Share

Kabanata 2: Flashback

"Shammel!"

tawag ko sa bestfriend ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Ohh Sheena,aba mukhang may good news kang dala ah ang laki ng ngiti natin ah"

salubong nya sakin na may kasama pang pagpisil sa pisngi ko

"Hmm,oo eh,haha natanggap na ko sa trabaho at magsisimula nadaw ako agad next week!"

Masaya't excited kung sabi sa kaniya.

"Talaga,kung ganon kailangan natin ecelebrate yan ses,.congrats sayo,masaya ko para sayo dahil matagal ka ng nag apply tas ngayon kalang natanggap"

Masaya niya ring sabi saakin habang hawak hawak niya ang mga kamay ko.

"Tama na ang drama magbihis kana"

Nakangiting sabi niya.

"Huh,bakit saan tayo pupunta?

Nakakunot noong tanong ko.

"Basta ako ang bahala at sisiguraduhin kung mag eenjoy ka!"

taas babang kilay na sabi niya,kapag ganyan na ang mga kilay nito ay meron na naman siyang kalokohan.

Pumasok kaming dalawa sa club sumakit agad ang ulo ko dahil sa ibat ibang amoy na nalalanghap ko at ang mga alak na hindi ko maintindihan kung bakit marami ang umiinom rito sakit lang sa baga ang kapalit nito sa kasiyahan nila,at ang lakas ng togtog at maingay dahil lahat sila nagsisigawan,siguro sobrang nasisiyahan sila dahil sa magagandang tugtog.

Nagulat nalang ako ng pag lingon ko wala si Shammel sa tabi ko,hinanap ko sya pero d ko sya makita ,nahihilo na talaga ko,kaya napaupo ako sa kinatatayuan ko at doon ko lang napansin na marami na pala akong nainom,ito talagang si Shammel kapag nakainom na gusto palaging kasama ako,nanlalabo na ang paningin ko! 

Nasaan kana Shammel?

Sa pag mulat ng mata ko wala akong makita ang labo pero may naramdaman akong gumalaw.

At unti unti akong lumingon at laking gulat ko nong may kasama ko sa kinahihigaan ko at isa syang lalaki kaya naman dali dali kung tiningnan ang buo kung katawan pero wala ako ni isang saplot at ang lalaki wala rin syang suot, sisigaw na sana ko pero bigla kung naisip na magbihis nalang at umalis.

Tinungo ko ang banyo pero lumaki ang mga mata ko ng may nakabulagtang babae at maraming dugo,at napansin kung may dugo rin ang mga kamay ko,napahawak ako sa dibdib ko dahil sa takot na naramdaman ko at panginginig ng buo kung katawan.

Napansin ko ang damit na isusuot ko hindi ito

 yong damit na suot ko papunta reto at kay Shammel ito.

Shammel oo sya sya ang may ari nito pero nasaan na ba sya at bakit ako nandito,ayaw ko sanang isuot pero no choice nako,at pagkabihis ko tumawag ako sa mga pulis at sinabi kung may emergency.

 At iniwan ko na ang kwartong yon para hanapin c Shammel pero wala hindi ko na talaga siya makita,kung saan saan ko na siya hinanap pero wala talaga,kaya napapaisip ako kung ano ba talaga ang nangyari,hindi ako makalakad ng maayos dahil kapag pinilit ko ay humahapdi ang..tekaaa anonggg!,oh may ghad, may nangyari ba samin nong lalaking iyon,sana naman Lord walang nangyari lagot ako neto kay mama! 

"Ok kalang ba Ms.Ramos?"

naudlot ang mga ala alang iyon dahil sa isang pulis.

 "Ok lang ako!"

nanginginig na boses na sagot ko sa kanya,bakit ngayon lang ulit pumasok sa utak mo Sheena ang nangyari nitong mga nakaraang gabi?

tanong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ang lalaking kanina pa ko tinititigan at tinanong sya. 

"Saan ang kuya mo?

gusto ko syang makita at makausap!"

pero imbes na sagutin nya ko ngumesi lang sya na parang adik.

"Bakit  kulang paba ung pe--"

"Pwede ba sagutin mo nalang ang tanong ko dahil wala akong pakialam sa pera nyo".pinutol ko ang sasabihin niya at

pilit kung kinakalma ang sarili ko dahil mukhang naiintindihan ko na kung bakit ako nandito.

"Nasa hospital ngayon si kuya dahil nag aagaw buhay ang fiancee niya!"

sabi nito na halos lumabas na ang boto sa panga niya.

"Ano!?"

May kung anong dumaang kirot sa dibdib ko,at hindi makapaniwalang tanong sa kaniya.

"Oo nag aagaw buhay ang babaeng sinaksak mo at pinabayaan mo dahil sa mukhang pera ka!"

pasigaw na sabi niya,kung meron lang akong dalang stapeler ay kanina ko pa pinag eestapleran ang bibig nito.

