Share

Chapter 2

Nang matapos ang boung maghapon sa pagtatrabaho ay tumayo na siya.

Nang makarating si Randy sa kanyang townhouse ay agad siyang napaupo sa sofa na naroon. Ganitong buhay ang pinili niya ang magpaka busy sa trabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat ay minsan na siyang umibig 8 years ago. Pero sa huli ay nasaktan lang siya dahil sa iba nagpakasal ang ex niya. Hindi siya nito nahintay kaya naghanap ng iba kaya mas pinili niyang magpakalunod sa trabaho.

Kinabukasan, maaga siyang umalis dahil alas siyete ng umaga ang flight niya patungong France. At marahil doon muna siya mananatili nasa Pilipinas naman ang Daddy niyaat ito muna ang bahala sa mga negosyo nila doon.

Samantala, nakatunganga si Liezel sa mga lovers na nasa kanyang paligid. Parang gusto niyang nagsisi na pumunta siya sa lugar na iyon.

Araw ng mga puso kaya naisipan niyang e-date ang sarili. Wala namang masama bumili pa nga siya ng bulaklak para sa kanyang sarili. Para hindi naman nakakahiya sa sarili niya. "Single ka na nga wala ka pang bulaklak." hiyaw ng utak niya. Ilang taon naba siyang single? Correction, hindi pa siya nagkaka- boyfriend. Hindi n'ya alam kung bakit, madami naman siyang manliligaw pero walang nagtatagal naiinip yata at hindi naman siya panget sigurado siya roon dahil sabi iyon ng nanay niya. Madalas nga ay lutang siya at nananaginip ng gising na makapag-asawa ng gwapo at mayaman.

"Hays!"aniya tuluyan na siyang nangalumbaba gusto niyang ipikit ang mga mata dahil sa inggit.

"Lord boyfriend please?" an'ya na sa langit nagkatingin.

Nang may biglang pumasok sa isip niya.

"Hala, muntik ko ng makalimutan may promo ang the billionaire's app mamayang gabi" bulalas niya na ikinalingon sa kanya ng mga nasa katapat niya. Narealized niyang nasa public place pala siya. Dagli siyang tumayo uuwi na siya.

"Te, may pera kaba diyan baka pwedeng pautang muna sa kataposan ko na babayaran," ani ng kapatid niya hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa kanilang tarangkahan ay nakaabang na ito.

"Naku," kamot ulong tugon niya bago dinukot ang wallet mula sa bag na hawak.

"Panggatas lang ni Silva," dagdag p ng kapatid.

"H'wag mo ng bayaran, Sandro, dahil ang wala namang kataposan iyang sinasabi mong sa kataposan ka magbabayad!" aniya rito kahit naiinis siya sa mga kapatid niyang 'yon ay hindi niya matiis wala siyang magagawa kapatid pa rin niya ito.

Likas talaga sa kan'ya ang maawain at mapagmahal na kapatid kaya tumanda siya ng ganito na hindi pa nagkakanobyo dahil sa siya ang breadwinner ng pamilya.

"Salamat ate ha," tuwang tuwa na sambit nito habang binibilang ang limang daan na bigay niya.

"Oh siya sige na bumalik kana don bumili ka nga nga gatas," pagtataboy niya rito.

Pagkahiga ay nakatingin lang siya sa wall clock na nasa harapan niya. Binabantayan niya ang oras sayang kong makakatulog siya.

"Ate bakit kapa natutulog,"

Napalingon siya kay Lena na nasa kan'yang tabi.

"Oh ikaw ang bakit gising pa matulog kana. H'wag mo akong intindihin." aniya rito bago humarap sa kapatid.

"Ate hindi kana ba babalik sa barko?"

"Hindi na muna siguro Lena," aniya rito habang hinagod ang malago nitong buhok.

"Sayang naman ate, wala ng tayong pera nong nasa barko ka laging masarap ang ulam at hindi nawawalan ng pera si tatay," walang muwang na sambit ng kapatid.

"H'wag kang mag-alala yayaman di tayo at bibilhin mo kong anung gusto mong bilhin."sagot niya sa kapatid para lang tumigil na ito sa katatanong " Kaya matulog kana, okay,"

"Talaga ate?" masayang bulalas nito.

"Oo Kaya matulog kana,"

Agad naman itong tumalima at pumikit na. Ilang saglit pa ay kusang nagsara ang talukap ng kan'yang mga mata marahil ay pagod sa maghapon sa paghahanap ng trabaho pero lagi siyang bigo.

