nito sakanya sa office para naman dagdag effort.Pero kahit naman sobrahan ko ang effort ko, hindi ko naman yun isusumbat sa kanya.Para saan pa? Mas lalo lang syang magagalit saakin pag ganun. At ang effort na ginagawa ng kusa, hindi dapat isinusumbat."Excuse me miss? Sino sila?"May isang matangkad na babae ang humarang saakin ng astang kakatok na ako sa office ni Gavin.May hawak syang plastic bag na hula ko ay naglalaman rin ng pagkain.I don't know this girl pero pamilyar saakin ang mukha nya. Minsan narin syang dumalaw sa bahay namin ni Gavin at may pinapermahan."Miss? Sino ho sila? Anong kailangan mo kay sir Gavin?" Ulit nyang tanong.I blink when she called my husband, sir.Siguro ay sya ang sekretarya nito at dahil lunch na, nagpabili sya dito ng pagka
"Oh anak, napabisita ka?"Hindi ko agad sinagot ang tanong ni mama at agad syang sinalubong ng yakap nang pagbuksan nya ako ng gate sa luma naming bahay.Pakiramdam ko ay naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ko nang mayakap sya.I really missed her so much.Simula pa nung bata ako ay lagi akong napapanatag kapag yakap ko sya. Mabuti nalang at naisipan kong pumunta dito para bisitahin sya ngayon."Florence, anak. Ba't napadalaw ka? Nasaan si Gavin? Kasama mo ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Dalawang beses akong umiling bilang sagot."Hindi po mama, mag-isa lang po akong pumunta dito." I tightened the hug. "Na miss ko po kayo, mama. Sobra." I said.Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangiti sya saakin ngayon.After a minute, humiwalay na ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya."Halika, tumuloy ka muna sa loob."Dala-dala parin ang lunch box na ibibigay ko sana kay Gavin kanina ay pumasok na ako sa gate ng luma naming bahay.Ang bahay namin na tinutukoy ko a
Kanina pa kami nakauwi ni Gavin galing sa lumang bahay.Kanina narin ako bahing nang bahing dahil sa muntik ko ng pagkalunod sa pond.Kung tinatanong nyo ako kung nagalit ba ako kay Gavin dahil sa ginawa nya, ang sagot ko ay hindi.Bakit? Ewan ko rin.Kapag ba nagalit ako sakanya, magiging ayos na kami? Muntik na nya akong ilunod sa pond, hindi pa ako galit sakanya. Paano pa kaya kung galit na ako? Baka mas malala pa ang gawin nya saakin kung ganun.Alam ko naman na hindi nya yun sinasadya eh.Siguro ay nadala lang sya ng galit nya. He said his life gone chaos because of me, and even if it sounds crazy, I felt sorry for him because of that."Achoo!"Muli na naman akong napabahing kaya napagpasyahan kong uminom na ng gamot.Pakiramdam ko ay magkakasakit rin ako.Ayoko naman mag-aalala saakin si Gavin dahil lang sa may sakit ako. Mag-aalala nga ba sya?Pero 'diba kapag nagkasakit ako, mahihirapan akong ipagluto sya? Paano nalang yung responsibilidad ko bilang asawa nya kapag nagkasakit
Pagkababang pagkababa ko sa tapat ng coffee shop ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Alea.Si Bryan naman ay nanatili lang nakatayo sa tabi namin habang nakangiti.May suot syang jacket katulad namin ni Alea. Tama nga sya, malamig ang panahon ngayong gabi. Mabuti nalang talaga at pinahiram ako ng jacket ni Gavin."Namiss agad kita!" Alea giggled.Nakayakap parin sya saakin na akala mo ay wala ng bukas na darating."Hindi mo naman ata ako papatayin sa higpit ng pagkakayakap mo 'no?" Pabiro kong tanong na agad nyang ikinakalas sa pagkayakap. She looks at me and pout."Grabe, namiss lang naman kita pinag-iisipan mo na ako ng masama. Masama na bang yakapin ang best friend mo ngayon?" She asked, acting like she's hurt.Kunwaring napaisip naman ako sa isasagot sakanya."Kung may plano ka talagang i-murder ang best friend mo, masama talaga yun." I answered in a matter of fact tone.Mas lalo syang napanguso at kinurot yung tagiliran ko. Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya. N
