Share

CHAPTER 3 : The Ability of her Power

SOMEONE'S POV

Napaka-misteryosong nilalang.

Paano n'ya nagagawang controlin ang mahika ng taong malapit sa kinaroroonan n'ya ng hindi kailan man nagsasanay? Sa tagal kong naka subaybay sa kanya ni minsan hindi ko s'ya nakitang gumamit ng mahika o maramdaman ang enerhiya ng kanyang mahika.

Ito ba ang dahilan kung bakit binigyan ako ng tungkulin upang subaybayin ang bawat kilos at hakbang n'ya?

May naiiwan na bakas ng dugo sa bawat hakbang na kanyang tinatahak. Ganoon pa man ay hindi ko rin maramdaman ang enerhiya ng mahika na nagmula sa kanyang katawan kundi ang naramdaman ko lang sa kanya ay ang enerhiya ng mahika ng 'Mafia Reaper' ng Rousseau Palace.

Paano nangyare iyon?

Nagawa n'yang itago ang enerhiya ng kanyang mahika habang kinokontrol at ginagamit ang enerhiya ng mahika ng iba upang maging kanya?

Binabalak n'ya bang linlangin ang Ajin upang mapag kamalan s'yang bilang Ariz Sanch?

Pero ako talaga ay nababahala sa isang bagay.

Paano nagagawa ng nilalang na ito ang itago at controlin ang enerhiya ng kanyang mahika sa loob ng napakaraming taon? At makihalubilo na parang isang normal na mortal?

Misteryosong mukha.

Misteryosong pagkatao at misteryosong kapangyarihan.

