Buong atensyong nagmamaneho si Jade papunta sa lugar kung nasaan si Euphie ngayon. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ngayon marahil na rin siguro ay alam at sigurado siya na gusto siyang makita at makausap ni Euphie ng personal. Na handa na itong makipag-usap at harapin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.Sa totoo lang ay umpisa pa lang ay alam na niyang mangyayari ito. Alam niyang maguguluhan si Euphie sa lahat at tiyak na hindi pa ito sigurado sakaniya lalo na ang puso niya lalo pa't tiyak siyang si Leonard na dati niyang katauhan pa rin ang tinitibok ng puso niya. Pero matibay si Jade at buo ang loob nitong angkinin talaga ng buo ang puso ng dalaga sa sarili niyang paraan at katauhan. Kahit alam niyang mahirap ay heto pa rin siya't patuloy at pilit pa ring kinukuha ng buo ang babaeng matagal na niyang minamahal.Kaunti na lang at malapit na si Jade sa bayan kung saan nakatayo ang bahay ng lolo at lola ni Euphie ngayon. Ang lugar na ilang beses nagpauli
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga paranormal things na nangyayari sa mundo simula pa noong bata ako. After all, pangarap kong maging isang doktor kaya mas naniniwala ako sa sensya. Pero nagbago ang lahat ng iyun nung dumating ang araw na natanggap ko ang mga lumang liham na nakapangalan mismo sakin.Taong 2003, Iniabot sakin ng isang kartero ang isang package na para sa akin. Hindi para sa magulang ko, hindi para sa kuya ko o sa kahit na sino man kundi para sakin. At dahil isa akong bata noong mga panahon na yun ay naisip ko kaagad na baka isa itong laruan na iniregalo sakin. Nagkamali ako dahil pagbukas ko nito ay nakita ko kaagad ang tatlong liham na mukhang nilipas na ng panahon.“Ma, hindi po ba para sayo 'to?” naalala kong tanong ko kaagad sa mama ko.Napakunot ang noo niya't agad tinignan ang mga sulat na hawak ko sa kamay ko. Tumingin siya sakin't mabilis na umiling.“Paano magiging akin kung sayo nakapangalan?” sagot niya sabay ngiti ng bahagya.“T
GlossaryEpoch - A period of time in history or a person's life, typically one marked by notable events or particular characteristics.Paroxysm - a sudden burst of emotion.Oblivion -The state of being unaware or unconcious of what is happening.Selcouth - Marvelous, wonderfulPeculiar - Strange or odd; unusualKismet - Destiny or fate.Dépaysement - The feeling that comes from not being in one's home county; disorentation due to experience of unfamiliar surroundings.Nightingale -any of various other birds noted for their sweet song or for singing at night.Je te veux – “I want you” in french, a musical piece by Erik SatieNuminous -Having the power to invoke fear and trembling, yet create fascination and attraction, transcendent, suggesting the presence of divinity.Tacenda-Things better left unsaid; matters to be passed over in silence.Eccedentesiast -Someone who fakes a smile, when all they want to do is cry, disappear and/or die.Ellipsism - The sadness that
About the AuthorChristine Polistico also known as “chiharabanana” is an Illustrator and Graphic Designer based in the Philippines. Aside from her hobby which is writing, she is also an artist, and aspiring photographer.
