Share

The Billionaire's Secret Agent
The Billionaire's Secret Agent
Author: Bratinela17

Prologue- Chandria's Suicide/Betrayal

Year 2020..

ZNews Flash report..

Reporter; Time 7:30 a.m. Miss Chandria Reid, ang pinaka sikat na modelo sa iba't-ibang panig ng bansa ay natagpuang patay sa loob mismo ng kaniyang condo unit. Ayon sa awtoridad nag suicide ang nasabing Modelo. This is Kara Gregorio of ZNews report live.

Yumanig sa buong bansa ang balitang ito at kabi kabilaang espekulasyon ang lumabas. May mga nagsabing nag suicide raw ito, dahil iniwan ng ex-boyfriend niyang congressman. May ilan ring nag sabi na gumamit ito ng ipinagbabawal na gamot at na overdose. Malaking pala isipan sa lahat ng tao ang nangyari sa modelo maging ang mga sponsors at fans nito ay nagulat sa biglaang pagkamatay ng dalaga.

At ang balitang ito ay umabot na sa California U.S.A sa lugar kung saan naninirahan ang kaniyang kuya..

Dahil busy si Caleb ng araw na 'yon. Hindi niya kaagad nabalitaan ang nangyari sa kapatid. Kasalukuyang nasa meeting siya nang nabalita ang masamang nangyari sa kapatid.

Caleb and Chandria are siblings. Their half brother and sister sa Daddy nilang gwapong gwapo sa sarili at kinalat pa ang lahi nito bago mamatay. Actually, they are ten siblings at lahat sila iba iba ang Ina, ngunit iisa lang ang Ama. Ganyan kalupit si Don. Crisostomo Reid ang namayapa nilang Ama.

Pagod sa pakikipag usap si Caleb sa mga investors at mag hapon siyang natulog sa pent house niya ng araw na 'yon.

Kinabukasan isang tawag ang gumambala sa tulog niya. Nakarinig siya ng malakas na katok mula sa pintuan at boses ito ng PSA niya.

Napilitan siyang bumangon, sapagkat ayaw nitong tumigil sa pagkatok.

"Bull sh*t!!! usal ko.

Nang buksan ko ang pintuan bumungad sa'kin ang mukha ni Hexon na hindi maipinta..

"Hexon! Why? Are you breaking my fvcking door?" bulyaw ko rito. He knows that I hate invading my privacy, especially while I'm sleeping.

"B-Boss! It's all about-"

He stops and stares at me. Kaya mas na-bweset ako sa ginawa niya. Ginambala niya ang pag tulog ko, tapos wala naman siyang sasabihin.

"About, what?? Look, If you want to trip me now, I don't have time. Good bye." sigaw ko, sabay pabagsak na sinara ang pintuan. Wala akong pakialam kung masira pa ito. Nabu-bweset ako kapag ganiyan.

Hindi pa nga ako nakakabalik sa pag tulog ng biglang kumatok ulit ito.

"Dam* you, Hexon."

Hinayaan ko na lamang siyang magkaka katok sa labas at alam ko naman titigil rin ito kapag nag sawa na siya. Naglakad na ako pabalik sa kama. Naupo muna ako at kinuha ko ang ang earphones sa ibabaw ng desk at sinalpak ito sa tainga ko para hindi ko na rin marinig ang katok niya at makapag pahinga ako. Bahala siya magkakatok r'yan at wala akong paki alam sa'kaniya. He's invading my privacy kaya mag hintay siya..

KINAGABIHAN..

Nagising ako ng kumakalam ang aking sikmura. Maghapon pala kasi akong nakatulog kaya napilitan na rin akong bumangon para maka kain. Nag stretching muna ako para mabuhay ang mga dugo sa katawan ko at nang matapos naglakad na rin ako diretso sa mini- kitchen sa loob ng room ko. Ang room ko ay sinadya at may sariling kagamitan, at all set. Para sa tuwing tinatamad akong bumaba dito na lang ako nag-i-stay. Kung minsan napasyal si Chandria dito kapag may modeling siya at syempre hindi ko pinalalagpas ang ganitong pagkakataon. We met and bonded for a short period of time we had..

Kumuha ako ng ready to cook na food sa refrigerator at nilagay ko sa oven para initin ito. I prepared easy peasy food para on the go lang kapag may mga urgent meeting ako. Hindi hassle sa'kin sa pagluluto pa.

Nang tumunog ang oven kinuha ko na ang pagkain ko at inilapag sa table. Medyo maalinsangan ang pakiramdam ko kaya naisipan kung maligo muna. Diretso ako sa shower room area at nagbabad dito. Kinuha ko ang bathrobe para itapis sa katawan ko. Lumabas na ako ng shower room area at umupo sa lamesa kung nasaan ang pagkain ko. Nang biglang maisipan kung manuod ng balita, siguro naman may mga replay pa hindi pa naman totally late na.

Tumayo ako at nilapit ang palad ko sa screen ng malaking television sa kwarto ko. Isa itong sensors television at tanging ako lang ang pwedeng makapag bukas. Nang bumukas na ang television bumalik na ako sa table para kumain. Sa una okay naman ang napapanuod ko at nawili ako lalo na't nakikita ko ang mga pictures at videos nang kapatid ko. Napapangiti ako, dahil sikat na talaga ang kapatid ko naalala ko pa nga noon ang sabi niya sa'kin. Nang minsang nanuod kami ng fashion walk nang College pa siya.

"Bro. Look at the model. She's very pretty right?"

"Yes and why did you ask me about her?"

"Uhmm! Why don't you court her."

"Are you serious Chand? Hindi ko naman nalaman na match maker ka na pala ngayon. Ang tinutukoy niyang model ay si Ravena Smith."

"Yes and why not? Ang gwapo kaya ng kuya ko, panigurado maraming babaeng maglalaway sa'yo."

"Silly."

"B.. But seriously bro. Soon, I'll be the next famous model in and outside of the country. And I'm sure you'll be proud of me."

"Yes. I'm always proud of you."

Nakangiting pag ala-ala ko rito. I didn't know kung bakit pa siya nag punta sa Pilipinas. Galing na nga kami roon dati at alam niyang iba ang pamamalakad roon. Mabuti na nga lang Dad find me kaya na petitioned niya ako dito sa U.S.A nang namatay si Mommy. Kaya dito na rin ako nag stay for good. Kaya marunong akong mag tagalog, dahil hindi naman ako ipinanganak sa Cali.

Nang nakakahalati na ako sa pagkaing kinakain ko. Bigla na lang lumabas ang isang flash report nang sikat na newscaster mula sa Pilipinas. Naka worlwide access kasi ang gamit kong television kaya updated rin ako sa mga news sa iba't-ibang panig ng bansa.

Halos mapanganga ako sa nakita at hindi makapaniwala sa balitaang napanuod ko. Hindi ko rin namalayan ang pag bagsak ng mga luha sa mata ko.

"No! It can't be Chandria." malakas na sigaw ko..

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sydney Duke
This one is good. The first chapter was so intense......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status