ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong
ALIRA ASUL ang kulay ng kalangitan, ang alon ay kalma na para bang pinapahiwatig nito na magiging ayos ang panahon ngayon at ang langit ay nagkukulay kahel na indikasyon na malapit ng sumikat ang araw. Ang hangin ay nagsimula ng lumamig kaya napayakap ako sa braso ko sabay napatingin sa orasan. Alas-sais na ng umaga. Oras na para gisingin ko na rin ang kaluluwa at isip ko sa dami ng gawain, kailangan ko ng matapos ang lahat para wala na akong ibang aayusin pa kapag nagsimula na ako sa trabaho ko. Napatingin naman ako sa maliit na brasong yumakap sa bewang ko kaya ng tumungo ako kusang lumabas ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ito. “Good morning, Mommy.” Bakas sa boses niya na inaantok pa ang anak ko kaya binuhat ko ito at matunog na hinalikan sa pisngi. “Good morning too my baby, bakit ang aga mong nagising? Mamaya pa naman tayo uuwi sa condo natin,” saad ko at lumabas na sa kwarto ng rest house na inupahan namin sa kaibigan ko dito sa Batangas. Isang linggo na ang n
ALIRA"I'M the owner of this art museum," pagtatapos ko sa huling salitang binitawan ko at matapang na tumingin sa mga mata niya. Gusto ko mang basahin kung ano ang emosyon na nakapaloob dito ay hindi ko maggawa. Masyadong malamig kung tumingin ang mga mata niya ngayon. Ibang-iba na nga sa Laxon na nakilala ko. Hindi na siya ang Laxon na iniwan ko sa limang taon na nakalipas. Lahat ng tao ay nagbabago, Alira. Tandaan mo 'yan. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya ay libo-libong mga alaala at emosyon ang nakikita ko, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa klase ng pagtitig niya sa akin kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko pinakita ang pagkagulat ng lumabas ang mga emosyon na nakapaloob kanina dito. Kung kanina ay malamig , ngayon ay samu't-sari na ito. "It's a pleasure to see you here in our art museum Governor," dugtong ko pa at palihim naman akong nagpasalamat dahil hindi ako nautal kahit nasa harapan ko siya. Hindi pa rin magsink-in sa akin na sa ganitong paraan kami magk
ALIRA“KAPAG naging Governor na ako at natupad ko ang pangarap ko para sa sarili ko, Lira. Pangarap naman nating dalawa ang tutuparin natin. Just wait for me, baby.” Ramdam ko ang determinasyon at pagmamakaawa sa boses ni Laxon habang nakahiga kaming dalawa sa sofa at nanonood ng t.v. Ngumiti naman ako at tumango. “I will, Laxon. Pursue your dream first, makakapaghintay naman ako,” pagpapagaan ko ng nararamdaman niya kaya naramdaman kong dumampi ang labi niya sa ibabaw ng ulo ko at hinalikan ako. “Magpapakasal tayong dalawa tapos ay ikaw ang magpe-paint or magde-design nitong bahay natin kasi gusto mo ‘yon. Papalibutan rin natin ng bulaklak yung harapan para mas lalong gumanda. Masaya tayong magsasama dito, Lira. Just wait, baby…” Aniya sa malambing boses kaya tumingala ako at tumingin sa mga mata niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napangiti siya.“I will, Laxon. Sabay natin tutuparin ‘yon, hindi ako mawawala sa tabi mo.” Pangako ko at niyakap siya pabalik. Akala ko mat
ALIRA"ANONG ginagawa mo dito?" Bakas sa boses ko ang taranta at takot kaya kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Ako naman ay napakagat labi dahil baka dumating bigla si Kuya at si Greyson, delikado na. "I'm buying this," pagtukoy niya sa laruan na hawak niya at itinaas pa ito para ipakita sa akin. Kaya napakamot naman ako sa pisngi ko at nagkunwaring tumawa. "Para kanino 'yan?" Pang-uusisa ko pero inaalerto ko ang sarili dahil baka bigla na lamang sumulpot ang dalawang 'yon sa harapan namin. Delikado na talaga. Nakita ko naman mas lalo pang nagtaka ang mukha niya pero sinagot pa rin naman niya. "Para sa inaanak ko, si Raxon." "Raxon?" "Anak ni Bella at Damon, birthday ngayon kaya pupunta ako." Dugtong niya pa kaya napatango na lamang ako."By the way, ikaw? Bakit ka nandito?" Pang-uusisa niya na kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Mas lalong lumalala ang panlalamig ko. "Nagpapalamig." Parang tanga kong sagot at tipid na ngumiti. Da
Author's Note: Hi! Nakaraan na ito ni Laxon at Alira, nasa exciting part na tayo. Pero may mas exciting pa, abangan! Enjoy reading!ALIRA"AS you can see, this painting represents the grief of a woman who lost her passion and dreams that she had been chasing for so long." Paliwanag ko habang ipinapakita sa mga judges ang natapos ko na gawa.I looked at it again and was mesmerized by the outcome. I never thought that this painting would be made by me. Tiningnan ko ang bawat linya na ginawa ko, ang nakalagay dito ay isang babae na sumisigaw at maraming mga ibon ang lumalabas sa bibig niya na para bang ito ang mga sakripisyo, oras at mga bagay na ginugol niya makuha lang ang gusto niya. "The birds represent the freedom, hard work, sacrifices of the woman while chasing her dreams and passion but in the end, it didn't work as she had imagined. That's why she's screaming," dagdag ko pang muli kaya napangiti at napatango naman ang mga judges na nasa harapan ko. "That's my girlfriend!" Sig
ALIRA"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon. "We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa. "Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin. "I lo