ALIRA
"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon."We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa."Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin."I love you, Alira," he said sincerely kaya yumakap na lang ako sa tagiliran niya at lunapit naman sa amin sila Mama."I'm happy dahil magiging isang pamilya na tayo! Akala ko ay hindi mo na aayain magpakasal si Alira, anak. Botong-boto pa naman ako sa kanya." Saad ni Tita kaya natawa naman ako at napayakap sa kanila.Naalala ko pa dati noong una akong dinala ni Laxon sa bahay nila, ang sabi niya ay ipapakilala na raw niya ako sa magulang niya dahil nakahalata at nagtatanong na ang mga ito tungkol sa akin.Tandang-tanda ko pa kung paano ako panlamigan ng katawan dahil sa kaba at takot na baka hindi nila ako magustuhan pero lahat ng 'yon ay nawala dahil ibang pagsalubong ang ginawa sa akin.Hindi tahimik na lamesa, masusungit na mukha at malalamig na mga mata ang bumungad sa akin noong mga oras na 'yon. Kundi isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap ang ginawad nila sa akin lalo na ang Mama ni Laxon.Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya ako yakapin ng mahigpit at grabe ang pasasalamat dahil binago ko raw ang anak nila. Ngayon ay mas lalo ko pang naramdaman ang pagmamahal nila ng sabihin namin ang engagement na naganap."I'm happy because you're the woman that my son wants for the rest of his life. Noong una ay natatakot ako na baka sukuan mo ang anak ko pero ibang-iba ang pagmamahal niyong dalawa. Can't wait to call you as my daughter, Alira." Emosyonal na saad ni Tita kaya niyakap ko rin siya pabalik at tinapik sa balikat."Thank you po, Tita. Thank you for trusting and loving me na para bang sarili mo na akong anak." Nang bumitaw ako sa yakap niya ay kay Mama naman ako napatingin at niyakap siya. Narinig naman namin ang pinag-uusapan ni Laxon at Papa."Laxon, iho. Alam kong ilang beses ka ng nagpaalam sa akin na magpo-propose ka na sa anak ko pero lagi kitang pinipigilan dahil natatakot ako na baka mamaya ay masaktan mo lang siya, kaya pasensya na," rinig kong saad ni Papa kaya mahina naman kaming natawa."Talagang pinakita mo sa akin na si Alira talaga ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Kitang-kita ko kung paano mo siya alagaan, protektahan at mahalin. At kung dumating man ang araw na sasaktan mo ang anak ko, ibalik mo na lang siya sa amin."Nang marinig ko ang huling sinabi ni Papa ay tuluyan na akong umiyak at niyakap siya. Engagement pa lang ang inaannounce namin pero parang kasal na ang speech ni Papa."Mas gugustuhin ko pang ako ang saktan ni Alira kaysa ako ang manakit sa kaniya. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at patuloy ko pa po siyang mamahalin."JUST IN: Governor Laxon Montemayor is now engaged to her long time girlfriend.Governor ng Laguna walang iba kundi si Governor Laxon Montemayor ay engaged na sa 5 years niyang girlfriend at sikat na painter na si Alira Rain Mendoza.Ayon sa I*******m post ng Governor ay kahapon lamang nangyari ang magandang bagay na ginawa niya sa buong buhay niya. Masaya siya dahil saktong fifth years anniversary siya nakapag-propose sa long time girlfriend niya at sa mismong University pa nila ito mismong nangyari."I'm so grateful and content because she's the one that I want to spend my life with. Finally, this is the most beautiful answer that I heard in my whole life, her yes."Ito ang caption sa naturang I*******m post ng Governor. Marami man ang nabigla ay grabeng suporta ang ibinuhos nila sa Governor ng Laguna.Good luck to your new journey, lovely couple!Ito agad ang bumungad sa akin pag-uwi ng bahay. Sumabay na ako kila Mama dahil dito muna ako magpapalipas ng gabi. Habang si Laxon naman ay dumiretso sa bar kasama sila Damon para mag-celebrate.Malaki naman ang tiwala ko sa kanila dahil nakilala ko na rin sila at masasabi kong mapagkakatiwalaan sila.Habang paakyat naman ako sa kwarto ay ngayon ko lang napansin na parang wala si Kuya. Nasaan kaya 'yon? Hindi ba siya umuwi dito? Hindi ko tuloy masabi na engaged na kami ni Laxon paniguradong tuwang-tuwa 'yon."Ma, kailan uuwi si Kuya?" Tanong ko kaya napalingon naman siya sa akin bago pumasok sa kwarto nila."Bukas na raw, Alira. Nalaman na rin ng Kuya mo ang tungkol sa engagement niyo ni Laxon kaya excited umuwi." Aniya kaya napatango na lamang ako at nagpaalam na.Pagpasok ko ay kumuha ako ng damit sa closet para maglinis na rin ng katawan. Pero nagbago ang isip ko dahil pagpasok ko sa banyo ay nag-hot bath na lang ako. Halos isang oras din ang tinagal ko dahil nilinis ko na rin ang banyo ko.Habang nagbo-blower