Share

Chapter 5: Not Nice To Meet You

He chuckled as if reminiscing a memory. "You may refrain from calling me by that title," nakangiti niyang sabi. "Just call me Aldrich, there's no need for formalities anymore since we’re quite acquainted now."

I nodded. "Okay...kuya Aldrich," I started to say. "I assume you're as fine as you were, back then."

"Aldrich is fine," sabi niya na naman na nagpakunot sa akin. "H'wag mo na akong tawaging kuya. It’s making me feel so old."

"Ah, Aldrich," sabi ko. This feels weird. "Well, nandito lang ako para bumili ng mga gamit," sabi ko ulit at nagbabadya na akong umalis. Pero may sinabi siya na hindi ko mapigilan.

 "Anyway, since we're here, I might as well treat you for dinner, I saw a fine restaurant on the second floor," sabi niya.

Note, treat, meaning libre.

Umiling ako sa kanya. "Huwag na po, nakakahiya," sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na pumayag na magpalibre sa kanya.

At huwag na talaga, baka mamaya ay lagyan niya ng lason yung pagkain.

Bigla siyang tumawa, ewan ko kung dahil ba nabasa niya ang iniisip ko, or dahil sa mukhang joke yung sinabi ko sa kanya. Kinakabahan tuloy ako sa kanya.

"Hindi nakakahiya ang malibre, Claire," sabi niya, "from what I know, you consider this thing as a blessing."

I squinted my eyes at him. "Why do you know so much about me?" I asked. "Stalker ba kita, Aldrich?"

Alanganin siyang napatawa sa akin, pagkatapos ay napahawak siya sa batok niya. "Actually, I've been eyeing you since last school year," sabi niya na nakapagpataas ng mga kilay ko.

"That's a first," sabi ko. That’s surprising. "Why?"

"I want you to join SSG as my Secretary," diresto ang pagkakasabi niya sa akin. Walang bahid ng pagdadalawang-isip. Mukhang sigurado siya sa sinasabi niya.

"Hindi ako ang tao na bagay sa gano'ng trabaho," sabi ko sa huli habang bumubuntong-hininga ako. "If you really know me that much, you should know I don't do those things. And besides, it would be too much on my plate, considering na ako ang na-assign na assistant ni kuya Andrei."

And by any chance si Andrei Leroux na naman ang EIC ng ECHO. Kung minamalas nga naman ako sa pangalawang pagkakataon sa school year na 'to.

"Atsaka teka lang," sabi ko sa kanya. "Hindi ba tapos na ang election? Bakit kailangan n'yo pa ng Secretary?" tanong ko sa kanya.

"We actually choose our Secretary," sabi ni Aldrich sa akin. "As a member of the school's publication, it should be a basic knowledge for you."

"Sorry, Mr. President, I don't really want to involve myself in Politics, kaya hindi ko alam," sabi ko sa kanya. "I hope you won't insist on making me a Secretary for the SSG."

Tinalikuran ko na lang siya. Doon ay napagtanto ko na kung bakit ang OA niya makatitig sa akin noon. Kung ano man 'yang binabalak niya, ayaw kong maisali. I want a peaceful yet memorable highschool life.

Nag umpisa na akong maglakad, pero hinila niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at doon ko nakita ang pag seryoso ng kanyang mukha. "I can make you say yes, Claire," sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo natatakot ako sa paraan ng pagsalita niya sa akin. It’s like he’s giving me warning, or he is threatening me. "Try me, Mr. President," sabi ko.

"I told you to call me, Aldrich," sabi niya.

"I don't think I should call the SSG President by his name lalo naman at hindi kita ka-close," sabi ko sa kanya at hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Feel free to use anything against me, to make me the SSG Secretary. Well, if you really can think of anything to use against me."

Wala naman akong sikreto sa school maliban sa Book of Cheating na kahit ang mga kaibigan ko ay walang alam tungkol dito. Bahala siya.

Naglakad na ako ulit palayo pero sinundan pa rin ako ni Aldrich. "You really should say yes to my proposal," sabi niya.

"And I said I don't want to involve myself in politics," sabi ko.

"I will really make you say yes, Claire," sabi na naman niya pero hindi ko na siya pinansin.

"Claire?"

Napalingon ako sa right side ko. Oh great!

Just great!

Bakit nga ba nakalimutan ko na pupunta pala ng mall sila Charmaine?

Naglakad palapit sa akin si Charmaine, nakasunod sa kanya si Lorraine na may dala-dalang mga shopping bags.

"Charmaine," alanganin kong sabi. "H-hi, anong ginagawa mo dito?"

Dapat makaisip na ako ng palusot para hindi niya ako tadtarin ng sagot at baka mauwi pa ito sa away.

She raised an eyebrow. "I should be the one asking you that, frenie," sabi niya. "Akala ko ba busy ka sa mga projects?"

Sasagutin ko na sana ang tanong niya, pero napadako naman ang tingin niya sa likod ko. "Kuya Aldrich Arellano?" Hindi makapaniwala ang boses niya.

Napatingin ako sa likod ko. Hindi pa rin umaalis si Aldrich. Ngumiti at kumaway siya kina Charmaine at Lorraine.

"Hello, ladies, I see that you're Claire's friends," sabi niya na parang kakaobserba niya lang iyon kanina.

"Yes, yes we are," sabi ni Charmaine tapos tumabi siya sa akin. "Bakit magkasama kayo ni SSG President?" tanong niya.

