Share

Taming the Gorgeous Billionaire Assassin
Taming the Gorgeous Billionaire Assassin
Author: Nhia Norrada

CHAPTER 1

"Ms. Ley? nariyan po ba kayo? kanina pa po kasi mayroon naghahanap sa inyo eh"

"I'm here! Yes lalabas na ako, mayroon lang akong tinapos"

"Sige po Ms. Ley, sasabihin ko na lang po sa bisita niyo na maghintay"

Sambit ng assistant ni Ley or mas kilala sa pangalan na Ley Salvador, isang tanyag sa larangan ng fashion industry, hindi man kalakihan ang kaniyang shop ay talaga naman na dinadayo pa siya ng iilan na mayayaman na tao para lang magpagawa ng damit, gown, costume at kung ano-ano pa.

Nang makababa galing sa second floor kung saan naroon ang office ni Ley ay nawala ang kaniyang ngiti seeing the person sitting on the couch waiting for her.

Tahimik lang na umupo sa harap ng bisita niya si Ley and just return the staring act na binibigay nito sa kaniya.

"How are you?"

"Hmmm okay lang naman, so far nagamit ko naman ang mga iniwan mo na pera sa akin, I have built this simple business"

"I can see that, again I am sorry Ash—"

"—Ley...just call me that, also, I already know my real surname, salamat din sa intel na meron kayo, I am known as Ley Salvador now, siguro sa dalawang taon na lumipas kahit papaano naging okay naman na ako"

"You know that is not true, alam ko naman na hindi mo na siya makakalimutan pa and ayun na nga, I am sorry Ley for leaving you, I need to protect you lalo mayroon pa rin tayong kalaban na hindi pa natin nakikilala"

"I understand Colby, honestly wala naman akong iba pa na mapagkakatiwalaan kung hindi ikaw lang, two years ago, halos hindi ko alam kung paano ako magsisimula...araw-araw ko siya naalala and I miss her so much...hmmmm sob*sob* hmmmm hanggang ngayon tinatanong ko ang sarili ko bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng ito...pero somehow as days, weeks and years pass kahit papaano naiintindihan ko na, unti-unti ako nagsisimula at nasasanay na rin ako na makita siya sa TV at sa lahat"

Sambit ni Ley habang luhaan na nagpapaliwanag sa kaibigang si Colby.

"Don’t worry, I am here na and ako na muna ang bahala sa iyo"

"Naku huwag na, kaya ko naman na ang sarili ko, mas nanaisin ko na bumalik ka sa kaniya, make sure na kahit wala siyang maalala ay safe pa rin siya"

"Sa part na iyan, I doubt na maging katulad kami ng dati, she change a lot, sobrang tindi na niya, people called her as Miss. Aux now, a cruel, clever and mala-evil queen boss daw sa Saavedra corporation"

"What? Pero bakit? Kahit naman noon na una ko siyang nakilala hindi naman siya ganoon eh"

"That is what we should find out; something is going on with her at sure ako riyan"

"Please Colby balitaan mo pa rin ako ah"

"Oo naman, anyway, congrats sa new business mo, I can see na sobrang dami nang customers mo ah, halos natatalo mo pa nga ang ibang malalaking fashion and apparel company"

"Hindi naman, sa tingin ko malaki pa rin ang naitulong ng mga turo niya sa akin, lahat iyon nagamit ko rito sa business ko"

"Don’t worry hahanapan pa kita ng mas marami pa na client!"

"Salamat Colby"

Isang masayang kamustahan ng magkaibigan na halos dalawang taon na hindi nagkita.

Sa kabilang banda naman sa Saavedra Corporation na ngayon ay binago na ang pangalan ng nagiisa at nagmana ng lahat na may-ari nito, si Aux Natividad Saavedra na kilala sa pagiging malupit at masungit na CEO ng NS Corporation.

"Where the hell is my coffee!!!?"

Sigaw ni Aux sa kaniyang sekretarya na halos matapilok na sa pagdala ng kape niya, makikita ang init ng ulo ni Aux dahil sa isang proyekto niya na tinanggihan ng kliyenteng matagal niyang sinuyo.

"They said they have a good reason to reject the offer"

"And what is that fucking reason?"

