Share

kabanata 3: Ang paghaharap.

Sheena POV 

Bago ko pinaalis ng mga pulis sinabihan nila kung pwede raw akong kumuha ng abogado para sa kaso ko at babalik raw ako next week para sa unang hiring.

Wala pa kung pera ngayon,dahil natanggal nako sa trabaho ko,kaya ano naman ang ibabayad ko sa abogadong sinasabi nila.

Hindi ko alam kung papaano ko nakauwi dahil wala ako sa sarili ko

"Anak ko! Sheena bakit ang tagal mo sa presento at bakit ka nila isinama roon? ano bang nangyare!?" 

kitang kita ko sa mga mata ni mama ang labis na pag aalala at ayaw na ayaw kong nakikita iyon.

"Mama relax wala pong nangyayare may pinuntahan lang po ako kaya ako natagalan at meron lang po silang tinanong sakin"

kahit maraming gumugulo sa isipan ko nakuha ko paring magsinungaling iniisip ko palang na makukulong ako ay naiiyak nako pero kailangan kung maging matatag para hindi mag alala si mama.

"Anong klaseng mga tanong naman ang itatanong nila saiyo,meron kabang ginawa ah?"

Nag aalala paring tanong ni mama.

"Ikaw talaga ma,wala na po kayo don,tsaka simpleng tanong lang naman yung mga tinanong nila,at wala po akong ginawa kaya tama na po sa tanong!"

Hinawakan ko ang mga kamay niya at niyakap ito para kumalma.

"Ganon ba nak!,wala bang masakit sayo,wala ba silang ginawa sayo ah?" 

Hayst si mama talaga,ganitong ganito siya kapag may nangyayari saakin eh,kaya nga doble ang pag iingat ko dahil kapag nag aalala ito ay sobra sobra.

"Oo nga po,wala naman po silang ginawa sakin eh! kaya ngumiti na po kayo dyan pumapanget ka na oh!"

Nakangiti ko ng sabi sa kaniya,at niyakap ulit ito,at h******n sa mga makikinis nitong pisngi.

"Ikaw talaga,oh sya mag ayos kana at ipagluluto kita ng paborito mong bicol express!"

masayang turan ni mama,na ikinagaan ng loob ko dahil parang naniwala na ito.

" Mama gusto ko po na palagi kayong maganda tulad ko kaya dapat lagi lang tayong nakangiti,salamat ma ah,sa lahat lahat,basta po kahit anong mangyari mahal na mahal po kita,hinding hindi po kita iiwan tulad ng ginawa satin ni papa!"

"Oo na po mahal kung anak ayaw kung mag iyakan tayo dito kaya maiwan na kita at ipagluluto pa kita,diba!?"

kapag nababanggit ko si papa sa usapan palagi si Mama na umiiwas,hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit niya kami iniwan kaya ganon nalang kalaki ang galit ko sa ama ko mahal na mahal ko c mama,simula nong iniwan kami ni papa 5yrs old palang ako non si mama na ang naging ama't ina ko hindi nya sakin pinaramdam na hindi nya ko mahal at wala akong ama kaya iniisip ko palang na makukulong ako at iiwan sya ay natatakot ako pinangako ko sa sarili ko non na hindi ko iiwan si mama tulad ng pag iwan ni papa ayaw ko  ng marinig, makita syang umiiyakk.

Lord plesss help me tulungan nyo po ako.

Habang papalapit ng papalapit ang hiring ganon din ang takot at kabang nararamdaman ko.

Pilit ko paring nililibang ang sarili ko pero kahit anong gawin ko di pa rin matanggal sa isipan ko na makukulong ako lalo na kapag naaalala ko ang disperadong pagmumukha nong lalaki na iyon,gustong gusto talaga nila kung ikulong at alam ko na kahit anong paliwanag ang sabihin ko ay wala lang sakanila.

Kaya naman tumawag ako sa presento at tinanong ko kung saang hospital ung sinasabi nilang nasaksak ko at nobyo nito,sinabi naman nila sakin kaya pinuntahan ko kaagad

.

Nanginginig ang mga paa ko habang patungo sa kinaroroonan ng mga ito,pero dahil wala naman akong kasalanan ay naging malakas ang loob ko,marami ng gustong manakit sakin pero hindi yon nangyayari dahil matapang ako at hinding hindi ako nagpapabaya na apihin at saktan lang ng kung sino lang.

Gino POV 

Pitong araw ko ng binabantayan ang fiancee ko pero Hindi parin sya nagkakamalay,malala ang pagkakasaksak sa kanya sabi nong doctor pwede raw ikamatay ni Cindy ang mga tamang natamo nya,hindi ko parin maisip na dahil lang sa gabing iyon ay mawawala ang anak namin sana ng fiancee ko at ngayon ay nasa kritikal sya.

Ako si Gino Fernadez Montejero,isang lalaki na gagawin ang lahat huwag lang masaktan ang mga mahal sa buhay.

at ako rin ang pinamanahan ni papa ng kompnya kahit hindi ito ang gusto ko ay wala akong magagawa,

alam ko na ito ang matagal ng gustong makuhan ni Ethan,pero hindi nya nakuha,kaya alam kung dagdag na naman ito sa galit nya saakin.

tot,toth

Kinuha ko kaagad ang cp ko at c Ethan may senend syang picture ng isang babae.Napakunot bigla ang noo ko. 

