Share

The Billionaire's App series 2 Married at First Sight
The Billionaire's App series 2 Married at First Sight
Author: Bernadette Ortilano

Chapter 1

"Hay naku Liezel ang tanga tanga mo!" kausap niya sa sarili habang nakangiwi at sapo ang bumukol na noo. Sa pagmamadali niya ay napagkamalan niyang pinto ang salamin ng restaurant na iyon.

"Dios mio naman Liezel nakarating kana sa Hawaii, Russia, Alaska at France pero ang tanga tanga mo parin sa Pilipinas kapa naging tanga!"sapo-sapo parin niya ang noo na sa tingin niya ay malaki ang bukol.

Umupo siya sa isang sulok at kinuha ang salamin mula sa kanyang shoulder bag. Napatampal niya ang kabilang panig ng noo ng makita ang malaking bukol sa roon. Bibili lang naman sana siya ng milk tea pero mukang ayaw siyang pag-milktea-hin ng panahon dahil sa kamalasan na iyon. Paano ba naman kasi nasa 200 pesos nalang ang pera niya. Kasalukuyang siyang nasa kahabaan ng Mabini at nagbabasakaling makahanap ng regular na trabaho bilang singer.

"Anu ba namang buhay to napakamalas ko naman sa lahat ng bagay!" hinagpis niya nanatili siyang nakaupo sa labas ng restaurant na iyon at hindi na pumasok pa.

"Hayy." pabuntong hininga nalang niya.

Tatlong buwan na siyang nakababa ng barko. Tatlong buwan na rin siyang walang trabhaho. Tatlong taon din siyang nasa barko noon lahat ng kita niya ay pinapadala niya sa pamilya niya wala siyang itinira sa sarili ni hindi manlang niya naisip na darating ang panahon na mangangailangan siya na darating siya sa ganitong sitwasyon.

Ang masaklap pa ay wala manlang siyang makitang kahit anung bakas ng pinaghirapan niya noong umuwi siya.

Ganun parin ang bahay nila ang boung akala niya ay pinapaayos ng ama niya ang perang pinapadala niya ang katwiran nito ay malaki ang pamilya nila sakto lang sa gastusin at bayarin at pati ang tatlo niyang kapatid na may sarili nang pamilya ay sa kanya umaasa. At dahil sampu silang magkakapatid na kaylangan niyang buhayin.

"Miss, magkanu?" tanong na ikinaangat ng ulo niya.

"Anung magkanu?" kunot noong tanong niya sa may edad na lalaki na nakaharap sa kan'ya. Nakangisi ito na tila gusto ng tumulo ng laway sa klase ng titig sa kanya.

"Yung anu, alam muna," sabay kindat nito at lumawak ang pagkakangisi nito habang hitid buga ng hawak ng sigarilyo. Kaya naamoy niya ang 'di kanais nais na amoy ng hininga nito.

Namimilog ang mga mata niyang tumingin sa paligid. Napansin niyang may ilang mga babaeng nakatayo roon nakasout ng seksing kasoutan na kinulang sa tela. Muli niyang ibinaling ang paningin sa lalaki na mas malapit sa kanya. Bigla siyang napatayo at muntik ng maduwal.

Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at hindi na nag-abalang lumingon pa.

"Langya na 'yan napagkamalan pa'kong si Magda!" napapakamot ulong bulong niya sa sarili.

Sa pagmamadali niya ay muntik na siyang mabunggo ng kotse.

Hingal aso siyang nagpahawak sa dibdib sa sobrang kaba.

"Anu ba mananagasa kaba ha?" inis na pinukpok niya ang unahan ng kotse.

Mabilis na bumaba ang matandang lulan noon.

"Hija, pasensya kana ang bilis kasi ng ginawa mong pagtawid. Nasaktan kaba?" tanong ng matanda na sa tingin niya ay mayaman ayon sa kasoutan nito. Napakaganda din ng kotse nito na mukang customized Van. Dahil napakaganda sa loob.