Tahimik at nakapaang naglalakad ang dalaga sa kawalan habang pinagmamasdan niya ang mga sirang gusali, ang maruming kalsada at ang madilim na ulap na wari mo'y bubuhos ang malakas na ulan ano mang oras.Napatigil siya saglit at napatingin sa mga kamay niyang puno ng galos at kalyo. Ang kamay na nagpapakita kung gaano siya naghirap sa mundong ito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at muling napalingon sa walang katao-taong kalye. Bigla siyang nakaramdam ng kung anong kalungkutan na wari niya'y unti unting dinudurog ang puso niya.Nakakalungkot isipin na ang dating masigla at mataong lugar kagaya nito ay ngayo'y nagmistulang abandonadong lugar na. At ang mas ikinalulungkot pa niya ay mukhang wala talaga siyang ibang magagawa kundi ang tignan at magbigay simpatya lang. Dahil una sa lahat, Hindi naman siya nararapat sa lugar na 'to at mukhang hanggang dito na lang talaga siya. Tapos na ang tungkulin niya. Nagawa na niya ang lahat ng makakaya niya upang mabuhay
Nagmamadaling tumatakbo si Euphie papunta sa istasyon ng LRT upang makauwi ng maaga. Kagagaling lang nito sa kaniyang unibersidad upang magpasa ng mga projects o tinatawag nilang Plates at kinailangan pa niyang dumaan muna sa dorm nila upang kumuha ng ilang gamit bago umuwi. Ngayong araw kasi ay ang anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang Lola at nakagawian na nilang magtipon-tipon muling magkaka-pamilya sa lumang bahay nila sa San Juan, Batangas.Habang papaakyat na siya sa istasyon ay sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone't nakitang tumatawag ang kaniyang pinsan na si Lawrence na tatlong buwan lang ang tanda sakaniya.“Hello Euphie? Hello? Naririnig mo ba ako?” paulit ulit na tanong ng pinsan niyang si Lawrence sakaniya sa kabilang linya ng tawag.Napabuntong hininga lang si Euphie't sumilip muna sa railway bago sumagot. “Oo naririnig kita.” Walang kabuhay buhay niyang tugon rito habang itina-tap ang beep card upang makapasok siya..Nang dumating na ang tren a
Noong bata pa lang si Euphie ay madalas ikwento sakaniya ng kaniyang ama na ang Maynila raw ay isa sa pinakamagandang syudad sa buong mundo. Tinawag siyang “The Pearl of the Orient” o Perlas ng Silangan dahil sa unti unting pag-usbong nito. Bukod pa roon, Pagkatapos ihabilin ng mga espanyol ang Pilipinas sa Amerika ay nasanay na rin ang mga pilipino na makisalamuha sa mga banyaga at tanggapin na rin ang kultura nila.Katulad ngayon. Naibulong niya habang inililibot niya ang kaniyang mata sa paligid.“Aba'y mabuti naman at narito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay!” tawag bigla ng isang babae kay Euphie sabay hila ng braso nito papunta sa isang kwarto sa likod ng stage.“Po?” gulat niyang naisigaw nang hawakan nito ang kaniyang braso. Agad niyang tinitigan ang babae at nagulat nang mapansin niya ang ayos ng buhok at pananamit nito. Kakaiba ito at sa pagkaka-tanda niya ay ganito ang ayos ng mga kakababaihan sa panahon ng kaniyang Lola.Panahon ni Lola.. Wait.. What
Nagising si Euphie dahil sa mainit na palad na naramdaman niyang humahaplos sa kaniyang noo. Malakas ang hinala niya na iyun ang kaniyang ina kaya napangiti kaagad siya.I knew it. Everything is just a dream. Baka nalasing ako sa champange kagabi kaya kung ano ano ang napanaginipan ko. Oh well, Masaya na ako kahit medyo naintriga ako kung bakit ko ba nakita yung lalake na yun. Na-curious lang siguro ako sakaniya kaya unconciously siya yung lumabas sa panaginip ko. Tama tama. Anyway, It's all Ate Madeline's fault!“Mama..” mahinang bigkas niya habang patuloy pa rin sa pag ngiti kahit na nakapikit pa rin siya. Handa na sana niyang imulat ang kaniyang mga mata't ikwento kung ano ang kaniyang napanaginipan nang sa pagmulat niya ay iba ang kaniyang nasilayan.“I-Ikaw!?” napahiyaw agad niya sa gulat. Agad itong napatayo sa higaan at umatras palayo sa lalakeng huli niyang nakausap kagabi. “Anong ginagawa mo dito!?”“Paumanhin Binibini kung biglaan ang aking pagpasok sa iyo