𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞
"Ha? Pepermahan ko?"
"Tsk. Bakit ba kailangan ko pang ulit-ulitin ang mga sinasabi ko? Are you f*ckin' deaf?!"
Muli akong napatingin sa mga papel na nasa harapan ko, pati na rin sa ballpen. Para saan ba kasi ito?
At isa pa, pwede bang drawingan ko na lang ito ng puso? Hindi naman ako marunong magperma. O kaya, karasan ko na lang?
"Are you really serious with this, Kio? Tell me that this is just a f*ckin' prank," rinig kong saad nung lalaking bigla na lang akong sinigawan kanina. Pogi sana kaso may saltik yata sa utak. E paano ba naman. Bubulong-bulong doon sa isa pang lalaki na kasama n'ya tapos rinig ko rin naman.
"Aba, huwag ako ang galitan mo. Si Hiro ang may pakana," pabulong ding saad nung, Kio?
Napatingin ako sa kanilang tatlo na nagkukumpulan sa gilid ko pero med'yo malayo, mga isa't kalahating dipa siguro. 'Yung may saltik mukhang inis na inis na dahil halos magsalubong na ang kaniyang dalawang makakapal na kilay.
Dalawa dahil alangan namang tatlo, hindi ba?
"You told us that you want to be challenged, right? Sinusunod lang naman namin ang gusto mo," sabi ng lalaki na mukhang adik.
Mukhang adik talaga s'ya. May hikaw sa tenga tapos sa labi. Ewan ko kung hikaw pa rin ba ang tawag kapag sa labi na nakalagay? Kulang na lang pati ilong n'ya ay lagyan na rin, pero mas maganda 'yung bilog na malaki, parang sa mga kalabaw.
"I can't remember that I said such thing, Hiro."
Sa halip na makichismis pa sa kanila, kinuha ko nalang ang ballpen at tiningnan ang papel. Tutal hindi ko rin naman sila naiintindihan. May mahabang blanko sa baba nitong mga nakasulat. Wala akong magawa kaya sinulatan ko na lang muna ito habang hinihintay na kumalma silang tatlo.
"Small circle, small circle, big circle. This is mama, this is papa, say goodbye. Six times six equals thirty-six. Six times six, equals magic," kanta ko habang gumuguhit ng teddy bear. Naalala ko tuloy 'yung classmate ko noong grade-one na tulo-sipon palagi huhu. Paborito n'ya kasing kantahin iyon, pero pinapatalikod ko muna s'ya bago pinapakanta.
Nang tiningnan ko na ang teddy bear, medyo napangitan ako kaya akin itong kinarasan. Madrawing pa sana ako nang may marinig ulit akong nagsalita.
"Well, she already signed it. Wala ka nang kawala."
Tumingin ako sa kanilang tatlo, at lahat sila ay nakatingin na rin pala sa'kin.
"Ah, hehe, 'wag kayong mag-alala. Wala akong narinig," nakangiti kong sambit sa kanilang tatlo, kahit na naririnig ko sila kanina pa pero 'yung iba—err, karamihan pala, ay hindi ko mas'yadong maintindihan.
"Well," lumapit sa akin ang mukhang adik, "Welcome to our—este, to Drav's life, miss, uh, what's your name again?"
Huh? Ano raw? Pinangunutan ko s'ya ng noo.
"Uh, what I mean is, anong pangalan mo?"
"Ahh, Apple. Apple ang pangalan ko—teka. Pwede na ba akong umuwi? Nakadrawing na ako. Hindi ako marunong magperma pero may drawing naman na iyang papel. Pwede naman na siguro iyan, hindi ba?"
"Hmm, no, hindi ka pwedeng umalis."
"Uh, huh? Bakit?"
"Kasi," kinuha n'ya ang papel na may drawing ko at iniharap sa akin, "May perma mo na ito."
"Ahh, pwede na palang maging perma ang teddy bear na may karas? Ang galing naman!"
"Tsss. I'm outta here. Damn it," biglang sabi nung lalaking may saltik saka umalis. Ano ngang tawag dun? Walk in?
Ah, oo. Nag-walk in s'ya.
"That's not the point. Hindi mo ba binasa ito?" muling tanong sa akin nitong mukhang adik.
"Uhh, hindi? Hindi nga. Para saan ba iyan?"
"Ibig sabihin, you agreed with the terms and policies encrypted in here."
Kinunutan ko na naman lang s'ya ng noo. Pwede namang managalog hindi ba?!
