Share

Unknown Power of the Destined
Unknown Power of the Destined
Author: Cloud_Senyorita

CHAPTER 1 : Ariz Sanch

HEATHER'S POV 

"Patayin! Patayin!" 

Samu't saring hiyawan at sigawan ng mga tao ang maririnig mo sa loob ng street fighting arena. Kung saan pumapatay ang mga tao upang magka pera kapag sila ay nanalo. 

Tingin ng iba ay madaling trabaho lang ito pero hindi nila alam na buhay nila ang magiging kapalit kapag sila ay nasangkot na sa ganitong gawain.

Isang ilegal na gawain kung saan legal ang pagpatay. 

Dalawang taong naglalaban upang isalba ang kanilang buhay sa loob ng ring. At mga taong pumupusta sa kung sino ang mananalo sa labas naman ng ring.

What's new? 

Ano nga ba ang bago kapag napabilang ka sa mga taong katulad nila? O sa organisasyon nila? Bukod sa mawawala ang dati mong tahimik na buhay ay isang mamamatay tao ka pa. Pumupusta sila sa kung sino man ang malakas at pinapatay ang mahihina. 

Sino ba naman ang gustong matalo ang pusta nila? Siguradong wala. 

Kapag mahina ka, siguradong hindi ka dapat na mapabilang sa kanila. Dahil sigurado ako, ikaw mismo ang una nilang papatayin. 

But if your clumsy enough, because of your curiosity. Then atleast learn how to fight for your life and not to be killed. 

Pero sinasabi ko sa 'yo. Hindi mo maiiwasan ang kamatayan lalo na at ikaw mismo ang habol nito. 

"Ano ba 'yan! Ang hina hina ng pinag pinustahan ko! Natalo tuloy ako. Putanginang buhay 'to." rinig kong reklamo ng isang taong malapit sa kinaroroonan ko. 

Napa tingin ako sa kanya. 

I didn't know the match was already ended. 

Lihim ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Sigurado naman ako na hindi n'ya pa ako napapansin dahil nasa madilim na parte ako ng arena. 

"Bakit pre? Hindi mo na 'yon mapapatay dahil patay na." Segunda naman ng taong malapit sa kanya. Pareho silang may scorpion tattoo sa kamay, malalaki ang mga katawan, at mga taong naka maskara. Tanging ang mata lang ang makikita mo sa kanilang mukha. 

Kung tama ang hinala ko, sila ang 'Scorpion Blood Gang'. Isa sa mga gang na kalaban ng Shadow's Empire Organization kung saan ako nagtatrabaho. 

Alam kong wala pa sila sa mga listahan na papatayin ko. Kaya, hahayaan ko muna silang huminga at mamuhay. 

Pero sa susunod na magtagpo ulit ang mga landas namin, tatanggalin ko na sila ng hininga.

"Nabalitaan n'yo na iyong Eclipse?" 

Bulong ng isa nilang kasamahan na nag pa balik ng atensyon ko sa kanila. 

"Bakit? 'yong assassin na wala pang nakakaalam kung saan s'ya na papabilang na oranisasyon?" 

"Oo! Pinatay lahat ng myembro ng Cortez Association! Pati ang mga pinuno nila, lahat! Walang tinira." 

"Seryoso kaba? Limang organisasyon na ang napapawala n'ya sa mapa. Idagdag mo pa d'yan ang Cortez Association." 

Gulat na tanong ng taong narinig kong nagreklamo kanina. 

"Ibig sabihin! Anim na organisasyon na ang binura n'ya sa rankings ng underground organization." 

Ang underground organization ay isang malaking organisasyon sa buong mundo kung saan binubuo ng mga iba't ibang organisasyon ng mga mafia, gangsters,mafia reapers, assassins, spies at iba pa. Specifically speaking, sila ang humahawak sa mga iba't ibang organisasyon dito sa mundo. Kabilang na doon ang Shadow's Empire kung saan ako nagtatrabaho. 

Sa Underground Organization ay binubuo ito ng rankings. At nangunguna ang organisasyon namin. 