ng buhok ay siya namang pagtunog ng cellphone ko indikasyon na may tumatawag. Nang makita ko ang caller ay mabilis ko itong sinagot dahil si Laxon."Hey, bakit ka napatawag?""Hello Alira, si Damon 'to. Pwede bang sunduin mo dito ang fiance mo, ayaw magpahawak sa secretary niya. Gusto niyang ikaw ang humawak sa kanya," aniya kaya kumunot naman ang noo ko at sumagot na lamang.Pagkapatay ng tawag ay mabilis na lang akong kumuha ng jacket at pati na rin susi ng sasakyan ko. Hindi na ako nagpaalam kila Mama dahil tulog na ang mga ito.Habang binabaybay ko ang daan patungo sa bar ay napapaisip ako kung bakit nandoon ang secretary ni Laxon. Sinundan ba nito at humanap ng pagkakataon na malapitan ang fiance ko? Kahit naiinis ay pinakalma ko ang sarili ko dahil ayoko ng gulo.Pagpasok sa bar ay kakaunti na lamang ang tao, nagtungo ako sa isang VIP room at nakita ko doon sila Damon na pinipigilan si Ria sa paglapit kay Laxon na ngayon ay hawak-hawak na ang noo. Siguro ay may tama na ang isang 'to kaya napatawag na sa akin Damon."Just go home, Ria. Stop flirting with me, I have a fiance now and I will remain loyal to her. Umalis ka hangga't nakakapagtimpi pa ako sa'yo, ayokong makapanakit ng babae," rinig kong pagbabanta ni Laxon kaya mabilis na akong kumilos at nilapitan sila."Hey, calm down," pagpapakalma ko ng makalapit na sa kanya kaya mabilis siyang lumingon sa akin at yumakap na ikinabigla ko. Para bang walang nakatingin sa aming dalawa."Babe, bakit mag-isa kang pumunta dito? Sinong tumawag sa'yo?" Pagtatanong niya at inalalayan ko naman siyang tumayo dahil pasuray-suray na siya."Si Damon and it's okay. Uwi na tayo, medyo lasing ka," aya ko kaya tumango siya at inakbayan pa ako. Bago pa kami tuluyang makalayo ni Laxon doon ay narinig ko ang pagbabanta ni Ria dahilan para mapatigil ako sa paglalakad."Bantayan mo 'yang si Laxon, Alira. Kung ang boyfriend nga ay naaagaw, 'yang fiance mo pa kaya."ALIRA"HINDI mangyayari ang sinabi niya sa'yo, Alira," saad ni Laxon ng nakahiga na kami sa kama niya. Hindi na niya ako pinauwi dahil gabing-gabi na kaya nag-iwan na lang ako ng message kila Mama."H-hindi ka naman magpapaagaw 'diba?" Puno ng pangamba kong tanong kaya hinalikan niya ako sa gilid ng noo at niyakap. "Hindi. Ang tanga at ang bobo ko naman kung gagawin at hahayaan ko 'yon. Hinintay kita ng limang taon tapos sasayangin at ipagpapalit ko lang sa isang pagkakamali. Sa'yo lang ako, Alira. Sa'yong-sa'yo lang," puno ng determinasyon niyang saad kaya napapikit naman ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "I'm sorry if I sounded like I doubted you. Natakot lang ako," pag-amin ko kaya napasinghap na lang ako nang paulanan niya ako ng halik mula sa panga ko hanggang sa gilid ng labi ko. Nagsimula na rin manlamig ang katawan ko. "I understand you, baby. I understand, alam kong natakot ka lang but I will assure you everyday that you will be the woman that I
ALIRAMABILIS kong nabitawan ang papel at halos mapaupo ako sa sahig dahil sa matinding sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay mahihilo ako kaya pinilit kong bumalik sa upuan at kumuha ng tubig. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nabasa pero wala pang ilang minuto ay napatayo ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagduduwal. Malakas kong binuksan at pinto at mahigpit na napahawak sa lababo ng maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaya matapos ay nagmugmog ako at malalim na huminga, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay napailing ako dahil akala mo ay may sakit ako dahil namumutla na naman ako. Pinunasan ko na lang ang bibig ko at ng makalabas ako sa banyo ay halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita kong nakatayo si Laxon sa harap ko at may hawak pang isang basong tubig. "Are you okay? May sakit ka ba?" Pag-aalala niya at nilapitan ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko at ng maamoy ko ang pabango niya ay hindi k
ALIRANARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko. Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon. Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon."Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman. "Ma, h
