Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?
“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu“My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula
"Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan
"Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k
Hindi mapakali si Andro habang nasa labas ng kuwarto ni Adrienne. Kanina pa kasi nag-uusap ang dalaga at ang doktor. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay seryosong-seryoso ang mga pinag-uusapan ng mga ito."Daddy A! Is Mommy R awake?"Napatigil lang siya sa pagbabalik-balik nang lapitan siya ni Soleia na natuyo na ang buhok dahil kanina pa ito nakaligo. See? Ganoong katagal nang nag-uusap ang dalawa sa loob mula nang magising si Adrienne."Yes, baby. But she is still talking to the doctor that's why we can't go in yet."Nakauunawang tumango sa kaniya ang anak. Binuhat niya na lang ito at pumunta sa kusina. Mukhang matagal pa naman ang usapan sa loob kaya papakainin niya muna si Soleia."Kain ka muna ng carrot cake na binake ng mommy mo, ha."Iniupo niya lang ang bata sa upuan sa kusina at ipinaghiwa na ito ng isang slice ng carrot cake. Ipagtitimpla na niya sana ito ng gatas nang sabihin ni Soleiang tubig na lang
"Andro, mami-miss mo man lang ba ako pagkatapos ng 50 araw at hindi na ako nagpakita sa 'yo?"Inulit lang ni Rienne ang tanong niya kay Andro at hinihintay ang sagot nito. Para namang nabigla ang binata sa tanong niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot."Ako po, Mommy R, I'll miss you po!"Nginitian ni Rienne si Eya at niyakap ito. Mayamaya pa ay hinihintay pa rin niya ang isasagot ni Andro. Hindi kaya nahihiya itong sabihin ang tunay na nararamdaman sa harap ni Eya? Baka nga sobrang pagkamuhi sa kaniya ni Andro at hindi nito masabi-sabing hindi siya nito mami-miss kahit kailan. Baka hindi lang masabi ng binata iyon dahil nakikinig sa kanila si Eya.Akmang ibubuka na ni Andro ang bibig para magsalita nang unahan niya na ito."Whatever. I know you won't. And even if you will, well, you should not miss me, Andro."Siya na ang nagsabi dahil alam niyang masakit kapag narinig niya ang mga iyon mula sa bibi
"Ako na. Maupo ka na lang doon. Baka kung ano na naman ang mangyari eh."Mula nang mangyari ang insidenteng 'yon noong isang linggo, napansin ni Adrienne na marami nang nagbago kay Andro. Maaga na itong magising lagi, at hindi 'yon normal dahil hindi naman ito morning person.Naging alerto rin ito kapag may mga gagawin siya. Laging nagpi-presinta si Androng ito na lang daw ang gagawa ng mga binabalak niyang gawin dahil baka raw may mangyari na namang hindi maganda. Tulad ngayon. Hihiwain niya lang naman sana ang karne pero inagaw nito ang kutsilyo sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay tinuturing siya nitong batang clumsy."Andro, hindi naman ako mapapaano kapag naghiwa ako, 'no."As usual, hindi na naman siya sinagot ni Andro. Alam niya namang hindi siya mananalo rito, kaya pinanood niya na lang ito. In fairness, marunong itong magluto. Mukha tuloy itong chef. Take note---ubod nang guwapong chef, ha."So, chef, ano ang gagawin ko?
"What a shitty strategy."Andro can't help but smirk upon reading the trending news. His father, Andres Syjuco, went to an orphanage yesterday and acted like he was all kind and mighty. Siya dapat ang nandoon at kasama niya dapat si Harleen, pero siyempre, hindi siya pumayag. Ayaw niya sa mga ganoong taktika, 'yong tipong gagawa lang ng mabuti dahil sa litrato para bumango ang pangalan sa madla.Hindi niya alam kung siya lang ang nakapansin, pero halata naman sa mga litratong iyong ayaw ng tatay niya sa ginawa nito. Kilalang-kilala niya ang tatay niya. At halatang mukhang nandidiri pa ito sa mga batang nasa ampunan. Hindi mapigilan ni Androng iyukom ang kamao niya dahil doon. Kung tutuusin, ang tatay niya ang dapat pandirihan dahil may asawa itong tao, pero pumapatol pa rin ito sa ibang babae. Buong buhay niya, nasaksihan niya ang amang magsuot ng maskara ng isang tupa sa harap ng publiko. Pero sa likod ng entablado, mas masahol pa ito sa isang lobo.
"Wow, kuya! Nagmukha kang tao, in fairness. Anyway, ito o. Isuot mo 'yan ha. Bawal umattend ng party ang wala niyan."Hinagis sa kaniya ni Aveline ang isang garland na gawa sa mga artificial na bulaklak. Ni hindi man lang siya hinayaan nitong magsalita at basta na lang itong umalis pagkahagis noon sa kaniya."Andro, sumunod ka na lang sa labas, ha."Muli, maski si Adrienne ay hindi man lang siya hinayaang makapagsalita. Her mind seems all over the place. Aligagang-aligaga ito at si Aveline. Inisip niya na lang na gano'n siguro ang mga babae kapag parties ang pinag-uusapan.Today, they will be celebrating Soleia's eighth birthday. Hawaiian ang theme at sa beachside gaganapin ang party ng bata. He hates anything floral at karaniwan ay black, white, at grey ang suot niya. But here he is, wearing a floral polo with a garland hung around his neck. Well, hindi naman masamang baliin ang nakasanayan paminsan-minsan lalo na kung para sa anak niya naman.