Share

Chapter 2

Aria didn't know how she ended up in bed with him but she woke up with a bad hangover. She is pretty sure that they are not in a hotel room, but someone's house. Simple lang ang bahay at hindi moderno ang kagamitan. Nang makarinig siya ng mga boses sa labas ay bigla siyang kinabahan. Hindi siya maaaring makita ng mga ito sa kwarto ni— Shit. Hindi niya maalala ang pangalan nito. Was it Ryan? Rowan? Ronan? Ah, crap. 

Mahimbing ang tulog nito sa tabi niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ito. Napakagwapo talaga at nang bahagya nitong sipain ang kumot ay nahantad ang bandang puson nito. Muntik na niyang makita ang pagkalalaki nito na ngayon ay buhay na buhay. He has a tent at sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. 

Nang tumalikod ito sa kaniya ay nakita niya ang maumbok nitong pang-upo. Hindi kalayuan sa pwesto nito ay mantsa ng natuyong dugo. Napapikit si Aria. Wala na ang kaniyang iniingatang virginity. Ang tagal niyang ipinagkait 'yon kay Gary pero mabilis niyang naibigay sa isang lalaking kakikilala lang niya at hindi pa niya nobyo. 

Iinot-inot siyng bumangon at hinanap ang damit niya. She found her dress and bra. Ang hindi niya makita ay ang panty niya. She looked around at nakita niya itong nakasampit sa may footboard ng kama. Mabilis siyang nagbihis at daig pa niya ang isang kriminal na pumuslit sa bahay na 'yon. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon pero hindi naman sila lumayo. Base sa punto ng mga boses na narinig niya kanina, nasa Batangas pa rin sila. 

***

Sa halip na umuwi ng Cavite ay pumunta siya sa bahay ng mga lola niya sa Lipa. Pumara siya ng tricycle kanina at nagpahatid sa sakayan ng bus. Tama siya, hindi sila lumayo dahil nasa may parteng Calicanto lang sila. Napagmasdan niya ang bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaki at bagaman malinis ang paligid ay may kalumaan na ang bahay nito. Kalawangin na ang bubong at ang gutter ay papalitanin na. Ang mga kagamitan ay luma at panahon pa yata ng kopong-kopong. Makikipag-one night stand lang din siya ay sa isang mahirap pa sa daga. Maganda lang siguro talaga itong pumorma at gwapo kaya sumama siya kagabi. Napahilamos siya sa mukha. What she did was cheap, pero hindi na siya uulit. 

"Ne, kakain na. Nakaluto na ang lola mo ng paborito mo," tawag sa kaniya ni Rhodora. Ang kasambahay at kasa-kasama ng kaniyang mga lolo at lola. Nag-iisang anak ng mga ito ang kaniyang ina kaya walang ibang makakasama. Taga-Cavite ang kaniyang ama at nang magpakasal ang mga ito ay doon na piniling manirahan. Hindi naman kalayuan sa Batangas kaya regular silang nakabibisita. Medyo madalang na lang nitong lumago ang negosyo at maging siya ay naging abala na rin sa pagtatrabaho. 

"Opo, Ate. Papariyan na ako," sagot niya rito. 

Nang dumulog siya sa hapag ay kumunot ang noo ng lola niya. "Ne, nangangalumata ka. Aba'y natulog ka ba kagabi?"

Napangiwi siya. Paano ba niya sasabihin na wala siyang masyadong natandaan kagabi? At tama ito, nangangalumata nga siya. Nang makarating siya sa bahay ng mga lola niya kanina ay naligo kaagad siya. She reeks of sex at naaamoy pa niya ang pabangong ginamit ng lalaki. At least may taste ito sa pabango. Dolce & Gabbana is not cheap pero sa katulad nito ay baka peke lang 'yong nabili sa kung sino. Pwede na kasing pampagawa ng gutter 'yong halaga ng pabangong 'yon kung sakali. 

