Share

CHAPTER 5

Tahimik lang na pumasok si Ley sa sasakyan ni Aux, nang biglang magsalita si Aux.

"You really has the guts na ipahiya ako noh? You are just an employee so better know your place!"

"Hmmm teka lang, hindi naman kita pinahiya eh, pasensiya na sa ikinilos ni Pam, ahmmm kaibigan ko kasi iyon"

"I don’t care kahit nanay mo pa iyon! Nasa kalagitnaan ka pa rin ng working hours mo so you should know your act pagkasama mo ako!"

"I understand, I am sorry"

Nakayuko at biglang lungkot na sagot ni Ley sabay alis ng sasakyan nila, habang nasa biyahe ay wala kahit na sino ang nagsasalita.

Tila kinabahan si Aux nang malaman na detective ang kaibigan ni Ley, she can’t be near to people who are connected to any police or detectives knowing her other side of job.

Maya-maya pa habang napapaisip si Aux ay bigla nanaman na nakaramdam siya ng sakit, hindi niya maintindihan pero napapadalas nanaman ang nararamdan niyang sakit sa katawan.

Napalingon naman si Ley sa amo at nabatid ang pamamawis ng mukha nito.

"O-Okay lang po ba kayo?"

Hindi naman sumagot si Aux at halos maghabol na nang hininga at napadiin ang sandal sa kinauupuan.

Hahawakan sana ni Ley si Aux nang hawiin ni Aux ang kamay niya.

"Don’t you dare!"

Mataray pa rin na sambit ni Aux at napapikit lang habang tinitiis ang sakit na nararamdaman, naiwan sa kaniyang opisina ang gamot na dapat sana ay nainom niya kanina.

"Pero Ma'am, hindi ka po mukhang okay eh, mayroon ba na masakit sa iyo?"

"My medicine was left at my table; I forgot to take it kanina, manong malayo pa ba tayo?"

Pagtataray naman ni Aux sabay baling sa driver.

"Isang liko na lang at nasa building na tayo Ma'am"

Sagot naman ng driver.

"Malapit na tayo don’t worry, wait, mayroon akong water dito, uminum ka muna kaya"

Napatingin naman si Aux kay Ley ng makahulugan, nagtataka siya na tila alam ng babaeng nasa harap niya ang nararamdaman niya.

Dahil sa matinding sakit ay halos nakakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Aux kaya naman mahalaga ang tubig din sa kaniya.

Dahan-dahan na inabot ni Aux ang tubig mula kay Ley sabay inum nito, hindi niya maintindihan kung bakit iba ang nakikita niyang kilos ng bagong empleyado.

"Malapit na tayo sa office Ma'am don’t worry po"

Pag-aalalang sambit ni Ley.

Hindi naman na sumagot si Aux and just close her eyes after makainum ng tubig.

Nang makarating sa office ay agad na inalalayan ni Ley ang amo hanggang makasakay ito muli sa elevator, halos nakayakap sa baywang ni Aux si Ley dahil na rin sa katangkaran niya.

Hindi niya alam kung tutugunan niya ang yakap nito para hindi sila mabuwal pero naiilang siya na hindi niya maintidihan.

Habang nasa loob ng elevator ay bigla itong umalog kaya naman si Ley na halos mabuwal nang masalo ng kanang kamay ni Aux sa likod nito.

Nagkatitigan ang dalawa ng ilang segundo habang napapalunok naman ng laway si Ley dahil sa pinapakitang reaction ng amo sa kaniya.

Habang nakatitig kay Ley at salo-salo pa ito ay bigla nanaman nanakit ang kaniyang katawan na tuluyan nang nagpahina sa kaniya kaya naman bigla nang tumayo si Ley and change their position.

Inalalayan ni Ley na makalabas ng elevator si Aux hanggang sa office nito at doon na inasikasong mabuti si Aux, babanggitin pa lang sana ni Aux kung anong gamot ay agad nang dinampot ng walang ano-ano ni Ley ito sabay bigay sa kaniya with bottled water.

Sinandal naman ni Aux ang sarili sa couch sabay patong ng paa sa coffee table at pumikit.

