Share

The Twist In Our Story
The Twist In Our Story
Author: Jenny Javier

Prologue

Butil-butil

ng pawis ang naglabasan sa noo ng labing-isang taong gulang na si Sophie habang pinagmamasdan ang grupo ng mga kalalakihang kumakanta sa waiting shed sa hindi kalayuan. Sa lahat ng dare

na ipinagawa sa kanya sa larong truth or consequence, 'yon na yata ang pinakamahirap. Ang misyon niya, sabihin sa ubod ng suplado at hari ng kahambugan na si Rob na crush niya ito. At may props pang bulaklak!

Inirapan niya ang bungkos ng bulaklak ng gumamela na hawak niya. Pinitas pa iyon ng mga kalaro niya sa garden ng school.

"Sophie," tawag sa kanya ni Alexa, isa sa mga kaklase niya at kalaro. Pumuwesto ito sa likuran niya, nakitingin din sa tinitignan niya. "Sigurado ka bang kaya mo? Kung hindi, puwede naman nating palitan?"

"Hindi, kaya ko ito!" mabilis niyang sabi nang hindi ito nililingon. She was way too proud to tell her friends that given a choice, she won't do it.

Si Rob, crush niya?

Yuck!

Kung ang kalahati ng populasyon ng St. Williams Academy, mapa-elementary man o high school ay may crush sa kumag na anak ng bestfriend ng tatay niya, e siya, hindi. Simula ng magkaisip siya, palagi na lang kontrabida ang papel nito sa buhay niya. Kung makasita sa paglalaro niya parang tunay niya itong kuya. For all she know, baka ito ang nagsumbong sa Daddy niya na nakikipaglaro siya ng teks at pogs sa mga classmates niyang lalaki. It caused her 3 boxes of pogs na naipatalo sa kanya ng mga classmates niya. Kinumpiska kasi iyon lahat ng Daddy niya. Hindi raw iyon nilalaro ng mga batang babaeng tulad niya.

Kusang rumolyo ang mga mata niya sa naalala.

Tapos ngayon sasabihan niya itong crush niya ito? Ano ito, sinusuwerte? Neknek nito! Suntukin pa niya ito sa mukha e. Kaya lang, wala siyang choice, a game is a game.

"O sige, bahala ka na. Basta bilisan mo na lang baka kasi dumating na 'yong school bus ninyo," paalala ni Alexa.

Napairap na naman siya. "Oo na, sige na. Eto na nga e, lalakad na," aburido niyang sagot bago humakbang patungo sa waiting shed.

Ilang hakbang na lang at malapit na siya sa waiting shed. Lumalakas na sa tenga niya ang awiting halos pasigaw ng kinakanta nina Rob at ng barkada nito.

They were singing Magasin ng Eraserheads sa pulos de-sintunadong tono.

Napailing siya at tumitig kay Rob. Nakayuko ito sa songhits na nakapatong sa hita nito habang tumutugtog ng gitara. Eksaktong natapos ang kanta ay siya ring bungad niya sa harap ng mga kalalakihan. Nag-angat ng tingin ang mga ito kabilang na si Rob. Biglang kumabog ang dibdib niya. Pati sikmura niya parang bumaliktad na rin ata at parang gusto na niyang mahimatay ng oras ding iyon. Na labis niyang ipinagtataka, si Rob lang ang kaharap niya at hindi kung sino mang poncio pilato na dapat pa siyang kabahan. Ni hindi nga totoo ang mga sasabihin niya e kaya dapat hindi siya kinakabahan.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Um... R-Rob," tawag niya sa lalaki. Nakita niya ang labis na pagtataka sa mukha nito. Napalunok siya, pasimpleng nilingon ang mga kalaro niya. Nang makita niyang naghihintay ang mga ito sa gagawin niya, muli niyang ibinalik ang tingin kay Rob. "A... kasi ano. A... e.....crush kita at para sa iyo ito," may halong inis na sabi niya bago inabot dito ang hawak niyang bungkos ng bulaklak ng gumamela.

Nagbulung-bulungan ang mga kasama nitong lalaki at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Pero si Rob, nanatili lang na tahimik at nakatitig sa kanya.

Napapitlag pa siya nang bigla itong tumayo, bitbit ang gitara at songhits, bago lumapit sa kanya. Tinambol ulit ng kaba ang dibdib niya.

Tumitig muna ito sa kanya bago nagsalita. "Sophie, pasensiya ka na pero hindi ako pumapatol sa nene."

Kantiyawan ang sumunod niyang narinig. At ang kontrabidang si Rob nakikantiyaw na rin sa mga kaibigan nito. Lalong nag-init ang ulo niya. Kailangan niyang gantihan ang ubod ng yabang na nilalang na nag-iisang kontrabida ng buhay niya!

Namaywang siya. "Feeling mo totoong may crush ako sa iyo? Excuse me! Kulot! Salot!"

Napamaang ito. "Sophie, tingting! Nognog!" ganting kantiyaw nito bago humalakhak.

Sa sobrang inis niya, ibinato niya rito ang bungkos ng gumamela na hawak niya. Sapol ito sa mukha, umubo-ubo pa pagkatapos. Binelatan niya ito bago siya tumakbo palayo. Inis na inis siya. Tamang-tama at naroon na ang school bus nila.