"They cannot sustain the fees for the project, gusto nila ng mataas na bayad"

"Mataas na bayad? We already talk about it when I visit their building, how come na iba na ang sinasabi nila ngayon?"

"Well, ano po kasi...ahmmm ano po eh—"

"—just say it! Alam mo na ayokong nanghuhula!!!"

"Ang Montenegro corporation po kasi, nalaman ko po na in-offer-an nila ang Hayesha company ng mataas na offer and will monetized them well daw po"

"Fuck that Montemonyo Corporation! Ayoko nang mag-dwell sa walang kwentang Hayesha na iyan! Hanapan mo ako ng bagong gagawa ng project na ito!"

"Y-Yes Ma'am!"

Nangangatog na sagot ng personal assistant sabay labas nito ng opisina at biglang pasok naman ng sekretarya na mayroon hawak ng kaniyang inutos na kape.

"Ma'am ito na po ang kape ninyo"

Tinitigan lang nang masama ni Aux ang sekretarya sabay irap nito sa babae.

"Just put it on my table!"

Mataray na sabi ni Aux sabay harap muli sa kaniyang laptop, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng kaniyang personal assistant tungkol sa mga Montenegro.

Alam niyang malaking kumpaniya rin ang korporasyon na ito kaya naman nagkaroon siya bigla ng interest nang malamang kinakalaban siya nito.

Agad na sinearch ni Aux ang korporasyon na ito habang tumatakbo ang plano niya sa kaniyang ulo, isa sa pinaka-ayaw ni Aux ang mga kumpaniyang pilit na kumakalaban sa kaniya.

Habang abala sa kaniyang ginagawa ay biglang nag-ring ang kaniyang cellphone kaya naman agad na tinignan niya ito at tahimik lang na sinagot.

"Yes?"

"You have another work to do"

"Just send me the details"

"Noted"

Simpleng usapan lang ngunit isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ni Aux sabay pagbaba ng tawag.

She looks at her cellphone again at mababanaag ang biglang pagkalungkot sa kaniyang mukha.

"I am not sure why, but I always felt something is missing with my life...sometimes I cry for no reason, I guess I just miss my old friend, nasaan ka na ba Colby, last time I talked to you sabi mo you need to be away for a moment..."

Sambit ni Aux sa kaniyang sarili na ngayon ay tila namumugto nanaman ang luha sa mata na agad niya rin pinahid nang biglang mayroon kumatok sa kaniyang pinto.

"Ma'am nariyan na po ang Dela Cruz Fabric Company"

"Okay, assist them well sa meeting room, I'll be there in a minute"

"Okay po"

Sagot ng sekretarya sabay naman na kinalma ni Aux ang sarili at nagsimulang mag-retouch at pinilit na ngumiti.

Nang makapasok sa meeting room ay agad naman niyang kinamayan ang mga may-ari ng nasabing kumpaniya.

"Hello Ms. Aux, it is nice to see you finally in flesh"

"Same here, anyway let's go down to business"

"Sure, so ito na nga, we will be providing you what you need kahit ilan at anong klaseng tela pa iyon but we cannot give you those right away"

"And why not?"

"We already have a deal with another company na nauna kasi sa NS"

"Is that Montenegro?"

"No hindi naman kasing laki ng Montenegro pero they eyeing on this simple but very famous clothing business company"

"Really? Care to tell me kung anong kumpaniya iyan?"

"Ley Salvador Fashion Apparel kung saan kahit mga sikat na artista at kilalang tao ay nagpapagawa sa kaniya ng damit"

"Ley Salvador? Interesting...so there is this existence of this kind of company pala na halos nakikipag-head to head sa amin...at ano naman kaya ang dahilan ng Montenegro at pinag-iinteresan nila ang maliit na kumpaniya na iyon"

"Well, insecurity is seriously an illness that is hard to cure unless you vanish the reason of it, balak nilang i-pirate ang may-ari si Ms. Ley Salvador, bukod sa maganda ay napakatalino, magaganda nga rin talaga ang mga damit at design niya"

"Hmmmm I see, alright, let's start na, so much for introduction nasasayang lang ang oras ko"

Mataray na sambit ni Aux kasabay ng lihim na pag-irap ng kausap dahil sa inis.

