Share

The Grumpy CEO Married Our Mommy
The Grumpy CEO Married Our Mommy
Author: Raven Sanz

Chapter 1

She threw a birthday party for Gary, her boyfriend of two years at kasama niyang nagplano ang best friend niyang si Dahlia. Sa isang sikat na resort sa Batangas nila idinaos ang birthday ng binata kasama ang ilang kaibigan at ngayon ay hinahanap niya para hipan ang kandila ng birthday cake nito.

“Ashley, nakita mo ba si Gary?” Nakasalubong niya ang kaibigan at ang boyfriend nito.

“Si Gary? Parang nakita ko papunta sa washroom sa East Wing,” sagot nito sa kaniya.

“Sige, salamat.” Tinanguan niya ito at sinabing huwag ng lalayo at babalik sila kaagad. It’s getting late and she’s tired.

May mumunting ilaw sa mga puno at nagmistula ‘yong mga alitaptap. Tinalunton niya ang daan papunta sa East Wing pero bago pa siya makalapit ay may dalawang pigura siyang namataan sa may gilid. Malago ang halaman at hindi kaagad mapapansin but she’s very observant kaya madali niyang namataan ang dalawang tao.

She doesn’t know what came over her. Hindi niya ugaling mamboso lalo na at wala pa siyang karanasan sa sex. Pero may kung anong nagtutulak sa kaniya para huminto sa paglapit at sa halip ay magkubli.

“Huwag diyan.” Humagikhik ang babae. “Ay! Nakikiliti ako.” Sa gitna ng dilim ay nakikipaglandian si— Boses ba ni Dahlia ‘yon? Ilan buwan na silang break ni Max, ang ex-boyfriend nito. Wala naman siyang alam na bagong dine-date ng kaibigan.

The light was dim but it was enough for Aria to see what’s happening. Nakalantad na ang dibdib ng kaibigan niya at nakasubsob ang mukha ng lalaki roon. She wasn’t born yesterday. They are obviously making out. Napailing siya at tatalikod na sana nang marinig ang boses ng kaulayaw ni Dahlia.

“Ang sarap mo.”

Naikuyom ni Aria ang mga kamao. It’s Gary. How can he do this to her? College pa lang sila ay sinusuyo na siya nito. At nang makita niyang sincere ito sa panliligaw ay sinagot niya after ng graduation nila. Granted that she refuses his advances. Pero hindi naman basehan ang sex para patunayan na mahal mo ang isang tao.

“Talaga? Mas masarap pa kay Aria?” Maharot na tanong ni Dahlia.

“I wouldn’t know. Your friend is cold as ice. But you, honey— you’re fucking hot.”

Siniil ng halik ni Gary si Dahlia habang sapo ang isang dibdib ng kaibigan niya. Ang tagpo ay nakakikilabot, Nakagagalit. Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ng nobyo sa kaniya. And Dahlia? How can her best friend do this to her? She tell her everything. Every. Single. Thing. Iyon pala ay pinagtatawanan siya ng mga ito kapag nakatalikod siya. Worse, naglalampungan ng palihim.

Hindi niya alam kung paano siya nakaalis sa resort nang gabing ‘yon. The drive from Mabini all the way back to the city proper was crazy. Madilim ang daan at maluhak. Bukod doon ay may mga parteng walang harang ang tulay. Bihira na ang sasakyan sa daan pero wala siyang nadamang takot.

Aria just drove hanggang makita niya ang bayan. Huminto siya sa isang local bar at nag-order ng martini. Sh:e’s not a drinker, but tonight she wants to feel numb. Tao pa ba siya? Bakit masakit na masakit na ang dibdib niya ay hindi pa rin siya makaiyak? She’s so mad she can’t cry.

“If you plan to get drunk because of a broken heart, you’re drinking the wrong stuff.” Nilingon niya ang lalaki sa gilid niya. Napaka-gwapo nito pero napaka-palkialamero rin.

His wavy dark hair is fashionablu cut. Malinis itong tingnan at bumagay sa shape ng mukha. He has a lean body at sa tantiya niya ay nasa six feet ang taas nito. His thick eyebrows complemented his almond shaped eyes and aristocratic nose. Katamtaman ang kapal ng labi. Hindi niya masiguro kung anong kulay ng mga mata nito pero kahit ano pa ‘yon, bagay pa rin sa lalaki.

“Wala kang pakialam.” Usually, hindi siya basta nagtataray. Aria has always been polite but tonight, that sweet girl died. Lintik lang ang walang ganti.

Bahagyang tumawa ang lalaki. “Broken hearted ka nga.” Sinamaan niya ito ng tingin pero ngumit lang ito sa kaniya at lumabas pa ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi. “Mabuti pa, itulog mo na lang ‘yan. Bukas bati na kayo uli ng boyfriend mo. Umuwi ka na.”

It’s funny how the stranger is not even trying to pick her up. May ilan din naman siyang nakilala sa mga bar na pinuntahan nila ni Dahlia na inofferan siya ng indecent proposals at mga one night stands. But this man— he is different.

“Ikaw ang umuwi at baka hinahanap ka na ng asawa mo.” Sa halip na sumagot ay itinaas nito ang dalawang kamay at ipinakitang walang suot na singsing. “Tsk. Is that a joke? All men do that.” Kumunot ang noo ng lalaki pero nagpatuloy siya. “Men would do anything to get sex. Kabilang na ‘yang hindi pagsusuot ng singsing.”

Tinawag ng lalaki ang waiter at nag-order ng premium vodka. Isang bote ‘yon at napakamahal. Naisip ni Aria, pogi nga pero lasenggo naman. Nagsalin ito sa shot glass at itinulak papunta sa kaniya ang basong nilagyan nito ng laman.

“Ano ‘yan? May drugs ‘yan ano?” She’s exaggerating, alam niya. Wala namang inilagay ang lalaki. She’s just… mad, at ang pobreng lalaki ang shock absorber niya ngayong gabi.

“First of all, I am not married. Second, I am not trying to pick you up. Third, there’s no drugs in this drink. Nakita mo akong magsalin. I didn’t put anything. And lastly, I am not interested in you like that.”

Para tuloy binuhusan ng malamig na tubig si Aria at nakaramdam ng hiya. Umirap siya saka tinanggap ang inumin. It burned her throat like hell.

“Ayaw ko na. I’ll stick to my martinis.” Nag-order siya ng dalawa at parang tubig niyang ininom ‘yon.

“That’s not water, just so you know.” She smirked at him at dalawang kamay ang itinaas ng lalaki para sabihin sa kaniya na sumusurrender na ito.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author ...
goodnovel comment avatar
Cel Franco-Bazarte
okay nagsisimula na ako ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status