6 years later

"I'm so disappointed with the two of you. Lalo na sa 'yo Rob. Ikaw ang mas nakatatanda sa inyong dalawa ni Sophie bakit hinayaan mong siya ang mag-drive ng pick-up? She's underage! Not only that, she's drunk for Pete's sake!" napapalatak na sabi ni Capt. Benjamin Mendoza, ang ama ni Rob.

Nag-angat ng tingin si Sophie. "I'm not drunk, Tito. I'm just tipsy and..." Bigla siyang suminok. Natatawa niyang tinutop ang bibig.

Bumuntong-hininga si Tito Ben, iiling-iling na sinapo ang ulo bago ito lumayo mula sa ER upang kausapin si Tita Mae, ang ina ni Rob, na noo'y kasusap din ang doktor na tumingin sa kanila.

Napatingin sa kanya si Rob na gaya niya ay nakaupo sa ibabaw ng kama. Pinandilatan naman siya nito na para bang wala itong ginawang masama. Nagbuga ito ng marahas na hininga bago nagsalita.

"I shouldn't have let you come with me," deklara nito, panay ang iling. Galing sila sa birthday party ni Missy, ang recent girlfriend nito na sa bukana lang ng subdivision nila nakatira.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya sana isasama ni Rob sa birthday party ng girlfriend nito e. Kaya lang nalaman niyang nakipag-inuman lang ito noong nakaraang Sabado, instead of meeting with his college thesis adviser. In short, blinackmail niya ito kaya napilitan itong isama siya.

It would've been fun lalo pa ngayon at wala ang Daddy Cris niya. Kasalukuyan itong nasa ibang bansa para sa isang special training. Gaya ni Tito Ben, isa rin itong mataas na opisyal ng Air Force. Pagkakataon na sana niyang maranasan ang night life, kaya lang umandar na naman ang pagiging dakilang kontrabida ni Rob sa buhay niya.

Inirapan niya ito. "At hindi na rin sana ako nakisabay pauwi sa 'yo," mataray niyang sagot. Kusa siyang napahawak sa ulo niya nang makaramdam siya ng hilo. "Malay ko bang mahina ang preno ng pick-up mo," pagrarason pa niya.

"So, kasalanan ko pa ngayon?" mahina ngunit matigas nitong sabi, tunog objection.

Nanirik ang mata niya, sinasagad talaga ni Rob ang pasensiya niya. "Siyempre, kung hindi mo 'ko pinilit umuwi hindi sana tayo babangga sa puno!

"At pabayaan kang ihatid ni James, the notorious womanizer in town?" tuya nito.

Sapo-sapo niya ang ulong nananakit na yumuko. "Siguro nga mas mabuting nagpahatid na lang ako kay James e 'di sana di kami nabangga. Pakialamero ka kasi! Kung hindi ka nakialam sa manibela, hindi tayo babangga sa puno ni Ms. Gomez." Ang tinutukoy niya ay ang matandang dalaga na nakatira rin sa subdivision nila.

"I told you for the nth time, may pusa kang mababangga kung hindi ko pinihit pakanan 'yong manibela!"

Napahiga na siya sa kama. Tumitindi na ang hilo niya. "Wala akong nakitang pusa! You and you're wild imagination!" pilit niyang angil bago pumikit.

"Because you were too drunk, you can't even distinguish one from two, lest see the damn cat!"

Pumintig ang sentido niya, lalo siyang nainis. "Ugh! I hate you! Kulot! Salot!"

"Ha! Well guess what the feeling's mutual! Tingting! Nognog!"

3 years later

"Tibo ka ba?"

"Ha?"

"Sabi ko tomboy ka ba?"

"Hindi a!" matigas na tanggi ni Sophie.

"E, bakit hanggang ngayon NBSB ka pa rin?"

Awtomatikong umasim ang mukha niya at sinamaan ng tingin ang noo'y kumakain na si Rob ng bagong bake niyang banana cake.

"Ang kapal ng mukha mo, ha? Matapos mo 'kong piliting ipag-bake ka ng cake, nilalait-lait mo ako ngayon? Akin na nga iyan!" kinuha niya ang platito at cake na nasa baking pan pa at akmang ilalayo sa binata.

"Sandali!" tutol nito sabay bawi sa pagkain bago marahang muling inilapag sa counter top ng kitchen island. "Hindi ka na mabiro. H'wag ka nang magalit lumalaki ang butas ng ilong mo o," nakangising anito sabay kurot sa pisngi niya.

Asar niyang tinabig ang kamay nito sa mukha niya. Inis na inis na siya sa pambubuska ng kababata. Dalawang linggo ito sa Cebu dahil ito ang project pngineer ng pinapatayong mall doon. "Bilisan mo na nga lang kumain nang makalayas-layas ka na sa pamamahay namin!"

Natawa si Rob at muling kinurot ang magkabilang pisngi niya. "Ang cute mo talaga. Walang ganito sa Cebu, kaya namiss kita e," anito bago nakangiting ipinagpatuloy ang pagkain.

She felt her heart hitched. "N-namiss mo 'ko?"

Nag-angat ito ng mata mula sa pagkain at ngumisi. "Oo. Wala kasi akong iniinis doon ng Tingting at Nognog!"

Agad niya itong hinampas ng hawak niyang potholder. Dali-dali naman itong tumayo at tinungo ang direksyon ng main door bitbit ang tray ng cake.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Remelyn Gwapa
yehey!nakakamiss silang dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status