"Arayy!" d***g niya na kunwari ay nasaktan. Kahit ang totoo ay hindi naman siya nasagi.

"Dadalhin kita sa hospital!" tarantang sagot nito.

"Naku huwag na ho, hinihintay na po ako ng mga kapatid ko," tugon niya dito na mas lalung ginalingan ang pag-arte tiyak papasa na siyang artista nito.

"Bibigyan nalang kita ng pera magpacheck up ka ha," ani nito at inabutan siya ng limang libo.

"Naku salamat ho," an'ya na nakaramdam ng kunsensya dahil sa pagsisinungaling.

"Here's may calling card tawagan mo ako, kapag may problema sasagutin ko lahat!" sabay abot nito ng calling card sa kanya.

Francis Vard ang pangalan nito na pamilyar na sa kanya.

"Sige Hija magpacheck up ka ha?" ani nito.

"Sandali ho," pigil niya sa matanda.

Lumingon ulit ito ng akma na sanang papasok sa kotse.

Inabot niya dito ang limang libong ibinigay nito.

Napamaang ito na tumingin sa kan'ya.

"Sir hindi ko po kailangan ng pera. Pero mayroon po sana akong hihilingin sayo sir." aniya na nahihiya.

"Dios mio huwag ka nang mahiya Liezel makapal naman ang muka mo, 'tamo muntik mo ng dugasan ang matanda,"kastigo niya sa sarili.

"Anu iyon?" kunot noong ikiniling pa nito ang ulo.

"Kayo po ba si Mr Vard isa sa CEO ng the billionaire app 'di po ba?" tanong niya.

Ngumiti ito " Yes, do you know me?" tanong ulit nito.

"Eh kaibigan po ako ni Adeline yung asawa po ni John Drive Adkins." pagpapakilala niya sa sarili talagang lulubos lubusin niya na ito.

"Uh-huh," tumango tangong tugon nito.

"Pwede po bang isali nyo ako sa apps?" walang prenong sabi niya sa kaharap.

Ilang saglit itong tumitig sa kanya.

"Sure, anyways sa susunod na buwan ay magbubukas na para sa mahihirap ang billionaire's app. Pero sa ngayon ay midnight promo lang ang pwede sa'yo. Subukan mo . "anito na nakatitig parin sa kan'ya.

"Type yata ako ng matandang 'to pero pwede na buhay na buhay ako rito." aniya sa sarili ng napansin niya ang titig nito.

"Naku ganun po ba sir? gustong gusto ko po kasing mapapangasawa ng mayaman sir. Promise masipag po ako mapagmahal at magaling mag-alaga!" Prangka at diretsong sambit niya.

Bahagya itong nagawa sa sinabi niya.

"I like your confidence hija!"

"Syempre hindi lang 'yun sir gusto ko din ay gwapo," dagdag pa niya.

"Will abangan mo ang promo namin sa Valentines in 12 midnight. Ang totoo may isa pa kaming hinahapan ng mapapangasawa." sagot ni Mr Vard na ikinatuwa niya.

"Talaga po? naku aabangan ko 'yan!" nagtatalon sa tuwa na sabi niya.

Tawang tawa naman si Mr Vard na tila naaaliw sa kan'ya.

"Sige Hija, aalis na ako may meeting ako ngayon kay Mr John Drive Adkins."pumasok na ito sa kotse.

"Sir ikumusta nyo po ako ha," aniya at kumaway kaway pa.

Napapitik siya ng daliri ng tuluyang makaalis si Francis Vard.

"Yess!" aniya saka ngingiti ngiti habang naglalakad.

"Di bale bukas nalang ako mag-aapply," aniya sa sarili nakakaramdam narin siya ng gutom. Maaga siyang umalis para maghanap ng trabaho ay hindi na siya kumain at kanina pa siya ikot ng ikot sa sa kahabaan ng Mabini ngunit wala naman yatang matinong trabaho doon. Tanggap siyang singer pero mukang bold singer yata ang kailangan ng mga ito.

