Share

Chapter 4

Samantala, habang naglalakad sa aisle si Liezel at palapit sa lalaki ay parang gustong maparalisa ng bou niyang katawan. Ito ba ang lalaking ikakasal sa kanya? tanong niya sa isip.

"Lord bakit sobrang gwapo naman ni Randy gusto ko na kaagad ibulsa at iuwi. Para siyang anghel sa langit hindi bagay sa lupa. Pero salamat Lord dahil hinulog niyo s'ya para sa akin." aniya sa sarili ng tuluyang makalapit dito ay tila nahimasmasan siya. Ang mga mata nito kanina na punong puno ng paghanga ngayon ay tila nag-aapoy na sa galit.

"Anak, hijo ingatan at mahalin mo sana ang anak ko katulad ng pagmamahal namin sa kanya." sambit ng kaniyang ama na nagpatino sa naglalakbay niyang isip. Nasa harapan na siya ng gwapong lalaki.

Hindi naman kumikilos sa kinatatayuan ang lalaki kaya pakiramdam niya ay mapapahiya siya. Nakita pa niyang lumingon ito sa likuran ni Mr Vard. Nakita niyang tumango si Mr Vard nag-aalinlangan namang inabot ng lalaki ang palad niya na nanlalamig na.

Piniga nito ang kamay niya na at kamuntikan na siyang mapasigaw.

"Ang gwapo nga mukang sadista naman." sa isip niya. "Sabagay, mukang wala itong alam sa nangyayari. Mukang ayaw nito sa ganitong set up marahil isa din ito sa tutol sa pagsali sa Billionare's app.

Nagkaroon siya ng kaba, patay siya kapag nagkataon. Naalala niya ang sinabi noon ni JD na kong ipipilit ng mga magulang nito na ipakasal siya sa hindi nito mahal ay gagawin niyang impyerno ang buhay ng babaeng mapipili ng billionaires apps para sa lalaki. Ayaw niyang mangyari sa kanya iyon. Pero narito na s'ya iisipin nalang niya para sa pamilya niya at ito na ang matagal na niyang hinihintay. Bahala na sa isip niya.

Nang magsimulang magsermon ang pari ay nanahimik ang utak niya. Pinakiramdaman niya ang katabi na panay ang punas ng panyo sa noo. Gusto na yatang sumabog nito at nagtitimpi lang. Magpasalamat siya dahil hindi ito tumutol sumunod lang ito sa agos. Nang magpalitan sila ng vow ay wala siyang nakitang anuman rito mariin itong nakatitig sa kanya hindi niya mabasa kong anung iniisip ni Randy. Hanggang sa pagsout ng singsing sa kanya hindi nababakas sa kanila na hindi sila magkakilala at ngayon lang nagkita at sa mismong araw pa ng kasal nila.

"Ikaw Liezel Nuknukan, tinatangap moba bilang kabiak ng iyong puso si Randy William Vard?" tanong ng pari.

"Yes na yes father," Walang gatol na sambit niya.

"Ikaw Randy William Vard tinatangap mo ba si Liezel Nuknukan, bilang kabiak ng iyong puso at nangangakong magsasama habang-buhay sa hirap at ginhawa?" tanong naman nito sa lalaki.

Pigil ang hininga niya dahil hindi sumagot si Randy. Nilingon niya ito nahuli niyang nakatingin din ito sa kanya naramdaman niyang masama ang loob nito.

"Yes," mahinang sagot nito. Nakahinga siya ng maluwag sa nang sumagot ang lalaki.

"Yaman din lamang na tinatanggap ninyo ang isat isa. I pronounce you as husband and wife." You may kiss the Bride," ani ng pari kumabog ang kanyang dibdib.

Hindi niya malaman ang gagawin. "Alangan namang ako ang ang magpi-first move noh, ang swerti naman ng anghel na ito, pero pwede naman sige huwag kang kumilos diyan at ako ang hahalik sayo," hinaing ng pusot balon-balonan niya.

