Share

Chapter 02

Nakatingin lang siya sa aking mukha nang seryoso at parang ine-examine niya ako. Wala akong lakas upang alisin ko ang tingin ko sa kanya. Nananatili lang kaming magkatinging dalawa, mata sa mata. Walang kumukurap sa amin, hanggang sa ako na ang unang sumuko at umiba ako ng tingin.

Tumingin ako sa mga nakalagay sa akin, naka-dextrose ako at iba na rin ang aking suot. Napatingin ako sa gilid at mukhang narito na naman ako sa silid na ayaw na ayaw ko.

"Anong ginagawa ng isang cheater dito?" I asked out of nowhere while avoiding his gaze. Hindi siya sumagot at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na seryoso itong nakatingin sa akin. 

"Ah, cheater na nga... snobber pa! Daming quality ha, gifted." Pumalakpak pa ako at ngumiti nang peke. Napipikon talaga ako rito sa lalaking 'to. Ito naman ay ngumiti lang nang nakakaloko! Itong lalaking ito talaga, pambihira!

"I've changed, okay? Now, get some rest," he said and even touched and combed my hair using his hand. Sinamaan ko siya ng tingin, dahil ang kapal ng mukha niyang hawakan ako na parang walang nangyari noon.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi niya lang sinuklay ang buhok at lumapit pa siya at hinalikan niya pa iyon. Kung may lakas lang talaga ako ay sinapak ko na ito.

"Isa pang gano'n mo, sisiguraduhin kong basag 'yang bungo mo," puno ng pagbabantang saad ko at sinamaan pa ito ng tingin. 

"Unfortunately, because of our temporal bones, our skull seems to be the strongest bone we have, so might as well..." Hinalikan niya ulit ako pero sa noo na ito at malapit sa aking baby hairs. Mahina ko siyang sinuntok dahil hinang-hina pa ako ngayon. 

"Kapag ako naging maayos, sinasabi ko talaga sa 'yo. Makikita mo, Emperor!" sigaw ko sa kanya at tinuro-turo ko pa ang mukha niya.

"I missed and loved you calling me Emperor again, and what will I see, my Queen?" Nanlaki ang mga mata ko roon at lalong lumaki ang ngiti nito. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin at the same time paamuhin. 

"Ano bang ginagawa mo rito?! Umalis ka na nga rito. Hindi ako natutuwa sa pagmumukha mo!" sigaw ko sa kanya at sinenyasan ko pa na umalis ito. Ngumiti lang siya lalo at pabirong umusod at balik papunta sa akin.

"Mukha kang timang, nasaan si Constraire?!" galit kong tanong at may kinuha siyang pagkain mula sa gilid at nakita ko naman doon ang mga nakahandang pagkain. Para sa akin ba ang lahat ng iyon? Ang dami! Nagkaroon pa ng maliit na upuan at doon pinatong ang mga pagkain at parang bulkan sa dami ng iyon at mayroon na rin na natapon sa ibaba pero nakaayos ang mga iyon.

"Wala siya rito, dahil pinauwi ko na siya at ang sabi niya simula na ng pasok nila bukas." Lumapit siya sa akin dala-dala ang isang soup at umuusok pa ito halatang mainit pa. Inangat niya ang higaan ko sa para makakain ako nang maayos at kumuha siya ng isang monoblock na upuan at doon siya umupo.

"Bakit? Ano na ba ngayon?" tanong ko dahil pasukan na nila? At kami naman ay pasimula pa lang ng sem namin.

"Oh, my Queen. You've been unconscious for 32 hours." Nanlaki ang mga mata ko dahil halos dalawang araw na rin akong tulog! Hinipan niya ang kutsarang may soup at inilapit sa akin, malamang para kainin iyon.

"Paano kapag ayaw ko?" pagmamatigas ko at iginilid pa ang mukha ko upang hindi ko ito makain.