"Hindi naman hahaba ang usapan kung hindi siya tanong ng tanong! Bruha talaga ang babaeng ito!"

Sambit sa sarili ng Dela cruz company CEO na nginitian na lang si Aux dahil sa kakaiba niyang pag-uugali.

Pagod at lupaypay na lumabas si Ley ng kaniyang building dahil sa dami ng kaniyang ginawang trabaho, sitting at her car sabay yuko sa manibela, unti-unting maririnig ang hikbi ng iyak niya, isang mahina pero puno ng emosyon ang kaniyang nilalabas ngayon.

"Hmmmm sob*sob* hmmmm...bakit...hmmm bakit hanggang ngayon hindi kita makalimutan...halos dalawang taon na...hmmmm it was so happy and romantic the last we are still together...ang daya mo...hmmm ang saya mo...hmmmm sob*sob* hmmm..."

Emosyonal na sambit ni Ley still pressing her head sa manibela, alam niya na kahit anong gawin niya at patuloy pa rin ang sakit sa puso niya na iniwan ng nakaraan sa kaniya at kaniyang minamahal na sa isang iglap ay nagbago na lang sa kaniya.

Ilang minuto pa na nasa kotse si Ley at umiiyak nang maisipan niyang magliwaliw muna bago umuwi and stop by sa isang malapit sa bar sa bahay niya.

Walang paki-alam na pumasok si Ley sa bar sabay umupo sa bar counter upang um-order ng maiinum na alak, mayroon iilang tao na umalok at nagtangka na makipag-usap sa kaniya pero hindi niya ito pinagpapapansin.

Halos ilang oras na lulong na sa alak si Ley at doon na naisipan na tumayo at gegewang-gewang na naglakad palabas sana ng bar nang alalayan siya ng isang bouncer dahil sa galawan niyang lasing na lasing na.

"Nope, I can handle myself..."

"Sorry Ma'am pero ihahatid lang po namin kayo sa parking lot para sa safety po ninyo"

Sambit ng isang butihing bouncer which caught Ley's attention at tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.

"Safety? The last time I heard that word eh nawala sa akin ang taong mahal ko, hahaha! Funny hindi ba, pinili niya ang safety ko pero siya ang nawala sa akin! Kaya pwede ba! Ayoko na marinig iyang salita na iyan at Huwag mo nga ako pakialaman!"

Mataray at maluha-luhang sambit ni Ley habang papalabas ng bar, wala naman nang nagawa ang bouncer kung hindi hayaan na lang siya.

Susuray-suray at gegewang-gewang na naglakad si Ley papunta ng parking lot nang biglang mayroon iilang lalaking lumapit sa kaniya.

"Hello Miss, kailangan mo ba ng kasama?"

Tanong tila pinuno ng mga lalaki ngunit tinignan lang ni Ley ito sabay taas ng kamay and give him a dirty finger na nakapagpainis sa lalaki.

"Aba't tarantado kang babae ka ah! Kunin niyo nga iyan at dalhin sa likod ng bar sa eskinita"

"Naku Eric mukhang masarap itong babaeng ito, makinis at maganda"

"Ako muna ang titikim sa kaniya!"

Sambit ng nagngangalang Eric at doon ay hinatak nila ng sapilitan si Ley sa madilim na eskinita sabay isinandal sa pader, halos hindi naman siya magkaugapay sa kalasingan ngunit nang maramdamang unti-unting binubuksan ng lalaki ang kaniyang butones ay isang agarang sigaw ang ginawa niya.

"Tu...Tulong!!!"

Sigaw ni Ley kaya naman nagulat ang mga lalaki at bigla siyang sinampal kaya natahimik siya ng bahagya.

"Walang makakarinig sa iyo kaya sumabay ka na lang sa daloy at sigurado naman akong mag-e-enjoy ka rin!"

"Kadiri ka!!!"

Sigaw ni Ley sabay dura sa lalaki at dahil doon ay akmang sasampalin sana ng lalaki ang mukha niya nang may isang nakaitim na tao, wearing black leather suit at cap and mask ang tumambad sa kanila sabay hawak nito sa kamay ng nagngangalang Eric upang pigilan ito sa pagsampal kay Ley.

