Share

CHAPTER 4

"Sigurado ka ba talaga Ley sa gagawin mo?"

Nagaalalang tanong ni Colby.

"Oo nga, sa tingin ko kasi, ito na rin ang pagkakataon ko para mapalapit sa kaniya"

"Pero kasi baka ikaw lang ang luhaan nanaman sa bandang huli, alam mo pwede ko naman kausapin yun and lure her to just drop the interest in you"

Sabi ni Colby na talaga naman nakapagpalaki ng mata ni Ley.

"Oh please huwag, I want this, you see, sa araw-araw na ginawa ng diyos, I always miss her, loneliness is sucking me alive, yes she is not the person I used to love pero siya pa rin si Margaux, alam ko na siya pa rin iyon at nararamdaman ko iyon...hmmmm sob*sob* hmmmm, shit...hmmmm, a-ayokong palagpasin ito, I need to be with her kahit hindi niya ako maalala kasi paghindi ko siya makasama pa, baka ikamatay ko na sa lungkot...hmmmm sob*sob*"

Sambit ni Ley na sunod-sunod na ang patak ng luha na hindi na niya mapigilan, naaawang nilapitan naman siya ng kaibigan at niyakap na lang.

"I am sorry, nag-aalala lang ako na masaktan ka ulit, Aux is seriously different from Margaux and if you are determined to work talaga okay sige suportahan na kita, but please, be strong, Aux might seriously hurt your feelings most of the time"

"I know...but I am sure that I will take all that kaysa mapalayo pa sa kaniya...hmmmm sob*sob* hmmmm, I want more time with her kasi hmmmmm...ang unfair Colby...hmmmm iniwan na lang ako ng ganoon eh, we were just happy sa yacht, itong kwintas na ito, she gave me this, those moments, halos hindi mawala sa isip ko, ang saya-saya lang namin...kaya please, I really need this chance..."

"I understand...hindi bali sasamahan kita mag-work doon, babalik na rin akong personal assistant niya para masubay-bayan din kita"

Sambit ni Colby at doon ay inamo na lang ang kaibigan.

Kinabukasan ay maaga nang nagprepara si Ley para sa kaniyang unang araw sa pagbabalik niya sa Saavedra corporation na ngayon ay NS corporation na.

Maaga siya ng trenta minutos sa kaniyang call time at naroon na siya sa labas ng opisina mismo ni Aux at nakaupo habang naghihintay sa pagdating ng dating kasintahan.

Kaharap ang sekretarya ni Aux na busy sa kaniyang ginagawa ay napapatitig naman si Ley sa babae.

"Yes? mayroon po ba kayo kailangan Ma'am?"

Tanong ng sekretarya na ikinagulat ni Ley.

"Ha? Naku huwag mo na ako tawaging Ma'am kasi baka nga pantay lang tayo ng position or mas mataas pa ang position mo eh"

"Ahmm hindi pa po ba nababanggit ni Ms. Aux ang magiging trabaho niyo rito?"

Takang tanong ng sekretarya na ikinalito naman din ni Ley at nang magsasalita pa sana siya ay bigla naman ang dating ng kaniyang hinihintay.

"—I don’t think that is your job!"

Mataray na sambit ni Aux sabay paglapit sa sekretarya na nahihintakutan na ngayon.

"Hindi ka rin marunong tumikom ng bibig noh!?"

"S-Sorry po Ma'am Aux"

"—wait lang, wala naman siyang sinabing kahit ano eh"

Singit naman ni Ley kaya doon na lang ang dahan-dahang paglingon sa kaniya ni Aux na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kaniya.

"And you, hindi ba sinabi ko na sa iyo kahapon na hindi mo na pwedeng gawin yan! Now that you are here as my employee, you should know your position! And I didn’t ask your opinion!"

Mataray na sambit ni Aux sa natitigilang si Ley, alam niyang nasasaktan siya ngayon sa pakikitungo ni Aux pero alam niya rin na kailangan niya tiisin iyon.

"I-I am sorry"

Nakayuko na sambit ni Ley na hindi naman pinakinggan ni Aux at mataray lang na pumasok sa opisina niya.