*Kuya yan ang babaeng sumaksak kay Cindy at sya rin ang kumuha ng pera c Sheena Ramos,sya ang babaeng nasa cctv

Habang binabasa ko ang mensahe ni Ethan ay nang didilim ako sa sobrang galit,

"Sir Gino"..tawag sakin ni Ryan na driver ko.

"Bakit?"

Kunot noong sagot ko.

"Meron pong naghahanap sayo!"

diretsong sagot nito.

"Pwedeng bang wag kang magpaligoy ligoy pa at sabihin mo na agad!"

Sigaw kung sabi sa kaniya.

"Sheena Ramos daw po"

Diretso naman agad niyang sinagot.

Nagpanting ang tenga ko sa pangalang binanggit ng driver ko,dali dali akong lumabas at nakatayo nga sya paglabas ko,napakakapal naman ng bababeng ito at nagpakita pa saakin matapos niyang gawin saamin lahat ng ito.

Nandilim agad ako sa pagmumukha nya kaya hindi ko na namalayan na sinasakal ko na pala sya.

"ahhh na sash~aktan akoh pu~mun-tah ko retohh.~!".

"Sir tama na po nasasaktan na sya!"

naawang sabi ni Ryan,at nakahawak pa ito sa mga braso ko.

"Pwede ba, manahimik ka dyan kung ayaw mong matanggal sa trabaho!"

Sabi ko habang hindi parin tinatanggal ang mga kamay ko sa leeg ng babaeng walang kasing sama.

Hindi lang si Ryan  ang nagtangkang umawat sakin pati narin ang mga doctor at nurse.

"Sir nakaka istorbo na po kayo sa mga pasyente pwede nyong ituloy yan sa labas wag lang dito!"

may diing sabi ng isang matandang doctor.

Wala akong pakialam ngayon kung sino man ang maiistorbo ko basta sa ngayon gusto kung patayin ang babae nato!

"Sinabi ng tama nayan!"-buong lakas akong inilayo ng kung sino man sa babaeng naghihingalo na dahil sa pagkakasakal ko,oh ubo ubo siyang nakahawak sa leeg!

"Ang kapal ng mukha mong pumunta pa rito,dapat sayo nasa kulungan na sa mga oras nato!"

sigaw ko sa kanya nagagalit talaga ko sa pagmumukha nya,lalo pat pinatay nya ang anak ko

"Pumunta ko rito para kausapin ka,kahit alam ko na kung ano ang magiging reaksyon mo pumunta parin ako,dahil hindi ko ginawa ang mga ibinibintang nyo saakin!"-dire diretso nyang sabi,at parang ako pa ang may kasalanan.

"HAHAHA at anong pag uusapan natin ah na wag kung ituloy ang kaso mo,pinatay mo ang magiging anak sana namin,at ngayon nasa kritikal ang buhay ng asawa ko dahil dyan sa pagiging mukha  mong pera,okay sana kung pera yung kinuha mo pero dapat hindi muna sinaktan si Cindy"

hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at nasampal ko na sya,wala akong pakialam kung babae pa sya,ayaw kung nananakit ng babae pero sa ngayon handa nakong pumatay lalo na ang babaeng ito.

"Oo dahil wala akong kasalanan,hindi ko kayang pumatay,inosente ko,kaya kahit patayin mo pako! hinding hindi mo parin napatay ang gumawa nito sa mag ina mo!".nakuha nya pang sigawan ako talagang sinusubukan ako ng babaeng to,talagang inuubos niya ang galit ko sa katawan ko.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo,hindi ako naniniwala sa mga kasinungalingan mo,sisiguraduhin ko sayo na makukulong ka!

,luma na sakin ang pagsisinungaling kaya naman ihanda muna ang sarili mo dahil hinding hindi ka makakalusot kahit saan ka pa magtago hahanapin kita at sisiguraduhin kung hindi muna makikita ang araw at buwan dahil mabubulok ka sa kulungan!"

napigilan ako ng mga kasamahan ko kaya hindi ko nahablot ang buhok nya,gustong gusto ko talaga syang patayin sa mga kamay ko  sa oras na ito.

"Hindi ko inaasahan na maniwala ka sakin pumunta ko rito para kausapin ka ng maayos pero nagkamali ako,hindi ako magtatago kung saan man dahil hindi ako natatakot sainyo,hindi ko ginawa ito,kaya bibigyan kita ng payo,sabihin mo sa kapatid mong prosecutor ayusin nya ang trabaho nya,at ikaw huwag ka puro salita lang,kung ako sayo kikilos nako ngayon para makita,kung ano talaga ang totoong nangyari at baka meron kang maalala man lang sa mga nangyari nong gabing iyon!"

Wawasakin ko pa sana ang pagmumukha niya pero agad din itong umalis pagkatapos niyang sabihin ang mga walang kwenta niyang sinasabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status