"Nangangalay na ako, sige ka. Matatapon ito sa iyo," pagbabanta niya sa akin at kinain ko rin naman ito agad. Ayaw ko namang matapon pa sa akin iyon 'no.

"Bakit naman ganoon ako katagal na walang malay? Well, ine-expect ko na rin naman na any minute bibigay ang katawan ko pero hindi ko naman ine-expect na medyo gano'n katagal."

"You guess, why?" Umirap ako roon at hinihipan niya pa ang mainit na soup sa kutsara. Inilapit niya ito sa akin at agad ko naman itong sinubo.

"Hindi ko alam, hindi ba magdo-doctor ka? Bakit hindi mo alam? Doctor ka na n'yan?" Tumawa siya nang mahina at muli niya akong sinubuan.

"You were asleep that long because you overworked yourself, you ate late, you barely sleep," sabi nito sa kalmadong paraan at umirap lang ako roon.

"As if I had a choice, if only I'm privilege enough I wouldn't work. Lucky you, you have a supportive parents... while me?" Umiling ako roon at naramdaman ko ang luhang nagbabadyang mahulog. Napaubo lang siya roon at hinanda ulit ang kakainin ko.

"Here comes the airplane!" Inilapit niya ang kutsara sa akin at gumewang-gewang pa ito at may background music pa ito na parang nasa eroplano talaga. Natawa ako roon at gano'n din siya at nang nasa harapan ko na ay agad ko rin naman itong sinubo.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya habang hinihipan niya ulit iyong soup. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang buwan at madilim na rin sa labas. Curious lang naman ako sa oras, kaya ko naitanong.

"Eleven in the evening," maikling sagot nito at inilahad na ulit sa akin ang kutsara, sinubo ko iyon at tumatango pa siya at nag-okay sign.

"Very good! Now, one more!" Natawa ako kung paano siya umakto dahil parang bata talaga siya. Hindi na ganoon mainit iyong soup kaya tuloy-tuloy na rin ang kain ko roon.

Matapos niya akong subuan ay pinakain niya pa ako ng mga prutas at pinainom niya rin ako ng tubig. Sinabi ko rin na naiihi ako at agad niya akong inalalayan.

"Oh, ano? Bakit na riyan ka pa rin? Iihi ka rin?" tanong ko at narito na kami sa loob ng C.R. at siya ay hindi pa rin umaalis at ako? Ihing-ihi na.

"Baka may mangyaring masama sa iyo e," sabi nito at kumamot pa ito sa kanyang batok. Napairap naman ako roon ay binuksan ang pinto ng C.R.

"Labas, manyak! Cheater na nga, snobber pa at ngayon? Manyak na rin!" sigaw ko sa kanya at alinlangan pa siyang lumabas.

"Sanay na akong makakita n'yan, ang arte mo naman. Wala namang kaso sa akin iyan," bulong pa nito at narinig ko pa iyon at tuluyan na siyang lumabas.

"Sa akin may kaso iyon, manyak! Bulong-bulong ka pa riyan, naririnig ko naman! Huwag ka na ring maingay nagko-concentrate ako!" sigaw ko sa kanya mula rito sa C.R. at umihi na, matapos ay naghugas ako ng kamay at tinawag ko siya upang tulungan ako sa dextrose kong mas mataas pa kaysa sa akin.

Pumasok naman siya at tinulungan din ako agad nang dahan-dahan.

"Wow, may T.L.C. talaga," compliment ko at tumawa ako agad sa sarili kong banat.

"Of course, we have to have tender, love, and care to our patients. Just how I'm doing now," he said confidently and cutely smiled too.

"Then, why did you cheat on me?" he was caught off guard by what I said and I smiled bitterly when I got no response from him. It's always like that, ano pa ba ang inaasahan ko sa mga manloloko?

"I've chang—" I cut him off.

"Enough, 'yan na lang ang palagi mong sinasabi at nakakasawa. I don't want to brag it out, besides, I've moved on. So are you," I stated and I know that it's a lie. Tuluyan kaming natahimik at tahimik na lang din akong humiga at ipinikit ang aking mata.

