Share

Chapter 4: Aristo!

Sheena POV 

Nagulat ako sa pagbukas ng pintuan at nakita ko ang lalaking katabi ko noon sa kama habang papalapit sya sakin tinitigan kung mabuti ang mukha nya dahil parang siya nga ang lalaki na mahimbing ang tulog non sa kama,at habang papalapit siya saakin ay siya nga ang lalaki na iyon.

parang slow mo sya sa mga mata ko kung nasabi ko sa inyo na may hitsura c Ethan mas doble tong c Gino oo Gino ang pangalan nya nalaman ko to nong tinanong ko ang pulis at sinabi nya ang lugar ng hospital at ang pangalan nga ni Gino.

22 years nakong nabubuhay sa mundong ito pero ngayon lang ako nakakita ng tulad nya para syang perpektong lalaki kung titingnan,pero nawala agad ang mga sinasabi ko sa isip ko nong bigla nya kung sakalin.

Hindi ako makasalita ng maayos dahil sa higpit na pananakal nya kung pano ko titigan non ni Ethan ay mas malala ang titig ni Gino mas malala ang nakikita kung galit sa mga mata niya

Pilit akong huminahon para maging maganda ang pakikipag usap ko sa kanya pero d naman tamang insultuhin nya ang pagkatao ko kaya napilitan nakong sigawan din sya.

Pagkasabi ko nong huli kung salita sa kanya ay umalis na ko sa hospital na iyon.

"Mama nandito napo ako!"

sabi ko kaagad pagkapasok ko sa bahay.

"Mama,saan c mama bakit di sya sumasagot nagulat ako nong nakita ko si mamang nakabulagta sa kwarto niya.

"Mama,mama gumising ka anong nangyari sayo!"

dahil d na gumagalaw c mama napilitan nakong sumigaw ng tulong,

"Tulungan nyo kami may mga nakakarinig ba Dyan!"

nanginginig na boses na sigaw ko.

Lumabas pako para humingi ng tulong at don lang nila ko narinig at dali daling tinungo ang bahay at agad na binuhat si mama.

Umiiyak ako habang binabantayan c mama sa hospital.

Ma gumising na po kayo d bagay sayo na ganyan ka,nag aalala ko ng sobra sayo,ano ba tong mga nangyayare sakin ganito ba ko kasama para maranasan ang mga ganitong bagay.

Gino POV 

 

Sa pag alis ng babaeng iyon sa harapan ko inutusan ko ang kaibigan ko na imbestigahan nya c Sheena at sabihin sakin ang lahat ng mga ginagawa nito 

"Hello Ethan bakit hindi pa nakukulong ang babaeng yon?"

Seryoso kung sabi sa kabilang linya.

"kuya may hiring pang magaganap`"

May diing sabi niya,na ikinainis kolang lalo.

"wala akong pakialam sa hiring na yan hulihin mo na sya at ikulong at siguraduhin mong hindi na makakalabas at bumili ka ng tao sa loob ng kulungan para masigurong maghihirap siya ng husto!"

Galit ng sabi ko sa kaniya.

"Kahit ako,gusto ko naring makulong ang babaeng iyon kaya nga inaasikaso ko na,kaya naman sana kuya huwag kang mag isip pa ng kung ano ano dahil mas lalo ka lang na mahihirapan,kaya naman sana wag ka ng mag alala pa ako na ang bahala!"-mahinahon nitong sabi at alam ko na disperado narin itong makukong ang babaeng iyon.

"siguraduhin mo lang na inaayos mo dahil kapag hindi parin nakukulong ang babaeng iyon,baka hindi mo magustuhan ang kaya kung gawin sa babaeng iyon!"

Pinutol ko na agad ang linya bago ko pa marinig ang mga walang kwentang pinagsasabi ng kapatid ko.

Ilang araw nakong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kagagawan ng babaeng iyon,hindi ko na alam kung ano pa ang kaya kung gawin sa babae na iyon kapag nakita ko pa ito,baka matuluyan ko na siyang mapatay.

Sheena POV 

"Doc,ano po bang sakit ni mama bakit po hanggang ngayon d pa sya nagigising?"

Seryso kung tanong sa doctor na chenecheck ang mga kamay,at swero ni mama,sa tuwaing nakikita ko ang kalagayan ni mama ngayon ay nadudurog ako,halos buong katawan ni mama ay merong mga swerong nakakabit na hindi ko maintindihan.

"Di pa ba sinasabi ng mama mo sayo?"

Nakatingin sakin na sabi nito.

"Wala naman po syang sinasabi sakin eh,kaya nga po ako nagtatanong sainyo!"

Napataas ang kilay ko sa sinagot ko sa kaharap kung doctor.

"Iha wag kang mabibigla ah,may lukemya ang mama mo!"

Mahinahon na sabi nito,at may pag aalinlangan kung tama ba na sinabi nito saakin.

"Ano po lu~kem...lukemya?"

Halos hindi ko mabanggit ang sinabi ng Doctor,hidi ito birong sakit.

"Oo Ija matagal nya ng dinaramdam ang sakit nato pumupunta rin sya rito para magpa check up at bumibili ng gamot"

Paliwanag niya na nakatitig sa mga mata ko.