"Hindi. nagkakamali ka sa mga sinasabi mo! hindi ko yun kayang gawin lahat ng mga ibinibintang nyo sakin,pati ako ay hindi ko rin alam kung bakit ako nasa lugar naiyon"

maayos kung paliwanag,pero mas lalo lang dumilim ang pagtingin niya sa akin.

"Anong nagkakamali ah, kitang kita ka sa cctv na may dugo ka sa dibdib at sa mga kamay mong marurumi!"

Inilalapit na naman niya ang mukha saakin,dahil sa nangigil na ito at ano mang oras ay pwede niya kung sakmalin,pero hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Pero hindi ako ang sumaksak sa kanya maniwala ka sakin,ang cctv na nakita nyo ay hindi pulido kaya naman sana alamin nyo ang totoo,dahil kahit mabulok pako sa kulungan na gusto nyong mangyari ay wala paring katarungan ang nangyari sa kuya mo!"

Sana maintindihan niya ang sinabi ko dahil halos idikit ko narin ang mukha ko sa mukha niya at diretsong nakatitig sa mga mata niyang mapagbintang.

Ethan POV.

Habang minamasdan ko ang babaeng kinakausap ng mga pulis at pilit na sinasabing wala syang kasalanan ay gusto ko ng durugin siya hanggang sa mawalan ng buhay.

Maganda nga sya pero wala akong pakialam dahil sya ang dahilan kung bakit nag aagaw buhay ang fiancee ng kuya ko,at nawala na ang magiging pamangkin ko sana,siguro nagtataka kayo kung bakit doble ang galit na nararamdaman ko sa babaeng to dahil mahal ko ang fiancee ng kuya ko, matagal ko na siyang gusto pero di ko maamin iyon dahil nalaman kung siya ang nobya ni kuya,at malapit narin silang ikasal napakasakit non para sakin pero wala akong magawa.

Ako si Ethan Fernandez Montejero, isa kung prosecutor at madalas ring napapanood sa telebisyon,

dahil sa trabaho ko naki usap sakin si kuya na ako ang mag asikaso ng lahat at alamin ko kung sino ang gumawa non sa kanila,kaya nong araw nayon pumunta ko sa lugar kung saan naganap ang pangyayari at tinanong ko ang manager kung merong cctv sa club na pinangyarihan ng lahat ng ito  at hindi sila nag dalawang isip na pinanood sakin,at doon ko nga nakita ang babae.

Kaya naman tumawag agad ako sa mga pulis at binalitang meron ng salarin,at di nga nagtagal nalaman namin kung anong pangalan niya,siya si Sheena  Ramos.

22 taong gulang,at marami ng trabahong pinasok,pero hindi nagtatagal dahil palaging nagkakarecord,at palaging nakikigulo sa mga nakakasalamuha niyang mga katrabaho at mga customer,kaya ganon nalang kalaki ang tsansa ko na totoo na kaya niyang gawin ang pananakit sa Fiancee ng kapatid ko at sa pamangkin ko!

kaya nong araw ding yon, yon din ang pagpunta ng mga pulis sa bahay nya.

At ibang klase rin itong babaeng to ipinagmamayabang pa nya kung gano sya kaganda at ang talas ng dila nya.

Hindi pako nakakasampal na babae sya palang kaya laking gulat korin nong sinampal nya rin ako

Sya palang ang babaeng naglakas ng loob na sumampal sakin at nang insulto.

"Aalis nako"

rinig kung sabi niya,na hindi ko papayagang mangyari.

"At akala mo hahayaan kolang na umalis ka rito ah"

sigaw ko sa kanya.

"At sino kaba para pigilan ako ah,hinihintay ako ng mama ko sa bahay at sinabi ko na sainyo wala akong alam sa mga yan,at ikaw kung galit na galit ka sakin,mas nagagalit ako sayo,akala mo alam mo lahat ng pangyayari nong gabing iyon tsaka kung pwede huwag mokong sigawan dahil nakakarindi yang boses mo at hindi ako bingi!"-kung ako sana ang masusunod kanina kopa to ipinasok sa kulungan at pinapahirapan,nanggigil nako sa pagmumukha nito!

"Hmmm excuse me,sya c Ethan Fernandez Montejero! isa po syang prosecutor!"

sabat ng driver ko na matagal ng nagtatrabaho sakin

"Pwede ba manahimik ka diyan! Kung ayaw mong isama kitang itapon sa bundok kasama ang babaeng ito"-saway ko sa driver ko na si Raul.

"Ah paumanhin  po sir!"

sabi nitong nakatakip ang isang kamay sa bibig.

"Ano!?,

isa syang prosecutor haha,kung ganon sabihin mo dyan sa amo mo na ayusin nya ang trabaho nya at alamin nya ang totoo bago sya gumimbala ng ibang tao,baka siya ang itapon ko sa bundok kasama ng mga hayop na katulad niyang walang kakwenta kwenta at hindi makaintindi!"

at malakas pa ang loob niyang sinabi iyon,at sa mga ikinikilos niya ngayon talagang nakikita kung makukulong ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elijah Gwapings Gael
maganda ang story sana lang Hindi naka unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status