Share

Chapter 5

AKALA ni Claude ay makukuha na niya ang loob ng ina ng asawa o ng asawa niya. Pero nagkakamali siya.

"Iyon ba ang son-in-law mo, kumpadre?" tanong ng kaibigan ng father-in-law ko.

Nasa isang pader ako nagtatago. Gusto kong marinig ang pag-uusap nila.

"Yes, anak iyon ng matalik kong kaibigan," sabi ng father-in-law ko.

"Bakit tela walang amore ang anak mo doon."

Napabuntong-hininga ang father-in-law ko.

"Ayaw ni Mikaella na makasal sa kanya. Ewan ko ba sa anak ko na iyon. Hindi ko lubos maisip kong bakit ganun ang anak ko na iyon."

"Tama na iyang pag-uusap ninyo sa taong walang alam," singit ng mother-in-law ko. "Ayaw ko din sa lalaking iyon para sa anak ko, Matias. He is a warden. Ano naman ang ipapakain niya sa anak natin? Iyong kakarampot na kita sa pagiging warden?"

Bigla akong natahimik. Marangal naman ang pagiging warden. Bakit kinaayawan ito ng mother-in-law ko? Ganun ba kababa sa kanya ang pagiging warden ko?

Hindi na nakinig si Claude. Tapos na din naman ang dinner ay umalis na lang siya. Sa likurang bahagi siya ng bahay dumaan. Para walang makapansin sa kanya.

Sumakay agad si Claude sa kotse niyang dala. Pinatakbo iyon at binabaybay ni Claude ang daan papuntang villa. Doon muna siya. Ayaw niyang makasama muna ang mga tao sa bahay na iyon. Lalo na ang asawa niya.

Dumating si Claude sa villa. Pagbaba pa lang niya sa kotse ay naramdaman na niya na para bang may mali. Kaya nilakasan ni Claude ang pakiramdam.

Tuluyan ng iniwan ni Claude ang kotse at papasok na sana sa loob ng villa ng may lumabas mula sa kung saan.

"Sino kayo?" tanong ni Claude sa apat na kalalakihan.

"Ilabas mo ang amo namin," saad ng isa sa apat kay Claude.

"Ano ang ilalabas ko? Wala naman dito ang amo ninyo. Sino ba ang amo ninyo?" tanong ni Claude sa kanila.

"Iyong dinala ng babae sa kulungan."

Doon nalaman ni Claude na tauhan pala ito ng taong iyon. Mabilis ang bawat galaw ni Claude. Dahil sumugod sa kanya ang apat na lalaki.

Nakipagsuntukan siya sa mga lalaki na pumasok sa villa niya. Nilabanan niya ang apat na siya lang mag-isa.

Bawat suntok na ibinibigay niya sa kalaban ay napaatras ang mga ito. Kaya buong lakas niyang tinapos ang laban na iyon.

Hingal na hingal ni Claude. Matapos ang pakikipaglaban niya sa apat na kalaban. Nakahandusay ang mga ito sa bakuran ng villa na pagmamay-ari niya.

Pinasan ni Claude ang mga kalalakihan na natalo niya at pinagulong iyon pababa sa burol. Matapos na ihulog ni Claude sa burol ang apat na kalalakihan at umalis na si Claude ay pumasok sa loob ng villa.

SAMANTALA, nagngingit-ngit naman ang kalooban ni Mikaella. Dahil hindi niya mahanap si Claude. Gusto niyang makausap ang asawa sa set-up nilang dalawa.

Papasok na sana si Mikaella ng mapansin at maamoy niya na para bang amoy dugo ang paligid. Hanggang sa matagpuan na lang ni Mikaella ang sarili na nasa harap na siyan ng apat na mga lalaki na naliligo sa sariling mga dugo.

Napatingala si Mikaella. Dahil alam niyang galing iyon sa villa, mula sa itaas ng burol. Gusto niyang nalaman kung sino ba talaga ang nakatira sa villa na iyon. Bakit galing doon si Claude kanina?