"Tsss. Sa madaling salita, kailangan mong samahan si Drav for one year."
"Ahh, samahan? Sasamahan ko s'ya? Teka, saan ba s'ya magpapasama? Saka bakit hindi na lang kayo?"
"No, I mean, titira ka kasama s'ya sa loob ng isang taon."
Nanlaki ng sobra ang mga mata ko, at napatingin sa teddy bear na may karas na gawa ko.
Ano?! Titira kasama 'yung Drav sa loob ng isang taon?!
Teka, sino ba iyang si Drav?! Kamag-anak ba 'yan ng may-ari ng GRAB?!
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 1.Apple's POV"Ninety-eight, ninety-nine, five hundred."Muli akong tumingin sa pinto, pero hindi pa rin iyon bumukas. Hayst! Nauto na naman yata ako! Mag-iisang oras na akong nakaupo rito sa sofa, at ang sabi nung Hiro na hindi naman superhero na mukhang adik ay huwag daw akong tatayo dahil kapag tumayo raw ako ay sasabog daw ako. Hintayin ko na raw muna si Drav.Naalala ko tuloy. Nung tinanong ko sila kung kamag-anak ba ni Drav ang may-ari ng GRAB, tinawanan lang niya ako habang yung isa, Kio nga yata ang pangalan, ay sumunod agad doon sa lalaking lumabas at nag-walk in. Ang dami kong tinanong sa kanila tulad ng, ano ba talagang gagawin ko? Bakit kailangan kong samahan 'yung Drav ng isang taon? Saan ko s'ya sasamahan? Saan ba s'ya nagpapasama? Siguro naman magaling s'yang magmaneho kasi ang pangalan n'ya malapit sa drayber. Drav. Drayber. Ma
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 2Dravour's POV*Flashback*"Ang sabi ko ay gusto kong ma-challenge dahil pare-parehas lamang ang personalities ng mga babaeng nirerecommend n'yo sa'kin. But, that kind of girl? Ginagago n'yo ba ako? Babae ba talaga iyan? The heck, Hiro!""What? We already told you. Pinagbigyan lang namin ang hiling mo. And sa nakikita ko, mukhang mapapalaban ka talaga sa isang ito."Napahilamos ako sa aking mukha. Yes. This is not the first, the second, and even the third time na nagpaperma ako ng kontrata sa babae. Damn it."Come to think of it, Drav. Malay mo, s'ya na talaga. I mean, she's unique. Cheerful. Mabunganga. And, she's a good singer and dancer, right Kio?"Kio shrugged."And you are expecting me to fall for that kind of girl? 'Ni hindi nga yata maalam magbasa iyan!
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 3Apple's POV"Ahhh! Heaven!" saad ko nang maubos ko na ang kanin at tuyo na aking niluto sa almusal. Phew! Akala ko talaga hindi na ako makakauwi. Buti nalang ay likas akong matalino.*Flashback*Naupo na muna ako sa tabi ng kalsada. Nasaan na ba kasi ako?! Kanina pa ako naglalakad sa kalyeng ito na puro bahay kaliwa't kanan ang nakikita ko. Madalang ang mga sasakyan. May mangilan-ngilan na taxi pero wala naman akong sapat na pamasahe para sumakay!Hinawakan ko ang aking tiyan nang bigla na itong kumulo. Nagkakagulo na ang mga alaga ko!"Pagpasensyahan n'yo na si mama ha? Didiskarte ako ng makakain nating mag-irina. Huwag kayong mag-alala," mangiyak-ngiyak kong sabi.Lumingon ako sa paligid at nakakita ako ng basurahan. Agad akong tumayo at lumapit doon. Madalas na may pagkai
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 4APPLE'S POVKabadong kabado ako kaya hindi pa ako nakuntento. Pinagbabato ko s'ya ng ice candy na kumalat sa kotse. Nakakita rin ako ng asong tumatango-tango sa unahan kaya dinampot ko rin iyon at sa kaniya'y ibinato. Tumama iyon sa kaniyang matangos na ilong."What the hell?! Stop right now!"Biglang pumasok sa utak ko ang mga ginawa ko kaninang madaling araw. Sa malamang ay nakita na n'ya 'yung ketchup sa banyo saka ang nagkaralat na shampoo, pati 'yung tsinelas n'yang pina-shoot ko sa inidoro. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang sapatos na iniwan ko sa bahay nila? Pwede naman na iyong...ano ngang tawag doon? Price...offering? Oo, price offering nga.Pero hindi! Hindi dapat ako magpatinag! Kapag naglamya-lamya ako, hindi s'ya matatakot sa'kin! Ang susi para lubayan n'ya ako ay ipakita ko sa kanya ang dahilan kung bakit a
