Share

Chapter 4

NASA beranda ng villa nakapwesto si Claude. Nakatingin siya sa magandang tanawin na nasa labas ng villa. Dahil nga nasa itaas ito ng burol ay natatanaw ni Claude mula sa beranda ng villa ang mga tanawin. Nasa railings ng beranda ang dalawang kamay nito at doon nakahawak.

Naalala pa ni Claude kung paano i-regalo sa kan'ya ni Midnight ang villa na iyon. Midnight is a soldier. Ayon kay Midnight. Umalis ito sa pagsusundalo, at bumuo ng isang gang, isang pinakamalaking gang sa buong bansa. Binuo nito ang gang na iyon. Hindi para sa pera, kundi para protektahan ang buong bansa. Pero hindi inaasahan na ang magiting na sundalo at lider ay biglang nag-iba ang kilos at ugali, nagawa nitong pumatay. Pinatay nito ang mga tauhan at ang pinagkakatiwalaan nito. Kaya nakulong ito. The villa belongs to Midnight. Pero ibinigay nito ang villa kay Claude.

Tumunog ang telepono ni Claude. His father-in-law called.

"Where are you, Claude?" He asked Claude.

"Sa isang villa po, villa ng kaibigan ko," magalang sambit ni Claude sa biyenan nitong lalaki.

"Can you have dinner with us?" yaya nito sa akin.

"Sure, sir."

"I am sorry, Claude. Pasensya ka na sa anak ko."

"It's okay, sir. Naiintindihan ko naman."

"Sunduin na lang kita."

"Wag na po." Tangi ni Claude. "Ako na po ang bahala."

Pumunta sa garahe si Claude. Kinuha ang isang tabil mula sa isang kotse Tumambad sa harapan ni Claude ang isang kotse. A Volkswagen Phaeton, hindi biro ang presyo ng kotse na ito. Inilandas ni Claude ang mga daliri sa kotse. Ngumisi si Claude. Iniregalo din ito ni Midnight kay Claude.

Binuksan ni Claude ang pinto mula driver seat at pumasok ito sa loob. Pinagmasdan ni Claude ang kabuoan ng kotse. Sobrang ganda. Binuhay ni Claude ang makita ng kotse at pinaharurot iyon palabas ng gate ng villa. Binabaybay ngayon ni Claude ang daan pauwi sa bahay ng kanyang in-laws.

SA KABILANG banda naman ay hindi alam ni Claude na may bahay din pala si Mikaella sa lugar na iyon. Walang nakakaalam na kay Mikaella ang bahay na iyon. Nakita ni Mikaella at ng assistant nito si Claude na lumabas mula sa villa na iyon at sakay ng isang mamahaling kotse. Alam nilang si Claude iyon. Dahil nakabukas ang bintana ng driver seat at nasa gawi nila kung saan naka-upo si Claude.

"Di ba ang asawa mo iyon?" tanong ng assistant ni Mikaella sa kanya.

Sinamaan ng tingin ni Mikaella ang assistant nito. "Would you shut up?" angil ni Mikaella dito.

Pero hindi nakinig ang assistant nito sa kanya.

"Bakit ayaw mong tanggapin na asawa mo iyon? Kasal kayong dalawa. Talaga bang ayaw mo sa kanya?" tanong nito kay Mikaella.

"Hindi ko gusto ang kasal na iyon. Pinilit lang ako ni papa."

"Kahit na, dapat ay pakisahan mo siya ng maayos. What if sa villang iyan, may babae siya?" nang-aasar na sambit nito kay Mikaella.

Galit na binalingan ni Mikaella ang nakakairaitang assistant niya.

"Wooh! Anong klaseng tingin iyan? Galit ka ba? Are you jealous?" tanong nito.

Biglang naalarma si Mikaella sa inasta nito. "Ano bang pakialam ko sa kanya."

