Share

The Son-In-Law's Wrath
The Son-In-Law's Wrath
Author: LauVeaRMD

Chapter 1

ISANG sigaw mula sa kwarto na iyon ang umaalingawngaw. Dahil sa pagpapahirap ni Claude sa isang priso. May kasalanan kasing nagawa ang priso na iyon at kailangan na parusahan. Nasa loob si Claude sa isang kwarto na ito lang ang pwedeng pumasok at iilan sa tauhan nito. Nilapitan ni Claude ang priso na kasalukuyan na pinahihirapan nito. Puno ito ng pasa sa katawan at sugat. Naliligo na din ito sa sarili nitong dugo. He is Claude Jay Dela Vega; his rules are his law, ika nga niya.

Ang kulungan na iyon ay isang secret prison. Isang kulungan na kung saan nakakulong ang mga kriminals na hindi na kayang lipunin ng nasa gobyerno. Isang kriminals na mga halang ang kaluluwa at walang kinakatakutan.

"Ano, gagawa ka pa ba ng katarantaduhan?" sigaw na tanong ni Claude dito. Galit na galit na tinignan ni Claude ang lalaki.

"H-hindi na," mahina nitong d***g. Alam ni Claude na kanina pa ito hirap na hirap.

Lahat ng priso dito ay nakatikim na ng bagsik ni Claude. Dito sa kulungan na ito si Claude ang batas. Kaya si Claude ang sinusunod ng mga ito. Bawat kasalanan na nagawa ng mga priso na nasa kulungan na iyon ay katumbas ay isang parusa ang matatanggap. Kaya akala nila ay okay lang na gumawa ng kasalanan. Pinaparusahan ni Claude ang mga priso, para alam nila ang kasalanan na nagawa nila. Hindi o-obra kay Claude ang mga ugali nila. Kung sa labas ay sila ang batas. Pwes, dito sa loob ng kulungan ay siya ang batas. Sa kulungan na iyon siya ang masusunod. Isang salita lang ni Claude ay takot na takot na ang mga priso na banggain si Claude. Dahil alam nila, paparusahan sila ni Claude.

"Ilabas na iyan at dalhin sa bartolena. Palabasin bukas ng hapon," utos ni Claude sa mga tauhan nito.

Lumabas si Claude kwarto na iyon at pumasok sa opisina nito, agad itong pumunta sa banyo. Para maligo, kailangan nitong maalis sa katawan ang amoy ng dugo, na dumikit dito.

Si Claude ay isang warden ng secret prison na iyon they called him a minor boss. Lahat nang utos ni Claude ay sinusunod ng mga ito, Walang nag-aamok. Walang nagkakamaling sumuway sa bawat salita nito. Warden ang ama ni Claude sa kulungan na iyon, they call him a major boss. Dahil ang ama ni Claude ang pinakaboss dito noon. Si Claude na ang pumalit sa ama nito, simula ng umalis ito sa paghawak ng kulangan, 3 years ago.

Agad na ni Claude tinapos ang pagligo. Nagbihis ako at lumabas ng banyo. Everyone is sacred to him. Dapat lang, dahil isang pagkakamali lang ng mga priso ay baka hahantong sila sa kamatayan.

"Okay ka lang?" tanong nito kay Claude. Bigla-bigla na lang ito pumapasok ng hindi nito alam.

"Oo naman. Alam mo naman na wala akong pinapalampas, basta may kasalanan. Kailangang parusahan."

"Hinay-hinay lang, maraming galit sa iyo dito. Baka isang araw, tambangan ka."

I mocked him. "Hindi mangyayari iyon. Dahil papunta pa lang sila. Pabalik na ako."

Lumabas si Claude sa opisina nito at iniwan ang lalaking iyon doon. Kailangan na silipin ni Claude ang mga priso, dahil baka may katarantaduhan na naman silang ginagawa. Nasilip ni Claude ang isang kulungan.

 

"Anong ingay iyan? Bakit nagkukumpulan kayo? May binabalak na naman kayo?" pasigaw na tanong ni Claude sa kanila.