Agad naman sumenyas ang sekretarya na sumunod na siya dahil si Aux mismo ang magsasabi sa kaniya ng kaniyang posisyon.

Tahimik lang na sumunod si Ley kay Aux, umupo naman agad sa swivel chair niya ito at naiwang nakatayo lang si Ley sa harap niya.

"What? Wala kang balak umupo?"

"Baka ho kasi iuutos niyo pa pati pag-upo ko, ayoko naman mapagalitan mo nanaman pag-umupo ako agad"

Pasimpleng pagtataray ni Ley na inirapan lang ni Aux.

"So if I will not tell you to sit eh hindi ka uupo ganoon? I guess mas okay iyon, subukan nga natin—"

"—hindi na! Uupo na nga eh!"

Biglang sabi naman ni Ley sabay upo at tumitig lang kay Aux habang nagsimula ng buklatin ang isang folder and speak.

"So, you will have your own office at the production and design department kita ilalagay and pinaayos ko na ang katabing space ng office ko"

"Really sa design ako? Thank you Aux ah, doon rin naman talaga ako magaling eh"

Sambit ni Ley wearing her most genuine smile pero hindi naman iyon ikinangiti ni Aux.

"Aux you say? Just to remind you, whatever happen to us yesterday is just a mere sex at wala lang iyon so better know how you call me!"

"O-Okay po Ma’am"

Nakayuko nanaman na sambit ni Ley na nawala ang ngiti sa mukha.

"Better! Also to add, dahil aasikasuhin pa ng HR ang department mo and your space, for now ikaw na muna ang magiging personal assistant ko"

Walang pakialam na sabi ni Aux na ikinalaki naman ng mata ni Ley sa gulat.

"P-Personal assistant?"

"Do I need to always repeat myself to you? Geez!"

"Pero kasi bakit ako?"

"Are you questioning me?"

"Hindi naman po Ma'am mediyo nagtataka lang naman po"

"Fine! To ease your stupid brain I will aware you again! Sinabi ko naman sa iyo ang dahilan ko why I want you here and that is to insult all my competitor so I thought of joining you with me anywhere para naman alam nila that I won over them!"

"Ganoon ba...hmmm okay po, so ano ba ang dapat kong gawin as your personal assistant?"

"Here, pag-aralan mo ito, lahat ng mga dapat mo gawin ay nariyan na, also your things are on that table, I will give you only thirty minutes para i-set up ang tablet na iyan for my schedules and for you to monitor my emails"

Paliwanag naman ni Aux na mataray lang na nakatitig kay Ley na nagbabasa, hindi niya alam pero sa tuwing tinitignan niya ang babae sa harapan ay tila bumabalik sa kaniya ang mga nangyari last night na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.

"Ma'am? Ma'am?"

Tanong ni Ley sa nakatulalang si Aux na bigla naman bumalik ang ulirat sa pagtawag ni Ley.

"Ahmm…come again?"

"Ano po, ahmm kuhain ko na po sana ang tablet para ma-setup ko po"

"Go ahead and after that I want you to be attentive with me all the time understand!?"

Mataray na sambit muli ni Aux na tinanguan lang ni Ley na nagpataas ng kilay niya.

"Hindi ka ba talaga marunong rumespeto ng boss mo?"

"Ahmm sorry po, okay po Ma'am"

"Seriously, nakakairita yang kilos mo! Now go!"

Sambit naman ni Aux kaya naman tahimik lang na lumabas si Ley bringing the tablet at tumabi sa sekretarya sa labas ng office.

"Okay lang ho ba kayo?"

Tanong naman ng sekretarya.

"Ayos lang naman though ang terror masiyado ng boss mo!"

"Naku Ma'am hindi lang terror, mangkukulam in the making na yata iyang si Ms. Aux eh"

"Sobra naman...hmmm hindi naman siya ganiyan dati"

"Ho? Kilala niyo si Ms. Aux dati?"

