HEATHER'S POINT OF VIEWTiniis ko ang init sa katawan, ang hingal at pawis. Pati ang hapdi at sakit ng pagkapaso ng aking balat dulot ng apoy na nakapalibot saakin. Hindi ako umimik o sumigaw para humingi ng tulong, bagkus ay tiniis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman. It's a good thing that I still manage to control his magic energy despites of the weakness of my body due to the fire around me. Parang hinihiwa din sa dalawa ang aking balat sa kamay dahil sa apoy ang ginamit na pang tali rito. Bukod pa roon, paulit-ulit din akong inuubo dahil sa usok na sanhi na gawa ng kanyang kapangyarihan. I can't even move my fingers to untie my hands. Perhaps, he literally make sure na, hindi talaga ako makakatakas at wala akong kawala.Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Kailangan kong magpokus sa gagawing hakbang upang makatakas sa piligrong ito. Pero bago pa man mangyari iyon ay bumalik sa aking isipan ang ala-ala ng aking nakaraan kung saan inabanduna ako ng aking mga magula
HEATHER'S POINT OF VIEW"CALLING THE ATTENTION OF MS. HEATHER BLAIRE ROSSI, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER'S OFFICE RIGHT NOW. AGAIN! CALLING THE ATTENTION OF MS. HEATHER BLAIRE ROSSI, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER'S OFFICE RIGHT NOW." Kasalukuyan kaming nagsasanay ng 'Archery' dito sa Elites practice room nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyan ni pinunong maestrong Humphrey. The Royal Elites practice room was indeed amazing. Punong-puno ito ng iba't ibang uri ng mga sandata na ginagamit sa pakikipag-laban at ang lawak pa ng nasabing kwarto. More likely like a gym to me. I roam my eyes around as I grip the bow and arrow on my hand. Abala ang lahat ng mga tao na nandito, pati na ang aming propesor ay abala din sa pagtuturo sa mga kaklase ko ng tamang pagamit ng mga sandata. "Bakit ka daw pinapatawag?" Kuha sa atensyon ko ni Zarxia para lang itanong iyan. Curiosity always hit her every time she was bored and have nothing to do to kill time. Nag abala pa s'yang lumapit dahil
SOMEONE'S POINT OF VIEW"Did I heard it right? Pupunta kang Royal Ball?" Ani ng isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran. Bumuntong-hininga ako bago inalog ang wine glass na hawak sa kamay. Napakunot-noo din ng makitang lumiwanag ulit ang marka sa noo ng babaeng mahimbing na natutulog sa gitna ng mga nagagandahang puting bulaklak sa hugis kabaong na bato. Ang pinagkaiba nga lang ay mas malaki pa ito kaysa sa totoong kabaong. Bukod pa roon, ang totoong kabaong ay may takip sa itaas pero sa kanya wala. Normal lang itong nakahimlay at mahimbing na natutulog na animo'y buhay s'ya at hindi namatay ng ilang taon na ang nakalipas. Bumuntong-hininga ulit ako bago umatras ng isang hakbang. Inimom ko na din ang huling laman ng aking baso at saka ulit ibinalik ang atensyon sa katawan ng babaeng nakahiga. Kanina ko pa pinagmamasdan ang kabubuan nito at kanina ko pa din napapansin ang lumiliwanag na marka sa kanyang noo."What does it mean?" Nalilitong tanong ng taong nagsalita kanina. Tinign
HEATHER'S POV "Patayin! Patayin!" Samu't saring hiyawan at sigawan ng mga tao ang maririnig mo sa loob ng street fighting arena. Kung saan pumapatay ang mga tao upang magka pera kapag sila ay nanalo. Tingin ng iba ay madaling trabaho lang ito pero hindi nila alam na buhay nila ang magiging kapalit kapag sila ay nasangkot na sa ganitong gawain.Isang ilegal na gawain kung saan legal ang pagpatay. Dalawang taong naglalaban upang isalba ang kanilang buhay sa loob ng ring. At mga taong pumupusta sa kung sino ang mananalo sa labas naman ng ring.What's new? Ano nga ba ang bago kapag napabilang ka sa mga taong katulad nila? O sa organisasyon nila? Bukod sa mawawala ang dati mong tahimik na buhay ay isang mamamatay tao ka pa. Pumupusta sila sa kung sino man ang malakas at pinapatay ang mahihina. Sino ba naman ang gustong matalo ang pusta nila? Siguradong wala. Kapag mahina ka, siguradong hindi ka dapat na mapabilang sa kanila. Dahil sigurado ako, ikaw mismo ang una nilang papatayin.
