Share

Chapter 2

'You need to marry, Ella, son. Go home as soon as possible. I'll see you, when I see you,'

HALOS hindi makapagsalita si Claude sa gustong mangyari ng ama niya. Ayon sa sulat ng ama ay kailangan niyang pakasalan ang kalaro niya noong bata pa sila. He need to marry Ella. ASAP.

"Damn! Paano ko papakasalan ang babaeng ni minsan ay hindi ko na nakikita at bakit ganun kaatat si papa, na pakasalan ko ang babaeng iyon?" ani ni Claude sa kanyang sarili.

Napahilamos si Claude sa kanyang mukha. Dahil hindi nito alam kong ano ang gagawin. 'Kailangan kong makausap si papa. As soon as possible.' Hindi makapag-isip ng maayos si Claude. Dahil palaging sumasagi sa isip niya ang laman ng sulat ng kanyang ama. 

NGAYON ang araw ng paglabas ni Claude sa kulungan na iyon, at alam ni Claude na masaya ang mga priso dahil wala na siya sa loob ng kulungan. Sumakay si Claude sa speed boat. Dahil tanging speed boat lang ang pwedeng sakyan mula sa secret prisoner hanggang sa labasan. Nasa gitnang ng dagat kasi ang kulungan na iyon. Sobrang tago ang lugar na iyon. Pagkadating sa daungan ay bumaba agad ang binata at may naghihintay doon na kotse na pwede nitong gamitin. Agad nitong pinuntahan ang kotse na iyon.

Nang makasakay na si Claude sa kotse ay agad nitong pinatakbo ang kotse patungong airport. Dahil maya-maya na ang flight nito. Pagkadating niya sa airport ay bumaba si Claude mula sa kotse at pumasok sa paliparan.

Nakarating si Claude sa eroplano na sasakyang nito at nakita nito ang babae na naka-engkwentro nito sa kulungan. Ngumisi si Claude. He even cross his arms at pinagmasdan ang babae ng mabuti. Abala kasi ito sa kung ano. Doon lamang nito nalaman na galing pala ito sa gyera. Naka uniform pa ito, at iisang eroplano lang pala sila. Saan kaya nakatira ang babaeng ito.

'This woman is a badass. She is hotter in her uniform.' Agad na umiling-iling si Claude, dahil sa naisip. Dapat hindi niya iniisip iyon. May babaeng gusto ang ama niya para sa kanya. Dapat doon niya i-focus ang isip, hindi sa kung sinong babae man.

Nagtama ang paningin ni Claude at Mikaella. Nasa may hagdan pa si Mikaella. Dahil may hinihintay pa sila. Nanlaki ang mga mata ng dalaga, dahil sa nakita. May kasama itong isang babae na di nagkakalayo ng edad sa dalaga. Lumapit ako sa may puno ng hagdan at handa na sanang umakyat sa loob ng eroplano ng magsalita ang kasama nito.

"Are you following us?" Paratang ng isang babae kay Claude. Nawala ang paningin ni Claude kay Mikaella at nailipat sa kasamahan nito.

Kunot noong tinignan ito ni Claude. Hindi katangkaran ang babaeng nasa harap niya. Nasa balikat lang ito ni Claude.

"Excuse me? Are you nuts? Or baka hindi ka pa kumakain? And for you information, hindi ko kayo sinusundan. Bakit kasalanan ko bang nasa iisang eroplano tayo? O baka ako ang sinusundan ninyo."

Naglakad si Claude papunta kay Mikaella. Hindi naman natinag ang dalaga. Nakaharang kasi si Mikaella sa hagdan ng eroplano.

"Dadaan ak---"

Hindi na natuloy ni Claude ang sasabihin dahil nakarinig sila ng putok ng isang baril. Yumuko si Claude. Pero laking gulat niya ng mawala sa harapan nito si Mikaella at agad na sinugod ang mga kalaban. Namangha si Claude sa bawat galaw ni Mikaella. 'Ang galing nitong makipaglaban.'

Nanatiling nakatayo si Claude, at hindi matanggal sa mga mata ng binata ang pagkamanghan, kay Mikaella naman kasalukuyang nakikipaglaban. Nakita nitong tatlong kalalakihan ang kalaban nito. Hindi akalain ni Claude na malakas pala ang babae. She is a good fighter. Sobrang namangha si Claude. Dahil sa paraan ng pakikipaglaban ng dalaga sa mga kalaban nito. Hindi umabot ng isang minuto ang labanan ng dalaga at ng tatlong lalaki.

Sa kabilang banda naman ay nagngingitngit ang kalooban ni Mikaella at ng assistant nito. Dahil hindi man lang tumulong sa kanya ang lalaki. Hinayaan lang siya nitong makipaglaban.  Nakatingin lang ito at tila ba nabahag ang buntot.

Walang malay na iniwan ni Mikaella ang tatlong lalaki. Nilapitan nito ang lalaki.

"What a coward. Don't follow us. We aren't in the same world. So, stop plastering me."

Nahuli at natalo ni Mikaella ang tatlong lalaki.

"Ano ang kailangan ninyo?" galit na tanong ni Mikaella sa mga kalaban.

"Pakawalan ninyo ang boss namin." ngumisi si Mikaella.

"In you dreams," sabi nito sa lalaki at sinuntok ang mga ito.

Ibinigay nito ang tatlo sa security ng nasabing airport. Tinalikuran ni Claude ang dalawang babae at umakyat sa eroplano.

Habang si Mikaella ay hindi parin maalis-alis ang ngitngit sa dibdib. Tila ba sinusundan siya ng lalaki. Bago umakyat si Mikaella sa eroplano ay may nakita siyang isang sulat. Binasa niya iyon.

Napag-alaman niya na ang nagmamay-ari pala noon ay ang antipatikong lalaki na iyon. Parang mali ang paratang nito sa lalaki. Akala ni Mikaella na siya ang sinusundan ng lalaki. Iyon pala ay naroon ito. Para sa ibang babae. Pero bakit may ganun siyang naramdaman. Bakit Para bang nasasaktan siya. Iniisip pa lang niya na may ibang pinag-uukulan ng ibang pansin ang lalaki ay nasasaktan na siya.

Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang nasa isipan.

BUMABA na si Claude sa eroplano, isang lalaki ang sumundo kay Claude.

"James, long time no see," masayang sambit ni Claude kay James.  Nakilala nito ang lalaki sa kulungan kung saan siya ang warden.

Dahil nasa unahan siya ay napapasinghap ang mga tao na nasa paligid niya ng makita na yumuko ang mga ito. Sanay na si Claude sa pinapakita ni James, kaya di na siya nababahala o nagugulat.

Sumakay na sila sa isang kotse na gamit ni James. Hindi na din nagulat si Claude, sa nakitang kotse na nandito sa harapan niya. Hindi akalain ni Claude na sobrang yaman pala ni James.

"Let's go, Claude," yaya ni James kay Claude.

Sumakay na si Claude sa kotse. Hindi naman nakita ni Claude ang isang babae na matiim na nakatingin sa dito. Kitang-kita ni Mikaella na sumakay ang lalaki sa isang luxury car. Naningkit ang kanyang mga mata sa nakita. She is curious as a cat, and she knows her curiosity will kill her.

Umalis na si Mikaella sa airport. Dahil naghihintay na ang kanyang magulang sa bahay nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status