"Hay bakit ba kasi dito ko naisipang mag-apply,bakit 'di nalang sa Makati? tama sa makati ako bukas mag-aapply!" bulalas niya sa sarili. Napapalingon nalang sa kanya ang ilang nakakasalubong niya. Napapagkamalan na yata siyang baliw dahil kanina pa niya kinakausap ang sarili niya.

Hindi na siya pwedeng bumalik sa barko dahil tapos na ang kontrata niya doon. At may iba ng kumuha ng kontrata at isa pa, kulang sila ng isa sa banda dahil sa pag-alis ni Adeline noon. Siguradong mahihirapan siya. Kong sa ganda ng boses ay maganda ang boses niya pero hindi siya biritira na tulad ng kaibigan niya. Masyado kasing ma-request ang mga guest sa barko kaya paniguradong mahihirapan siya.

Nahihiya naman siyang lumapit sa kaibigan dahil napakaraming tulong na itong nagawa para sa kanya.

Nang makarating sa bahay ay napasimangot siya ng makitang walang laman ang kaldero.

Napaupo siya habang inihilamos ng palad ang muka niya.

"Tina," tawag niya sa walong taong gulang na kapatid.

"Bakit po ate?" tanong nito ng makalapit sa kan'ya.

"Bilhan mo nga ako ng sampung pisong kanin at kinse pesos na ulam diyan sa labasan." utos niya sa kapatid mukang 'di na kasi siya aabot kong magluluto pa siya nawawalan na siya ng malay.

Agad naman itong tumalima nagtimpla siya ng kape upang kahit papaano'y maibsan ang gutom.

"Hay anu ba itong kamalasan sa buhay ko," napapasabunot nalang siya sa sarili aaminin niyang nasasaktan siya kapag narito sa bahay lalu kapag nakikita niya ang kalagayan ng mga kapatid niya. At nasasaktan siya kapag naalala niya na wala manlang naipundar ang ama niya sa mga pinaghirapan niya.

Pero hindi naman niya mapagsabihan ito dahil siguradong magwawala ang ama, lalu kapag nakainom ito. Simula ng mamatay ang ina niya ay naging lasenggo ito at hindi na maghanap pa ng trabaho. Kaya pinasan niya lahat ng responsibelidad ngayon ay sumasakit ang ulo niya naubos na ang perang naitabi niya dahil tatlong buwan na siyang tambay.

Mamaya ay didiskarte ulit siya kapag kasi walang wala siya ay suma-sideline siya sa bar na dating pinagtatrabahuan nila ni Adeline noon. On call singer hindi naman kasi gabi gabi ay may banda doon tuwing biernes at sabado ng gabi lang ganung araw kasi ang maraming tao sa bar. Araw ng bernes ngayon at may raket nanaman siya.

"May trabaho ka ngayon ate?" tanong ng bunso niyang kapatid na si leo

"Oo Leo, kailangan pumasok ni ate kasi wala naman akong regular na trabaho." pinahid niya ng daliri ang muka nito na naglilimasid sa chocolate na binili nito kanina. Sout ang t-shirt na maluwag rito at kahit dalawang Leo ay kakasya.

"Pasalubong ate ha?" nakangiti pang bilin nito sa kan'ya.

"Oo bukas ng umaga pag-uwi ko. Lina paliguan mo tong kapatid mo ha at wala na akong oras ma le-late na ako," bilin niya sa kinse anyos na kapatid.

Muli siyang bumuntong hininga ang mga ito ang dahilan kaya disidido siyang makapagasawa ng mayaman. Bahala na kong pera ang habol niya mamahalin at aalagaan naman niya kong sakali kong pagbigyan siya ng dios.

SAMANTALA, subsob sa trabhaho si Randy ng dumating ang ama. Kadarating lang ni Randy noon mula sa kabila niyang opisina at ngayon at sa opisina siya ng Vard Royal Hotel. Hindi niya alintana ang pagdating ng ama na noon nakamasid sa ginagawa niya.

