Share

Chapter 4: Pain of Pretense

    Puyat man nang nagdaang gabi, maagang nagising si Sophie kinabukasan. She planned to jog around the subdivision in the hopes that it would give sometime to clear her head. Sinipat niya ang smartwatch niya bago tumingala. Pasado alas-singko pa lang ng madaling-araw at madilim pa ang langit. Mas gusto niya iyong madilim pa upang wala masyadong makapansin sa kanya.

Sandali siyang nag-stretching bago tuluyang binuksan ang gate. Papatakbo na sana siya nang umingit din pabukas ang gate ng mga Mendoza sa tapat. Maya-maya pa, lumabas sa single-entry gate ang bulto ni Rob. Nagulat pa ito nang makita siya.

"Magjo-jogging ka rin?" anito.

Inirapan niya ito bago nagpatiunang tumakbo.

"Hey, wait up!" anito, hinabol siya. Maya-maya pa, magkapanabay na silang tumatakbo.

Wala silang imikan hanggang marating nila ang park ng subdivision. Hindi naman sa hindi niya ito gustong kausapin. Hindi lang niya alam kung paano ito sisimulang kausapin. Their dinner date last night was a disaster, at least for her. She loathed every bit of it. Lalo pa nang bago sila maghiwa-hiwalay silang tatlo ay nag-insinuate si Rachel na matutulog si Rob sa condo nito. At ni hindi tumutol si Rob sa ideyang 'yon. Mukhang excited pa nga 'ata ang salot na maka-score sa malditang girlfriend nito e dahil mas naunang umalis ang mga ito sa parking lot kaysa sa kanya. Kaya nga nagtataka siya na kasama niya itong nagjo-jogging ngayon.

Ano kayang oras itong umuwi? lihim na tanong ng isip niya.

Napairap siya. Malay niya at pakialam niya! Magsama ang mga ito sa pugad ng lampungan till Kingdom come for all she cares!

Nalukot na ang mukha niya. Binilisan niya ang pagtakbo. Humabol ulit si Rob. Nakailang ikot din sila sa park bago siya nahahapong nahiga sa garden na puno ng garden grass. Humihingal siyang napatitig sa langit. Nag-aagaw na ang iba't-ibang kulay doon—parang bumabati ng isang magandang araw. She smiled. Mornings will always be her favorite.

Naramdaman niya ang pagtabi ni Rob sa kanya. Tahimik din nitong pinagmasdan ang langit habang hinahabol ang hininga.

"What do you think of her?" ani Rob maya-maya, ang mga mata nasa langit pa rin.

"Who?"

"Rachel."

She rolled her eyes. Rachel na naman! Pinadaan niya muna ang ulap na hugis-puso bago bumuntong-hininga.

"At kalian pa naging importante ang opinyon ko pagdating sa mga girlfriends mo? Kahit naman anong sabihin ko, maganda man o pangit, you'll still end up dumping them after three months." She tried to sound formal.

"Iba 'to Sophie. I've been dating her for almost five months now. Record breaking 'yon." Mabilis siyang sumulyap dito. Nakangiti ito habang ang tingin nasa langit pa rin. Happy. Rob is a picture of a man who is happy. "Sa tingin mo, does it mean something?"

Sandali niya itong pinakatitigan. Kumabog ulit ang dibdib niya ngunit hindi niya pinahalata ang pagkagulat sa nalaman.

Five months. Limang buwan na itong magkarelasyon at si Rachel nang hindi man lang niya alam! Kung sabagay, she'd been really busy for the past nine months. Madalang na rin sila nitong mag-usap noong nasa Paris siya kaya hindi siya updated sa lovelife nito.

Sandali siyang nag-isip kung sasabihin niya rito ang totoo na maldita ang girlfriend nitong isinawsaw sa glutathione o hindi.

But seeing him now, with a genuine smile on his face, can she really ruin this moment for her... friend? She decided to lie.

Kumurap-kurap siya at tumikhim. "Then maybe she's the one for you," she said, as if unaffected. Muli niyang ibinalik sa langit ang tingin.

"You think so?"

Napalunok siya. "O-of course! W-why not?" She cursed herself for stammering ang lying kahit na naghuhumiyaw na sa pagtutol ang puso niya sa sinasabi. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Hindi na siya nag-iisip ng tama.

"Alam mo, tama ka. Si Rachel 'yong tipo ng babaeng puwedeng iharap sa simbahan. I hope you two could spend more time together. She really is a great woman," anito.

Lihim siyang nasamid sa sinabi nito. Gusto niyang magmaktol! It's either, adik na adik sa amoy ng glutathione at rebond si Rob o kaya naman talagang may sapak na ito kaya nito nasasabi ang mga nasasabi nito sa kanya ngayon. Wife material ba 'yon? Baka nga hinid pa ito naranasang maglaba maski panty nito sa haba ng fake nails nito e. Jusko! Another meeting with Rachel would be purely hell!