"The thing is, Claire and I planned to meet today to discuss about an important thing," biglang sabat ni Aldrich na nakatingin sa akin na para bang sinasabi niya na sabayan ko na lang yung sinasabi niya.

Great, mas pinalala niya ang sitwasyon. Pwede namang sabihin yung totoo sa kanila, diba? Gigil mo si ako eh.

Napatingin sa akin sina Charmaine at Lorraine. "Ano yung sinasabi niya, Claire?" tanong ni Charmaine sa akin.

"I'm actually asking her out," sabi ni Aldrich kina Charmaine. "I'm actually planning on proposing my feelings for her."

Ha?! Excuse me?!

Pinandilatan ko si Aldrich pero ngumiti lang siya nang matamis sa akin. Samantala ay kilig na kilig naman sina Charmaine at Loraine sa narinig nila mula kay Aldrich. 

I swear kung masamang tao lang ako, kanina ko pa siya napatay!

"OMG! You mean to say nililigawan mo si Claire?" tanong ni Lorraine, pero umirap lang ako.

"Guys, hindi 'yon ang ibig niyang sabihin," paliwanag ko.

Pinilit kong linisin ang pangalan ko sa mga kaibigan ko, pero wala na. Dahil nauto na sila ni Aldrich Fen Arellano.

Tumawa si Aldrich sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "I was actually proposing on making her the SSG Secretary," sabi ni Aldrich sa wakas.

"Ah, akala ko na may gusto ka kay Claire," sabi naman ni Lorraine.

Ngumiti lang si Aldrich at hindi na siya nagsalita pa.

"Guys, no worries di ako sasali," sabi ko. "Atsaka si Irma ang matalino siya dapat ang i-recruit at hindi ako."

"Ano ka ba, frenie, sumali ka na lang, opportunity 'yan na ini-scout ka ni kuya Aldrich," sabi ni Charmaine sa akin.

"True, frenie," sabi naman ni Lorraine. "Malay mo may nakita sayo yung SSG na potential kaya ikaw ang kinukuha."

"Anyways uuwi na kami ni Lorraine ngayon," sabi ni Charmaine.

"Sasabay--"

Hindi na ako nakapagsalita pa nang takpan ni Aldrich ang bibig ko. "You may go, ladies, Claire and I still have some things to talk about," sabi ni Aldrich.

NO!

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa bibig ko pero hindi na ako nakapalag kasi umalis na sila Charmaine. Di man lang ba nila naisip na may masamang mangyayari sa akin?!

"I really need you to be our Secretary," seryosong sabi ni Aldrich sa akin.

Natigilan ako sa pagpiglas sa kanya at sinubukan kong huminahon. Nang tanggalin niya ang kamay ko ay isang salita lang ang lumabas sa bibig ko: "No!"

Pagkasabi ko no'n ay tumakbo ako nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Wala akong lingon-lingon at hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako sa mall. Pinilit kong hanapin sina Charmaine kung mayro'n pa sila pero di ko sila makita, kaya naghanap na lang ako ng jeep at sumakay ako rito para makauwi na ako.

Simula no'n ay iniwasan ko nang makita sa school si Aldrich Fen Arellano. Kahit pareho kami ng building ay ginagawa ko ang lahat para di ko siya makasalubong.

Nakapansin naman ang mga kaibigan ko, pero ewan ko ba kung bakit kay Aldrich pa sila pumapanig.

"Masuwerte ka nga at inalok ka na maging SSG Secretary eh," sabi ni Irma.

I sighed. "Hindi ba dapat ikaw ang alukin nilang maging SSG Secretary?

"No thanks, frenie," sabi ni Irma at bumalik siya sa pagbabasa sa textbook niya. "I don't want to involve myself in politics."

"Ako rin naman ah!" sabi ko pero di na niya ako pinansin.

"Mummy okay lang naman na mag SSG Secretary ka eh, susuportahan kita," sabi naman ni Desiree. "Bili tayo ng Yakult sa cafeteria?"

Tumango ako kay Desiree at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko sa benches. Pumunta kami ni Desiree sa cafeteria, which is located sa first floor ng senior high building.

Pero di pa kami tuluyang nakakapasok ay nakita ko sa di kalayuan si Aldrich. Agad akong tumalikod at hinila ko paalis si Desiree. Nang makarating kami sa tambayan namin ay nagtanong si Desiree. "Mummy, bakit?"

"Danger, nando'n yung tinatakasan ko," sabi ko. 

"Haynako, Claire, sabihin mo na lang kasi na ayaw mo," sabi ni Lorraine sa akin.

"Sinabi ko na 'yan pero pinipilit pa rin nila ako," sabi ko.

Naalala ko nung isang araw may SSG Officer na nagpunta sa classroom namin at sinabihan ako na dapat sumali na ako sa SSG. Eh ayaw ko nga!!

"Claire Jimenez."

Sumama ang tingin ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nilingon ko si Aldrich at pinilit ko ang sarili ko na hindi siya bigyan ng masamang tingin. "I still don't want to be your Secretary, Mr. President," sabi ko.

"But I have something against you now, Claire," sabi niya habang matamis ang kanyang ngiti sa akin.

Nakakunot ang noo ko sa kanya. I gave him a look demanding him to give me an explanation, pero ito lang ang sinabi niya. "Meet me later, after lunch. And for the record, I know you'll come to me," sabi niya at iniwan na niya kami sa benches.

That guy...

I hate him!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status