"Ha? Sinabi ko ba iyon? hahaha, naku nagkamali lang ako, I mean baka hindi naman siguro siya ganiyan dati hahaha baka mayroon lang pinagdadaanan! hahaha!"

Halos matawa-tawang sambit ni Ley dahil kamuntikan na siya sa kaniyang sinabi.

"Eh malabo po mangyari iyan, ni wala nga pong jowa si Ma'am or pamilya man lang"

"Ah ganoon ba, well hindi kaya mas okay kung magkaroon siya ng jowa hehehe"

Sambit naman ni Ley na halos mamula ang mukha sa naiisip.

"Boyfriend? Hmmm meron naman po na dumadalaw sa kaniya pero hindi naman po for boyfriend, madalas parang pang fling lang and most eh for sex lang kasi ako pa mismo ang nagse-setup ng hotel eh"

Natigilan naman si Ley sa narinig, muntik na niya makalimutan na straight na nga pala ngayon ang dating kasintahan.

Magsasalita pa sana si Aux nang biglang nagsalita ng malakas si Aux calling Ley kaya naman nagkukumaripas nang pumasok muli si Ley sa office.

"Tinatawag mo ba ako?"

"You heard your name right so better not ask me! Anyway, sumama ka sa akin dahil mayroon akong meeting sa Hayesha company"

"Ngayon na ba?"

"Malamang!"

Inis na sambit ni Aux sabay tayo at dampot ng kaniyang bag then hand a few folders kay Ley na nakapagpagulat sa kaniya.

Wala naman magawa si Ley kung hindi ang sumunod lang kay Aux habang bit-bit ang mga folder.

Sabay na silang sumakay ng elevator at tahimik lang si Ley na nakatingin ng pailan-ilan kay Aux na tahimik lang din.

Nang makarating sila ng labas at pumarada na ang sasakyan ni Aux with her driver, bubuksan na sana ni Ley ang front seat nang biglang isara naman ito ni Aux and hold her hand sabay bukas ng backseat and let Ley enter first.

Natigilan naman si Ley sa ginawang paghawak ni Aux sa kamay niya at lalo pang natulala nang maspinauna siyang pumasok sa loob thinking ang gentle woman ni Aux sa kaniya.

"Thank you Ma'am"

"What?"

"Sabi ko po thank you kasi kayo pa nagbukas ng pinto eh"

Namumulang pisngi na sabi ni Ley.

"I need to do that, two men is looking different at you kanina"

Nagulat naman si Ley sa narinig.

"Ha? Seryoso?"

"Do I look like I am joking?"

"Hindi, I mean meron nga? parang kinabahan naman tuloy ako..."

Pag-aalalang sambit ni Ley na napansin naman ni Aux.

"No one will harm you as long as you are with me"

Seryosong sabi ni Aux habang nag-ii-scroll ng kaniyang cellphone at wala lang pakialam sa katabi pero para kay Ley ay isang nakakakilig na salita iyon lalo at galing kay Aux.

"Salamat po Ma'am"

Sambit ni Ley at doon naman na siya tinapunan ng tingin ni Aux pero wala naman itong sinabi at tahimik lang sabay balik muli sa kaniyang cellphone.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Hayesha building kaya naman bumaba na ang dalawa, taas noo namang naglakad si Aux papasok ng building sabay salubong ng mga tauhan ng CEO.

"Good day Ms. Aux, dito po tayo"

Sabi naman ng assistant na sumalubong sa kanila, agad naman silang sumunod sa babae hanggang sa elevator.

Pumasok naman agad sila sa elevator at ganoon din si Ley nang biglang magsalita ang babae.

"Sorry pero hindi ka pwedeng sumabay, this elevator is only for the executives! Doon ka na lang sa commoner's elevator"

Sabi ng babae at napatingin naman sila Aux and Ley sa elevator na iyon at halos maraming empleyadong nagaabang.

"Ah...sige po, doon na lang po ako sasakay"

Sabi naman ni Ley kahit mababatid ang biglang pagkalungkot sa mukha niya lalo pa nang mapalingon sa walang pakialam na si Aux na sumakay na lang ng elevator ng executive.