And given a choice, mas pipiliin niyang mag-hara kiri na lang kaysa makipaglapit pa rito.

Galawang bitter ka! Binata si Rob, kaya karapatan niyang maghanap ng girlfriend and eventually ng puwede niyang maging asawa, pangangaral ng lohika niya.

Asawa? May bumangon na matinding lungkot sa dibdib niya. Eventually talagang mag-aasawa si Rob at natitiyak niyang hindi siya 'yon! Period!

Awtomatiko ang pagbigat ng dibdib niya sa naisip. Maya-maya pa, naagaw na ang isip niya nang tuluyang pagtama ng araw sa puwesto nila.

"Goodmorning, Sophie," masuyong bati nito bago nakangiting bumaling sa kanya. Bumaling din siya rito. His greeting and gaze warmed her heart. He's looking at her like she's his most favorite person in the world. She smiled and silently wished for Rob to always look at her the way he is looking at her right now.

Her heart went into overdrive at the thought.

Maya-maya pa, tumayo na ito at nagpagpag ng damit. Inilahad nito ang kamay sa kanya at tinulungan siya sa pagbangon. Nang tuluyan siyang makatayo, bigla siya nitong akbayan. Agad siyang nataranta, lalong bumilis ang pagtambol ng dibdib niya.

"Breakfast tayo kina Aling Panyang," aya nito.

Hindi siya agad nakasagot. Rob was so close and the unfamiliar feeling is drowning her. She's on the verge of a panic!

"Ano, okay lang sa 'yo?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. Niyuko pa siya at pinakatitigan.

She took every ounce of composure she had left and tried to wriggle free herself. "S-sure," nauutal niyang sagot.

"Race to your house then. Loser pays." He gave her a heart-stopping smile before running ahead of her.

Naiwan siya sa park na taranta, kabado at naguguluhan habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Rob. Mukhang sigurado na kasi siya sa nararamdaman niya. No, she did not got over the silly crush he had on him. It grew with her. And she knew right there and then, she's in deep trouble.

                                                                                          -----

"Boss, bakit ngayon ka lang?" bati ni Devin ang Vice President ng RMM Builders. Boys night out nila ngayon kasama ang mga top executives ng kamyamg kumpanya. It's a tradition they do everytime na nakakapag-close sila ng bagong project. Hinatid muna niya si Rachel sa condo nito matapos ang date nila bago siya tumuloy sa sikat na bar na iyon sa The Fort kaya late siya.

"Ulirang boyfriend na kasi ngayon si Boss Rob," kantiyaw ni Sonny, isa ito sa mga baguhang project engineers niya.

"Kung ako man ang magkaroon ng girlfriend na tulad ni Rachel Espinosa, magpapaka-good boy na talaga ako, 'no Boss?" pang-aasar ni Grey, ang head naman ng sales.

Ngumisi siya bago kumuha ng bote ng beer mula sa bucket. Tipikal na sa kanila ang magkantiyawan kapag nasa labas sila ng opisina. "Bakit, dati naman na akong good boy a?"

"Oo. Good boy 'pag tulog kamo!" hirit pa ni Devin na siyang pinakamatagal niyang kakilala sa lahat.

Nagtawanan na naman ang lahat. Ang iba humirit ulit ng kantiyaw. Naiiling siyang lumagok ng beer.

Good boy naman talaga siya kasi, at least for him. Kahit marami na siya kasing naging girlfriends, never niyang pinagsabay-sabay ang mga ito. He is faithful as long as the flirting lasts, but he never commits. Or should he say he still hadn't found the woman to whom he would commit the entirety of his remaining days on earth with.

Muli niyang dinala ang bote ng beer sa kanyang bibig. Naalala niya si Rachel. Rachel is different among all the girls he had relationships with. Kung ang iba ay sobrang selosa, ito naman ay chill lang. Hindi nito alintana ang mga umaaligid sa kanyang ibang babae. Maalaga din ito at thoughtful. Bagay na hindi niya masyadong naranasan sa mga magulang dahil kapwa abala ang mga ito sa sa trabaho habang lumalaki siya. Kung may paghahambingan man siya kay Rachel, marahil ito na si Sophie-- the sister he never had.

Napakunot-noo siya nang maalala ang kababata. He fished his cellphone from his pocket. Himala. Buong araw siyang hindi binulabog ni Sophia Ysabelle. Hindi kagaya ng nagdaang mga araw na nagfa-flood message pa ito just to drive him nuts!

Now he wonders, what she is up to again.

Mamaya, kapag may oras pa siya, tatawagan na lang niya ito o kaya aayain niya ulit ng agahan gaya kahapon.

Nang dumaan ang waiter, um-order ulit si Devin ng dalawang buckets ng beer at tatlong order pa ng pulutan.

It's gonna be a long night, he thought.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sherry Mae Nayusan Villoso
nalilito ako Mendoza siya pero si Rob ay Mendoza din?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status