Share

Chapter 6

Masama ang kanyang loob ngunit maaga parin siyang gumising ipinagluto at ipinaghanda niya ito ng almusal bago siya bumalik sa kwarto niya. Nang muli siyang lumabas siya ay wala na ito.

Nang sumapit ang tanghali ay nagulat siya ng dumating ito. Muli nitong kasama ang magandang babae na kasama nito kagabi.

"Huwag ka nang magluto. May dala kaming pagkain," kapagkuwan ay sabi ng asawa dumeretso ang mga ito sa sala. Masayang nagku-kwentuhan ang mga ito at nagtatawanan pa. Naroon nanaman ang pakiramdam na para siyang tinarakan ng punyal. Kinakain siya ng selos gustong magngitngit ng kanyang loob. Pero sinu ba naman siya mag-asawa nga sila pero siya lang ang nagmamahal. Ito ba ang kapalit ng pagiging ambisyosa niya. Napakasakit.

Muli siyang nag-mokmok sa silid. Nang mag-ring ang cellphone niya si Dan iyon ang dati niyang kabanda sa barko. Dati rin niyang manliligaw ito.

"Hello, Dan, napatawag ka wala kang gig ngayon?"

"Meron kaya nga tinawagan kita. May emergency kasi si Olga kaya hindi siya makakarating ngayong gabi. Kung pwede sana, ikaw muna ngayong gabi ang pumalit sa kanya. Wag kang mag-alala mas malaki ang bigayan dito." ani nito sa kabilang linya.

Bigla siyang napaisip wala namang masama kung sumama siya ngayong gabi. Mababaliw lang siya dito dahil hindi maganda ang tanawin sa sala.

Sa isiping iyon ay napagpasyahan niyang umextra para hindi siya mabagot. Pagkatapos maligo ay inilabas niya ang ilan sa mga seksing kasoutan niya ginagmit niya kapag may gig sila at isinilid ang dalawa non sa bag. Naglagay siya ng make up sa muka. Nakakamiss ang ganito 'yung masaya lang at walang problema.

Dahan dahan siyang lumabas naroon parin ang babae maraming bote ang nagkalat sa sala. Nakita niyang sinundan siya ng tingin ni Randy ng nilagpasan niya ito. Hindi na siya nag-abalang magpaalam sa lalaki.

"Wow, mabuti naman at pinagbigyan mo ako zel, akala ko hindi mo kami sisiputin eh," ani ni Dan ng dumating siya.

"Anu ba kayo malakas kayo sa akin. Pero pagtyagaan nyo dahil wala akong practice ngayon." aniya.

"Yung mga dati mo parin na kinakanta. Zombie at alone yan ang mga signature songs mo eh," tawanan ang mga ito.

"Hoyy si Adeline ang bumibirit no'n hindi ako.Mga Angeline Quinto lang ang kaya ko noh,"

Nagkatawanan sila at kahit papaano'y nawawala ang lungkot niya.

"Kumusta nga pala ang buhay may asawa? ang daya mo. Hindi mo man lang kami inimbitahan." kunwari nagtatampong saad ni Juno.

"Biglaan eh. Hayaan n'yo sa susunod na wedding ko ay imbitado kayong lahat."sambit niya kahit alam niyang hindi na nangyayari iyon.

Nang magsimula siyang kumanta akala niya ay makakalimot siya kahit sandali. Pero ang bawat katagang binibigkas niya habang kumakanta ay tumatagos sa kanyang puso. Kaya damang dama niya habang kinakanta niya ito.

"Yan ba ang hindi nagpractice tagos sa puso ang bawat linya ng kanta," natatawang sambit ni Juno ng matapos ang gig nila. "Pero pansin ko lang, bakit puro love songs ang mga kinakanta mo dati rati ay puro rock-rockan ang mga tinitira mo. Pansin ko pa nawala ang kakulitan mo noon napakakulit mo ngayon ibang iba kana, tahimik at nawala ang pagiging kwela mo." Puna pa ng kabanda na tinawanan lang niya.

Kibit balikat lang ang sagot niya sa mga kaibigan. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito ang pinagdadaanan niya ngayon.

Alas tres na ng madaling ng matapos sila.

"Hatid na kita, zel," Alok ni Dan.

"Mabuti pa nga dahil wala naman akong sasakyan."

Pumayag siyang ihatid ni Dan wala naman sigurong masama, kahit may  asawang tao siya. At sigurado siyang walang  pakialam si Randy kung may mag hatid man sa kanya. Baka ikatuwa pa nga nito.

"Salamat, Dan, sa paghatid." aniya sa dating kabanda ng makarating sila sa townhouse.

"Panu, alis na ako." nakangiting sumungaw ito sa bintana ng kotse nito at kumaway sa kanya.

"Bye, ingat sa pagda-drive." aniya sinundan pa niya ito ng tingin bago siya pumasok sa gate.

Muntik na siyang mapasigaw sa gulat ng mabungaran ang asawa sa labas ng pinto. Seryoso at mukang galit ito na nakatingin pa sa nakalayo ng kotse ni Dan.

"Sinu iyon?" inginuso pa nito ang gawi ng nakaalis na sasakyan.

"Si Dan, dati kong kabanda." aniya.

"Sa'n kayo nanggaling at bakit ngayon ka lang?" nakita niyang bahagyang gumalaw ang jawline ng asawa. Kaya alam niyang nagpipigil ito. "Mag aalas kwatro na.Uwi ba ito ng babaeng may asawa?" masama na ang tingin nito sa kanya pero bakit kinikilig siya.

Nilampasan niya ito at pumasok na sa loob.