Isang mabilis na halik sa pisngi ang ginawad nito sa kanya. Hindi niya maramdaman parang hangin lang na dumampi sa pisngi niya.

Malakas na palakpakan ang mga nakasaksi sa kasalan iyon na nagpangiti sa kanya. Nakita niyang kumuha ng panyo ang lalaki mula sa likuran nito. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ito. Nakahawak kamay silang lumabas sa simbahan. Marahil sinasakyan lang ito ng lalaki at ayaw mapahiya ang ama nito. Sunod-sunuran lang siya dito hanngang lulan na sila ng bridal car.

Imbes na sa sa reception ay sa townhouse siya dinala ang lalaki.

"S-saan mo ako dadalhin?" nauutal na tanong niya.

"Sa impyerno, alangan namang sa langit," may diing sambit ng lalaki.

"Naku huwag naman, maraming bunganga ang umaasa sa akin,gusto ko pa mabuhay ng matagal, kuya," aniya dito.

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi nito.

"So, that's why? isa ka din ba sa umaasa na makapagasawa ng mayaman, kaya sumali ka sa Billionare's app?"

"Ehh..," hindi makapagsalita na sabi niya may katotohanan naman ang sinabi nito.

"Kahit hindi sabihin ni dad, alam ko na tinotoo pala niya ang sinasabi niyang isasali niya ako sa apps." iiling-iling na saad ng lalaki.

"Ibig sabihin, hindi mo alam?"

Lumingon ito sa kanya ang ngumisi.

"Magagalit ba ako kung alam ko?"balik tanong nito na ikinatahimik niya.

"Ako alam ko na ikakasal ako, pero hindi ko alam kong sinu," kapagkuwan ay sabi niya.

Hindi na ito nagsalita ng nakarating na sila sa townhouse ng lalaki.

"Anu bang gagawin ko rito?" sa isip niya.

"Pumasok kana, palitan mo 'yang sout mo nakakainis tingnan." utos nito sa kanya.

"Paano ako nagpapalit, kuya, wala akong damit dito!" hindi magkanda- ugaga sa paghawak ng wedding dress niya habang nakasunod dito.

Nilingon niya ito at kunot-noong muling nagsalita " Anung sabi mo,kuya?" ulit nito.

"Kuya, tama naman 'di ba?" aniya habang nakasunod parin dito. "Mas matanda ka sa 'kin, kaya kuya. Gusto mo ba Manong?" taas kilay na sambit niya.

Marahas na napabuntong hininga ang lalaki, "Pwede ba pangalan ko na lang?" halatang nagpipigil na sabi nito.

"Okay, kuya Randy," nang-iinis niyang sabi.

Pinukol siya ng lalaki ng matalim na tingin. Inis na tinastas niya ang wedding dress na sout dahil nahihirapan siyang napakaba ng noon at mabigat. Dahil ilang oras na silang naroon.

"Oh my gosh, sayang bakit ko sinira," mahinang sambit ni Liezel nang ma-realized ang ginawa. "Baka million ang halaga nito sayang pwedeng ibenta." sa isip niya.

Umupo sa pang-isahang sofa si Randy habang hinihilot ang sintido nito.

"My life is miserable now," anas ni Randy.

Nakasimangot na umupo si Liezel sa sofa na kaharap nito. Nakita niyang dinukot nito sa bulsa ang cellphone at ilang sandali lang ay kausap nito ang ama nito.

"Dad, why you do this to me? anung gagawin ko sa babaeng ito?" sabi nito sa ama na nasa kabilang linya.

Inirapan ni Liezel ang asawang estranghero.

"Kong hindi ka lang gwapo, hay naku!"

"Randy, magiging mabuting asawa si Liezel sayo, muka namang mabait." ani ng ama sa kabilang linya.

"Dad naiinis ako sa babaeng ito. Tingin ko hindi kami magkakasundo napakadaldal!" sumbong nito sa ama.

