Share

Chapter 1- RGC 15th years Anniversary

Year 2021.. At California U.S.A

"Kuya Caleb! Please help meee." sigaw ni Chandria..

"Kuyaaaaaaa."

Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman ang aking pinakamamahal na namayapang kapatid na humihingi ng tulong. Sobrang pagdadalamhati ang ginawa ko ng siya ay pumanaw. Maging ang sarili kung buhay at love life ay nakalimutan ko na. Hindi ko lang talaga matanggap na patay na siya at hindi na kailanman babalik pa. Hindi ko din matanggap na nag suicide ito. Hindi ako makapaniwalang magagawa ng kapatid ko 'yon. I know her very well she is a strong and fighter. Wala sa personality niya ang sumuko nang gano'n na lamang. Hindi rin ako naniniwala na lalaki ang dahilan ng pagpapakamatay niya, sapagkat hindi ganyan kababaw ang tingin ko sa kapatid ko.

Bumangon na ako para mag asikaso sa pag dalo sa event sa company. Ngayon kasi ang celebration ng 15th Anniversary ng business namin. Sa totoo lang after my sister's Chandria died, I hate to celebrate any events in my life, even though my birthday, I can't celebrate it. Nasanay ako na Chandria will always be there at my side. Kahit na half sister ko lang siya mahal na mahal ko na parang iisa lang ang Mommy namin. Actually, hindi naman issue sa family namin 'yan, well in-fact our Mom's are close together. Kaya maging kaming magkakapatid ay close din sa isa't-isa. Iba nga lang ang treatment ko kay Chandria, kasi ka-isa-isa siyang babae sa'aming sampu. Kaya siya ang prinsesa naming lahat.

Sinuot ko na ang tuxedo ko na pinatahi ko pa sa isang sikat na fashion designer sa L.A para gamitin sa event. Hindi ko kasi matanggihan ang mga investors at nakakahiya rin sa'kanila. Kaya after one year heto sinu subukan kung makipag socialize ulit.

I dial, Hexon number. He is my personal body guard. He's been working with me for almost five years. Kaya sobrang trusted ko na talaga siya.

"Hi! Hexon, just ask my secretary if he gave the invitation to all guests. Just make sure, okay?"

"Okay boss. Any else that you want me to do?"

"Nothing. Thank you."

I'll end the call button. Naka ilang tingin muna ako sa malaking salamin sa room ko bago ako lumabas ng hotel.

Mabilis akong sumakay gamit ang Lamborghini car na binili ko pa sa U.S.A. Actually this is the latest modek this year. Car is my babies, actually I have 5,000 different car Models. Nahilig akong mag collect niyan since na broken hearted ako. I hate fvcking girl. They are all user and should I say a gold digger.

Anyway past is past. Nang makarating ako sa venue. Tinawagan ko kaagad si Hexon para siya na ang mag transfer ng sasakyan ko sa exclusive parking area.

Inayos ko lang ang nagulo lung tuxedo at confident akong naglakad papasok sa loob. Sinalubong ako ni Brix Stallion. My College buddy at katulad ko may lahi rin siyang half Californian at ipinanganak sa Pilipinas, kaya naman kahit papaano ay marunong itong mag tagalog at kita mo 'yan may kasama na namang ibang babae. Iba talaga ang karisma. Brix is always Brix, nothing changes..

"Hey! Bro. Alone?"

"Yah! Another girl?"

"Sssh! We're dating."

Bumaling ito sa babaeng kasama.

"Babe, just go there and wait me at the table."

"Oh! Sure, Babe." sabay kiss nito sa labi ni Brix. Natawa na lang ako ng pagak.

Nang maka alis na ang babaeng ka- date ni Brix. Naiwan naman kaming dalawa at marami siyang reserve stories for today. As usual mga pang babae niya lang naman. Tsk!. Hanggang sa ma-i-open niya about Chand kaya medyo nag-iba ang timpla ng mood ko.

"Buddy, not now, okay. You know how hard to me when the time I heard about Chand cases."

"Exactly, bro. That's why I'm here to help you. May kilala kasi akong magaling na detective agent, baka lang gusto mo siyang i-hired. And take note kahit raw matagal na panahon nalulutas nito ang kaso."

"How long? Baka naman fake yan." pang-babara ko rito.

"Uhm! Buddy, highly recommended ko siya kaya alam kung hindi ako mapahiya sa'yo. Kaso ingat lang..

Pang bibitin na sambit nito ng bumalik ang ka-date niya at sinusundo na siya. Natawa na lang ako nang nagpaalam ito sa'kin. Pero, bago pa 'yon inabot niya sa'kin ang isang calling card. Hindi ko naman pinansin at ibinulsa ko na lamang.

Marami rami na rin kasing guests ang lumapit sa'kin at nakikipag usap. Natigil ang pag-uusap namin ng kuhain ng host ang atensyon ng lahat.

"Please, excuse me!"

Naglakad na ako palapit ng stage lalo na't nang marinig ko ang pangalan ko..

"Ladies and gentleman. We gathered here to celebrate. The 15th Anniversary of RGC. Let us, call on stage Mr. Caleb Reid, a handsome C.E.O and the behind of the success of RGC for 15th years and more." malakas na sigaw ng host.

Confident akong naglakad patungong stage.

"A big round of applause to our very charming C.E.O, once again Mr. Reid, for his wonderful opening messages to all of us." ani nito sabay pasimpleng sinenyasan akong lumapit sa podium para kunin ang spot light ng gabing 'yon..

"First and foremost. I would like to greet all of you, a pleasant evening to all of us."

"Good evening sir." sigaw nang mga loyal and trustworthy employees sa RGC for almost a year.

"I just continued my messages by saying. Thank you. You know that I can't do it on my own. Founding this RGC is really hard for me, especially those at a time when I'm broken.. B.. But with your extra efforts, hardwork and help. Impossible makes it possible, so that RGC is your success too. And more success to come to all of us." wika ko sabay taas nang kopita at sabay sigaw nang every let make a toast! Cheers for more success!

Crowd says; Cheers! cheers! cheers.

Lahat nagtaasan ng kanilang wine glass. At sabay sabay naming nilagok ang alak na nagbibigay buhay sa'amin lahat. Isa sa business namin ay ang alcohol drink or wine.

"Everyone enjoys the party." huling sambit ko, bago ako bumaba ng stage.

"Thank you Mr. CEO. And now let us proceed for the next exciting part of this event." wika nang host. Nag wave lang ako sa lahat at bumaba na rin na ako at bumalik sa table ko.

Naupo ako at nahulog sa floor ang isang calling card. Yumuko ako para damputin ito.

"Agent Vanessa Rui???" basa ko rito sa pangalan niya.

Hmm! I doubt that this girl can do, a dangerous work. It's possible, sabi na Brix was fooling me. Tsk!

Itinabi ko na ang calling card muli sa loob ng wallet ko.. At nag focus na lang sa mga kaganapan sa party.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status