Share

Chapter 2- The Vacation

VANESSA

Nagising ako sa sunod sunod na tawag mula sa iba't-ibang tao. Imbes na makapag relax ako ay hindi ko magawa.

Nasa rest house ako ngayon at mag papahinga sana kaso lang bigla akong tinawagan ng bestfriend ko na si Allyson. Kailangan raw ng boyfriend niya nang isang detective agent.

"Bhie, sige na naman oh. Alam mo naman na ikaw lang ang maasahan ko sa mga ganiyang kaso." pakiusap nito.

"Ano ba naman 'yan bhie, nakita mo na ngang nasa bakasyon ako. Kailangan kung mag relax, dahil alam mo naman kung gaano ka toxic ang trabaho ko. Katatapos lang nang kaso ni Mr. DelaPaz, matagal tagal rin ang ginugol kumg oras para matapos lang ang kaso at mabigyan ng hustisya ang negosyante." saad ko. Baka sakaling hindi na niya gambalain ang bakasyon.

"Bhie, sige naman oh', na i-send ko na pala ang case na gagawin mo."

"W-What? Ano ba bhie-"

Totooot! Tooot!

"Bull sh*t! Hindi ko na natuloy ang gusto ko pang sabihin, dahil binabaan niya na ako ng tawag. Naku! Allyson Dela Cruz kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo hinding hindi kita pagbibigyan." gusto ko sanang idagdag pa sa sasabihin ko ang mga 'to, kaso pinatayan niya na ako ng tawag.

Kaagad akong nag tapis ng towel at tinakpan ang katawan ko sa mga lalaking naglalaway sa alindog ko. Pakendeng kendeng na naglakad ako patungong suit kung saan ako naka check-in na resort. Binuksan ko ang sliding door at naupo sa kama, dinampot ko ang ipad ko at sinimulang i-browse ang email na sinasabi ni Allyson.

"Chandria Reid, 27, famous model. Died August 10, 2018." Basa ko rito hanggang sa matapos ako. Namatay pala siya sa suicide. E' bakit kailangan ko pang imbestigahan 'to. Nababaliw na ba si Allyson. Tsk!

Itinabi ko ang ipad ko, sapagkat nabweset lang ako sa pinag gagawa ni Allyson. Mamaya lang talaga ang babaeng 'yon makikita niya. Ginambala niya ang syesta time ko para sa walang kabuluhan. Kung gusto niya akong badtripin, pwes nag tagumpay na siya. Imbes na bumalik ako ng beach natamad na ako kaya nag kulong na lang ako sa kwarto ko maghapon.

Nang biglang mag ring ang cellphone ko at inabot sa ibabaw ng desk ko. Sa kadahilanang number lang 'to, nag-alangan ako kung sasagutin ko ba. "Hello, Bhie, si Allyson 'to, sorry naloabat ako."

"Bweset ka, suicide ang kinamatay ng victim anong gagawin kung imbestigasyon don. Aber!"

"Gaga ka, papa imbestigahan ba siya kung suicide 'yan. Gan'to kasi 'yan makinig ka. Ang pagkaka alam ko hindi siya nang suicide kundi pinatay siya."

"Huh?! Sino naman ang gagawa niyan sa kaniya."

"That is the biggest question. Sino at anong reason niya. Kaya sige na Bhie, last favor na 'to. Please, alam mo naman na hindi ko kayang tanggihan ang boyfriend ko. Kasi-"

"Kasi ano, baka iwan ka niya. Kapag hindi mo ginawa ang gusto niya. Sabi ko sa'yo Allyson, red flag 'yang jowa mo."

"No. Naawa kasi siya sa bestfriend niya. Hindi na naka move-on."

"And so, mukha namang mayaman sila. Bakit hindi nila malutas ang kaso?"

"Well, that is another question. Kahit anong yaman nila bhie, walang nangyari. Dahil may gustong pag takpan ang mga awtoridad. Kaya alam kung ikaw lang ang makakatulong sa'kanila."

"Okay. Sige. I'll try, but I can't promise bhie."

"Salamat, bhie. I owe you big time, saka alam mo ba ang gwapo ng kuya no'n. Paalala lang bhie, tindihan mo ang kapit ng garter ng panty mo at baka malaglag pag nakita mo ang kuya non." kinikilig na sambit nito.

"Gaga! Paano naman malalaglag ang panty ko. Ikaw may boyfriend ka na ngang naturingan kung kiligin ka wagas. Bahala ka na nga, next week ko na lang aasikasuhin 'yan. Bye."

I'll end the call button. At pinatay ko na rin ang cellphone ko. Para naman hindi niya na ako magulo o kahit sino pa man. I want freedom, that's why I'm here. Tapos, guguluhin lang ni Allyson ang bakasyon ko. Two-weeks na nga lang ang na approve. Lintik talaga! Kainis.

Running for 6 years na ako sa work ko. Mahirap, pero masaya. Lalo na't priceless ang mga ngiti nang mga natutulungan ko. Usually naman sa mga tinatanggap kung cases 'yong mga taong walang wala. They wanted to have a justice, that's why my service is free. Mayaman naman rin kami kahit papa ano. May naiwang mana ang mga magulang ko bago sila pumanaw. Sobrang miss ko na rin sila. Miracle baby raw ako, dahil sinabi na rin ng Doctor sila Mommy at Daddy na 50/50 ang chances na magka anak sila. Kaya nang dumating ako sa buhay nila, maraming nag bago. Ako raw ang nag bigay saya, kulay sa madilim nilang mundo.

Tinapos ko na ang mga ginagawa ko. At nang itatago ko na sana ang ipad ko. Siya namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Allyson. Nasumpungan ko na lang ang sarili ko na sini-search ang Caleb Reid na 'yun. Ma- check nga kung hindi exaggerated ang sinabi ng bestfriend ko..

Nag simula akong mag search ng pangalan niya. Naglabasan ang 1000+ na Caleb Reid. Ganyan ba siya ka famous. Nag scroll pa ako hanggang sa nakita ko na nga ang true social media account niya, dahil na rin kay Chandria Reid. Napa wow ako sa ganda ng balingkinitang katawan nito. Napaka perfect niya, sayang nga lang napaka aga niyang nawala. Nag stalk pa ako ng account nito. Wala naman siyang masyadong pictures hanggang sa may mahagip na video ako nang Caleb na 'yon at mukhang enjoy pa ito sa ginagawa niya.

He's wearing a swimming trunk nabakat na bakat ang pagkalalak* nito. At kahit may suot pa 'to, kitang kita na daks ang lalaki. Halos uminit ang paligid ko at pagpawisan ako kahit naka full naman ang aircon sa loob ng unit. Nag browse pa ako ng ilang pictures nito ang iba ay nasa gym ito at nag bubuhat ng mga gym materials. Tinigil ko na ang pag-i- stalk, sapagkat hindi ko na rin kinakaya ang mga nakikita ko at pakiramdam ko ay nagkakasala ang mga mata ko. Tumayo ako at nag tungo sa kitchen para kumuha ng tubig, dahil nanuyo ang lalamunan ko sa mga nakita kung larawan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status