Misteryosong nilalang. Ano ang iyong tinatago sa likod ng kalmado at napaka delikado mong pagkatao?

~~~~

HEATHER'S POV

It was raining in the middle of the night.

And I was running.

Running to save my damn life.

Hinihingal akong tumatakbo sa malawak at masukal na kagubatan kung nasaan ako ngayon. Matapos ang nangyaring enkwentro sa loob ng arena kanina. Ay nagawa kong gumawa ng maliit at matulis na armas na gawa sa yelo na kapangyarihang pagmamay-ari ni Ariz. At mabilis iyong isinaksak sa mata ng Ajin. Isang delikadong hakbang ngunit hindi ako maaring mamatay sa kanilang kamay, hindi maari.

Kalamangan na din saakin dahil nasa ilalim pa ng aking mahika ang babaeng iyon, kaya nagagawa ko ang mga bagay at nais kong gawin sa kanyang kapangyarihan. Bukod pa roon, sa tantya ko ay nanghihina na rin ang kanyang katawan kaya hindi na niya magawang manlaban.

Ang problema lang ay ang Ajin na humahabol sa akin at kung paano ako makakatakas sa kaniya.

Buti nalang at hindi nila inasahan ang aking gagawin kaya mabilis akong nakawala sa kanilang kamay. Mabilis din akong nabitiwan ng Ajin dahil natataranta ito kung paano isalba ang kanyang mata. Hindi na rin nagawang pumalag ng babaeng iyon dahil sa panghihina ng kanyang katawan.

Ang hina rin ng mahikang pantao n'ya, ni hindi n'ya magawang tumagal sa ilalim ng aking kapangyarihan.

Pero mabuti na iyon.

Gusto ko s'yang mamatay. Kung hindi ko man magamit ang armas na aking dala sa babaeng iyon ay papatayin ko s'ya gamit ang aking kapangyarihan.

Napa balik ako sa reyalidad nang sumidhi ang kirot sa sugat na aking natamo. Napa hawak ako sa aking sugat dahil sa naramdaman.

Mahigpit kong hinawakan ang dibdib at tagiliran upang maiwasan ang pagdaloy ng dugo mula roon. Habang pinipilit rin ang mga paang humakbang upang maka takbo pa ng tumakbo.

Ngunit parang hindi na kaya ng aking katawan kaya napa upo na lamang ako sa malamig at maputik na lupa habang habol ang ang aking hininga.

Nang kumalma na ang sarili ay tahimik akong nagmamasid sa paligid. Lumipat na rin ako ng pwesto kung saan hindi ako madaling makita.

Kailangan kong magtago para hindi ako madaling makita ng Ajin na iyon. At upang magkaroon na rin ng sapat na panahon upang gamutin ang sugat na aking natamo.

Sa malamig na panahon dulot ng malakas na ulan ay sinimulan kong ipunin ang enerhiya ng aking mahika upang lunasin ang mga sugat sa aking katawan.

Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako. Pero simula nung nalaman ko na hindi ako normal na tao ay sinumulan kong magsaliksik tungkol rito.

Hindi ko man sinanay ang sarili ngunit nagawa ko itong aralin ng patago.

Nakakaya kong palakasin, pahinain at controlin ang kapangyarahin ng iba at gawin ang mga nais kong gawin sa kanilang kapangyarihan.

Bukod pa roon na kakaya ko ring controlin at itago ang enerhiya ng aking mahika sa loob ng mahabang panahon at makihalubilo sa normal na tao na para akong isang ordinaryong mortal.

At napagtuklasan ko rin na ang aking kapangyarihan ay may kakayahang kuhanin ang kapangyarahin ng iba at gawin ito na maging pagmamay-ari ko.

Katulad nalang ngayon.

Nagagamit ko ang kapangyarihang nakuha ko sa isang taong healer na aking naka tagpo ilang taon na ang nakalipas. Alam kong mahina ang kanyang kapangyarihan ngunit napagtanto ko na mapapakinabangan ko ito. Iyon na rin ang dahilan kung bakit ko naisipang kuhanin ang kanyang kapangyarihan kahit na ikakamatay n'ya pa ang aking ginawa.

Bukod pa roon. Nagagawa ko rin na kumilos at gumamit ng kapangyarihan habang tinatago ang enerhiya ng aking mahika.

Ibig sabihin. Nakakaya kong gumamit ng kapangyarihan na walang naiiwang bakas. Kaya walang sino man ang maghihinala sa akin at walang makakaalam ng tunay kong pagkatao.

"Narito lang s'ya. Hindi pa iyon nakakalayo. Kailangan n'yo s'yang hanapin at dalhin saakin. Naiintindihan n'yo? Napukaw ng babaeng iyon ang aking atensyon. Kaya gusto kong pagaralin ang kanyang kapangyarihan." Sabi ng tinig na nagmula sa kung saan.

Mahika. Malakas na mahika.

Limang Ajin.

Ito pala ang pakiramdam pag ikaw ay naging isang Ajin. Mararamdaman mo ang enerhiyang mahika ng kapwa mo Ajin. Mabuti at naisipan kong gamitin ang kapangyarihan nito nang sa gayon ay malalaman ko ang galaw at hakbang ng kapwa katulad n'ya.

"Hindi namin maramdaman ang enerhiya ng kanyang mahika. Mukhang naka layo na ang babaeng iyon. Lord Rousseau."

Lord Rousseau?

"I wanted an results, not your compliants." Estriktong ani ng maawtoridad na boses.

Rousseau Palace.

Lord Rousseau.

Lord?

S'ya ba ang kinakatakutang mafia king ng Underground Organization?

Mahika ng isang Ajin ang nararamdaman ko sa enerhiya n'ya. Isa lang ang ibig sabihin nito, isa rin s'ya sa kanila.

At tama ba ang aking narinig?

Gusto niyang pag aralan ang aking kapangyarihan?

"Masusunod, Lord Rousseau."

Kailangan kong magingat. Hindi nila ako pwedeng mahuli, sapagkat sa lagay ng aking katawan ngayon. Hindi ko pa sila kayang labanan.

"I wanted her power. At gagawin ko ang lahat upang makuha ang kanyang kapangyarihan."

Damn it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status