Malakas na tunog ng kan'yang cellphone ang nagpabalikwas sa kan'ya mabuti nalang hindi nagising ang mga kapatid. Naalala n'yang sinadya niyang isagad ang volume nito para ma notify siya kapag nag umpisa na ang midnight promo.

"Oh my gosh heto na," aniya sa sarili ng mabasa ang notification ng the billionaire's dating app.

Nakalagay roon na mayroon lang na 10 minutes para gawin ito. Kaagad siyang nag fill up ng information niya para makapasok sa siya sa entry level.

Pagkatapos ng isang minuto ay napamulagat siya dahil napakasama siya sa top. Pero hindi doon nagtatapos ang lahat kailangan niyang i-shake ang cellphone para final round. Mabilis niya itong ginawa dahil mayroon na lamang siyang nalalabing tatlong minuto para gawin iyon. Nanginginig ang kamay na shinake n'ya ang cellphone.

"Wooah ang ganda ko!" malakas niyang sigaw na nagpagising sa mga natutulog niyang mga kapatid at ang medyu bingi niyang ama.

"Saan ang sunog?" mabilis itong bumangon at nagmamadaling isinilid ang ilang gamit sa malaking sako bag na hinablot nito.

Natampal niya ang noo sa kagagahan niyang iyon. Sa sobrang saya niya kaya s'ya napasigaw dahil pasok na pasok siya sa final round ng mag send ng message ang apps at binati siya dahil nanalo siya.

"Tay, tigilan nyo yan. Walang sunog okay!" napapakamot ng batok sabi niya rito.

"Anu kamo? nandito ang sunog? mga anak gumising kayo lilikas tayo!" tarantang sambit nito.

"Tay, tay, wala pong sunog okay?" nilapitan niya ito at pasigaw na sinabi. " Wala pong sunog, tay,"

"Wala ba? e bakit ka sumigaw nanaginip kaba?"

Marahang pagtango nalang ay sagot niya rito para mas magkaintindihan sila dahil baka humaba ang usapan nila. Madalas kasi ay mahirap itong kausap naiiling na bumalik siya sa higaan.

"Ito talagang si tatay panira ng moment," pabulong niyang sambit.

"Hooy Liezel, narinig ko yon hindi ako bingi.Nakainom ako pero hindi ako lasing!" kamot kamot pa ito ng ulo bago muling nahiga.

Pinili nalang niyang ipikit ang mga mata dahil siguradong may magandang balita bukas ng umaga.

Pagkagising ay cellphone agad ang kinalikot niya.  Pinapapunta siya sa Branch ng billionaire's app dito sa Pilipinas dahil may mahalagang sasabihin sa kan'ya ang mga CEO's nito. Nakaramdam siya ng kaba at the same time ay excited din siya.

"This is it pancit," aniya habang humihikab.

"Masarap iyon ate, kaya magluto kana," sabat ng kapatid.

"Gusto nyo ba iyon?" tanong niya sa mga ito na nakatunghay sa kan'ya.

"Opo," sabay sabay na sagot ng mga ito.

"At dahil special ang araw na ito ay ipagluluto ko kayo ng pancit," aniya na ikinatuwa ng mga bata.

Pagkatapos mamili sa palengke na malapit lang naman sa bahay nila ay agad siyang nagluto dahil may appointment siya sa mga CEO's ng app ng alas 2 ng hapon.

Humini huni pa siya habang nagluluto. Para siguradong masarap.

"Masaya ka yata ngayon ate, anung mayroon?" nagtatakang tanong ng kapatid si Loida may asawat anak na ito sa edad na 23 ay may dalawa na itong anak.

"Hulaan mo," di paawat sa pagkanta na an'ya rito.

"May trabaho kana?" sagot ng kapatid.

"Yon ang wala pa pero medyu malapit doon,"

Nag-iisip na tumitig sa kanya ang kapatid.

"May boyfriend kana?" muling sabi nito.

"Tumpak at hindi lang yon mayaman na tayo!" nagtitiling saad niya.

"Wee tulog kapa yata eh?" pambubuska nito sa kan'ya.

"Saka na ako magpapaliwanag. Kumain na kayo at asikasohin mo ang mga kapatid mo may lakad ako ngayon." aniya na sumasandok ng pancit sumubo siya ng konti mahirap na baka masira ang pigure niya baka ayawan pa siya ng bilyonaryo.