"Good night, I really did change. Until, then... my Queen." He kissed the top of my forehead and that drift me to sleep.

"Good morning, mga 'di mahal!" Nagising ako sa boses ni Constraire pero hindi ko binuklat ang mata ko. Binuksan ko ito nang kaunti at nakita ko ang mga kaibigan ko, napamura ako sa utak ko dahil may mga maiingay na naman akong kasama. Nagkunwari muna akong tulog, ano kaya ang pag-uusapan ng mga ito?

"Excuse me! Mahal ako pero sadyang gano'n talaga ang buhay," ani Dorothy at nagkunwaring tinignan ang kuko nito. 

"Ah, eh sorry... me can't relate." Nagdalagang Pilipina pose pa si Constraire at agad naman itong binatukan ni Stamim.

"Sana all nahanap na ang para sa kanila. Ito ako! Tinatamad na akong magmahal, feeling ko sa babae na lang ako mai-in love," sambit ni Stamim at agad nagtawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin maiwasang hindi ngumiti at napakagat pa sa aking labi dahil pinigilan kong huwag ngumiti baka makita nila iyon at mabuking pa nilang gising na ako.

Lumapit sa table si Stamim at may inilagay siyang mga prutas doon. Mukhang kakarating niya lang din. 

"Ang tagal naman magising ng pañera natin, gumising ka na riyan hoy! Akala mo ang ganda mo," sabi ni Stamim at ginalaw nang mahina iyong higaan ko. Walanghiya talaga itong babaeng 'to, kita mong may natutulog. Well, gising na rin naman ako. 

Iminulat ko ang aking mata at nasa right side ko si Constraire at nasa left side ko naman iyong dalawa. 

"Hala! Nagbibiro lang naman ako, bakit ka naman agad nagising? Matulog ka na ulit!" sigaw ni Stamim sa akin at iyong kamay niya pa mismo ang nagtakip sa aking mata. Sinampal ko iyon at agad niya rin naman niyang inalis 'yon. Tahimik lang na nag-uusap si Constraire at Stamim at tumingin ako kay Dorothy.

"C.R." Kinalabit ko si Dorothy at inilapit niya ang mukha niya, mukhang hindi ako narinig.

"Nasi-C.R. ako," sabi ko nang mahina at mukhang hindi pa rin kuha ni Dorothy at iyong dalawa naman ay tumigil na mag-usap.

"C.R. daw! Ang bingi niyo naman!" sigaw ni Constraire at na-realized na rin ni Dorothy ang sinabi ko.

"Ay, iyon ba? Sorry bingi lang," sabi ni Dorothy at nag-peace sign pa itong nakangiti.

"Alalayan ang reyna!" Tinulungan nila akong tumayo at hawak-hawak nila iyong dextrose at tumungo kami papunta sa C.R. na narito.

"Mahal na reyna, tapos na ho ba kayo?!" Kumalabog nang matindi ang pinto ng C.R. dahil sa katok ni Stamim mula sa ilabas. Tapos na akong maglabas ng liquid at naghugas ako ng kamay at mag-toothbrush. Nagulat pa nga ako na kumpleto iyong mga gamit na narito.

I had a sudden flashback. Iyong nangyari ba kagabi totoo ba 'yon? Or baka panaginip ko lang? Tinignan ko ang b****a ng C.R. at nakita ko ang balat ng mga prutas na ipinakain niya sa akin kahapon.

Mukhang nangyari nga lahat ng iyon, I missed him I admit. But, that's life. Some people will leave because their time with us is over and they already did their part for us, while others will stay with you forever and always be grateful for having them.

Naalala ko ang lahat na nangyari kagabi. Hmp! I've changed, wow ha! Such a big word. Lumabas na ako dala-dala ang dextrose ko. Pagkalabas ko ng C.R. agad naman nila akong inalayan at sinabi kong kaya ko na. Pero na roon pa rin sila sa likod ko para in case na may mangyari sa akin ay na roon lang sila.