"I'm asking you," galit na sambit nito.

"May problema ba kong ihatid ako ni Dan? wala ka namang pakialam sa'kin diba?"

Ibiniling nito sa ibang dereksyon ang paningin at tila bumubwelo at tiim bagang na muling tumingin sa kanya.

"Nananadya kaba?" nagpipigil na tanong nito.

"Of course not!" tanggi niya. "Anu bang problema mo? bakit hindi nalang ang bisita mo ang asikasohin mo. Total wala naman ako sa'yo hindi ba? I'm just nothing, tama?" kahit nasasaktan siya at sinabi parin niya iyon sa asawa.

"Nope you're different and special." nawala ang galit sa mga mata nito.

"Nek nek mo tigilan mo nga ako,"  inis na sabi niya rito. Ganito ba talaga ito sa babae kung sino ang kaharap nito ay iyon ang pinapaboran nito. Inis siyang nagmamadaling tinungo ang kanyang silid.

"Naiinis ako sa nararamdaman ko!" bulalas nito. Natigilan siya papasok na sana siya sa kwarto niya. "Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.  Hindi ako makaniwala na mahuhulog ako sa ganitong set up sa sandaling panahon. You driving me crazy, Liezel!"

Napalunok siya. Anu raw? bakit kasi nagpapaligoy ligoy pa itong unggoy na 'to at hindi pa tumbukin. Hiyaw ng utak niya.

"Wow, anung sinasabi mo riyan?  samantalang nagdadala ka ng babae mo rito!" sabi niya sa asawa gustong sumabog ng kanyang dibdib.

"Demielle is my closed friend. Yes, ex- girlfriend ko siya pero hindi kami pwede. Parehong magkasalungat ang gusto namin sa buhay."

"Hindi gusto? e bakit dinadala mo dito may ex palang ganoon? wow. Ewan ko sayo baka praning ka lang. Matutulog na ako."

"Noong uminom kami sa labas. Sinabi ko sa kanyang Inlove ako. Pero hindi ko sinabi sa kanya na ikaw yon," paliwanag pa nito. " 

"Lokohin mo ang lelang mong panot," aniya sabay bagsak ng pinto.

"Nakakainis !" bulong niya.

Ilang minuto pa bago umalis si Randy sa harap ng pinto ng silid ng asawa. Inamin niya sa asawa ang totoo niyang niyang nararamdaman. Dahil naguguluhan na siya hindi matanggap ng isip niya na iibig sa babaeng ipinakasal sa kanya ng wala man lang siyang idea. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito kasidhing damdamin para sa babae.

Maagang nagising si Liezel pero mukang may nauna nang magluto. May pagkain na sa hapag may pritong sunog na hotdog at itlog doon.

Napakamot siya ng kilay. My god kinikilig siya kahit sunog ang hotdog at itlog. Mukang bibigay nanaman siya sa simpleng effort na iyon ng asawa.

"Nagustuhan mo ba?" mula sa likuran niya ay sumulpot ito.

"Ang anu,ang sunog na itlog at hotdog mo?" kunwariy nagtataray na sabi niya.

"Hindi ba masarap?" tanong ng asawa.

"Oh tikman mo kaya kung masarap Mr Vard!" naka cross arm na sambit niya.

Nang tinikman nito ay napabuga ito.

"See? ba't naman kasi nagluluto ka. Hindi ka naman marunong. Ako na ang magluluto.Tumabi ka diyan!"

Kakamot kamot naman ng ulo ang asawa. Umupo ito sa bangko habang nakatingin sa kanya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may nag doorbell. Nang mapagbuksan niya ang pinto ay si demielle ang mabungaran niya. Bigla siyang nawalan ng gana. Nakita niyang may dala itong alak at grocery mukang pinag-groceries nito ang asawa niya.

"Hi baby, pinag groceries na kita," hindi manlang ito tumingin sa kanya parang hindi siya nag-eexist. Para siyang invisible sa babae.

Nagdadabog na tumayo si Liezel. Wala siyang pakialam kung maramdaman nito na naiinis siya sa babae.

"Anu ba itong lalaking ito hindi maintindihan. Mahal daw niya ako pero heto siya nag- eentertain ng ex.". mahinang bulong ni Liezel.

"Akin nalang ito ha," agad niyang kinuha ang isang bote ng champagne balak niya itong laklakin sa kwarto niya.

Nangggigigil siya sa babaeng ito napakalandi. Sabunutan ko kaya? sa isip niya.

Dahil hindi naman siya sanay uminom ay mabilis siyang nalasing. Kahit noong nagbabanda pa siya ay hindi talaga siya umiinom.

Naisip niyang lumabas ng silid sisilipin lang n'ya kung nandyan paba ang si demielle. Pagbukas niya ng pinto ay nasa labas noon ang asawa na akmang kakatok na sana.

"Anung kaylangan mo?" boses lasing niyang tanong.

"Lasing kana!" ani ng binata.

"Hindi, hindi ako lasing nakilala pa nga kita eh. " aniya na pasuray na naglakad patungo sa sala. "Nasaan na ang babae mo ha at kakalbohin ko!"

"Nakaalis na. Hindi ko babae si Demi okay?"

"Hindi okay. Alam mo nakakainis ka, nandito na nga ako oh. Naghahanap kapa ng iba." turo pa niya sa sarili.

"Hindi ako naghahanap Liezel kaibigan ko lang 'yon anu kaba. Huwag mong pagselosan."

"Oo, nagseselos ako. Puputok na itong nararamdaman ko para sa'yo. Peste naman kasing damdamin 'to. E di ngayon nasasaktan ako." humihikbi niyang tugon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status