"Adrienne, you can't starve yourself. Here." Inabot ni Andro kay Adrienne ang isang box ng brownies. Alam kasi niyang paborito nito iyon dahil iyon ang lagi nitong pinapabili dati sa kuya nito. Pero hindi iyon tinanggap ng dalaga kaya napabuntong-hininga si Andro.
"I'm not hungry.""Says someone who hasn't eaten a decent meal for days. Look." Andro sat in front of her and he lifted her chin using his fingertip. But as expected, Adrienne just avoided his gaze. "Hindi puwedeng hindi ka kumain, Adrienne. Please. Just eat this. Kahit isang piraso lang."He got one brownie and gave it to her. She just looked at it and Andro felt panic rising in him as she started crying again."H-Hey...""Kuya used to buy me a box of brownie every other Sunday."He mentally cursed upon realizing what he had done. Agad na nagpaalam si Andro kay Adrienne para kumuha ng ibang makakain ng dalaga. He shouldn't have expected her to calm down wheHe knew he vowed to take care of Adrienne not only because she is his late best friend's little sister, but also because he wanted to do so.But lately, she is getting on his nerves.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta na lang nagising siya isang araw na nag-iba na ang turing sa kaniya ni Adrienne. And he is not dumb to know what her stares mean.Why wouldn't he? That was how he looked at her, too... some time before."Adrienne, will you stop clinging on to me, please? Harleen might see us anytime," Andro said while trying to yank her arm away from him.Pero syempre, hindi nagpatinag si Adrienne at parang walang narinig. Si Aveline naman na pinsan niya at bestfriend ni Adrienne ay napasimangot at napairap nang banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya."Kadiri, Kuya Andro. Bakit mo ba pinatulan ang Harleen na iyon? Hindi hamak namang mas saksakan ng ganda ang best friend ko at mas bagay kayo," sabi ni Av
“Nasa bar na siya ni Kuya David, Ri. Ibakuran mo na ang huklubang iyon. Siguradong pinapaligiran na naman 'yon ng mga palakang kokak."Napatawa nang bahagya si Rienne sa message na natanggap mula sa kaibigang si Aveline. Nai-imagine niya na ang itsura ni Ave sa mga oras na tina-type nito ang mensahe sa kaniya. Siguradong kulang na lang ay umusok ang ilong nito dahil sa pagkairita sa mga babaeng umaaligid sa pinsan nitong si Andro. Mainit talaga ang dugo ng kaibigan niya sa mga umaaligid kay Andro dahil para rito, si Rienne lang daw ang bagay sa pinsan niya. Kaya nga magkasundong-magkasundo sila.Nag-type na lang siya ng message at nagpasalamat kay Ave. Pagkatapos ay tumayo na siya at tumapat sa kama upang mamili na ng isusuot niya ngayong gabi. Una niyang itinaas ang isang red halter dress. Sigurado siyang kung ito ang isusuot niya, mapapansin siya kaagad ng mga tao. Maputi kasi siya at talagang lumulutang ang kaputian niya kapag naka-
"Manong, pakibalikan na lang po 'yong kotse niya. Salamat!"Pagkababa niya ng tawag ay agad nang binalingan ni Rienne si Androng nakaupo sa passenger's seat. Pinagmasdan niya ang side profile nito. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, defined ang jawline, at medyo nakauwang ang mapupula nitong labi. Matagal niya nang pinagmamasdan si Andro, pero lagi pa rin siyang napapahanga sa itsura nito. Mukha kasi itong artista. Wait. Mali. Mas guwapo pa ito sa mga artista at mga modelo. Ethereal ang kakisigan ng lalaking mahal niya.Muli ay napadako ang tingin niya sa labi nito. Kumulo naman ang dugo niya nang maalala ang eksena kanina. Kaya kumuha siya ng wet wipes at pinahiran ang labi nito."H-Hey."Napadilat na ng mga mata si Andro at tiningnan siya. Pinipigilan na rin nito ang mga braso niya pero hindi siya nagpatinag. Kailangang mawala ang germs na nasa labi nito dala ng pakikipagpalitan nito ng la
Naalimpungatan si Andro at nagising dahil medyo masakit na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Bakit nga ba nakalimutan niyang ibaba ang kurtina? Or better yet, papalitan na lang kaya niya ang glass window ng condo niya? Natutuwa siya sa glass window na 'yon dahil tanaw niya ang metro, at talagang maganda ang view dahil sa city lights 'pag gabi.Pero nakakainis dahil tagusan ang sinag ng araw sa bintanang 'yon. Right. Tatawagan niya na lang si Flint o kaya si David mamaya at magtatanong kung may kilala silang arkitekto para mapalitan na ang istorbong bintanang panira ng tulog niya.Alam niyang kahit na inaantok pa siya ay hindi na siya makakatulog pa, kaya bumangon na siya para maghilamos. Bago pa man siya makapunta ng banyo ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng unit niya. Napakunot ang noo niya dahil bukod pala sa istorbong bintana ay mayroon ding istorbong taong dumalaw sa kaniya ngayon. Sin
"Hello, my love! Good morning!”Napakunot ang noo ni Andro nang dahil sa lakas ng boses ng babaeng kaharap niya. Nasa loob sila ng penthouse niya, at hindi sila katulad ng iniisip niyo. Sinundo siya ni Adrienne dahil ngayong araw sila pupunta sa kung saan man siya dadalhin ng babaeng ito."Keep it low, Adrienne. You talk as if hindi kita maririnig."Hindi siya inintindi ng dalaga at tinulungan na lang siya nitong isara ang zipper ng duffel bag niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito dahil nababahala siya sa nakikita niya sa peripheral vision niya. Ngiting-ngiti ito at napapa-huni pa ng isang makalumang kanta."Didn't know you are a fan of old songs."Mukhang hindi pa na-gets agad ng dalaga ang sinabi niya, kaya saglit na napakunot ang noo nito. Pero mayamaya ay napa-snap pa ito ng daliri sa hangin at nginitian siya nang malapad. Seriously, hindi maintindihan ni Andro ang mga katulad ni Adrienne na morning person. Ano'ng masaya sa umaga? Hind
"Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "you
Nagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-
"Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa