Author's Note: Hi! Nakaraan na ito ni Laxon at Alira, nasa exciting part na tayo. Pero may mas exciting pa, abangan! Enjoy reading!
ALIRA"AS you can see, this painting represents the grief of a woman who lost her passion and dreams that she had been chasing for so long." Paliwanag ko habang ipinapakita sa mga judges ang natapos ko na gawa.I looked at it again and was mesmerized by the outcome. I never thought that this painting would be made by me. Tiningnan ko ang bawat linya na ginawa ko, ang nakalagay dito ay isang babae na sumisigaw at maraming mga ibon ang lumalabas sa bibig niya na para bang ito ang mga sakripisyo, oras at mga bagay na ginugol niya makuha lang ang gusto niya."The birds represent the freedom, hard work, sacrifices of the woman while chasing her dreams and passion but in the end, it didn't work as she had imagined. That's why she's screaming," dagdag ko pang muli kaya napangiti at napatango naman ang mga judges na nasa harapan ko. "That's my girlfriend!" Sigaw ng kung sino mula sa dagat na tao kaya inilibot ko ang paningin ko at nakita kong si Laxon na ngayon ay nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin siya. Natawa na lang ako ng mag-flying kiss siya sa akin.I can sense the proudness in his voice."Wow, you have a supportive boyfriend Ms Mendoza." Biro ng isang judges kaya natawa ang lahat miski ako. Nang tumingin muli ako kay Laxon ay naka-heart shape na ang mga kamay niya kaya napailing na lamang ako."Baliw," I mouthed at him pero ngumuso lang siya at sinagot ako pabalik."Baliw na baliw sa'yo," pagsagot niya pa kaya naramdaman kong parang namumula ang pisngi ko at nag-focus na sa mga judges dahil nagsalita ito."Your work impresses us, Ms Mendoza. You have a unique way to show some side of grief. You really have a potential, thank you for sharing your work with us. Wait for the announcement of the winners until next week," aniya kaya tumango naman ako at nagpasalamat na.Nang magtungo ako sa backstage ay nagulat na lang ako ng naghihintay sa akin si Laxon na ngayon ay nakabukas na ang dalawang braso na para bang naghihintay sa yakap ko.Kaya natawa naman ako at tinakbo ang distansya naming dalawa. Nang yakapin ko siya ay amoy na amoy ko na agad ang pabango niya kaya mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanya."I'm so proud of you," sincere niyang saad kaya napangiti naman ako at kinilig. Grabe kapag si Laxon na ang nag-compliment sa akin."Thank you. How's work, Mayor?" Pagbibiro ko pa kaya ngumisi naman siya at nagulat na lang ako ng magnakaw siya ng halik sa labi kaya hinampas ko siya sa balikat at kinuha ang bulaklak na hawak niya."It's good but it become more good when I see you." Banat niya pa at sinabayan niya pa ito ng pagkindat kaya pinisil ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi."Thank you sa pagpunta kahit marami kang ginagawa," saad ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop kaming dalawa. Akmang aalis na sana kami pero pinigilan ko siya dahil may nakalimutan ako."Wait, aayusin ko lang yung mga gamit." Akmang bibitawan ko na ang kamay niya pero umiling lang siya at nagsalita."Let Ria organize them, babe. Let's go for a walk first here in University where it all started," he said calmly kaya nang tumingin ako kay Ria na secretary ni Laxon ay masama na ang tingin sa akin pero mabilis rin itong nabago ng tumingin ito kay Laxon."Yes, Mayor. Ako na po ang bahala," nakangiting saad niya pero alam kong pilit iyon kaya huminga na lang ako ng malalim at nagpatangay na kay Laxon na ngayon ay ramdam ko ang excitement sa kilos niya.Habang naglalakad kami dito sa loob ng campus ay muli ko na namang naalala ang secretary ni Laxon, si Ria. Alam kong may gusto ito sa boyfriend ko dahil ramdam ko at babae ako. Hindi ko alam kung nahahalata ba ito ni Laxon o pinagsasawalang bahala niya dahil marami pa siyang ginagawa at wala na siyang oras para intindihin pa ito."You're spacing out, baby. What's our problem?" Nagaalalang tanong niya kaya nabalik na lang ako sa huwisyo at napakamot sa ilong. Kilala na Laxon, alam niyang may bumabagabag sa isip ko."About Ria? Do you know that she have feelings for you?" Paninigurado ko kaya tumigil kami sa gitna ng daan at mabuti na lamang ay walang dumadaan kaya malaya naming sakop ang lugar na kinatatayuan namin ni Laxon."I know but I didn't entertained or reciprocate her feelings to me, babe. I have a girlfriend and I'm loyal to you. Why? Naiilang ka ba sa kanya?" Pagtatanong niya kaya saglit akong natulala at umiling.Ayokong pati trabaho ng isang tao ay madamay lang ng dahil sa nararamdaman niya. Nakikita ko naman na dedicated si Ria sa trabaho niya, huwag niya lang aahasin ang boyfriend ko."No, I can see that Ria is dedicated to her job as your secretary. No need to take away her job to her, Laxon. Okay?" Paninigurado ko kaya ngumiti naman siya at muli kaming naglakad sa loob ng University."Do you remember what happened to this place?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko kaya automatic na napangiti ako dahil naalala ko ang nangyari dito."Dito tayo unang nagkakilala. I was painting this beautiful scenery and you came out in front of my face and saying, 'wow, ang ganda ng painting mo. Binebenta mo ba 'yan?" Pangagaya ko sa boses niya kaya natawa siya at niyakap ako na akala mo ay nanggigil sa akin."Hindi mo talaga nakalimutan no? Sabagay nong nakita kita nagkagusto na ako sa'yo at saka mahilig kasi ako sa painting kaya ayun agad ang tinanong ko sa'yo," paliwanag niya kaya napailing na lamang ako."Kaya pala kahit ilang beses kitang ni-reject ay purisgido ka pa rin sa akin ha," pang-aasar ko at kinurot pa siya sa tagiliran."Of course, I want to be your first and last Alira.""Paano kung hindi pala tayo sa dulo?" Pagbibiro ko pa pero imbis sumimangot siya ay nginisian niya lamang ako."I promise that to myself, Alira. That I will be the one you will marry and you are the one that I want to spend my life with." Saad niya at nagulat na lang ako ng lumuhod siya sa harap ko at may inilabas na isang red velvet box dahilan para kumabog ang puso ko sa halo-halonh emosyon na nararamdaman ko ngayon. "Alira Rain Mendoza, the woman who caught my attention five years ago. The woman that I can see my future with, the woman that I will protect, the woman that I will marry someday." Habang sinasabi sa akin ni Laxon 'yon ay kitang-kita ko ang saya at luha na nagmumula mula sa mga mata niya habang ako naman ay napaiyak na lamang."Happy five years anniversary, babe and… will you marry me?"ALIRA"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon. "We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa. "Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin. "I lo
ALIRA"HINDI mangyayari ang sinabi niya sa'yo, Alira," saad ni Laxon ng nakahiga na kami sa kama niya. Hindi na niya ako pinauwi dahil gabing-gabi na kaya nag-iwan na lang ako ng message kila Mama."H-hindi ka naman magpapaagaw 'diba?" Puno ng pangamba kong tanong kaya hinalikan niya ako sa gilid ng noo at niyakap. "Hindi. Ang tanga at ang bobo ko naman kung gagawin at hahayaan ko 'yon. Hinintay kita ng limang taon tapos sasayangin at ipagpapalit ko lang sa isang pagkakamali. Sa'yo lang ako, Alira. Sa'yong-sa'yo lang," puno ng determinasyon niyang saad kaya napapikit naman ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "I'm sorry if I sounded like I doubted you. Natakot lang ako," pag-amin ko kaya napasinghap na lang ako nang paulanan niya ako ng halik mula sa panga ko hanggang sa gilid ng labi ko. Nagsimula na rin manlamig ang katawan ko. "I understand you, baby. I understand, alam kong natakot ka lang but I will assure you everyday that you will be the woman that I
ALIRAMABILIS kong nabitawan ang papel at halos mapaupo ako sa sahig dahil sa matinding sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay mahihilo ako kaya pinilit kong bumalik sa upuan at kumuha ng tubig. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nabasa pero wala pang ilang minuto ay napatayo ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagduduwal. Malakas kong binuksan at pinto at mahigpit na napahawak sa lababo ng maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaya matapos ay nagmugmog ako at malalim na huminga, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay napailing ako dahil akala mo ay may sakit ako dahil namumutla na naman ako. Pinunasan ko na lang ang bibig ko at ng makalabas ako sa banyo ay halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita kong nakatayo si Laxon sa harap ko at may hawak pang isang basong tubig. "Are you okay? May sakit ka ba?" Pag-aalala niya at nilapitan ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko at ng maamoy ko ang pabango niya ay hindi k
ALIRANARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko. Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon. Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon."Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman. "Ma, h
ALIRAMATAPOS niyang ibaba ang tawag ay nanghihina akong napaupo sa kama ko at napatulala. Hanggang ngayon ay nagsi-sink in pa rin sa akin ang mga sinabi ni Raya.Baliw na siya, dahil sa pagmamahal niya kay Laxon ay nagkaganito siya. Masyado ang pagpapahirap ang ginagawa niya sa akin, alam kong iniipit niya ako sa mga oras na 'to."Makikipagkita ka sa akin o pareho kayong mamamatay ng anak mo."Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko. Ayokong kainin ng takot pero sa sinabi niya pa lang ay nanginginig na ang buong katawan ko, alam kong kaya niyang gawin iyon. Sa isang pitik niya lamang ay kaya na niyang kumuha ng buhay."A-ano bang kasalanan ko para pahirapan ako ng ganito," naiusal ko na lamang at napahawak sa noo. Kahit ayokong maistress dahil baka makasama ito sa sinapupunan ko ay nai-istress ako dahil kay Raya. Para bang tuwang-tuwa siya na pinaglalaruan ako.Habang nakatulala sa sahig ay muli na naman tumunog ang cellphone ko pero hindi na ito tawag, isa na itong text at al
ALIRAPRESENTNABALIK na lang ako sa huwisyo ng bumulong sa akin si Raya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko."Ang lakas ng loob mong bumalik ka dito, Alira." Aniya kaya nagsimula na naman manlamig ang kamay ko dahil naalala ko na naman ang ginawang niyang pagbabanta sa nakaraan.Napasinghap na lang ako ng hatakin ako ni Laxon palayo sa kaniya at natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko ng hawakan niya ang bewang ko at pinisil na para bang pinapakalma ako nito. Dahil doon ay tumalim ang tingin ni Raya."Why are you here in my house?" Ramdam ko ang gigil sa boses ni Laxon habang ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya pa itong hinigpitan."I just missed you, Laxon. Masama ba ang pagpunta ko dito?" Aniya at awtomatikong natigil ang kamay ko na hawakan muli si Laxon dahil sa narinig ko.Pakiramdam ko ay mangangatal ang tuhod ko sa iba't-ibang senaryo na pumapasok sa isip ko. Dahil doon ay malakas na pwersa ang ginawa ko para tuluyang matan
ALIRAUMIIYAK akong nakaupo sa gilid ng kama habang tulog na tulog si Laxon sa likod ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bumigay ako kay Laxon, ilang beses may nangyari sa amin ngayon at ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat.Bakit nakalimutan ko na may asawa na si Laxon? Bakit binigay ko kaagad ang sarili ko? Ganoon ko ba siya kamahal para kalimutan kung ano talagang meron sa aming dalawa o ang nasa paligid namin.Paano kapag nalaman 'to ng asawa niya? Ayokong maging pangalawa pero sa ginawa ko pa lamang ay pinaramdam ko na 'yon sa sarili ko. Gusto kong magalit ng sobra para sa sarili ko."Ang tanga-tanga mo, Alira. Bakit nakalimutan mo?" Tahimik kong pag-iyak at napayakap na lang sarili ko dahil sa sobrang pagka-disapoint sa sarili ko. Mabuti na lamang ay suot-suot ko ang t-shirt ni Laxon, alam kong siya mismo ang nagsuot nito sa akin.Habang tahimik naman akong lumuluha ay nagulat na lang ako ng may bumuhat sa akin at pinaharap sa kanya. Nang bumungad sa akin ang nag-aal
ALIRAYAKAP-YAKAP ko lang si Grayson habang nakahiga at tulog pa rin siya. Nang tingnan ko ang oras ay alas-otso pa lang. Nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko pati na rin ang paghinga ko.Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay naramdaman kong gumalaw si Grayson at bumungad sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Palihim na lang ako napangiti dahil kamukhang-kamukha siya ni Laxon.Nakita kong papungas-pungas pa siya na para bang hindi siya makapaniwala na ako ang katabi niya kaya tinawag niya ako sa namamalat niyang boses."M-mama ko?" Pinagkatitigan niya pa akong mabuti kaya nginitian ko siya at dinampian ng halik sa noo niya para malaman niyang ako 'to."Mama ko!" Tuluyan na siyang napasigaw at napahalakhak na lang ng dambain niya ako ng yakap at pinaulanan ako ng halik sa mukha. Narinig ko pa ang munti niyang pagtawa."Amoy gatas ang baby ko," pagbibiro ko pero umalis siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa harap ko habang nakanguso at nakakrus ang bra