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 5APPLE'S POVNandito ako ngayon sa bahay, hindi dahil sa talagang umuwi na ako kundi dahil nag-iimpake ako. Anong klaseng mga tao ba sila? Kapag hindi ako pasasabugin ni Hiro ay kakainin naman ako ni Drav. Tsk!Pero teka nga! Bakit nga ba ako nag-iimpake?! E kung, takasan ko na lang kaya s'ya? Tama! Hindi ako preso pero tatakas ako.Teka, pwede ba iyon?Hmm, siguro? Gagawin ko na nga e. Ayokong pasabugin ni Hiro at ayoko rin namang kainin ako ni Drav. Kanibal s'ya!Nagmadali na akong mag-impake ng mga damit ko. Pagkasara ng bag ay agad ko itong binuhat. Palabas na sana ako ng bahay nang may makita akong lalaking naka-itim sa sala. Bigla ko iyong ikinahinto sa paglalakad."Kung sino ka mang demonyo ka, lumayas ka sa pamamahay ko!"Mama naman! Dati pinapaga
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER SIXAPPLE'S POVKanina pa ako napapaiyak dahil sa panggigigil. Hindi dapat ako ang kumakain ng niluto ko! Hindi ba't trabaho ng maid ang magluto? At dapat ang amo ang kakain hindi ang katulong! "Tsss. Hurry up. You still have a lot of things to do."Nanlilisik ang aking mga mata na tumingin sa kan'ya. Pinatayo n'ya naman ang kutsilyong hawak n'ya sa lamesa saka pinaikot-ikot. Naiinis ako! Hindi lang dahil sa pinilit n'yang kainin ko ang pagkain na dapat ay sa kan'ya kundi dahil na rin sa kanina pa s'ya English ng English kaya hindi ko s'ya maintindihan!Huhuhu! Hindi kita bati teddy bear na may karas! Nang dahil sa'yo naghihirap ako ng ganito! Ayoko nang patagalin ito! Gusto ko nang umuwi at bumalik na sa pagtitinda ng ice candy!"Pwede bang—""Eat," putol n'ya sa sinasabi ko sabay tutok sa akin ng kutsilyo. Isinubo ko ang kaning sunog na may sunog na itlog. Makakaganti rin ako sa'
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 7APPLE'S POVDahil masyado na naman akong naiinip, naisipan ko nalang munang mag-imbestiga. Simula kasi ng umalis s'ya, nagsimula nang magtanong ng kung ano-ano ang isipan ko. At sa akin pa talaga nagparatanong sa halip na kay Drav. Tulad ng, ano ba talaga ang ibig sabihin ng kontrata kuno na pinermahan ko? Sinabi na n'ya sa'kin noon ang mga nakasulat doon pero hindi ko rin naman kasi naintindihan. Sa dinami-dami d'yan ng babaeng pwede n'yang kuning katulong? Bakit ako? Bakit ayaw n'ya akong paalisin dito? Bakit green ang blackboard? Bakit hindi lumilipad ang sky flakes? Bakit — ay mali. Nalisya na naman ako. Umalis si Drav kanina nang dumating sina Kio at Hiro. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan at magtanong sa kanila pero hindi ko na nagawa. Kaya ngayon mag-isa na naman ako. Gusto ko sanang pagtripan ang mga gamit n'ya rito pero saka na. Kapag may nakita na akong clue kung bakit nga ba ako nandito.Sinimulan kong halughugin ang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER EIGHTHiro's POV"Pst, Kio," tawag ko kay Kio na prenteng nakaupo sa waiting area dito sa hospital.Yeah. We're in this hospital because of Drav. He called the two of us earlier and pinasunod kami rito. And guess what? The reason was the girl who he resisted at first. Upon knowing his reason as well as while watching him walking from side to side, and even back and forth while waiting for the doctor to come out from the room, I know that there's something going on. I mean, this is not the usual him. Kanina lang lasing na lasing iyan. But now, parang nawala ang kalasingan."Kio!" pagtawag ko ulit kay Kio."What?!""Tsk. Anong oras na?""You have your own watch. Check it for yourself."Tsss. Sa aming tatlo talaga s'ya ang pinakamasungit. Dinaig pa ang girlfriend ko kapag may regla.Hindi, biro lang. Wala talaga akong girlfriend.I tsked before glancing at my