Naiinis na ginaya pa ni Liezel ang bawat salita ni Randy na napansin naman nito.

"Dad, hindi ko sukat akalain na tototohanin mo ang sinasabi mo. Anu pa nga bang magagawa ko,isa lang naman akong masunurin anak na sunod sunuran sa inyu," nagtatampong sambit ni Randy.

"Anak hindi sa ganun. Gusto ko lang naman na pag-uwi mo ay may asawang naghintay sa'yo at may mag aalaga sa iyo,"

"Dad, dapat kumuha nalang kayo ng maid for me, dahil kaya kong namang alagaan ang sarili ko!"

"Hindi iyon ang ibig kung sabihin anak." bumuntong hininga ang amang nasa kabilang linya.

"Okay dad, narito na ito wala na akong magagawa kung hindi tanggapin na may-asawa na ako," hindi malaman ni Randy kung tatawa ba siya o malungkot sa pangyayaring iyon sa buhay niya ngayong araw.

Nang muli niyang sulyapan ang 'asawa' ay nahuli pa niyang inulit nito ang mga sinasabi niya sa ama. Special child ba ito? o sadyang may Tama ito sa utak.

"Pero sana naman dad, kong hahanapan niyo ako ay 'yong matured mag isip at hindi batang isip.Sige dad, I'll call you later."

Napaunat siya sa sinabi ni Randy anu raw bata raw siya?

"Anung ginagawa mo?" nanunuring tanong nito sa kanya. Nang muli nitong inulit ang huling sinabi sa ama.

Kibit-balikat siyang sumagot sa binata. Pero napaurong siya ng lumapit ito sa tabi niya at inilapit sa muka niya ang muka nito.

Naamoy niya ang pabango nito na napakasarap amoy-amoyin.

"Alam mo ba kung anung parusa ang pinapataw ko sa mga isip batang katulad mo,?"

"A-anu?" nauutal niyang tanong ang bango ng hininga masarap kayang humalik ito? napatakip siya sa bibig baka bad breath siya. Baka amoy pawis siya. Baka amoy- . Hindi niya naituloy ang hiyaw ng utak niya ng marahas siya nitong hawakan sa panga at ilapit ang muka sa labi nito.

Nanlaki ang mata niya ng bigla siya nitong halikan.

Oh my god ganito pala ang feeling ng First kiss. Nakakahilo at ang lambot ng labi ng 'asawa' niya. Kong ganito araw araw ay payag na payag siya.

"That's your punishment,"

Bigla siyang napamulat nadala siya ng halik ng binata. Mulagat ang matang sinampal niya ito upang mapagtakpan ang pagkapahiya.

"Manyakis,maharot, mapang-akit, are you going to rape me? malibo- ," muli ay hindi niya naituloy ang sasabihin ng muli nitong sakupin ang mga labi niya.

"Yan ang bagay sa mga madadaldal na katulad mo!" akmang sasampalin niya ulit ito ng inilapit nito ang muka sa kanya.

"Sige, subukan mo ulit," hamon ng binata. Bigla niyang itinikom ang palad at ibinaba. Idinako niya sa pinto ang paningin. "Nakakainis," bulong niya.

Maya-maya ay may nagdoorbell tumayo si Randy upang buksan ang gate.

Ilang saglit pa ay bumalik ang binata bitbit ang maleta. Kasunod ang dalawang lalaki na may dala rin.

"Oh gamit mo, dalhin mo sa guest room dun ka matutulog," Singhal nito sa kanya. "Siya nga pala, magpapadala si papa ng house maid dito bukas bahala ka kung san mo patutulugin," anito at tumalikod na.

"Sandali! hindi naman kaylangan ng maid dito, kaya ko naman lahat ng trabaho dito eh." aniya sa lalaki.

"Sige, ikaw ang bahala." tuluyan na itong tumalikod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status