7 days laterSa mga sumunod na araw, pinag-igihan ko talaga ang pagta-trabaho sa isang Japanese inspired coffee shop.Ngayong araw na kasi ang pangatlong anibersaryo namin ni Gavin and just like what I planned, nag-trabaho ako para makapag-ipon ng regalo para sakanya.Nag-absent rin ako ngayon sa trabaho para paghandaan ang araw na ito.Nung mga nakaraang araw, as usual cold parin ang treatment saakin ni Gavin. Ni hindi nya nga napansin na may sugat ako sa noo o sadyang hindi nya lang talaga pinansin dahil wala nga syang pakealam saakin.Pwede ring hindi nya napansin dahil maliit rin lang naman yung sugat na nakuha ko dahil sa hindi sinasadyang pagtulak nya saakin.Maayos narin naman ang sugat ko ngayon at hindi ito masyadong pansin dahil natatakpan ito ng ilang buhok ko.Habang naglalakad ay nilipat ko ang hawak kong cellphone sa kabila kong tenga habang pinapakinggan ang sinasabi ni Alea."O Florence, ano na? Nakuha mo na ba yung cake na pinagawa mo kanina?" She asked, pertaining to
Isang malakas na pagbagsak ang narinig namin nang pagsasampalin ko at sabunutan ang babaeng kahalikan ni Gavin.A silly joke.Kahit anong tapang ko ay hindi ko kaya iyong gawin sa babaeng kasama nya.Isang malakas na pagbagsak ang narinig namin nang mabitawan ko ang dala-dala kong cake na gawa ata sa bakal ang kahon dahil sa lakas gumawa ng tunog.Agad akong nataranta at naisipang tumakbo nalang palabas ng kompanya ni Gavin at iwan ito doon. Ayaw ko kasing makita nya na nakita ko ang pangloloko nya saakin.I know it's weird, pero ayoko talaga makita nya ako sa office nya ngayon. Not at this moment.Pero bago pa man ako makahakbang patalikod ay napalingon na agad silang dalawa sa direksyon ko kaya hindi ko na nagawang makatakas pa.Gavin look shocked nang makita ako.Pero gaya ng dati ay bumalik rin ito sa pagkaseryoso at walang pake akong tinignan.Yung babae naman, napatingin saakin na parang nag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka.Bakit naman kaya sya nag-aalala? Siguro
There's no happy in our fixed wedding anniversary, Florence.Kanina pa ako nakalabas sa opisina ni Gavin at kanina pa ako hindi matigil sa pag-iyak.Ikaw ba naman sabihan ng asawa mo na wala daw na happy sa 'fixed wedding anniversary' nyo, hindi kayo maiiyak?Yung nag effort ka na nga ng sobra pero wala paring sense para sa kanya? It really hurts a lot. Tumigil lang ako sa pag-iyak nang maisipan kong tawagan si Alea para ipaalam sa kanya ang nangyari sa pagbisita ko kay Gavin.Pumikit ako at mahabang bumuntong hininga.It's okay Florence. You just need to calm down.Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at agad na dinial ang number ni Alea. Makalipas ang tatlong ring ay agad nya naman itong sinagot."Oh? Hello Florence! Kamusta? Nagustuhan ba ng asawa mo yung cake na pinagawa mo?" Masigla ang tono nyang tanong.Halatang kahit papaano ay excited sya na surpresahin ko si Gavin. Sayang nga lang dahil hindi na ito matutuloy."Alea hindi ba ako mabait na asawa?" Imbes na sumagot ay mas pin
Kinabukasan, dahil sa sobrang pagod ng katawan ko ay late na ako nagising.Mugtong-mugto parin ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi.I fell asleep I guess already passed midnight.Ni hindi na nga ako nakakain pa ng hapunan kaya agad kumalam ang sikmura ko pagkagising.Dali-dali akong bumangon mula sa kama at pumasok sa banyo para maghilamos. Tinali ko pataas ang buhok ko at nagmumog. Pagkatapos ay tinignan ko ang reflection ko sa salamin.I look so hopeless.Sino nga bang asawa ang walang ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak?Napailing nalang ako sa itsura ko at muling naghilamos tsaka malalim na bumuntong hininga.Alas nwebe na pala ng umaga.Nandyan pa kaya si Gavin?May trabaho sya ngayon kaya malamang ay nakaalis na sya.Napasabunot ako sa buhok sa naisip.May trabaho nga sya, pero anong ginagawa ko? Eto't gumising ng alas nwebe dahil sa napuyat kakaiyak.Kahit naman nag-away kami o kung away man nga ang tawag dun, kailangan ko paring gumising ng maaga para ipagluto at a