Share

Kabanata 5: Selda.

Kabanata 5

Gino POV 

"Bakit tatlong taon lang syang makukulong diba sinabi ko sayo na siguraduhin mong mabubulok sya sa kulungan"

yan agad ang sigaw ko kay Ethan,masaya na sana ako ng mabalitaan kung nakulong na ang babaeng iyon,pero nawala ang kasiyahang iyon ng matuklasan kung tatlong taon lang sya makukulong at hindi pang habang buhay.!

" Pero kuya Hindi naman sa porket gusto mo syang makulong ng pang habang buhay ay mangyayari na,hindi naman pwede yon dahil merong batas na kailangan sundin!Hindi naman porket na sinabi mo ay masusunod na!"

Galit na sabi nito.

"Tumahimik ka dyan,lintik na mga sinasabi mong yan dati proseso ngayong naayos na, batas na naman!"

Wala akong pakialam kung mabingi man sya sa mga sigaw ko habang sinasabi iyon.

"Kuya naiintindihan kita,si Cindy wala parin syang malay hanggang ngayon at ang pamangkin ko sana ay d man lang natin nakita at naalagaan!"

Mahinang sabi niya.

"Hindi pa sigurado kung mabubuhay pa sya,kaya hindi sapat ang tatlong taon na iyon!"sigaw ko ulit kay Ethan.

"Kuya lakasan mo lang ang loob mo,magpakatatag at maniwala. Mabubuhay sya alam kung malakas c Cindy kaya sana wag kang mawalan ng pag asa"

Malumanay paring sagot niya.

Halos magdadalawang buwan ng nakahandusay c Cindy kung hindi lang dahil sa babaeng iyon sigurado kung masaya kami sa mga oras na ito,hinding hindi ko sya mapapatawad

wala siyang kwentang babae,sa lahat ng babae na nakita ko ay sya lang ang gusto kung saktan hanggang sa ikamatay niya.kung pwede lang ngang pumatay ay ginawa ko na,pero hindi naman ako tulad ng babae na iyon na madali lang ang kumitil ng buhay.

Sheena POV 

Dalawang buwan nako dito pero wala man lang akong natatanggap na balita tungkol kay mama,wala akong maayos na tulog,minsan gusto ko ng tumakas para makumusta ko kung ano na ang nangyare at kalagayan niya,kung kumakain ba siya,nakakainom ng gamot sa tamang oras at kung meron bang nag aalaga sa kaniya ngayong wala ako sa tabi nya

 Pero sabi ng isa kung kasama dito sa selda.

"Wag kang mag alala magiging maayos din ang lahat at sigurado kung may nag aalaga na sa mama mo lalo pa at alam naman nila ang kalagayan mo ngayon,sa una lang yan pero masasanay karin kung paano mabuhay rito. ito lang ang gawin mo kailangan mong umiwas sa gulo at habaan morin ang pasensya mo malay mo,!natin mabigyan tayo ng parol diba?!"

Nakangiting sabi nito.

Sa mga sinabi nya sakin lumakas ang loob ko,pamilyar sakin ang parol na nabanggit niya,kailangan maging mabait at dapat ay hindi nakikisangkot sa gulo para makakuha nito.

"Salamat sayo dahil sa sinabi mo nadagdagan ang pag asa kung makakalabas rin ako dito at makakasama ko ulit si mama!,"

Seryoso kong sabi sa kaniya.

"Ano kaba di uso ang salitang salamat dito,basta huwag lang tayong mawalan ng pag asa,

ako nga na sampong taon na dito sa bilibid ay hindi parin ako nawawalan ng pag asa,dahil palagi kung kasama ang panginoon ,sya ang lakas ko rito at taga pag tanggol kaya sana ikaw rin,maging matibay ang pananampalataya mo sa kanya at magiging maayos ka rito tulad ko! ah sya nga pala ako c Linda,pwede mo kung maging kaibigan!,basta pag nakita muna yang si Lornang unggoy,umiwas ka na agad bago pa masali ka sa gulo!"-mahaba niyang sabi na may natutunan ako,tama sya nandyan lang si Lord para sakin at sa saaming lahat na naririto.

"Kung ganon masaya ko at nagpapasalamat na agad sa itaas dahil binigyan niya agad ako ng kaibigan na tulad mo,ako si Sheena Ramos,,iiwasan ko talaga yon,mukha palang talagang ayaw ko ng masilayan pa!",__

masaya kung sabi sa kaniya.

" Kasing ganda mo ang pangalan mo,alam mo nong una kitang makita akala ko bisita kalang dito para ka kasing artista at dinaig mo pa sila sa sobrang mistisa mo"

namamanghang sabi nito

Napangiti ako sa huling sinabi nya.

nagtawanan nalang kami dahil sa ayaw kung makita ang pagmumukhan ng Lorna na iyon.

Tuwing umaga tinitipon kami para sa pag eehersisyo,at pagkatapos kanya kanya ng trabaho lagi kaming magkasama ni Linda.

,"Sheena hoy OK kalang ba?" 

pag aalalang sabi nito,at mabilis na iniwan ang ginagawang pagtatanim ng mga gulay.

"Linda nahihilo ko!"

sa sinabi kung yon ay wala nakong makita naririnig ko nalang ang mga ingay at mga yapak na papalapit saakin.

_pagmulat ng mata ko puro puti ang nakikita ko,nasa langit na bako?

"Oh  mabuti at nagkamalay kana,kumusta ang pakiramdam mo?"

Mahinahong sabi ng nagsalita.

"Saan ba ko?"

