Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang pagsi-simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming taoNgayong gabi hindi muna siya ang pangkarinawang Euphie na madalas pag-guhit at pagtugtog lang ng piano ang alam. Dahil sa panahong ito, binigyan siya ng isang panibagong pangalan upang itago ang totoo niyang pagkatao at yun ay si.. Agatha.Suot ang isang magarang damit at makikinang na alahas ay mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan at mas nagpakinang sa kaniya ngayong gabi. Ang kaniyang boses na lubhang bumabagay sa kantang may mahinahon at malumanay na pakiramdam ay wari mo'y umaakit sayo papalapit sakaniya. Para bang pinanganak talaga siya sa panahon na ito ngayon at nagagawa niyang makibagay sakanila ng walang kahirap hirap.Isa isang nagsisitayuan ang bisita upang sumayaw at sumabay sa malumanay na romantikong tugtugin sa bumabalot sa silid ngayon. Nang matapos na ang kantang may pamagat na The Nearness Of You ay sinundan na naman niya
Hindi maipinta ang mukha ni Euphie habang naglalakad sila ni Isa papunta sa may palengke upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Mukhang may darating kasi na bisita si Leonard kaya kailangan nilang maghanda at dahil rin dun eh hindi tuloy siya maka-tyempo ng tanong sa binata na dahilan upang maurat siya ng ganito. Sa totoo lang, kagabi pa niya talaga sana nalaman ang kasagutan na hinahanap niya kung hindi lang sana sa mga nagiging sagabal sa mga plano niya.Bago matulog ay nakita niyang kausap pa rin ni Leonard si Hans at pagkagising naman niya ay nakita naman niyang may kausap ito sa telepono. Buong araw niya sana balak hintayin ang binata kaya lang mukhang hindi niya ito makakayanan lalo pa't mabilis siyang mabagot kahit sa kaunting bagay. Mabuti na lamang at inaya siya ni Isa sa pamamalengke't gumaan gaan ang pakiramdam niya.“Kanina ko pa po napapansin ang pag-seryoso ng iyong mukha, Binibini. May problema ho ba kayo?” tanong ni Isa sakaniya habang tumitin
“Si Isa. Wala nang iba. Lou-Isa-Na.. Sebastiano. Tama? Si Isa nga yun. Bakit? May problema ba?” tanong ni Leonard sa walang imik na si Euphie. Napa-iling lang siya at nanatiling tikom ang bibig.“Wala. walang problema.” Umiling at ngumiti lang siya ng bahagya kay Leonard at muling itinuon ang tingin sa dalawang taong nasa harapan nila ngayon.Ngayong araw, Hindi niya aakalain na makilala at makikita niya ang Lolo Dan niya na nagkataon namang kaibigan pala nitong si Leonard na suspetya naman niyang dating karelasyon ng Lola niya.. at nagkataon naman ding si Isa pala.Hindi man siya makapaniwala sa mga nangyayari ay naintindihan niya na rin sa wakas ang ilang mga bagay. Tulad na lang siguro ng dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay Isa at parang pamilyar ito sakaniya ay dahil siya pala ang Lola Louisana niya na matagal na niyang hinahanap.Ngunit akala ni Euphie ay mabibigyan na ng linaw ang dahilan kung bakit siya napunta dito kapag nakita na niya ang Lola niya.