Sa isang mabilisang galaw na kitang-kita ni Ley na ginawa ng taong tumutulong ngayon sa kaniya, alam niyang babae ito dahil sa nakapusod at bagsak na buhok nito.

Hindi na makagalaw ang mga lalaki na ngayon ay nakahandusay na sa lapag sabay lingon ng babaeng naka-mask sa kaniya.

Isang malalim na titig ang ginawa ni Ley sa babae na pilit niyang kinikilala ngunit akma na itong aalis nang habulin siya ni Ley at hawakan ang kaniyang braso sabay nagsalita.

"S-Sandali lang please...gusto ko lang magpasalamat"

Sambit ni Ley ngunit hindi naman siya sinagot ng babae at agad na aalis na sana ngunit hindi binitawan ni Ley ang braso nito kaya naman bigla niyang nahila ang babae papalapit sa kaniya, halos lumuwa ang mata ni Ley nang makilala ang mata nito na kahit nakasuot ng mask ay kilalang-kilala niya pa rin ang hugis ng mukha.

Namugto bigla ang mata ni Ley knowing that the person who is now in front of her and who saved her is non-other than the person she misses a lot.

"L-Love...bu...bumalik ka...hmmm sob*sob*hmmm ikaw ba talaga iyan? Please tell me that you came back for me...hmmmm sob*sob*"

Luhaang sambit ni Ley habang nakatitig sa babaeng nasa harap niya ngunit walang kahit anong salitang binibitawan kaya naman nang magsasalita muli si Ley ay biglang na lang siya nawalan ng malay when the woman wearing cap and mask suddenly made her unconscious.

Matapos ang mga gawain ni Aux sa opisina ay mabilis na siyang umalis at umuwi preparing herself sa kaniyang sunod na misyon.

Stating at her email na isang pedophile politician ang dapat niyang patayin and save the teen age boy that has been sexually abuse nang ilang buwan na.

Nang mabasa ito ni Aux ay wala naman siya naging reaction and just suit herself up for her mission.

Going to her secret underground room kung saan naroon ang lahat ng kaniyang gamit pati ang sasakyan at motor na ginagamit niya.

Ilang minuto nang pag-aayos wearing her black cap and mask with her leather suit and jacket ay agad na sumakay na siya sa kaniyang motor dala-dala ang paborito niyang baril at kutsilyo that is highly customized for her.

Going north at the main plaza kung saan malapit ang mansion ni Gov. Fred who is her target ay mabilis ang ginawang pagkilos ni Aux papunta sa gilid ng concrete wall ng mansion.

Sa pinakadulo ay isang maliksing pagtalon ang ginawa niya and she successfully landed to the ground sabay pagtago, alam niyang wala masiyadong bantay ang mansiyon dahil sa pagkakaakala ng gobernador na walang nakakaalam ng kaniyang masamang lihim.

Madaling nakapasok sa loob si Aux at inatake agad ng tahimik ang tatlong bantay sa kwarto mismo ng gobernador.

Nang biglaang binuksan ni Aux ang pinto ay halos maluwa ang mata ni Aux nang hindi lalaki ang tumambad sa kaniya na ngayon ay sapilitang hinuhubaran ng lalaki, isang teen ager na babae na maikli lamang ang buhok ang ngayon ay umiiyak na sa pagmamakaawa.

"Tang ina sino ka!?"

Bulyaw ng lalaki sabay takip ng kumot sa hubad niyang katawan.

Tinapunan naman ng tingin ni Aux ang dalagita sabay sambit.

"You, get out and make sure na tatakbo ka ng mabilis at malayo at hindi ka na babalik dito!"

Sigaw ni Aux sa nahihintakutang dalagita na nagpasalamat pa sa kaniya.

Nang makalabas ay hinarap naman ni Aux ang lalaki na nasa kama at doon ay dahan-dahan na lumapit si Aux sa pintuan ng kwarto at sinara ito ng marahan.

Magsasalita pa sana ang lalaki nang magsalita bigla si Aux.

"Sssshhh...huwag kang maingay, this will be quick or pwede rin naman na hindi na lang mangyari...just answer my one and only question..."

"A-Ano iyon?"

"Why are you doing this to those kids?"

Diretsahang tanong ni Aux na nakapagpahinto naman sa lalaki.