At tama ang sinabi nila, binubura ko talaga sa rankings ang mga bagay o tao na magiging banta sa plano ng organisasyon na pinagtatrabahuan ko. 

I kill without mercy. 

Iyon ang papel ko sa mundo, ang pumatay. 

Pinapatay ko ang lahat ng humahadlang sa dinadaanan ko. Without them knowing who i was or who is the one who killed them. At dahil doon, mapupunta sila sa hukay na hindi nakikilala ang pumatay sa kanila. 

Dahil sa katotohanan n'yan. Walang nakakaalam ng tunay kong mukha o ng tunay kong pagkatao. 

Bukod sa nag babalatkayo ako tuwing nagaaral, naka maskara din ako kapag nagtatrabaho sa gabi. 

They also knew me as an deadliest assassin. Dahil sa lahat ng mga mission na nagawa ko na, lahat walang pumapalya.

Pumatay kung pumatay. 

Ni hindi ko na mabilang kung ilang buhay na ang kinitil ng espadang lagi kong ginagamit upang pumatay. At simula noong naging mamatay tao ako, hindi ko namalayan na kabilang na din pala sa mga pinatay kong buhay. 

Ay ang dati kong pagkatao. 

Nang mapansin kong paalis na ang pangkat ng Scorpion Blood Gang ay lihim akong napa buntong hininga.

Mukhang kumalat na ang balita tungkol saakin kaya mas kailangan kong mag dobleng ingat ngayon.

Naikuyom ko ang kamay habang kinakalma ang sarili. Hindi sila ang pakay ko kaya maaaring huwag ko muna silang galawin. 

'ARIZ SANCH' 

S'ya ang pakay ko ngayong gabi. Isang mafia reaper ng Rousseau Palace. 

Her existence was a threat to our Organization. Kaya hanggang maaga pa, kailangan n'ya ng mawala sa mundo. 

"Ang boring naman ng laban ngayong gabi." 

"That's right, the girl was weak." 

"Kung alam ko lang, sana hindi na ako nag abala pang pumunta." 

"Ako rin. Nagsayang lang ako ng oras dito! Kung sana natulog na lang ako sa bahay ng may napala pa ako." 

Rinig kong bulungan ng mga taong papalabas na sa arena. 

Mukhang hindi nila nagustuhan ang laban. 

Napatingin ako sa aking bisig upang tignan ang saktong oras na lalabas s'ya ng arena. Kailangan ko ng ihanda ang sarili. 

I need to moved fast and clean. Para maka pag pahinga na rin ako. 

Naiinip na ako sa pag mamasid ng mga taong lalabas mula sa loob nitong arena. At wala pa rin ang taong pakay ko.

Hanggang sa, dumaan na ang ilang minuto at lumabas na rin ang lahat ng tao sa loob ng arena. Dahilan ng ikina kunot ng aking sintido. 

Tama naman ang lokasyong ibinigay saakin ngunit, bakit parang wala dito ang pakay ko? 

Hindi ito maaari. 

Naramdaman n'ya ba na mamamatay s'ya ngayong gabi? Or did someone tip her?

Kung oo, Sino? 

Napangisi ako. 

Lumabas ako sa madilim na parte ng arena. At kung tama nga ang tantya ko, alam n'ya na may namamatyag sa kanya ngayong gabi. 

"Akala ko hindi ka na lalabas r'yan."

Kagaya nga ng inaasahan ko.

And i did underestimated her ability.

"Ang isa sa mga kinakatakutang assassin ng Underground Organization ay nasa harapan ko ngayon. Habang ang aking matulis at matalim na punyal ay nasa kanyang leeg."

"At dahil nasa harapan kita ngayon, isa lang ang ibig sabihin noon. Ipinadala ka upang patayin ako."

Not bad.

Keen and smart.

Mabilis rin kumilos.

Ang problema lang, minaliit n'ya ang kakayahan ko.

Na sana hindi n'ya ginawa.

But how did she know that it's me?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status