Tumahimik silang lahat. Dahil alam nila na isang pagkakamali lang nila sa pagsasalita ay may kalalagayan sila. Inilibot ni Claude ang paningin nito sa kabuoan ng selda. Nagkukumpulan sila na para bang may pinagpupulungan.

"Kung anuman ang binabalak ninyo. Tigilan nyo na. Dahil hindi kayo o-obra sa akin," sabi ni Claude sa kanila. Umalis na si Claude doon at iniwan silang lahat doon.

Ang ibang kriminal ay handang magbayad ng malaking halaga kay Claude. Para lang mapaabot sa pamilya ng mga ito ang mga sulat na pinapadala ng mga ito. Sobrang higpit ng pamamalakad ni Claude sa kulungan na iyon. Dahil pag nakatakas ang mga kriminal na nandito ay tiyak na mahihirapan ng madakip muli ang mga ito.

KINABUKASAN habang naglilibot si Claude sa loob ng mga selda ay tumatakbong papalapit sa kanya si Buyong isa sa tauhan nito dito sa kulungan. Matapat si Buyong kay Claude. Kaya kinuha nito ang lalaki para maging tauhan nito. Isang priso si Buyong. Pero ayon dito ay wala itong kasalanan.

"Boss, may naghahanap sa iyo!" masigla saad ni Buyong kay Claude.

Pero binigyan lang ito ni Claude ng isang malamig na tingin si Buyong.

"Sino, Buyong?" tanong ni Claude kay Buyong

"Hindi ko kilala boss, babae ang naghahanap sa iyo. Maganda, sexy." Tumaas ang kilay ni Claude dahil sa sinabi ni Boyong.

Minsan lang magkaroon ng bisita ang kulungan na ito. Dahil na rin sa mga priso na nakakulong sa kulungan na iyon. Kaya pinagbabawal ni Claude ang mga bisita. Para na din sa kapakanan ng mga dumadalaw.

Agad na bumalik si Claude sa opisina nito, at naabutan ni Claude doon ang isang babae na nakatalikod dito. Tinignan ni Claude ang babae, mula ulo hanggang paa. Sexy ito, walang tulak kabigin ang kasexyhan nito. Hindi nakikita ni Claude ang mukha ng babae, dahil nakatalikod ito sa kanya.

"How can I help you, miss?" I asked her.

Humarap ang babae. Parang biglang huminto ang oras na nasa paligid ni Claude. Kumunot ang noo ni Claude. Pinasadahan ni Claude ng tingin ang babae. Maganda, sexy, and those lips. I want to kiss her lips, Damn!

Umiling si Claude, inalis nito sa isipan ang kakaibang nararamdaman, at ang dahilan na biglang pumasok sa isip nito.

"Why are you staring at me? Baka gusto mong dukutin ko iyang mga mata mo!" galit nitong saad kay Claude.

Umiling si Claude, tapos ay nginisihan nito ang babae. Pumunta si Claude sa swivel chair nito dito sa opisina para umupo. Pagkaupo nito ay inilagay ni Claude sa ilalim baba ang isang kamay. Pinasadahan ni Claude ng isang tingin ulit ang babae.

"Can you stop that look?" inis na sambit nito kay Claude.

"Bakit? Paano ba ako tumingin?" tanong nito sa baba. Galit naman na tignan ng babae si Claude.

"P-parang hinubaran mo ako," nauutal nitong sambit.

Napatawa si Claude ng wala sa oras at kinagat ang pang-ibabang labi. Kaya nadagdagan ang inis ng babae kay Claude. Galit na galit ang babae na nakatingin kay Claude at tila ba parang umuusok ito sa galit.

"You know what? You're just a low-level warden, and I regret that I got engaged with you."

Kumunot ang noo ni Claude. Dahil sa sinabi nito.

'Is this woman is a psycho? I didn't even know her, and she claimed me as her fiancee? Is this woman nuts?' ani ni Claude sa isipan.

Bumuntonghininga ang babae, Para ibsan ang galit.

'Ito pa talaga ang may ganang magalit, after what she said to me?'