Biglang nagkaroon ng ilaw sa isang bulb sa aking utak, ipra-prank ko silang mahuhulog ako tingnan natin kung ano ang mangyayari. Pinipigilan kong huwag tumawa at nang malapit na ako sa higaan ko ay huminga muna ako nang malalim at nagkunwaring mahuhulog.

"Themis!" sabay-sabay nilang sigaw at hindi ko mapigilang matawa ako.

"Chill lang kayo, ano ba na-out of balance lang eh," pagdadahilan ko at patuloy na tumatawa.

"Eh, kung ihulog kita mula sa mataas na building sabay ang idahilan ko rin na na-out of balance lang din ako habang buhat-buhat ka? Tatawa rin kaya iyong mga tao?" Umirap si Stamim at nag-cross arms. Iyong dalawa naman ay tinitignan pa ako mula ulo hanggang paa, upang malaman nila kung ayos lang ba talaga ako.

"Sorry na nga eh! Sabing na-out of balance lang, nagugutom na ako! Anong mayroon d'yan?" tanong ko at humiga na sa higaan ko.

"Nag-order kami ng KFC, parating na raw 'yon. Chill ka na riyan, mahal na reyna," sambit ni Constraire at umaktong sinasamba pa ako.

"Mabuti kung gano'n, alipin." 

Dumating ang order nila at libre sa akin kaya tuwang-tuwa akong kumain, sinabi naman daw sa kanila ng doktor na ayos lang daw na pakainin na ako ng mga ganito pero tubig lang daw muna ang inumin ko. Mamaya raw ay pupunta ang doktor ko rito para kausapin ako at nagpatuloy na kaming kumain at nagkuwentuhan sa ganap sa buhay namin, dahil naging busy na talaga kami.

"Sis! Dito nag-training si Kuya Nezoi ah? Nagkita na kayo?" tanong ni Constraire at ngumiti nang makahulugan, sinamaan ko siya ng tingin at sabay-sabay namang tumigil kumain sila Dorothy at tumingin sa akin.

"Ewan? Tulog ako," I answered and lied shortly. Pasimpleng ngumiti si Constraire at kinurot ko agad siya at sinabihan kong manahimik, tumatawa-tawa naman siyang tumango. Natahimik kami dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor. Nakangiti pa ito at halata mong may edad na rin siya. 

"How are you now, Ms. Pravitel?" tanong nito sa akin at agad nagsitayuan ang mga kaibigan ko at nag-bow pa itong mga 'to, feeling mga Koreano?

"Good afternoon po, Doc," sabi ni Dorothy na nakangiti na parang magkakilala pa sila. Ngumiti lang ang doktor at tumingin din sa akin.

"Themis, we've tried to reach out to your parents, but they haven't responded to our call. Instead, we called Mr. and Mrs. Palmadez to be your guardian," aniya at ngumiti ako nang mapait. Ano pa ba ang ine-expect ko sa mga magulang ko? Nanahimik lang ako at hinintay ang patuloy na sasabihin nito.

"You have a stomach ulcer, which explains why you vomited blood and you ate in no time and sleep poorly. You didn't get enough oxygen to reach your brain and also due to the heat... you passed out," wika nito at taimtim akong nakikinig sa kanya. Naisip ko agad ang gastos na mailalabas ko rito mula sa ipon ko.

"And I understand that you are concerned about the payment; nevertheless, you do not need to be concerned. Now all you have to do is rest, take your medications, and eat on time." Ngumiti siya nang matamis at ayon din ang aking ginawa pero may isa akong tanong na gustong-gusto kong itanong.

"May I know... who paid for everything?" I curiously asked.

"Oh, he said 'secret.' But, he told me that, 'your future husband,'" sabi nito at tumatawa pa at ngumingiti, I rolled my eyes to it and I said my gratitude to him and he left.

He. Bali, lalaki iyon.

And I know, it's him.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status