Share

Chapter 44

Hindi na ata matigil ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog. Bumukas ang higanteng pintuan ng simbahan at agad na sumalubong saakin ang mahabang red carpet na kailangan kong daanan.

Nakatayo sa kanan ko si mommy habang nasa kaliwa ko naman si daddy. May hawak hawak akong isang dosenang blue roses na napakagandang tignan.

Nakakakaba.

Hindi naman ito ang unang beses na ikakasal ako kay Gavin pero pakiramdam ko ay ito ang pinakauna. I spent my years thinking if one day, this dream would happen again for the second time, at ngayong nandito na nga ako ay wala akong ibang magawa kundi ang maiyak dahil sa tuwa.

Nagsimula na kaming humakbang sa may red carpet at kasabay nun ang pag tugtog ng isang instrumental sa loob ng simbahan.

Hindi pamilyar ang tugtog saakin pero masarap itong pakinggan sa tenga.

Lahat ng mata ng aming mga bisita ay nakatutok

saamin ngayon, lalong-lalo na saakin kaya mas lalong lumakas ang pag kabog ng puso ko.

Ganito pala ang pakiramdam na naglalakad ka sa gitna ng ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Imee Alvero Torres
kailan lalabas ang susunod..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status