"By the way, I am General Mikaella Baltazar; I caught this dangerous criminal and handed him to you."

Bigla itong pumihit palabas at binuksan ang pinto at lumabas. Tumaas ang kilay ni Claude, dahil sa naging aksyon ng babae. Pero bumalik ito sa loob ng opisina ni Claude at akay-akay ang isang krimanal. Biglang na-alarma si Claude, dahil baka biglang manlaban ang lalaki.

"This is Pedro Lanusa; he is the most dangerous drug lord and criminal of his generation. I caught him and handed him to you, WARDEN."

Tumaas ang kilay ni Claude, dahil sa sinabi ng babae. Talagang pinagdi-diinan pa ng babae ang 'WARDEN'.

"Okay, follow me," malamig na saad ni Claude. Ayaw nang maka-usap pang muli ni Claude ang babae. Dahil baka makapagsalita lang ito ng di maganda.

Sa kabilang banda ay nangingitngit ang loob ni Mikaella, dahil tila ba napipi na ang lalaki. Ang warden ng kulungan na pinagdalhan niya sa kriminal na akay-akay niya. Iniiisip ni Mikaela na baka iniisip ni Claude na isa siyang psycho na bigla na lang sumulpot sa kung saan.

Habang naglalakad si Mikaella at Claude papunta sa mga selda ay pinagmasdan ni Mikaella ang bawat galaw ng lalaki. Dahil nakatalikod kay Mikaella ang lalaki at malaya nitong napagmasdan. Aaminin ni Mikaella na nag-iba talaga ang impresyon niya kanina sa lalaki. Pero ng magsalita ito at nakita ni Mikaella na kung paano tumingin sa kanya ang lalaki ay parang hinuhubaram siya at biglang uminit ang ulo nito. Lumabas sa bibig ni Mikaella ang mga salita na di naman dapat lumabas.

This low-level warden is her fiancee. Hindi malaman ni Mikaella. Kung bakit pumayag ang ama niya na magpakasal siya ang lalaking ito, ni hindi nga yata nito mabibigay ang luho niya kung ito ang makakatuluyan niya.

Dumating si Claude at Mikaella sa isang selda. Agad na ipinasok ni Mikaella ang kriminal at isinara naman iyon ni Claude.

Bigla ay napalatak ng tawa si Mikaella na pinagtaka ni Claude.

"You know what?" madiing ba sabi ni Mikaella. "I promise you two things. First, if you are thinking that I am a psycho, then I am not. Second, you will regret it." galit na sambit ni Mikaella. "And I even got injured. Para lang mahuli ang lalaking iyan. And now you are thinking that I am a psycho?"

"Iyan lang ba ang sasabihin mo? Hindi ako nG nagsabi nyan, kundi ikaw mismo. Makakaalis ka na," malamig na sambit ni Claude kay Mikaella.

Hindi gusto ni Claude na manatili pa dito ang babae. Dahil baka mapahamak ito. Hindi lahat ng kriminals na nandito ay mahaba ang pasensya.

"What? G-gusto mo akong umalis?" nagpupuyos sa galit si Mikaella.

"Oo. Dahil dilikado dito."

"Kaya ko ang sarili ko," pagkasabi ni Mikaella ay lumabas na ito sa kulungan na ito. Bumalik si Claude sa selda ng lalaking. Binuksan nito ang selda at lumabas naman ang lalaki.

Tumawa ang lalaki at sinugod nito si Claude and tried to kill him. Tapos ay tumakas. Pero naging mabilis ang bawat galaw ni Claude. Napatumba nito ang lalaki at dinala sa isang kwarto, para parusahan ito.

BUMALIK si Claude sa opisina, dahil mamaya at haharapin nito ang lalaking iyon na nagtangka na tumakas. Pero bago na umalis si Claude sa opisina ay isang sulat ang nakita nito na nakalagay sa mesa nito.

'Wala ito kanina. Sino ang naglagay nito dito?'

Binuksan ni Claude ang sulat at bigla ay nagulantang si Claude sa laman ng sulat. 

'Galing pala ang sulat na iyon mula sa kanyang ama.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status