Salamat po sa mga naghintay ng epilogue. I know it took me sometime to write this and I apologize. The epilogue is a glimpse of the second generation ng mga stories ko at magiging stories ko pa dito sa GN. Sana po patuloy ninyong suportahan ang aking mga kuwento. For updates like my page: Mga Kuwento ni Jenny Javier. Thank you! Keep dazzling!
Butil-butilng pawis ang naglabasan sa noo ng labing-isang taong gulang na si Sophie habang pinagmamasdan ang grupo ng mga kalalakihang kumakanta sa waiting shed sa hindi kalayuan. Sa lahat ng darena ipinagawa sa kanya sa larong truth or consequence, 'yon na yata ang pinakamahirap. Ang misyon niya, sabihin sa ubod ng suplado at hari ng kahambugan na si Rob na crush niya ito. At may props pang bulaklak!Inirapan niya ang bungkos ng bulaklak ng gumamela na hawak niya. Pinitas pa iyon ng mga kalaro niya sa garden ng school."Sophie," tawag sa kanya ni Alexa, isa sa mga kaklase niya at kalaro. Pumuwesto ito sa likuran niya, nakitingin din sa tinitignan niya. "Sigurado ka bang kaya mo? Kung hindi, puwede naman nating palitan?"
"Mommy, look! Siya 'yong nasa billboard o!"Napalingon si Sophie sa direksiyong pinagmulan ng tinig. She saw a giddy little girl in pigtails looking at her. Nginitian niya ito pati na rin ang nanay nito. Maya-maya pa, may lumapit na grupo ng mga dalagita at nagpa-picture sa kanya. She happily obliged. Nang makaalis ang mga ito ay binilisan niya ang lakad. Kanina pa siya nakikilala ng mga tao na kasabayan niyang lumalabas mula sa arrival area ng NAIA Terminal 3. Hindi magtatagal, dudumugin na siya ng mga tao. Kabisado na niya ang ganoong eksena.Well, that's the price she had to pay for being famous. She is Sophia Ysabelle Benitez, one of the most sought after supermodel of her generation.Milagro. Iyon ang nangyari sa kanya. Sino ang mag-aakalang ang sinasabihang haragan at mu
"Hello po, Tita Mae," bati ni Sophie sa ina ni Rob na noon ay abala sa pag-i-spray ng alaga nitong halaman sa orchidarium.Namilog ang mga mata nito nang makita siya. "Oh my, it's really you, hija!" Nagmadali itong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Retired biology professor ito sa isang unibersidad sa Maynila at ngayon ay may mina-manage itong orchid farm sa Batangas."When Rob told me that you are home, hindi ako naniwala agad. Why, this is a nice surprise!" anito bago siya binitiwan. "You've grown prettier, hija," magiliw pang sabi nito bago magaang pinisil ang pisngi niya. Bata pa siya ay hilig na nitong gawin iyon sa kanya. Kapag kuwan'y nagsalubong ang kilay nito. "Pero parang pumayat ka. Naku, ginugutom mo 'ata ang sarili mo doon, anak. Hindi maganda 'yan. Sandali magpapahanda ulit ako ng breakfast?"
"O pa'no Rob, ikaw na ang bahala rito sa kababata mo. Paluin mo sa puwit kung ayaw sumunod sa iyo. At ikaw Sophie, makinig ka kay Rob. Araw-araw siyang magbibigay ng update sa akin tungkol sa mga ginagawa mo," bilin ng Daddy niya kay Rob. Naroon sila ngayon sa NAIA 3. Paalis ang mga ito para sa isang buwan na honeymoon sa Carribean. Iyon ang surprise gift niya sa mga magulang.Lumabi siya sa sinabi ng ama. "Dad naman, I'm not a kid anymore.""Of course you still are! You will forever be my stubborn little princess." Kinabig siya nito payakap. "I'm serious, Sophie. Behave," bulong pa nito."Yes, Dad," walang gana niyang sagot. Nang bumitiw sa kanya ang ama, yumakap naman siya kay Tita Lucy."Salamat sa honeymoon trip na ito, anak!" ani
Pababa pa lang ng parking lot ng isang sikat na French restaurant si Sophie nang matanawan niya sa loob niyon si Rob. Ilang araw din silang hindi nagkita dahil naging busy ito sa mga client meetings nito. At siya naman, naging abala sa ilang mga interviews at guestings.Kaya naman nang ayain siya nito na magdi-dinner daw sila sa labas ng gabing iyon, hindi na siya tumanggi. She wore her classy little black dress from Chanel and nude pumps from Louboutin. She also opted to let her long straight hair down and went for a subtle make-up. It took her hours to finally decide on the ensemble she'd wear. Hindi niya alam kung bakit, but she really wanted to look a little bit extra tonight. This is the first time in years that Rob had invited her to dine out. So, she really wanted to look good.Kinawayan siya ni Rob nang tulu
Puyat man nang nagdaang gabi, maagang nagising si Sophie kinabukasan. She planned to jog around the subdivision in the hopes that it would give sometime to clear her head. Sinipat niya ang smartwatch niya bago tumingala. Pasado alas-singko pa lang ng madaling-araw at madilim pa ang langit. Mas gusto niya iyong madilim pa upang wala masyadong makapansin sa kanya.Sandali siyang nag-stretching bago tuluyang binuksan ang gate. Papatakbo na sana siya nang umingit din pabukas ang gate ng mga Mendoza sa tapat. Maya-maya pa, lumabas sa single-entry gate ang bulto ni Rob. Nagulat pa ito nang makita siya."Magjo-jogging ka rin?" anito.Inirapan niya ito bago nagpatiunang tumakbo."Hey, wait up!" anito, hinabol siya. Maya-maya pa,
"Maarte, kerengkeng, at parang tuko kung makakapit sa braso ni Rob. Basta! Isa siyang malditang ibinabad sa glutathione!" ani Sophie habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Naroon sila ni Raine sa powder room ng isang sikat na bar sa Taguig.Actually, kumpromiso lang ang pagpunta niya roon dahil kaibigan niya ang may-ari ng bar si Candace. Kaibigan nila ito ni Raine noong college at nakapag-asawa ng businessman na may-ari ng chain of restaurants and bar sa Metro Manila. Baka kasi magtampo ito kapag nalaman nitong hindi man lang siya bumisita sa bagong branch ng sikat na bar nito."A, socialite bitch?" kaswal na bulong ni Raine habang nagre-retouch ng lipstick nito sa tabi niya.Napasinghap siya. "I did not call her that!"
Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ni Sophie. Kanina pa rin siya mulat at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kuwarto. Pero ayaw niyang bumangon o sagutin man lamang ang telepono. Ang gusto niya ay lamunin siya ng malambot niyang kama at manatili sa loob niyon hanggang humupa na ang intriga na si Rob mismo ang may kagagawan.Tatlong araw. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap nito. At tatlong araw na rin silang laman ng mga balita, social media, broadsheets maging tabloids.The world is crazy over her and Rob. Bakit naman hindi? Isang mayamang playboy bachelor lang pala ang katapat niya. Ang image niya ngayon sa mundo, sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya-- prinsipe, anak ng presidente, business tycoon, at Hollywood actor, sa bestfriend lang pala niya ang bagsak niya. Sa bestfriend niyang playboy na mayroong girlfrie