"Son, do you want to go on vacation? you are exhausting yourself too much. Your mom is worried about you." ani ng kanyang ama lumipat pa ito sa coach upang mas malapit rito.

"Dad, I don't have time to take a vacation. I'm too busy!" marahang sagot nito habang tutok parin sa mga papeles sa kanyang harapan.

"Look at yourself, you've lost a little weight," may pagaalala sa boses ng ama ng mapansin ang pamamayat ng anak. Totoo naman kasi sa dami ng negosyo ng pamilya nila ay halos wala na itong pahinga dalawa lang ang anak niya si Felicity at si Randy magkasalungat ang ugali ng dalawa niyang anak. Si Felicity ay laki sa layaw, walang hilig sa negosyo. Mas nakatutok ito sa pagiging model kaya naiwan lahat kay Randy ang pagmamahala sa mga negosyo nila.

Minsan na rin nireto si Randy kay demielle ang ampon ng dating asawa ni Mr Vard. Pero hindi nag-work dahil walang panahon dito si Randy at hindi nito magustuhan ang dalaga dahil closed friend ang dalawa at magkasalungat ang gusto sa buhay si Randy ay boring at mahilig naman sa party si demielle. Minsan parang gusto niya ng ipa-bidder sa auction ang anak na si Randy. Dahil pihikan ito sa babae.

"Dad, I go to the gym every night. Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko na stress lang ako lately dahil sa problema sa pabrika," depensa niya sa sarili at tumingin sa ama.

Napabuntong hininga si Mr Vard sa sagot ng anak.

"Are you willing to join the billionaire's app?" serysosong tanong ng ama.

"Here we go again dad, tingin n'yo ba oobra sa'kin yan? Baka masaktan ko lang ang babae,"natatawang sagot niya sa ama.

"Subukan lang natin anak," pangungumbinsi ng ama.

Kibit balikat niyang sinagot ito at tumayo.

"Let's drink a coffee dad c'mon," yaya niya sa ama at nauna ng tumayo ng makatayo ang ama ay inakbayan niya ito palabas ng opisina.

"35 years old kana son, gusto kong mag-asawa kana," muli sabi ng ama dito ng nasa pantry sila at nagkakape. Bihira  mangyari na magkakape siya roon mas brewed coffee naman sa loob ng opisina niya. Gusto niya lang talagang iwasan ang ganitong tanong ng ama.

"Well, darating tayo dyan dad sa ngayon ay wala pa akong time para maghanap ng babae. I'm too busy." naiiling na sagot niya rito.

"Kong ako ba ang naghahanap ng mapapangasawa mo ay hindi ka magagalit sa akin?" tinitigan siya nito nangingiting iniwas niya ang tingin sa ama.

"Do it dad, let see baka nakatsamba kayo," aniya na sa tingin niya ay nagbibiro lang ito. Hindi naman kasi nakikialam ang ama niya pagdating sa ganito. Lalu na pagdating sa pag-aasawa.

Dahil sa sinabi niya ay lumiwanag ang muka ng ama. Ito naman ang umakbay sa kanya at tinapik tapik ang balikat niya. Para itong bata na napagbigyan.

"Bueno mauuna na ako sa'yo, son," Tumayo na ito at deretsong lumabas ng pantry.

Muli siyang nailing at muling itinoun ang pansin sa kapeng halos hindi pa nangangalahati. Tumayo na rin siya dahil maraming naghintay na trabaho sa office.

"Sir yung brewed coffee niyo nasa ibabaw na ng table n'yo," bungad ng secretary niya sa labas ng pinto ng office niya.

Bukas ay Flight niya patungomg France upang asikasohin ang iba niyang negosyo roon. Kaya kailangan matapos niya ang trabaho niya ngayong araw. Minsan ay naiintindihan niya ang ama dahil halos wala na talaga siyang pahinga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status