Share

Kabanata 6

Sheena POV 

Nalaman na ng mga kasama ko sa selda na buntis ako tulad ko nagulat den sila at maraming  tanong na puro kasinungalingan lang ang isinasagot ko,pero ramdam ko parin ang sakit ng buo kung katawan dahil ako nalang palagi ang pinagbubuntungan ng galit ng Lorna na iyon,maraming gustong tumulong saakin pero mas madami ang tauhan nito.

"Sinong ama ng ipinag bubuntis mo,~?"

seryosong tanong ni Linda.

"Patay na,kaya kung pwede sana huwag na po kayo ng magtanong pa dahil ayaw ko ng isipin pa ang lalaking iyon!"-yan ang lumabas sa bibig ko.

"Kung ganon mag isa mo lang syang palalakihin? at dito pa sa kulungan?!"

pag aalalang sabi niya.

"Oo wala naman akong magagawa eh kung meron lang e d sana noon ko pa nagawa na makalabas rito,kung meron lang sanang pwedeng takasan dito ay matagal nakong umalis sa impyernong buhay nato!"-naiiyak kung sabi.

Oo kaya kung palakihin ang anak ko ng walang ama..mas mabuti ng wag akong umasa na meron syang ama dahil sigurado kung Hindi sya maniniwala sakin na sya ang ama ng dinadala ko..kung kinaya ni mama na palakihin akong mag isa ay kaya ko rin un magiging amat ina ko ng anak ko kaya doble doble ang tapang na nararamdaman ko..

At sigurado rin ako na ang lalaking iyon ay wala man lang ka alam alam na may babae siyang ikinama dahil wala siyang kwenta,hindi niya deserve na malaman na magkaka anak sya at ako ang magluluwa nito.

Marami ng gustong tumangkang pumatay sakin reto pero d ako lumalaban dahil kung eto lang ang paraan para makakuha ako ng parol ay kaya kung magtiis

Palagi nalang may hiwa ng kutsilyo ang katawan ko dahil sa Lorna na iyon kung sino sino ang inuutusan nito pero alam kung may nag uutos dito na gawin to sakin dahil wala naman akong ginagawang masama kay Lorna kaya bakit niya ito gagawin.

"Sheena Ramos may dalaw ka!"

Nabigla ako sa narinig ko,matagal tagal narin ako rito pero wala pang dumadalaw sakin.

"Ngayon lang may dumalaw sayo ah,baka yan na ang ama ng ipinagbubuntis mo!?"-nang aasar na sabi ni Linda

"Hindi,patay na nga eh sinabi ko na sayo yon kaya maniwala ka naman sakin,baka si mama~!"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maalala ko si mama,sobrang namimiss ko na si mama,matagal nakong walang balita sa kaniya,Sana talaga si mama ang dalaw ko.

  

Pero nawala ang pagkasabik ko ng makita ko si Shammel

"Bakit ngayon kalang nagpakita?  ikaw ba ang may gawa non ah Shammel? ikaw ba!?"

kung wala lang ako iniingatan na record ay kanina ko pa  inginudngud ang pagmumukha nya sa kinatatayuan niya ngayon.

"Oh isa isa lang ang tanong baka maguluhan ka sa isasagot ko!"

Nakangising sabi niya

Sa mga kilos nya parang hindi na sya ang kaibigan kung tinuring ko ng isang tunay na kapatid halos sampung taon na.

"Ano bang nangyare sayo at nagka ganyan Ka  ah bakit mo ginagawa sakin ito,!"

"Dahil sayo Sheena kaya nagawa ko yon!"-pagsisimula niya 

At sa sinabi niyang iyon ay siya nga talaga,tama ang hinala ko na senet up niyako dahil sa mukha siyang pera.

"Shammel bakit,sagutin mo ang tanong ko!"

napapasigaw ko ng tanong ulit sa kanya,hindi sapat ang sinabi niya sakin kanina na ako ang dahilan kaya niya yon ginawa sakin.

"Teka lang muna,masyado ka namang excited eh di ka pa nga nagppaasalamat sakin na dinalaw kita,alam mo ba na marami kung ginagawa pero mis na mis na kita kaya sayo ko binigay ang oras na dapat ngayo~"

nakangisi na naman niyang sabi na ikinaiirita ko.

"wala akong pakialam sa oras mo,huwag ka ngang plastic dahil bistado na kita!"

pinutol kona ang mga walang kwenta niyang mga sinasabi.

