“What are you talking about?” Umayos ako ng pagkakatayo matapos marinig ang sinabi ni Brielle. Unlike earlier, this time, she looks genuine perturbed. Buti nga sa kaniya. Though I already expected that she will look shocked but I didn’t expect that it will be like this. Sa lagay niya kasi ngayon ay animo’y sasabog siya dahil sa galit.I drew in a long breath and crossed my arms over my chest. “Wala naman. Pinapaalala ko lang sa ‘yo na tayong dalawa. . .” Humakbang ako palapit sa kaniya at tipid siyang nginitian. “Hindi tayo magkatulad.”From my direction, I saw how she let out a harsh breath exasperatedly. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa reaksiyon niya. Ano bang iniisip niya? Na mas maayos siyang babae kaysa sa akin? I mean, she cheated on her boyfriend—may mas ikasasama pa ba roon? “Sinasabi mo bang pinatulan ka ni Dylan?” she asked right after she sighed. Mas lalo namang tumaas ang kilay ko nang malakas siyang tumawa. She even clapped her hands
“Why do you need money, by the way?” Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Dylan. Ilang minuto na rin kaming bumibiyahe patungo sa lugar kung saan ako tumutuloy. HIndi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako pero wala naman akong magagawa. I need money. Kailangan nang madischarge ni Lola sa hospital para hindi na mas lalo pang lumaki ang babayaran namin. “Hindi mo na siguro dapat pang malaman ang tungkol doon,” tanging sagot ko at tumingin na lamang sa bintana ng sasakyan. Nanatali namang tahimik si Dylan kaya’t labis ko iyong ikinapagpasalamat. Wala ako sa mood na makipag-usap at mukhang pati siya ay ganoon din. I mean, I just found out that Aziel is the reason why Brielle and Dylan broke up. Hindi ko inaakala na ang babaeng tinutukoy niya noon ay si Brielle Clarkson. Hindi ko tuloy maisip kung sadya bang tanga lang siya o nakalimutan niya lang gamitin ang utak niya. Duh, kalat na kalat kaya na mayroong relasyon sina Br
“You know how to smoke?”Nagkibit balikat ako bilang sagot sa tanong ni Dylan. “I quit three years ago. Hindi puwede sa trabaho ko ang naninigarilyo,” kaswal na sagot ko sa kaniya at humikab.Hindi siya kaagad nakapagsalita kaya’t bored ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. “Why? You don’t smoke?” tanong ko pabalik sa kaniya.Marahan siyang umiling. “My Mama doesn’t like guys who smoke.”“Mama’s boy ka pala, ha,” biro ko at mahinang tumawa. Napailing na lamang siya at muling nagsalin ng alak sa shot glass niya. Itinaas ko naman ang akin habang nakatingin sa kaniya. “Pahingi rin.”Dylan shook his head. “Nakakarami ka na. I thought ayaw mong malasing?” sambit niya at inilayo sa akin ang bote ng alak.Agad naman akong umirap. “Come on, mataas ang alcohol tolerance ko. Hindi naman ako kagaya mo na nagpapalipas ng gabi sa bar at inaabala pa ang mga waiter at waitress dahil ayaw gumising sa kalasingan. Ang baho mo pa.”“What do you mean?” Kunot noong tanong niya kaya’t mahina akong tuma
Hindi ko alam kung nagfufunction pa baa ng utak niya nang sabihin niya ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung lasing ba siya o sadyang nabaliw na siya dahil naisip niya ang bagay na iyon.I looked at him obliviously. “Lasing ka na ba?” Inaasahan kong tatango siya o mahinang tatawa ngunit mas lalo lamang sumeryoso ang eskpresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko naman napigilang mapalunok dahil sa labis na kaba nang mapagtantong baka nga… baka hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Malakas akong bumuntong hininga at marahang umilig. “If you’re serious, then maybe you’re just insane. Gusto mo ba tubig para naman magising ka riyan sa kahibangan mo, ha?” dagdag ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.“I am serious—““At bakit mo naman iisipin na magpapakasal ako sa ‘yo? Nag-iisip ka ba? Kasi ako, I am in my right mind. Ni wala nga tayong relasyon tapos inaaya mo akong magpakasal? Naka-drugs k aba, ha?” Mabilis na pagtutol ko sa kung ano mang dapat