“So tell me, how did you two met by the way?” tanong bigla ni Dan kanila Euphie at Leonard habang nasa harap kami ng hapag-kainan at sabay sabay na kumakain.“Actually, We met at the.. Femme Fatale.” nag-aalanganin na sagot naman ni Euphie sakaniya.“Femme Fatale? That cabaret?” at napataas siya agad ng kilay sakanilang dalawa.“She's a singer actually.” Mabilis na sabat naman ni Leonard sakaniya.“You're a singer!? Wow! That's amazing! Isn't it alright If I ask you to sing for us right now?” masaya at nasasabik na ani agad ni Dan kay Euphie.“Right now? Uhm.. but we're still eating. So, maybe.. later?” sabay ngiti na lang niya ng bahagya. Ba't ba kami nag-eenglish. Dudugo na ilong ko dito. Anyway, parang hindi naman ako sanay mag-english. Like duh.“Uhm.. can I ask a question?” tanong bigla ni Euphie kay Dan para maiba yung usapan at hindi siya nito kulitin sa pagkanta.“Oh sure. Ask me anything you want.” sabay ngiti naman niya.“Saan ka nakatira noon bago ka
Makalipas ang ilang linggo, Setyembre na rin sa wakas. Ibig sabihin rin nun ay ang pag-umpisa ng paglamig ng panahon dahil sa papalapit na kapaskuhan. Nag-umpisa ng lumiwanag ang mga kalsada tuwing gabi at marami na ring tao ang nasasabik sa pagdating nito.Samantalang katatapos lang ni Euphie sa trabaho niya sa Femme Fatale at kasalukuyan na siyang nagbibihis at nagtatanggal ng mga palamuti niya sa katawan. Masaya siyang nagagampanan niya ng maayos ang trabaho niya rito't bukod pa roon, Mas lalo na rin siyang nakikilala ng ilan. Kahit na maglakad lang siya sa labas ay maraming titigil upang tawagin at magbigay galang sakaniya. Siguro nga kahit gaano niya ipilit na itago ang pagkatao niya ay hindi pa rin maiiwasan na makilala siya ng iba.At gaya ng unang araw niya sa trabaho ay palagi pa rin siyang sinusundo ni Leonard sa labas. Hindi naman niya masabihan ang binata dahil nahihiya rin siya at takot na masaktan ang damdamin nito. Kaya sa halip na pagbawalan ito ay pin
Napakagat ng labi si Euphie habang nakatingin kay Leonard na abala sa pakikipag-usap sa babaeng tinatawag na Analiza. Napangiti siya at iniwas ang tingin niya papunta kanila Isa.“Sino siya?” tanong niya upang hindi magtaka ang dalawa pa niyang kasama sakaniya.“Ay siya nga po pala, Matagal na 'yang kaibigan ng Ginoo. Siya ho si Binibining Analiza, Ang anak ni Ginoong Alonzo.” Sagot naman ni Isa sakaniya.“Ohh.. Bagay sila..” sabay pilit na ngiti niya.Napatingin sakaniya si Dan at napataas ng kilay. “Are you jealous?”Napataas rin ng kilay si Euphie at napatawa ng malakas.“No! Why should I?” tanggi niya kaagad.“Because..” at napa-iling nalang si Dan sakaniya. “Nevermind. Do you want to meet other guys tonight? I could introduce you if you want.” sabay ngisi niya.“No need.” sabay iling niya. “Besides.. It doesn't matter anyway. I'm just gonna have fun by myself.. I think?” sabay ngiti niya ng bahagya.Nag-aalalang tumingin sakaniya si Dan at tinapik ang ulo
“I see you're playing again.” bigkas bigla ni Dan kay Euphie habang nakatuon ang atensyon nito sa pagtugtog ng piano. Napatigil kaagad ang dalaga't napatingin sakaniya.“Yeah. I have to learn this piece for the next performance.” sagot naman niya saka muling itinuon ang atensyon sa harap ng piano.“I didn't know you like Je te veux too.” ani Dan saka umupo sa isang tabi ng pintuan habang pinapanuod si Euphie.“It's a family favorite actually.” at napangiti sandali si Euphie. “My mother told me that grandpa used to play it a lot. Too bad that I didn't get the chance to meet him, and maybe that's the reason why I learned to love this song, so that I can feel a little closer to him even though he's already gone.”“I'm sure that your grandpa is very proud of you wherever he is right now.” Nakangiting sagot lang ni Dan sabay haplos lang ulo ni Euphie.Natigilan lang si Euphie at napayuko habang pinipigilan niya ang mga luhang unti unting nabubuo sa gilid ng kanyang mata
“Euphie..” tawag bigla sakaniya ni Leonard habang nakatitig pa rin ito sa kaniyang mga mata. “Naiintindihan mo ba ang gusto kong iparating sayo?”“Oo.. oo..” tulalang sagot naman niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Hindi niya kasi alam kung paano aakto sa ganitong sitwasyon. Buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng ganito.“Gusto mo ako.. tama?” nalilitong tanong pa niya.“Oo. Pero hindi pa sapat yung salitang gusto lang para mailarawan ng buo ang nararamdaman ko para sayo.” seryosong sagot naman ni Leonard sakaniya.“Ah―” at napa-awang lang ang bibig ni Euphie't tuluyan na ngang nawala sa normal na katinuan ang utak niya. Pulang pula na ang kaniyang pisngi at nag-umpisa na siyang mautal. “Pe-pero.. Ano kasi.. Uhmm.”Huminga muna siya ng malalim saka tumingin muli ng diretso kay Leonard. Ipinikit niya ang kaniyang mata at biglang hinawakan ang dalawang kamay ng binata sabay sabi ng..“Paumanhin kung hindi ko pa masasagot ang nararamdaman mo sa ngayon.