Share

CHAPTER 2 : The Appearance of Ajin

Huminga ako ng malalim bago s'ya malakas na siniko sa tagiliran. Pero mukhang inaasahan n'ya na ang galaw ko kaya mas lalo n'yang idiniin ang hawak na punyal. 

"Huwag mo ng subukang makawala." Ani nito. Ramdam na ramdam ko ang likidong dumadaloy sa aking leeg dahil sa ginawa n'ya. 

Mukhang sabik na sabik s'yang patayin ako. 

Nararamdaman ko rin ang kanyang marahas na paghinga mula sa aking likuran. 

"How did you know that it's me?" Kalmado kong tanong. Pasimple kong ikinilos ang kamay upang maramdaman ang dalang sandata na naka tago roon. Isang maliit na panuksok o mas kilala bilang pin sa buhok. 

Iyon lang ang dala kong armas dahil alam kong maaalarma ang mga tao dito sa loob ng arena kapag nagdala ako ng espada. 

Kailangan ko lang makakuha ng pagkakataon upang maitusok 'to sa kanyang puso. At sigurado ako hindi aabot ng ilang minuto ang buhay n'ya kapag nagkataon. Dahil hindi ito ordinaryong panuksok lamang, kundi may nakalagay rin ditong nakakamatay na lason. 

"Why would I answer that." Sarkastiko n'yang sagot sa aking tanong bago humalakhak. 

"Simply because, gusto ko munang malaman kung sino ang traydor sa organisasyon namin bago ako mamatay." Walang buhay kong sagot sa kanya. Naramdaman kong kumilos ang kaliwang kamay n'ya paibaba sa tagiliran ko. 

Anong binabalak n'yang gawin? 

"Poor you. So, tatanggapin mo nalang ang iyong pagkatalo? Nakakaawa ka." Para akong nabingi sa kanyang salitang sinambit nang maramdaman ko ang kanyang pagsaksak sa aking tagiliran. 

She did it not once but twice. 

"Hindi ko alam na ganito ka pala kahina." Sambit n'ya upang maikuyom ko ang aking kamay. 

Hindi. 

'I'm not weak, you just underestimated me' ani ko sa isipan. 

Ipinikit ko ang mga mata at saka huminga ng malalim. Hindi ko sana ito gagawin pero, naiwala na n'ya ang konting pasensya na ibinigay ko sa kanya. 

Sa pagpikit ng aking mga mata ay may naramdaman akong malakas na enerhiya mula sa katawan ko. Alam kong hindi rin s'ya ordinaryong mortal lamang, dahil simula palang ng pagpasok ko sa loob nitong arena kanina ay may naramdaman akong enerhiya ng mahika mula sa kung saan. At doon ko na rin na kompirma na s'ya nga ang nagmamay-ari noon nang hinawakan na n'ya ako. 

Dahil kung kanina ay mahina lamang dahil magkalayo pa kami sa isa't isa. Ngayon ay malakas na dahil magkalapit na ang aming katawan. 

Normally, I kill without using my ability except this one. 

Dahil hindi rin s'ya normal na tao. 

Nang inimulat ko ang mga mata ay naramdaman kong nag-iba ang enerhiya ko. Mula sa enerhiyang pantao hanggang sa napalitan ito ng enerhiyang pang mahika.

Dahil rin sa gulat ng taong nasa likuran ko ay nabitawan n'ya ang hawak na punyal. 

"H-hindi ka ordinayong tao." Gulat na ani nito dahilan ng ikinangisi ng aking mga labi. 

"Yes, Ariz Sanch. And you know what's more surprising?" Kalmado kong tanong kahit sa kaloob-looban ko ay nangangati na akong pumatay. 

She stepped back, eyes widened in shock. Alam kong naramdaman n'ya rin. Kaya mas lalo akong napangisi kahit alam kong hindi n'ya iyon nakikita dahil sa suot kong maskara. 

My power started to possessed her power. At dahil roon, malalaman at malalaman ko ang lahat ng galaw ng kanyang katawan. 

The ability to use the power of Ice ha? Hindi na masama. 

Hinawakan ko s'ya sa kamay at naramdaman ko rin ang panlalamig n'ya. Ni hindi n'ya namalayan na hinawakan ko s'ya. 

"I can also control yours." Dagdag ko sa una kong sinabi. Ni hindi na s'ya maka galaw o makapag salita man lang dahil sa ginawa ko. 

At dahil roon ay sinimulan ko ng galugarin ang kapangyarihan n'ya. 

Pinalakas ko ang temperatura ng yelo sa katawan nito dahilan kung bakit hindi na s'ya makakahinga ngayon. Pero ang puso n'ya ay tumitibok pa. Tanging iyon na lang ang pagasa n'ya upang mamuhay. 

"Nakalimutan kong sabihin na, huwag na huwag mo akong maliitin. Naiintindihan mo?" Bulong ko sa kanya. Pinahina ko ang temperatura ng yelo sa katawan n'ya upang magkaroon s'ya ng pagkakataon na magsalita. 

Nang matauhan ito ay naramdaman kong kikilos s'ya upang makatakas kaya minabuti kong higpitan ang hawak sa kanyang kamay. 

"I. Command. You. To. Speak." Malamig pa sa yelong utos ko sa kanya. Pero, imbes na sagutan ako ay binigkas n'ya ang mga katagang ayaw na ayaw kong marinig sa isang tao. " I-isa kang, h-halimaw." Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamay dahil sa narinig bago pinalakas ulit ang kapangyarihan n'ya laban sa kanyang katawan. Kinuha ko na rin ang dalang panuksok upang itusok ito sa kanyang puso.

"Wrong answer." Kalmadong tugon ko sa kanyang sinabi bago itinurok ang hawak na panuksok sa kanyang puso.

Pero bago ko pa magawa iyon ay napa ubo ako ng dugo nang maramdaman ang kirot at hapdi na nagmula saaking dibdib. Gulat akong napahawak doon dahil sa naramdaman. 

"S-surprise." Sarkastikong ani ng taong nasa aking harapan. "N-nakalimutan k-kong sabihin na hi-hindi pala a-ako nag-iisa." Utal utal n'yang dagdag sa una n'yang sinabi bago humalakhak na animo'y nanalo s'ya sa isang laban.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi dahil ang atensyon ko ay nasa sa aking dibdib.

Isang matulis na bagay ang nakasaksak roon na nagmula sa kamay ng isang,

Ajin?

Imposible.

Ajin is a demi-Human immortal. They look exactly like normal people, but the only things separating them from the other human being is the fact that they can generate Invisible Black Matter, or IBM, within their bodies.

And Invisible Black Matter are the main source of an Ajin's powers. Ang IBM ay hindi makikita ng normal na tao o ng kahit na sino mang may mahika unless ay isa ka rin sa kanila.

Pero paano nangyari ito?

Akala ko ay isa lamang silang kathang isip na nababasa sa libro. Sinong magaakala na namumuhay sila kasama ang normal na tao?

Napa balik ako sa reyalidad ng muli nitong hinablot ang matulis na bagay na nakaturok saakin.

I was out of focus because of shock. 

Hindi ito maaari. 

Kailangan kong lumaban.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status