"Nagkasiyahan po kasi k-kagabi kaya madaling araw na po akong nakatulog." 

Naiiling ang kaniyang lola. "Kayong mga kabataan talaga. Aba ay matuto rin magpahinga at may bukas pa. Teka, birthday kahapon ng boyfriend mo ah? Bakit ka umuwi? Akala ko ba ay sa resort ka matutulog?" Tumingin ang matanda sa kaniya nang hindi kaagad nakasagot. "Bakit sambakol ang mukha mo? May ginawa ba sa 'yo ang lintik na 'yon?"

Naalala niya ang nasaksihan kagabi at bumabangon na naman ang galit niya. "La, kasi po—"

"Nahuli mong nagloloko? Iyon bang kaibigan mong si Dahlia e may nobyo?" Kumunot ang noo ni Aria. Bakit nabanggit nito si Dahlia? "Alam mo, noong nagpunta kayo rito ilang buwan na ang nakaraan, may napansin ako sa dalawang 'yon e. Aba, masyadong malapit sa isa't isa. Pero naisip ko, best friend mo naman si Dahlia. Hindi ka naman tataluhin. Pero noong isang buwan, iba ang galaw ni Dahlia. At 'yong boyfriend mo e malagkit ang tingin. Huwag mong sabihin na— Ay sa putangina!" Napangiwi si Aria sa pagmumura ng kaniyang lola sa hapag. Kinapitan ng lolo niya ang kamay nito at pinakalma. "Aba'y hayop na mga 'yon at ikaw pa ang napiling lokohin. Makikita nila. Ipapakulam ko 'yang dalawang hayop na 'yon." 

"Kumalma ka nga. Masyado kang mainit. Malaki na ang apo natin at alam na niya ang gagawin," alo ng lolo niya sa asawa nito. "Mas mabuti nga 'yon nakita na ni Ne kaagad ang ugali ng lalaking 'yon. Mas masama kung nakasal sila tapos saka niya nahuling nagloko."

"Kahit na! Hindi pa rin tama 'yon. Nag-iisang apo ko si Ariadne! Hindi ako makakapayag na maaagrabyado siya," sagot nito sa asawa. Nang mapalingon sa kaniya ay tinitigan siya ng abuela. "May nangyari na ba sa inyo ng lalaking 'yon?"

Napalunok si Aria. "Wala po, La. Tinatanggihan ko po palagi." Pero 'yong estranghero kagabi, naka-jackpot. 

"Mabuti naman. Hindi siya makakapagmalaki sa 'yo na nakuha ka. Naku! Kapag nakita ko ang hayop na 'yon at saka 'yong malandi mong kaibigan, talagang ipakukulam ko. Lalagyan ko ng bulutong at kung ano-anong sakit sa balat mga letse sila."

Habang kumakain sila ng tanghalian ay panay ang tungayaw ng kaniyang lola. Ang hindi niya alam kung anong magiging reaction ng Daddy at Mommy niya kapag nalaman ang nangyari. Boto ang mga ito kay Gary dahil ideal husband daw ito. Akala niya rin noon e. Pero heto siya, ipinagpalit sa iba at sa kaibigan pa niya. 

Nang matapos silang kumain ay nahiga siya at nagpahinga pero laman pa rin ng isip niya ang mukha ng estranghero. Magkita pa kaya sila? Ni hindi niya maalala ang pangalan, at pati ang numero nito ay hindi niya alam. But at least, alam niya kung nasaan ang bahay nito. Tinatalo na siya ng antok nang bigla siyang mapamulat. Naalala niya bigla na— hindi sila gumamit ng protection. 

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Analyn F. Garbosa
interesting story
goodnovel comment avatar
Rhea Margery Montanez Oblida
nice story
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
yan ang gusto konsyo lola hehehhe love nya tlaga ung apo nya.sarap nga kulamin.mga lalaking ganon
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status