Sabi ko ng nalilito,habang nakahawak sa ulo ko,dahil para itong bibiyakin.

"Dito ka sa clinic,

di mo ba alam na isang buwan ka ng nagdadalang tao" diretsong sabi nito saakin.

Kung kanina ay hindi ko maimulat ang mga mata ko,ngayon ay halos lumuwa na ito dahil sa sobrang pagkagulat sa sinabi ng nurse na nasa harapan ko.

"Ulitin mo nga po ulit ang sinabi mo!"

Kunot noong tanong ko rito,dahil baka nagbibiro lang ito.

"Hay nako Ms.Ramos dapat alam mo na ang pagbubuntis mo ng saganon ay hindi sya mawala sa sinapupunan mo at dapat na nag iingat ka para sa ikabubuti niya!"

sermon sakin ng nurse na nasa harapan ko,at para itong hindi nagbibiro dahil seryosong seryoso ito.

"Baka po,hindi ako buntis,talagang napakainit lang kanina kaya siguro hindi na kinaya ng katawan ko kaya nahimatay nalang po ako bigla,nahilo lang ako kanina,kaya baka nagkakamali kalang po sa mga sinasabi mo sakin!"-seryoso kung paliwanag sa kaniya pero kumunot lang ang noo nito,at tinitigan ako sa mga mata.

"Ms.Ramos mas magaling ka pa sakin,nurse ako at alam ko ang ginagawa ko,naka kulong ka ngayon kaya naman ang maibibigay kolang sayong payo ay ingatan mo ang sarili mo dahil dalawa na kayo ngayon,huwag mong idamay yang anak mo sa kapabayaan mo at~"

"Hindi ako pabaya at wala po kayong alam sa nangyari kaya huwag nyo na po akong pagsabihan pa sa kung ano ano!"-putol ko sa sabihin nya dahil alam kung iinsultihin nya lang ang pagkatao ko.

"Maiiwan na kita,kung hindi ka parin naniniwala tingnan mo ito at pag aralan mo ng mabuti,para yan sa  ikabubti nyong dalawa,maya maya kukunin kana ng mga pulis kaya hindi na kita makikita at marami pa akong inaasikaso"!

nilisan nya na nga ako,at hinatid sya ng mga mata ko na hindi parin makapaniwala.

hawak ko ngayon ang binigay niya sakin na pt at may dalawang guhit ito na kulay pula,napatakip nalang ako ng bibig at naramdaman ko nalang ang luhang pumapatak sa mga pisngi ko,at ngayon ay naniniwala na nga ako.

Talaga nga palang may nangyari samin ng lalaking iyon,kaya pala ganon nalang ang hitsura ko,kaya pala wala akong saplot,kaya pala mahapdi ang pagkababae ko.

Akala ko panaman ay hindi niya nakuha ang virginity ko,akala korin ay nadamay lang ako sa nangyaring iyon.

Paano ka na ngayon Sheena,paano na tayo anak ko!

Gino POV 

"Sir nagkamalay na po sya"

Masayang rinig ko sa kabilang linya.

"Kung ganon umalis ka na dyan"

Seryoso kung sagot.

"Pero sir wala na daw pong bahay na mauuwian c aling Julia dahil may bumili naraw po ng bahay nila at kailangan din nya sir ng may mag aalaga sa kanya lalo pa't malala ang kondisyo nito!"

nag aalalang sumbong nito.

"Kung ganon Ryan ihanap mo sya ng matitirhan at mag aalaga sa kanya.!"

"-cge po sir masusunod po!",

"Ryan,siguraduhin mo lang na walang makakaalam Nito!"

Diniinan ko ang sinabi ko para mainti dihan niya ng husto.

".makakaasa po kayo sir.!"

Nalaman kung malala na ang kalagayan ng ina ni Sheena sa sakit na lukemya. 

Di naman ako tulad ni Sheenang ng iiwan ng responsibilidad hindi ako nagdalawang isip na tulungan ito ,pero bilang kapalit walang malalamang balita c Sheena sa mama nya para masiguro kung maramdaman nya ang nararamdaman ko,buhay nga ang ina  nya pero parang patay narin dahil wala to sa tabi nya dahil hanngang ngayon wala paring Malay ang mahal ko.

At meron pa kung natanggap mula kay Ryan na driver ko.

"Sir may sasabihin pa po ako!"

"Sabihin muna agad"

"Nalaman ko pong buntis c Sheena,at mag iisang buwan na po nakita ko rin na  naghihirap sya dahil sa perang ibinigay ko sa hari ng selda na si Lorna!"

.sa narinig ko mula sa kanya parang may naramdaman akong kakaiba,napangiti ako ng mapait dahil mukhang nasa magandang plano ang naiisip ko,pinatay nya ang anak ko,at ngayon ay buntis sya,ipaparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko ngayon at dodoblihin ko pa yun ng sobra sobra.

"Marami ng dumaang lalaki sa buhay nya kaya wala akong pakialam,kung sino man ang ama ng dinadala nya basta Ryan sundin molang ang iniuutos ko sayo at wag na wag mong ipapaalam sa kanya ang nangyayari sa ina nya,naiintindihan mo ba?!"

Galit kung sigaw sa kaniya para matakot siya at sundin niya ang sinasabi ko.

"Makakaasa po kayo Sir,

naayos ko na po ang mag babantay kay Aling Julia!"

"Cge,pagkatapos mo nyan,puntahan moko at bibigyan kita ng pera para sa Lorna na iyon,at alam mo naman siguro kung ano ang gagawin mo!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status