ALIRAMATAPOS niyang ibaba ang tawag ay nanghihina akong napaupo sa kama ko at napatulala. Hanggang ngayon ay nagsi-sink in pa rin sa akin ang mga sinabi ni Raya.Baliw na siya, dahil sa pagmamahal niya kay Laxon ay nagkaganito siya. Masyado ang pagpapahirap ang ginagawa niya sa akin, alam kong iniipit niya ako sa mga oras na 'to."Makikipagkita ka sa akin o pareho kayong mamamatay ng anak mo."Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko. Ayokong kainin ng takot pero sa sinabi niya pa lang ay nanginginig na ang buong katawan ko, alam kong kaya niyang gawin iyon. Sa isang pitik niya lamang ay kaya na niyang kumuha ng buhay."A-ano bang kasalanan ko para pahirapan ako ng ganito," naiusal ko na lamang at napahawak sa noo. Kahit ayokong maistress dahil baka makasama ito sa sinapupunan ko ay nai-istress ako dahil kay Raya. Para bang tuwang-tuwa siya na pinaglalaruan ako.Habang nakatulala sa sahig ay muli na naman tumunog ang cellphone ko pero hindi na ito tawag, isa na itong text at al
ALIRAPRESENTNABALIK na lang ako sa huwisyo ng bumulong sa akin si Raya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko."Ang lakas ng loob mong bumalik ka dito, Alira." Aniya kaya nagsimula na naman manlamig ang kamay ko dahil naalala ko na naman ang ginawang niyang pagbabanta sa nakaraan.Napasinghap na lang ako ng hatakin ako ni Laxon palayo sa kaniya at natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko ng hawakan niya ang bewang ko at pinisil na para bang pinapakalma ako nito. Dahil doon ay tumalim ang tingin ni Raya."Why are you here in my house?" Ramdam ko ang gigil sa boses ni Laxon habang ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya pa itong hinigpitan."I just missed you, Laxon. Masama ba ang pagpunta ko dito?" Aniya at awtomatikong natigil ang kamay ko na hawakan muli si Laxon dahil sa narinig ko.Pakiramdam ko ay mangangatal ang tuhod ko sa iba't-ibang senaryo na pumapasok sa isip ko. Dahil doon ay malakas na pwersa ang ginawa ko para tuluyang matan
ALIRAUMIIYAK akong nakaupo sa gilid ng kama habang tulog na tulog si Laxon sa likod ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bumigay ako kay Laxon, ilang beses may nangyari sa amin ngayon at ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat.Bakit nakalimutan ko na may asawa na si Laxon? Bakit binigay ko kaagad ang sarili ko? Ganoon ko ba siya kamahal para kalimutan kung ano talagang meron sa aming dalawa o ang nasa paligid namin.Paano kapag nalaman 'to ng asawa niya? Ayokong maging pangalawa pero sa ginawa ko pa lamang ay pinaramdam ko na 'yon sa sarili ko. Gusto kong magalit ng sobra para sa sarili ko."Ang tanga-tanga mo, Alira. Bakit nakalimutan mo?" Tahimik kong pag-iyak at napayakap na lang sarili ko dahil sa sobrang pagka-disapoint sa sarili ko. Mabuti na lamang ay suot-suot ko ang t-shirt ni Laxon, alam kong siya mismo ang nagsuot nito sa akin.Habang tahimik naman akong lumuluha ay nagulat na lang ako ng may bumuhat sa akin at pinaharap sa kanya. Nang bumungad sa akin ang nag-aal
ALIRAYAKAP-YAKAP ko lang si Grayson habang nakahiga at tulog pa rin siya. Nang tingnan ko ang oras ay alas-otso pa lang. Nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko pati na rin ang paghinga ko.Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay naramdaman kong gumalaw si Grayson at bumungad sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Palihim na lang ako napangiti dahil kamukhang-kamukha siya ni Laxon.Nakita kong papungas-pungas pa siya na para bang hindi siya makapaniwala na ako ang katabi niya kaya tinawag niya ako sa namamalat niyang boses."M-mama ko?" Pinagkatitigan niya pa akong mabuti kaya nginitian ko siya at dinampian ng halik sa noo niya para malaman niyang ako 'to."Mama ko!" Tuluyan na siyang napasigaw at napahalakhak na lang ng dambain niya ako ng yakap at pinaulanan ako ng halik sa mukha. Narinig ko pa ang munti niyang pagtawa."Amoy gatas ang baby ko," pagbibiro ko pero umalis siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa harap ko habang nakanguso at nakakrus ang bra
ALIRANAPAATRAS na lang ako ng magsimula siyang humakbang sa akin, hanggang ang pag-atras ko ay tumigil ng maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Nang makita 'yon ni Laxon ay nakita ko ang pag-ngisi niya at halos manlambot ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit dahilan para maamoy ko na naman ang pabango niya.Narinig ko ang malalim niyang paghinga at pagsiksik niya pa sa katawan ko kaya napayakap na ako pabalik sa kanya bilang suporta dahil baka bigla na lang kaming matumbang dalawa."Pagod ka?" Malumanay kong tanong kaya naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapasimangot."Dapat ay umuwi at nagpahinga ka na lang, Laxon! Bakit dumiretso ka pa dito sa akin?" Pagalit ngunit nag-aalala kong tanong kaya umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi."Ikaw ang pahinga ko, Alira," aniya sa nanlalambing na tono kaya natameme naman ako at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko na rin na namula ang pisngi ko kaya narinig