"Napakaswerte mo sa buhay Sheena kahit wala kang Ama nakukuha mo lahat ng gusto mo samantalang ako merong amat ina pero isang kain isang tuka,pag magkasama tayo walang ibang napapansin kundi ikaw,puro nalang Sheena ang naririnig ko pinupuri ka nila,kapag nakikita kitang masaya nagagalit ako,sa sampung taon nating pagkakaibigan naisipan kona iparanas sayo ang naranasan ko gusto kung mag hir~"

pakkk!!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na siya.

"  Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan samantalang noon kung anong meron ako meron karin,pag may bago kung damit meron karin,lahat ng gusto mo binigay ko sayo tapos yan pa ang maririnig ko sayo ang sama mo,wala kang utang na loob!"

kung wala lang saking pumipigil ay talagang dudugo ang bibig niya at baka hindi na siya makapagsalita pa.

 

"Tingnan mo yang ugali mo ngayon,sinusumbat mo na sakin ang lahat ng tulong mo,yan ang gusto kung makita sayo, masiyado ka kasing mabait eh nakakasawa!"

seryoso niyang sabi habang nakangiti.

"Hindi ko yon sinusumbat pina paalala kulang sayo na halos ako na ang nagbigay buhay sayo kaya hanggang ngayon ay nakakapagsalita ka parin,pero ngayon pinagsisisihan ko na na binuhay pa kita dahil ikaw din lang naman pala ang magbibigay sakin ng malaking problema,hayop ka!!"

"Simula ngayon hindi na tayo magkakilala Sheena,hindi na tayo magkaibigan!"

"Ang kapal ng mukha mo ikaw pa talaga ang nagsabi nyan,sa simula palang Shammel wala nakong kaibigan na isang traydor!"

may diing sabi ko.

"I*****k mo dyan sa kokote mo ang sasabihin ko eenjoy mo na yong perang kinuha mo bilhin mo lahat ng luho mo,lalaki,alahas at kung ano ano pa,dahil sisiguraduhin kung mawawala yan lahat sayo!"

Seryosong paalala ko sa kaniya.

"Simula palang ng mangyari nong gabing iyon ay nakukuha ko na lahat,nakikita mo naman siguro ang kasuotan ko ngayon hindi nako nagmumukhang trapo dahil sa mga nilumaan munang mga damit,kung sa tingin mo noon ay masaya ko dahil sa mga ginagawa mo, pwes nagkakamali ka!"

parang hindi man lang siya kinikilabutan sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Talagang ikinasisiya mo pa na nakapatay ka ng inosenteng sanggol ,at ngayon ay nakaratay ang babaeng pinagsasaksak mo noong gabing iyon,at ngayon ay ako ang nagdudusa sa mga ginawa mo?,paano mo nasisikmura na sabihin payan sakin?!"

Nawala ang pag ngisi niya sa mga sinabi ko

"Ipinagtanggol lang kita,kaya dapat nagpapasalamat ka sakin,dahil kung hindi,hindi ka na nakakasalita pa ngayon,tsaka hindi ko naman alam na buntis pala ang babae nayon,yung pera lang naman ang gusto kung makuha pero umeksena siya kaya hindi ko kasalanan iyon!"

Derediretso niyang sabi.

"Napakahayop mo,malala kapa sa mga hayop,!"

sigaw ko na namang sabi sa kaniya.

"Hayop na kung hahop,wala akong pakialam,ang importante sakin ngayon ay nakikita kang nagdudusa,bagay yan sayo para maranasan mo ang naranasan kung paghihirap noon!"

Sa mga sinasabi niya maraming sumusulpot na ala ala sa aking isipan.

Mga ala ala na puro kasiyahan lang naming magkaibigan at malayong malayo itong nangyayari samin ngayon kesa sa dati.

"Hinding hindi kita mapapatawad sa mga ginawa mo sakin,balang araw lalapit karin sakin at magmamakaawa,tsaka isa pa hindi ako mayaman pero kinaiinggitan muna ko pano pa kaya kung yumamam nako,baka magpakamatay ka na nyarn!"

Pagkasabi ko non ay iniwan ko na sya,ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya.

Hindi ko akalain na mangyayare to samin sa isang gabi lang maraming nangyare pero lahat ng yon gusto ko ng kalimutan ang lahat..

Gusto ko mag bagong simula kasama ang magiging anak ko..gugugulin ko ang oras sa pag aalaga sa kanya at hahanapin ko c mama..matagal nakong walang balita sa kanya kaya pag nakalabas ako reto hahanapin ko sya,miss na miss ko na ang mama ko

Lord kung nasan man sya sana malusog si mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status