Palihim naman na tinitignan ni Aux si Ley at batid niya rin ang namuong lungkot sa mukha nito.

Nang magsisimula nang maglakad si Ley papunta sa commoner's elevator ay laking gulat niya nang taas noo at unahan siyang maglakad ni Aux papunta sa elevator na iyon.

"Ms. Aux, mas mapapabilis po kayo rito sa elevator na ito"

"Well, if hindi pwede riyan ang personal assistant ko then we will rather ride here though, paano ba iyan matatagalan yata kami umakyat...what do you think?"

Taas kilay na sambit ni Aux kaya naman wala ng nagawa ang babae kung hindi pinahinto ang ibang empleyado na sasakay ng commoner's elevator and let Ley and Aux ride first.

Dahil sa natutulala ngayon si Ley ay bigla naman siyang hinawakan ni Aux sa kamay sabay hila sa kaniya papasok ng elevator.

Silang dalawa lang ang laman ng elevator kaya naman biglang nagsalita si Aux.

"Like I told you, ikaw ang assistant ko and so you can’t be far from me!"

Sambit ni Aux na nakawala ng pagkatulala ni Ley.

"Ahmmm okay po Ma’am"

Sagot naman ni Ley na hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Aux.

"One more thing..."

Sabi naman ni Aux na biglang hinarap si Ley at halos magkalapit na ang mukha nila.

"A-Ano po iyon Ma'am"

"Since you are now my assistant, pinaka-ayaw ko sa lahat eh nagmumukhang talunan at kinakaya-kaya lang ng kahit na sino, you are now one of my people and so I don’t want to see you na inaapakan ng iba and if you let that because of your stupidly nice attitude at ipapahiya lang ako eh sa akin ka malalagot! Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Maususunod po Ma’am"

Sabi naman ni Ley na halos pagpawisan sa lapit ng mukha ni Aux sa kaniya, hindi niya maintindihan pero deep inside ay talagang kinikilig siya sa kilos ni Aux kahit aware naman siya sa pinakarason nito.

As they reach the designated floor ay sinalubong naman sila ng babae kanina and guide them sa office ng CEO.

Agad na pumasok si Aux at dinedma lang ang pakikipagkamay ng lalaking CEO sa kaniya at tuloy-tuloy lang na umupo sa couch then cross legs.

"Sorry pero hindi ko pa rin maintindihan ang biglang pagbabago ng isip niyo para sa project ko!"

Mataray na sambit ni Aux habang si Ley naman ay naiwan lang na nakatayo sa gilid.

"Like what I said, we need an enough budget for that"

"Hindi iyan ang napag-usapan natin Albert!"

"Sorry pero hindi lang din tungkol sa budget, we need a good hand to make the project possible and Montenegro promise us to get the finest designer, ikaw ba ano ang masasabi mo sa parteng iyon?"

"Hmmm and whos this finest designer nga?"

Taas kilay na tanong ni Aux.

"I haven’t seen her yet but she is really the talk of the large and VIP customers, her name is—"

"—Ley Salvador...tama ba?"

"So you know her! Yes she is, her works and design are seriously the finest among the best!"

Sambit ng lalaking CEO na halos nakapag-paubo naman kay Ley habang nakikinig kaya naman nagkatitigan sila ni Aux at makikita ang simpleng ngiti na sumungaw sa mukha nito na talaga namang nakapagpatulala nanaman kay Ley.

"Am I dreaming? mas nakakatulala ang makitang muli ang smile niya kaysa ang papuri ng lalaking ito eh!"

Sambit ni Ley sa kaniyang sarili.

"So if makukuha ko si Ley Salvador, will you continue what we agreed upon?"

"Really? Eh pinangako na rin ng Montenegro iyan, I doubt na hayaan ka nilang makuha siya"

"Just answer my damn question Albert!"

Seryosong sabi ni Aux.

"Of course! Most of us are so keen to work with Ms. Salvador"

"Well then, you, come closer!"

Sambit ni Aux kay Ley na agad naman na lumapit sa kanila.

"Ano po iyon Ma'am?"

