CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞"Ha? Pepermahan ko?""Tsk. Bakit ba kailangan ko pang ulit-ulitin ang mga sinasabi ko? Are you f*ckin' deaf?!"Muli akong napatingin sa mga papel na nasa harapan ko, pati na rin sa ballpen. Para saan ba kasi ito?At isa pa, pwede bang drawingan ko na lang ito ng puso? Hindi naman ako marunong magperma. O kaya, karasan ko na lang?"Are you really serious with this, Kio? Tell me that this is just a f*ckin' prank," rinig kong saad nung lalaking bigla na lang akong sinigawan kanina. Pogi sana kasomay saltik yata sa utak. E paano ba naman. Bubulong-bulong doon sa isa pang lalaki na kasama n'ya tapos rinig ko rin naman."Aba, huwag ako ang galitan mo. Si Hiro ang may pakana," pabulong ding saad nung, Kio?Napatingin ako sa kanilang tatlo na nagkukumpulan sa gilid ko pero med'yo malayo, mga isa't kalahating dipa siguro. 'Y
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 1.Apple's POV"Ninety-eight, ninety-nine, five hundred."Muli akong tumingin sa pinto, pero hindi pa rin iyon bumukas. Hayst! Nauto na naman yata ako! Mag-iisang oras na akong nakaupo rito sa sofa, at ang sabi nung Hiro na hindi naman superhero na mukhang adik ay huwag daw akong tatayo dahil kapag tumayo raw ako ay sasabog daw ako. Hintayin ko na raw muna si Drav.Naalala ko tuloy. Nung tinanong ko sila kung kamag-anak ba ni Drav ang may-ari ng GRAB, tinawanan lang niya ako habang yung isa, Kio nga yata ang pangalan, ay sumunod agad doon sa lalaking lumabas at nag-walk in. Ang dami kong tinanong sa kanila tulad ng, ano ba talagang gagawin ko? Bakit kailangan kong samahan 'yung Drav ng isang taon? Saan ko s'ya sasamahan? Saan ba s'ya nagpapasama? Siguro naman magaling s'yang magmaneho kasi ang pangalan n'ya malapit sa drayber. Drav. Drayber. Ma
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 2Dravour's POV*Flashback*"Ang sabi ko ay gusto kong ma-challenge dahil pare-parehas lamang ang personalities ng mga babaeng nirerecommend n'yo sa'kin. But, that kind of girl? Ginagago n'yo ba ako? Babae ba talaga iyan? The heck, Hiro!""What? We already told you. Pinagbigyan lang namin ang hiling mo. And sa nakikita ko, mukhang mapapalaban ka talaga sa isang ito."Napahilamos ako sa aking mukha. Yes. This is not the first, the second, and even the third time na nagpaperma ako ng kontrata sa babae. Damn it."Come to think of it, Drav. Malay mo, s'ya na talaga. I mean, she's unique. Cheerful. Mabunganga. And, she's a good singer and dancer, right Kio?"Kio shrugged."And you are expecting me to fall for that kind of girl? 'Ni hindi nga yata maalam magbasa iyan!
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 3Apple's POV"Ahhh! Heaven!" saad ko nang maubos ko na ang kanin at tuyo na aking niluto sa almusal. Phew! Akala ko talaga hindi na ako makakauwi. Buti nalang ay likas akong matalino.*Flashback*Naupo na muna ako sa tabi ng kalsada. Nasaan na ba kasi ako?! Kanina pa ako naglalakad sa kalyeng ito na puro bahay kaliwa't kanan ang nakikita ko. Madalang ang mga sasakyan. May mangilan-ngilan na taxi pero wala naman akong sapat na pamasahe para sumakay!Hinawakan ko ang aking tiyan nang bigla na itong kumulo. Nagkakagulo na ang mga alaga ko!"Pagpasensyahan n'yo na si mama ha? Didiskarte ako ng makakain nating mag-irina. Huwag kayong mag-alala," mangiyak-ngiyak kong sabi.Lumingon ako sa paligid at nakakita ako ng basurahan. Agad akong tumayo at lumapit doon. Madalas na may pagkai
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 4APPLE'S POVKabadong kabado ako kaya hindi pa ako nakuntento. Pinagbabato ko s'ya ng ice candy na kumalat sa kotse. Nakakita rin ako ng asong tumatango-tango sa unahan kaya dinampot ko rin iyon at sa kaniya'y ibinato. Tumama iyon sa kaniyang matangos na ilong."What the hell?! Stop right now!"Biglang pumasok sa utak ko ang mga ginawa ko kaninang madaling araw. Sa malamang ay nakita na n'ya 'yung ketchup sa banyo saka ang nagkaralat na shampoo, pati 'yung tsinelas n'yang pina-shoot ko sa inidoro. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang sapatos na iniwan ko sa bahay nila? Pwede naman na iyong...ano ngang tawag doon? Price...offering? Oo, price offering nga.Pero hindi! Hindi dapat ako magpatinag! Kapag naglamya-lamya ako, hindi s'ya matatakot sa'kin! Ang susi para lubayan n'ya ako ay ipakita ko sa kanya ang dahilan kung bakit a
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 5APPLE'S POVNandito ako ngayon sa bahay, hindi dahil sa talagang umuwi na ako kundi dahil nag-iimpake ako. Anong klaseng mga tao ba sila? Kapag hindi ako pasasabugin ni Hiro ay kakainin naman ako ni Drav. Tsk!Pero teka nga! Bakit nga ba ako nag-iimpake?! E kung, takasan ko na lang kaya s'ya? Tama! Hindi ako preso pero tatakas ako.Teka, pwede ba iyon?Hmm, siguro? Gagawin ko na nga e. Ayokong pasabugin ni Hiro at ayoko rin namang kainin ako ni Drav. Kanibal s'ya!Nagmadali na akong mag-impake ng mga damit ko. Pagkasara ng bag ay agad ko itong binuhat. Palabas na sana ako ng bahay nang may makita akong lalaking naka-itim sa sala. Bigla ko iyong ikinahinto sa paglalakad."Kung sino ka mang demonyo ka, lumayas ka sa pamamahay ko!"Mama naman! Dati pinapaga