Share

Special Chapter 01 - Part 02

Hindi mahirap hanapin ang kuwartong iyon dahil iyon lang ang tanging pinto na kulay pink. Napangiti at napailing pa siya nang makitang may nakapaskil na 'keep out of Adrienne's room' na yari sa pinunit na pad paper at medyo magulo ang pagkakasulat.

Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin siya.

"Hello? Adrienne?"

Walang sumagot kaya napagdesisyunan niya nang buksan ang pinto nang tuluyan para makapasok. He is welcomed by a really girly room. All the stuff in there were pink or purple in color. Talagang babaeng-babae. 

Nilibot niya ang paningin at sa isang sulok ay nakita niya ang isang batang babae. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Andro went near her and saw that she is playing with girly stuff like makeup, bags, and shoes. Laruan ang mga iyon.

"Hey, Adrienne. Pinatawag ka sa akin ng mommy mo. Kakain na raw tayo sa baba."

She didn't even look at him and just continued playing with her toys. Sasabihin niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status