Share

Chapter 7

Aria went to a different doctor. Hindi pa siya nakuntento at lumabas pa siya ng Cavite para magtungo ng Laguna kung saan wala siyang kilala. It’s a walk-in at dahil wala siyang appointment ay wala siyang choice kung hindi maghintay.

The clinic is small, pero bago ito at malinis ang facility. May simpleng chandelier sa gitna ng lobby at magkahalong puti at itim na visitor chairs ang nakapalibot. Nakasandal ito sa pader na parang u-shaped. Sa gitna ay may maliit na lamesita. May nakapatong na mga health magazines at maayos na nakasalansan. Sa tabi nito ay isang plorera na may fresh flowers.

May mga nauna sa kaniyang mga pasyente. Ang isa ay may dalang bata na mahimbing na natutulog sa bisig nito. Habang ang isang babae ay panay ang tayo at upo saka isasayaw-sayaw ang batang naglalaro sa edad na dalawa hanggang tatlong taon. The boy looked flushed at halatang may iniindang sakit. Isang babae naman ang dumating at buntis ito. Kasunod nito ang lalaking sambakol ang mukha. Halatang may alitan ang dalawa dahil hindi nagpapansinan.

"Miss Herrera?" tawag ng nurse sa kaniya.

Itinaas ni Aria ang kamay saka tumayo para lumapit sa babae. "Ako po 'yon. Good afternoon."

"Good afternoon rin. My name is Ady. Please follow me. Ready na si Dra. Raymundo sa office niya. I just need to get your weight and height pati ang vital signs mo then I'll take you to her."

"Sige." Sumunod si Aria sa nurse.

Aria stepped on the weighing scale at doon na rin siya kinuhan ng height. Pagkatapos ay naupo siya sa malapit na silya at ipinatong ang kaniyang braso para makuha ang kaniyang blood pressure. While the nurse was getting her vitals, naagaw ng pansin niya ang mga litrato sa pader. Most of them are pictures of newborn babies and pregnant mothers as well as people with old age. The cycle of life is truly amazing.

"Everything is good. Your blood pressure, pulse and respiration are all normal. For baseline purposes, have you always weight 105lbs?"

Napalunok si Aria. She knew she lost weight, but not that much. Wala siyang ganang kumain at padampot-dampot lang siya ng kung ano-ano. "No. Usually, I am around 110 to 115lbs. I wasn't feeling well the last few days."

"I see." May naglalarong ngiti sa mga labi nito pero walang ibang komento bukod doon. "Sasamahan na kita kay doktora.'

Bumalik sila sa may lobby at pumasok sila sa isang silid may pangalan ng doktor. Dra. Regina Raymundo ang nakasulat at nang tumunghay ang babae na nakaputi ay nasorpresa si Aria na bata pa ito. Sa hula niya ay nasa mid-thirties lang ang babae.

"Good morning, Miss Herrera. Have a seat." Itinuro nito ang silya sa unahan at inabot ang folder mula kay Ady. Nanatili ito sa tabi ng doktora.

"Good morning," ganting bati ni Aria.

"What brought you here today?" Napakunot noo ito nang ibalik ang paningin sa folder. "You've come all the way from Cavite? Not that I don't want your business, but why travel to Laguna?"

Aria thought about an alibi. "I was out visiting a friend of mine and decided to see a doctor. Ilang araw na kasi akong nasusuka pero wala naman akong inilalabas. I don't have the appetite and I'm not a picky eater."

"I noticed that you lost quite some weight." Tumango-tango ang doktora. "Your vitals are normal but we need to get your bloodwork done as well as urinalysis. Lucky for you, we have a lab next door at mabilis silang magprocess ng results so we will know in an hour or two what's causing your sickness." Tumikhim ang doktora at pumormal. "You're not married. Are you sexually active?"

Pinamulahan ng mukha si Aria. Paano ba niya sasabihin na hindi siya sexually active pero may naka-one night stand siya not too long ago? Damn.

"I'm not."

Kumunot ang noo ni Dra. Raymundo. "Ady, can you get her requisition ready. Thank you."

"Yes, Ma'am. Excuse me."

Nang maiwan si Aria at ang doktora ay tinitigan siya nito. "I am going to order an ultrasound for you once your bloodwork and urinalysis results are in."

"Ultrasound po?"

Tumango ang doktora. "You've lost signifant weight, and you don't have the appetite to eat. Have you been nauseous?" Tumango si Aria. "Nothing comes out but bile?" She nodded again. "You had sex a few weeks ago at least?"

Napapikit si Aria at tumango. "It was just once."

"Unprotected?" Tumango si Aria at narinig niya ang pagsandal ng doktora sa swivel chair nito. It created a creaking sound. "Okay. Then let's do the tests now and do the ultrasound when you're ready."

Kinuha ni Aria ang requisition mula kay Ady at nagpunta siya sa laboratory sa tabi ng clinic. Hustong pagpasok niya ay palabas naman ang isang pasyente. There was no one in the lobby so Aria didn't have to wait. Binati niya ang technician at ibinigay ang requisition. Nagsimula itong mag-encode at nang matapos ay dinala siya sa room 1. Aria doesn't like her blood being taken but she has no choice this time. Kailangan ang blood test para malaman kung anong nangyayari sa kaniya. The doctor suspects she's pregnant but won't say it.

Napapikit si Aria nang maramdaman ang pagtusok ng karayom. Hindi siya nagmulat hanggang hindi natatapos 'yon.

"Tapos na. Pwede ka ng magmulat." Nakangiti ang babaeng technician. Bata pa ito at parang ka-edad lang niya. Ibinigay nito ang isang sealed bottle na kailangan niyang ihian para sa urinalysis. "Dulong kanan ang washroom."

Once Aria was done with everything, bumalik siya sa clinic. Ang sabi ng technician ay ifoforward nito ang resulta online sa doktora. Matiyagang naghintay si Aria sa lobby. Mabuti na lang at fully charge ang cellphone niya. She was able to browse her social media account kahit wala naman siyang interes doon. Bilang marketing head, subaybay niya ang current trend. At lahat ng naging campaign niya ay successful. She is really good at her job pero hindi 'yon ang passion niya. Aria wants to put up her own business. She wants a coffee shop and a bookstore.

"Miss Herrera? The doctor would like to see you now."

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ann Hermoso
pa unlock po pls ...
goodnovel comment avatar
Ann Hermoso
pa unlock po
goodnovel comment avatar
Glazzy Angeline A. Consigna
ayan na ayan na.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status