Agad siyang dumertso sa banyo isnag oras yata siyang nag-toothbrush at nagkuskos ng katawan para sa meeting mamaya. Gusto niyang maging mabango sa bilyonaryo na kikitain niya ngayon.

Sigurado naman siyang nakikita na niya ito mamaya at ipapakilala na siya kaya nga pinapatawag s'ya.

Sinigurado niyang maganda siya bago siya umalis nagkulot pa siya ng buhok para lang sa lalaking gustong mapangasawa. Teka lang sinu nga ba sa mga bilyonaryo sa app n iyon ang napanalunan niya, hindi na kasi ito tulad noong panahon ng kaibigan niyang si Adeline na ikaw ang pipili sa mga lalaking bilyonaryo sa apps. Pero di bale atleast sure na mayaman a to okay na siya doon.

"Good morning," masayang bati niya sa guard ng mataas na gusaling iyon. At dere-deretso siya elevator nasa 35th floor opisina ng CEO's. Humini pa siya ng mahina habang lulan nasa elevator. Nangingiti naman ang ilang naroon na napapasulyap sa kan'ya.

Ilang sandali pa ay bumukas iyon mabilis ang ginawa niyang paghakbang.

"Hi, may appointment ako Kay Mr Francis  Vard at John Drive Adkins andyan naba sila?" nakangiting tanong niya sa babae sa labas ng CEO's office.

"Anung pangalan mo ma'am?" tanong nito.

"Liezel Ann Nuknukan,"

Pagkasabi niya ay saglit itong tumingin sa computer.

"Ah ma'am saglit lang po ha," kapagkuwan ay sabi nito bago dinampot ang telepono.

"Sir narito na po si Miss Liezel Ann Nuknukan, papasukin ko na po ba?" ani nito sa kausap saka tumingin sa kan'ya "Deretso na po kayo ma'am,"

"Salamat,"

Bahagya niyang itinulak ang pinto

"Good morning sir," aniya sa nakayukong lalaki abala ito sa pagpirma ng mga papeles na nasa table nito.

"Liezel! sabi ko na nga ba at ikaw 'yan?" nakangiting bati nito.

"JD! kumusta?" aniya.

"Heto happily married magdadalawa na ang anak, Adeline is 5 months pregnant now," ani nito na nakangiti parin maaliwalas nito at mukang masayang masaya. At lalu itong naging gwapo.

"Sana all nalang talaga,"

"Well congratulations you win," makipag kamay pa ito " Adeline is sure happy for you,"

"Thank you, Pero sinu ba ang lalaki wala kasi akong idea," aniya.

"Liezel, makikilala mo lang siya sa araw ng kasal. Hindi ka pwedeng pumili but I'm pretty sure magugustuhan mo siya. He's really hard-working, matino,and of course gwapo," sagot ni JD " And I'm sure hinding hindi mo ito pagsisihan.

"Wow, anu ito married at first sight?"

Tumango tango si jd bilang sagot.

"Mr Vard will discuss you this," ani ni JD.

"Pwede ko bang malaman kong sinu?" 

Sa too lang ay excited siyang malaman kong sinu ang mapapangasawa niya.

Pabuntong hiningang sumagot si John Drive.

"I'm Sorry Liezel, the other details ay si Mr Vard na ang magsasabi sayo dahil malapit sa puso niya ang lalaking mapapangasawa mo," pagtatapos nito. " Go now to the conference room.Mr Vard is waiting there. I will follow."

Tumango nalang siya at dumerotso sa conference room. Naroon nga at nakaupo si Mr Vard.

" I really like your attitude Liezel, funny bagay na bagay sa kanya." pambungad nito sa kan'ya.

"Kanya? sinu s'ya?" tanong niya sa matandang CEO.

"Sana alagaan mo at  mahalin gawin mo ang lahat para maging successful ang married life n'yo." imbes ay sagot nito.

"Hindi ko ba pwedeng makilala o makita manlang?"

"Walang iba kundi ang nag-iisa kong anak na lalaki. Si Randy."

"Randy" iyon ang pangalan ng lalaking mapapangasawa niya.

"Kasalukuyan siyang nasa France ngayon.Uuwi siya sa mismong aral ng kasal n'yo. Ipinagkakatiwala ko siya sa'yo sana mahalin at alagaan mo siya. Masyado na kasi akong nag-aalala sa kanya kaya gusto kong mag-asawa na siya." ani nang kanyang future father in-law nakakatawa dahil akala niya ay type siya nito iyon pala ay gusto siya nito para sa anak nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status