"Pero bakit wala po akong alam!?"

Napatayo na ko sa kamang kinauupuan ko.

"Sinabihan ako ng mama mo noon na wag ko raw sabihin sayo dahil sya nalang daw ang magsasabi saiyo!"

Nahawakan niya ang mga balikat ko habang sinasabi iyon.

"Mama!bakit po kayo nag sinungaling sakin di ko man lang po kayo natulungan,wala akong kwentang anak matagal na pala kayong may dinaramdam at lukemya pa pero wala man lang akong kaalam alam,"

Napaharap ako kay mama na hanggang ngayon ay wala man lang kamalay malay.

"Dahil siguro ay ayaw ka niyang mag alala pa,kaya inilihim niya ito saiyo!"

Seryoso na seryosong sabmbit nito.

"Dapat sinabi mo po saakin,ng saganon ay meron akong nagawa man lang,pakiramdam ko po tuloy wala akong kwentang anak!"

Naiiyak ko ng sabi sa doctor na nag aalala rin,at binigyan akong payo na magiging matatag lang ako at huwag susuko lalo pa sa kalagayan ngayon ni mama.

Umuwi ako ng bahay para kumuha ng ilang damit ni mama pero may mga pulis na nakaabang sa harap ng bahay,anong ginagawa nila rito?takang tanong ko sa sarili ko.

"Ano pong ginagaw~"

Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay agad ng nagsalita ang babaeng nakaunipormeng pang pulis.

"Ms.Sheena Roman Ramos meron kang Warrant of  Arrest dahil sa hindi mo pagdalo sa hiring kahapon, napagpasyahan na ng korte na makukulong ka ng tatlong taon sa kasong pananaksak sa biktimang c Cindy Morales at sa pagkawala ng ipinagbubuntis nito at ngayon ay frustrated murder ang kahaharapin mo kaya ipagdasal mo na mabubuhay pa si ma'am Cindy ng saganon ay hindi madagdagan ang taon ng iyong pagkakabilanggo!"

 

Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon ng pulis na ito habang sinasabi iyon dahil kahit ni isa sa mga binanggit niya ay hindi ko maintindihan.

At d ko na namalayang napusasan nako at sumasama na sa kanila.

Nakalimutan kung kahapon nga ang hiring dahil yon din ung araw na nahospital si mama.

"Sandali lang,gusto ko munang puntahan si mama,kailangan ako ni mama sa mga oras na ito!"

Garalgal na sabi ko,halo halo na lahat ng nararamdaman ko ngayon parang paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib ko sa mga nangyayaring ito.

Pero kahit anong sigaw ko parang wala silang naririnig,

"Mga manhid ba kayo ah sabi ko,gusto kung makita si mama kahit sandali lang!"

naiiyak na sabi ko,anumang oras ay madali nakong humagulhol.

Nawawala nako sa sarili pero c mama lang ang inaalala ko at iniisip ko wala akong pakialam kung ikulong nila ko,isa lang ang gusto ko ang makita muna sana c mama. Pero kahit anong pakiusap ko wala man lang silang paki Alam

"Ms.Ramos,manahimik ka,wala kaming magagawa sa mga gusto mong mangyari,kung nagpakita ka sana kahapon e di sana makikita mo pa ngayon ang ina mo!"

sermon sakin ng babaeng pulis.

"Inatake si mama kahapon dahil meron siyang lukemya,dinala ko siya sa hospital kaya hindi na pumasok sa isipan ko na yon na pala ang araw ng hiring,kaya naman sana maintindihan ninyo ang sitwasyon ko!"

Kahit umiiyak nako,minabuti ko parin na maayos ang paliwanag ko.

"Naiintindihan namin ang side mo pero,korte na ang nagdesisyon at pulis lamang kami taga sunod ng batas,at ginagawa lang namin ang trabahao namin,magpasalamat ka nga at tatlong taon kalang makukulong samantala ang iba ay halos benteng taon pa!"

may diing sabi nito,dahil sa naririndi na ito sa kakasigaw ko,pero kahit mabingi pa sila hindi ako titigil sa ginagawa ko ngayon.

"kung sainyo nangyari ang nangyayari saakin,ay sigurado ako na magulang ninyo ang uunahin ninyo bago ang mga ganito,wala kayong mga puso,naging pulis pa naman kayo pero wala kayong paki alam bweset kayo mga hayop kayo"-

D ko na alam ang mga lumalabas sa bibig ko,at wala nakong paki alam pa sa mga sinasabi ko.

"Hoy. ikaw anong kaso mo ah"

pagkapasok ko palang sa kulungan para ng nasa impyerno ang buhay ko.

"Napagbintangan lang akong nakasaksak!"walang gana kung sagot.

"Talaga ba, baka ikaw talaga ang sumaksak HAHA!"

Pinagtawanan nila ko at pinagtulung tulungan na saktan sinipa,sinuntok,sinasabunutan,inapak apakan,pero manhid na ang katawan ko,mas masakit parin ang isipin na nasa hospital si mama at ako naman ay walang magawa,at nakakulong pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status