Huminga ako ng malalim bago s'ya malakas na siniko sa tagiliran. Pero mukhang inaasahan n'ya na ang galaw ko kaya mas lalo n'yang idiniin ang hawak na punyal. "Huwag mo ng subukang makawala." Ani nito. Ramdam na ramdam ko ang likidong dumadaloy sa aking leeg dahil sa ginawa n'ya. Mukhang sabik na sabik s'yang patayin ako. Nararamdaman ko rin ang kanyang marahas na paghinga mula sa aking likuran. "How did you know that it's me?" Kalmado kong tanong. Pasimple kong ikinilos ang kamay upang maramdaman ang dalang sandata na naka tago roon. Isang maliit na panuksok o mas kilala bilang pin sa buhok. Iyon lang ang dala kong armas dahil alam kong maaalarma ang mga tao dito sa loob ng arena kapag nagdala ako ng espada. Kailangan ko lang makakuha ng pagkakataon upang maitusok 'to sa kanyang puso. At sigurado ako hindi aabot ng ilang minuto ang buhay n'ya kapag nagkataon. Dahil hindi ito ordinaryong panuksok lamang, kundi may nakalagay rin ditong nakakamatay na lason. "Why would I answer t
SOMEONE'S POVNapaka-misteryosong nilalang. Paano n'ya nagagawang controlin ang mahika ng taong malapit sa kinaroroonan n'ya ng hindi kailan man nagsasanay? Sa tagal kong naka subaybay sa kanya ni minsan hindi ko s'ya nakitang gumamit ng mahika o maramdaman ang enerhiya ng kanyang mahika.Ito ba ang dahilan kung bakit binigyan ako ng tungkulin upang subaybayin ang bawat kilos at hakbang n'ya?May naiiwan na bakas ng dugo sa bawat hakbang na kanyang tinatahak. Ganoon pa man ay hindi ko rin maramdaman ang enerhiya ng mahika na nagmula sa kanyang katawan kundi ang naramdaman ko lang sa kanya ay ang enerhiya ng mahika ng 'Mafia Reaper' ng Rousseau Palace. Paano nangyare iyon?Nagawa n'yang itago ang enerhiya ng kanyang mahika habang kinokontrol at ginagamit ang enerhiya ng mahika ng iba upang maging kanya?Binabalak n'ya bang linlangin ang Ajin upang mapag kamalan s'yang bilang Ariz Sanch?Pero ako talaga ay nababahala sa isang bagay.Paano nagagawa ng nilalang na ito ang itago at contr
HEATHER'S POV"Lord Rousseau. Pati ang enerhiyang pantao n'ya ay hindi namin maramdaman." Rinig kong reklamo ng isa sa kanila. Sa isang malaking puno ako nakatago. Ilang kilometro ang distansya mula sa kanilang kinaroroonan. Nahihirapan akong gamutin ang aking sugat dahil sa lalim nito.Bukod pa roon, ang kapangyarihang nakuha ko sa taong healer na iyon ay mahina lamang. Kaya iyon rin siguro ang dahilan kung bakit mabagal ang proseso sa paglunas ng aking sugat. At kapag hindi pa ako gumaling sa loob ng ilang minuto ay baka maabutan nila ako.At hindi iyon maaring mangyari. Kayakailangan kong maka hanap ng paraan para makatakas sa kanila. "Bakas ng dugo." Rinig kong ani ng isang tinig. "Bakas ng kanyang dugo. Malalim ang sugat na aking ibinigay sa kanya. Kaya alam kong hindi pa s'ya nakakalayo sa mga oras na ito. Sundan n'yo ang bakas ng kanyang dugo. It may lead us to her." Crap.Anong karapatan n'yang magsalita tungkol saakin? Nasa ilalim pa s'ya ng aking kapangyarihan. Kung tan
HEATHER'S POINT OF VIEW"Nakuha ng kanyang sinabi ang aking atensyon kaya napahinto ako sa paglalakad at napabaling sa kanya."Let me repay you in the future." Wala sa sariling sambit ko. Maybe it was not intentional but he did save me from those Ajin's.At hindi ko rin maaring ipahalata na interesado ako sa sinabi n'ya. Kung ano man ang misteryosong nababalot sa mundong ito, ay ako na mismo ang tutuklas roon. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. Mukhang hindi n'ya naintindihan ang aking ipinahiwatig.Pero kalaunan ay lumapit ito saakin at hinawakan ako sa tagiliran. Seryoso at blanko ang ekspresyong makikita mo sa kanyang mukha. I cannot even read his mind."Is that so? Kung ganoon ay papatayin na lang kita para wala ka ng babayaran pa." He said cold as an ice. Then few minutes later, I just found my body being stab by his sword. Napaubo ako ng dugo dahil sa kanyang ginawa at napa hawak na rin sa kanyang batok upang suportahan ang aking katawan.He's fast. Totally