"Well, Claude is handsome. Kahit na warden lang siya sa isang kulungan ay magandang lalaki si Claude. Baka sa villa na pinaglabasan niya kanina ay may tinatago pala siyang babae," ngiting pang-aasar ng assistant ni Mikaella sa kanya.

NASA bahay na si Claude ng in-law's niya. Nalaman din niya na nagluto pala ng dinner ang kanyang biyenan na babae. Kung hindi lang dahil sa pag-imbita ng father-in-law niya ay hindi siya darating. Ayaw niyang makita ang mother-in-law niya. Dahil t'yak na hahamakin lamang siya. Pagsasalitaan ng hindi maganda.

Sumilip si Claude sa kusina at nakita niya ang bote ng isang wine na nakapatong sa counter island at wala ng laman iyon. Kilala ni Claude ang bote ng wine na iyon. Iyon ang dala niyang wine. Bigla ay nakaramdam si Claude nang panghihinayang. Umiling-iling na lang na umalis si Claude mula sa pinto ng kusina. Ayaw niyang makita ang ginagawa ng kanyang mother-in-law.

Samantala, habang nagluluto ang ina ni Mikaella ay nalalaghap nito ang amoy ng wine. It expensive? Para bang hindi fake. Pero alam ng ginang na fake iyon. Kaya naisip niya na isahog na lang sa niluluto niyang ulam  ang wine na iyon. Sobrang bago ng amoy ng wine.

Nasa sala si Claude ng dumating ang asawa nito. Agad na napatayo si Claude ng makita ang asawa. Pero nilagpasan lang siya ng asawa at pinuntahan ang ina na nasa bungad pala ng kusina.

"Hija, buti naman at nakarating ka," nakangiting sambit ng ginang.

Yumuko na lang si Claude. Dahil tila ba hangin lang siya sa pamamahay na iyon. Walang pakialam ang mga tao sa kanya.

HABANG nasa mesa at puno ng pagkain ay dumating ang isang kaibigan ng father-in-law ni Claude. Makakasabay nila iyon sa pagkain. Sobrang asikaso ng in-law's niya ang bisita. Dahil maimpluwensya ang matandang.

Kumuha ng mushroom beef stew at grilled salmon fillet ang bisita ng father-in-law ni Claude. Tinikman niya iyon at ninanamnam.

"Are you pairing it with wine?" tanong nito. Nasa ina ni Mikaella ang tingin nito. Bigla ay napatigil sa pag nguya ang dayuhan at ang ina ni Mikaella. Nagkatitigan ang dalawa.

Nakangiti ang biyenang babae ni Claude. Alanganin ang ngiti nito.

"Y-yes," nanatili ang ngiti nito sa labi.

Pero labis ang kaba ng ginang.

"Well, it tastes good. Let me guess the wine. It was Pinot Noir wine?" tanong nito.

Naguguluhan man ang biyenang babae ni Claude at ngumiti na lang ito. Hindi nito alam kung iyon ba ang pangalan ng alak na nilagay niya sa ulam.

"Well, Pinot Noir wine is the most expensive and super-luxury wine in the whole world. Sobrang sarap din noon. Tapos ay sobrang mahal pa. Ganito ang lasa ng wine na iyon. Pag isinahog sa isang ulam."

Halos hindi makapaniwala ang mag-ina sa nalaman. Gusto nilang lumubog sa kinauupuan, dahil buong akala ng ina ni Mikaella na fake wine iyon, at buong akala ng ina ni Mikaella ay ninakaw iyon ni Claude mula sa pamilya nito. Bago ito ipagtabuyan.

Yumuko si Claude at napangiti. Ngayon ay napatunayan na niya na hindi peke ang wine na iyon.

Gustong lapitan ni Mikaella si Claude. Pero nagdadalawang-isip siya. She regrets having doubted her husband.

Yes, she finally accepted that he was her husband. But she will do all she can, so he will be miserable his whole life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status