"Introduce yourself"

Simpleng sabi lang ni Aux kaya naman humarap si Ley sa lalaking CEO.

"Hi sir, I am Ley Salvador of Salvador fashion apparel"

Sambit ni Ley na halos matulala ang lalaking CEO at napatayo pa sa kaniyang couch.

"Are you joking with me? This young lady is Ms. Salvador?"

"Ask her then"

Naka-smirk lang na sagot ni Aux.

"Iha, are you sure that you are Ley Salvador?"

"Here is my card sir, and my business has been two years now since I started it, you are also correct, Montenegro keeps on offering me but I continuously refuse it"

Nakangiting sambit ni Ley sa gulat na gulat na lalaki, nang makita nito ang card at totoong siya nga ay halos hablutin nito ang kamay ni Ley sabay banayad na hinalikan ito.

"What an honor to meet you Ms. Salvador, I am so happy na ikaw ang makakatulong namin sa project, kahit ang lahat ng designer is very excited to meet you as well"

Galak na galak na sambit ng lalaki na halos ayaw na bitawan ang kamay ni Ley kaya naman pasimpleng hinahatak ni Ley ang kamay ngunit ayaw talaga ito bitawan ng lalaki.

Naisip ni Ley na prangkahin na ang lalaking CEO na bitawan ang kamay niya but when she is about to speak ay biglang tumayo si Aux then forcedly remove the man's hand from Ley.

"So much for the introduction Albert, now that you get what you want I guess our deal is now back where we start it...right?"

Sabi ni Aux habang hawak pa rin ang kamay ni Ley na itinabi niya ng bahagya sa likuran niya at simpleng hinarangan ito mula sa lalaki.

Napapatingin naman si Ley sa magkahawak na kamay nila ni Aux at hindi niya maiwasang mapangiti.

"Yes naman Aux, ako na bahala sa project"

"Better, I will let you know kung kailan dapat sisimulan and I will held a meeting for that!"

Sagot naman ni Aux sabay walang ano-anong hinatak nang palabas si Ley hanggang sa elevator ngunit bago pa makarating sa elevator ay binitawan na nito ang kaniyang kamay sabay nilingon ang babaeng assistant kanina.

"We will ride the executive elevator at pag-umepal ka pa, baka maging last day mo na ngayon!"

Mataray na sambit ni Aux sabay lakad papunta sa executive elevator at nakasunod lang si Ley.

Nang makababa na sila ay tuloy-tuloy lang na naglakad si Aux hanggang sa labas kasunod si Ley nang biglang mayroong humawak sa braso ni Ley.

"Ley?"

"Pam! Uy! Ikaw pala!"

"Yes, nakilala kasi kita, sorry hindi na ako nadaraan sa shop mo eh, okay na ba ang security alarm mo?"

"Ah oo, ayos naman na"

"Good, ano pala ang ginagawa mo rito?"

"I am with—"

"—she is with her boss! And I need my assistant now, so if you'll excuse me!"

Sambit ni Aux na biglang sumingit sa usapan nila Ley.

"Oh, I see so nagtatrabaho ka na pala? Wala ka ng shop?"

Tanong muli ng babae kaya naman hahatakin na sana ni Aux si Ley when the woman suddenly counter strike her move that made Aux drop her hand from Ley.

"What do you think you are doing?"

Mataray na tanong ni Aux.

"I am stopping you from hurting your assistant, hold her hand gently hindi iyong hahatakin mo"

Seryoso ring sambit ng babae na halos kasing tangkad lang ni Aux.

"Ako magdedesisyon sa part na iyan, and sino ka ba? ano ka ba para makialam?"

"I am her friend and a detective friend"

Sagot ng babae na nagpabago bigla sa reaction ni Aux sabay tinignan lang si Ley, alam niyang she can’t involve with any kind of police or even detective.

Walang sagot na tumalikod lang si Aux pabalik ng sasakyan ngunit bago siya sumakay ay seryoso at mataray na nilingon niyang muli si Ley na kasama ni Pamela.

"You still owe me Ley so don’t make me wait here, it is still your working hours!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status