'Sino ba talaga ang nakatira sa villa na iyon? At ano ang ginagawa ni Claude sa villa?'

KINAGABIHAN ay nasa bahay sina si Claude at Mikaella. Isang ngiti ang ibinigay ni Mikaella sa asawa, na siyang ipinagtataka naman ni Claude.

"Punta tayo sa isang Club," yaya ni Mikaella kay Claude.

Hindi agad nakapagsalita si Claude, dahil sa pagyaya ni Mikaella sa kanya.

Habang sa isipan naman ni Mikaella at gusto nitong ipamukha kay Claude na magkaiba ang mundo na ginagalawan nila.

Dumating sina Claude at Mikaella sa Club. Naroon na ang mga kaibigan ni Mikaella na niyaya nito. Lahat ng kaibigan ni Mikaella ay puro mga mayayaman. Kaya halos kainin na si Claude sa kahihiyan.

Ngayon lang napagtanto ni Claude ang lahat. Gusto na isama siya ni Mikaella para pagmukha-ing tanga sa harapan ng kaibigan nito. Ikinuyom na lang ni Claude ang mga kamay. Dahil sa pinipigilan niyang galit. Ayaw niyang mag-eskandalo.

"Who's this man, Ella?" tanong ng isa sa kaibigan ni Mikaella.

"My husband," maikling sagot ni Mikaella sa mga kaibigan nito.

"Your husband?" napatingin si Claude sa nagsasalita. "Kung sa akin ka lang nagpakasal, Ella. Matatamasan mo ang magandang buhay," sambit ng lalaki sa harapan nina Claude at Mikaella.

Tela ba nagpaparinig ito. "Kaya kong buhayin ang asawa ko. Kaya hindi ka na niya kailangan na pakasalan," ganti na sagot ni Claude sa lalaki.

"Kung ganun, hinahamon kita sa isang dwelo," taas noo nitong paghahamon kay Claude.

Nakatingin ang mga nasa mesa kina Claude at sa lalaki. Kaya walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Claude ang hamon ng mayabang na lalaki na nasa harapan niya. Gusto niyang bigyan ng leksyon ang lalaki. Gustong turuan ni Claude ang lalaki ng leksyon na hindi nito makakalimutan sa buong buhay nito.

NASA isang building sina Claude at ang karibal nito sa asawa. Hindi na gustong nalaman ni Claude ang pangalan ng karibal niya. Dahil wala hindi naman din sila magkikita.

Kasama ni Claude ang asawa at mga kaibigan nito. Gusto yata nila masaksihan kung paano pababaksakin ni Claude ang kanyang karibal.

Naghanda na sina Claude at ang kanyang karibal para sa isang dwelo. Nasa gilid naman ang mga nanonood.

Isang malakas na pag-atake ang ginawa ng karibal ni Claude laban sa kanya. Napa-atras si Claude at umiling-iling. Napangisi naman ang karibal ni Claude, dahil napuruhan niya ito.

Ngunit ang hindi napaghandaan ng karibal ni Claude ay ang mabilis nitong pag-atake. Halos hindi magkamayaw sa pagsalag ng bawat atake ni Claude gamit ang hawak na fencing laban sa kalaban nito. Hanggang sa mapa-upo ang kalaban ni Claude sa sahig at hindi man lang nakagalaw, dahil sa bilis ng pangyayari. Itinutok ni Claude ang fencing na hawak nito sa karibal nito.

"Next time, wag kang maghamon kung hindi mo kaya. Marami ka pang kakainin na bigas. Bago mo ako matalo!" Binitawan ni Claude ang fencing na hawak nito at umalis sa harapan ng lahat. Iniwan niya ang mga tao na nandoon na masayang nanonood sa laro na inumpisahan nila.

Ikinuyom ni Claude ang kanyang mga kamay. Dahil sa nagbabantang galit.

'Masyado na nila akong hinahamak, hintayin ninyo ang ganti ko.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status