"A-Ano...w-wala ka ng pakialam doon! Gusto rin nila ang ginagawa ko kasi binabayaran ko sila!!!"

"Really? Kahit mali? Hindi ba adults should know better, nasaan na ang part na iyon?"

"Wala akong pakialam sa sinasabi mong walang kwenta—"

"—baaannggg...!"

Hindi na natapos ng lalaking gobernador ang kaniyang sinasabi nang barilin siya ni Aux sa gitna mismo ng noo niya tagos sa kaniyang ulo.

Duguan at dilat ang matang bumagsak ito sa kama habang nakatitig lang si Aux sa kaniya.

"Tsk...tsk...I was about to spare your life but...well non-sense!"

Sambit ni Aux sabay labas sa bintana ng kwarto at maliksing tumalon at lumabas pa mismo ng gate ng mansion.

Nagtuloy-tuloy ang paglalakad niya pabalik sa kaniyang motor upang umuwi na, habang nasa kahabaan ng high-way ay nadaanan niya ang isang eskinita at sa eksaktong pagdaan niya ay narinig niya ang isang sigaw ng babae mula sa madilim na lugar na iyon.

Kahit hindi niya ugali ang makialam sa sitwasyon ng iba bukod sa misyon niya ay hindi niya mapigilan ang hindi huminto at tulungan ang babaeng tila hinang-hina.

Tumaas naman ang kilay niya nang makitang akma sasampalin ng lalaki ang isang babae kaya naman mabilis niyang pinigilan ito sabay ang mabilisan niyang pambubugbog sa iba pa na kasama nito.

Halos nakahandusay na ang mga ito kaya naman akmang aalis na siya nang bigla siyang hawakan ng babae at nagsimula na tumitig sa kaniya.

Nagtataka naman siya kung bakit mayroon sinasabi ang babaeng ito na kung ano-ano at hindi maintindihan.

"I am sure I don’t know her, hindi pwede kung sakaling kilala niya ako hindi maari iyon pero...bakit iba ang sinasabi niya, she is now crying and I don’t know why..."

Sambit ni Aux sa kaniyang sarili na halos nagpapalito na rin sa kaniya, hindi siya maaring magtagal sa lugar kaya naman mabilisan niyang pinihit ang nerve sa batok nito that cause her to be unconscious.

Mabilis na binuhat ni Aux ang babae at akmang dadalhin sana sa kaniyang motor and will leave her sa isang hotel nang biglang mayroong nagsalita sa kaniyang likuran.

"Boss?"

Napalingon naman si Aux.

"Colby? Is that you?"

"I am boss, ahmm b-bakit mo siya buhat-buhat?"

"This woman was about to be victim of these bastards I so happen to be here kaya I help her pero pinatulog ko na siya"

"Okay po, a-ako na po ang bahala sa babae boss"

"That is what I miss, sana bumalik ka na rin sa kumpaniya and serve me again"

"Makakaasa po kayo, mabuti po at nakita ko kayo at nakilala"

"Yeah good thing, anyway ikaw na ang bahala sa babaeng iyan, she is pretty drunk and I hate people like her!"

Sambit ni Aux sabay buhat naman ni Colby kay Ley at doon na tahimik na umalis si Aux at iniwan ang dalawa.

Mabilis naman na dinala ni Colby si Ley sa sasakyan nito and drive her home, nagtataka naman si Colby kung paanong nagtagpo ang dalawa sa ganoong pangyayari, umaapaw din ang awa niya sa kaibigang si Ley lalo na at alam niyang imposible na hindi niya makilala si Aux.

Ilang oras ang lumipas at sa kalagitnaan ng hating gabi ay namulat ang mata ni Ley sabay biglang bangon.

"Love!!!"

Sigaw niya nang makabangon ngunit bumuhos ang luha niya nang mapansin na nasa higaan na siya ng kaniyang kwarto.

"Hindi...hindi pwede na panaginip lang iyon...hmmmm sob*sob*hmmm kitang-kita ng mata ko, it is her, she came back for me...hmmmmm sob*sob* hmmmm!!! Margaux...bakit...hindi ko matatanggap na panaginip lang ang lahat....hmmmmm aaahhhhh....sob*sob*hmmmm"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status