“Bakit ang bilis mo naman yatang nakabalik, Kaia? May nahanap ka ng pera?” Nag-angat ako ng tingin kay Ate Belle nang maiabot ko sa kaniya ang resibo ng pinagbayaran ko para sa pagpapaadmit kay Lola. Malakas akong bumuntong hininga at tumingin sa likod ko. Naroon ang nakapamulsang si Dylan at tila binabantayan ang bagong galaw ko.Inismiran ko siya nang ngumisi siya sa akin bago ko ibinalik ang aking tingin kay Ate Belle. “Madali lang namang makahanap ng pera,” tanging sagot ko sa kaniya.Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil ang ibig sabihin niyon para sa akin ay marami kasing pera si Dylan. Sana all. “Tulog ba si Lola?” dagdag na tanong ko. Mabilis naman siyang tumango at ngumiti. “Kahapon ka pa niya iniintay kahit na sinabi ko na sa kaniya na baka matagalan ka bago bumalik dahil maghahanap ka pa ng pera. Hindi ko naman inaasahan na ang bilis mo palang babalik. Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita ka niya at ang…” Saglit siyang tum
Humalukipkip ako sa sofa at ipinagkrus ang aking dalawang braso habang nakatingin kina Dylan at Lola na nag-uusap hindi kalayuan sa akin. Mahina ang boses nila kaya’t hindi ko marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. Though mukhang alam ko na naman kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.Tinanong ni Dylan si Lola kanina kung papayag siya kung sakali mang ‘magpakasal’ kaming dalawa. I thought she would say no since I am her only grandchild but to my surprise, she immediately agreed! Um-oo siya kaagad na animo’y ipinagbebenta niya ako kay Dylan.Pasalamat pa siya nang pasalamat dahil akala niya raw ay hindi na ako magkaka-asawa dahil sa ‘ugali’ ko. Hello? Mabait naman ako, ah? Bakit para namang ang sama ng pagkakasabi niya roon? Umismid ako nang saglit akong tingnan ni Dylan habang kausap niya si Lola. Salita naman nang salita si Lola samantalang kain naman nang kain ng donut si Dylan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na kaya siya bumili ng isang
“Do you want to drink tea?”Nag-angat ako ng tingin kay Dylan nang alukin niya ako ng iniinom niya. Inihanda iyon para sa kaniya ni Ate Belle samantalang sinamahan ko naman sa kuwarto si Lola. Umiling ako at umayos ng pagkakaupo sa sofa kung saan ko naisipang umupo habang nasa kusina siya. “Bilisan mo na riyan, aalis pa tayo,” untag ko sa kaniya.He scoffed. “Come on, neg-eenjoy pa ako rito. Saka magpaalam ka muna sa Lola mo—““Nakapag-paalam na ako,” pagputol ko sa sasabihin niya kaya’t malakas siyang bumuntong hininga. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “My grandmother is already used to goodbyes, Dylan,” I assured him.“Isama mo nalang kaya sa Maynila?”I immediately drew in a long breath upon hearing what he said. “Kung puwede nga lang e ‘di sana isinama ko na, ‘di ba? But no, I can’t. Saka narito sa probinsiya ang doctor na gumagamot sa kaniya nang ilang taon. Saka kapag nalaman ni Tita Aurora na isinama ko sa Maynila si
“You have a new perfume, huh?” tanong ko kay Dylan at pasimpleng inamoy ang balikat niya nang umupo siya sa tabi ko. His smell is not the same as before… that’s weird.He let out a soft chuckle as he proudly looked towards me. “Sabi mo noon, ang baho ko, e. I have a pride, you know? I don’t stink,” sambit niya.Kunot noo ko naman siyang tiningnan nang marinig ang sagot niya. It took me a couple of seconds before I finally realized what he said. Hindi ko mapigilang tumawa dahil doon. “Of course, ang baho mo noon. Naglasing ka, e. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo pala,” natatawang sabi ko at muling hinampas ang balikat niya.“Mabango na ba?”Agad naman akong tumango at muli siyang inamoy. “Kaya pala humahabol ng tingin sa ‘yo ‘yong mga babae kanina, ha. No wonder,” wala sa sariling sambit ko.Dylan laughed. “Ikaw? Napalingon ka?” “Duh, ikaw ang lumilingon sa akin.” Inismiran at inirapan ko siya kaya’t muli siyang tumawa