Naisip ni Ley na lumabas na muna para makapagpahinga kaya naman sinimulan niyang lumakad ng mahina na halos gumagapang na sa lapag nang idilat ni Aux ang mata at wirdong napatingin sa kaniya.

"What the hell are you doing?"

Seryosong tanong ni Aux kay Ley na tila nanigas na kaniyang posisyon sa lapag.

"Ha? Ah...hahaha...ano kasi, ayokong maistorbo ka baka kasi magising ka paggumalaw ako ng malakas eh"

Nakatitig lang si Aux na parang wala lang at nagsalita.

"Mukha kang langgam diyan! Tumayo ka nga!"

Mataray na utos sa kaniya kaya naman agad na siyang napatayo sabay inayos ang sarili.

"Ahmmm lalabas na sana ako para makapagpahinga ka"

"Well, thanks about earlier alam mo agad ang gagawin"

Sambit naman ni Aux na hindi inaasahan ni Ley kaya naman napatingin siya bigla at imbes na matuwa ay tila kinabahan sa sinabi nito.

"Wala iyon Ma'am ahmm sige po labas na ako"

Sagot naman ni Ley at akma nang lalabas nang biglang magsalita muli si Aux na talaga naman nakapagpatigil kay Ley who is trying to escape from more questioning.

"Though...you seem to know so much, mayroon ka bang alam sa situation ko?"

Diretsahang tanong ni Aux na nakapagpakaba ng husto kay Ley.

Hindi halos makakibo si Ley at hindi alam ang sasabihin.

"Are you deaf? Why are you not answering me?"

Taas kilay na tanong muli ni Aux.

"Hayss! Porket magaling na eh wagas na taray nanaman! Naku hindi niya pwede malaman! Jusko paano ba ito!"

Sambit ni Ley sa kaniyang sarili na halos pinagpapawisan na sa kaba at nang magsasaita pa sana si Aux ay bigla naman bumukas ang pinto.

Sabay pa silang napalingon sa lalaking pumasok.

"Hello Ms. Aux, it is nice to see you again"

Bati naman ng lalaki na halos lumuwa ang mata ni Ley nang makita niya.

"Colb—"

"—Colby! Good thing you come back!"

Masaya at nakangiting bati ni Aux sa kaibigan.

"Shit muntik nanaman ako roon ah!!!"

Napalingon naman si Ley kay Colby na simple lang din na tinapunan siya ng ngiti.

"Yes Ms. Aux and...s-sino po siya?"

Maang-maangan na tanong ni Colby.

"She is my temporary personal assistant but since narito ka na then balik ka na sa dati mong position!"

"Ah I see, hi I am Colby Ms. Aux actual personal assistant and you are?"

Bati naman ni Colby na napapangiti lang ng simple habang nagkakatitigan sila ni Ley.

"Ahh ganoon po ba, I'm Ley Salvador sir, nice to meet you po..."

Batian naman ng dalawa sabay baling ni Colby kay Aux.

"But Ms. Aux, if that so, ano na ang magiging posisyon ni Ms. Ley niyan?"

Tanong naman ni Colby kay Aux na naka-cross arm lang na nakaupo.

"Hmmmm...well since she just helped me earlier and seems like has a lot of knowledge about my illness I guess she can be your assistant habang inaayos pa ang departmen niya"

Seryosong sambit ni Aux.

"Ahmmm a-about your illness?"

Kinakabahang tanong ni Colby habang napapatingin naman kay Ley na ngayon ay simpleng natataranta na rin.

"Yes she took care of me earlier and I am a little amazed"

"Ah ganoon po ba, okay po, so she will be my assistant na?"

"Yes, and I will put her as the one who will manage all about my health issue"

"Ho? Ako? Eh hindi naman ako doktor Ma'am"

Pagtatanong ni Ley na ikinataas naman ng kilay ni Aux.

"Are you questioning me?"

"Naku hindi naman po I mean kasi—"

"—you just help me earlier and you are good at it so one more question and you'll see!"

Inis na sambit ni Aux na nakapagpatikom naman ng bibig ni Ley at Colby at walang nagawa kung hindi sumang-ayon na lang kay Aux.

"O-Okay po"

Sagot lang ni Ley at doon na lumabas as Aux signal her to get out.

Naiwan naman sila Colby and Aux sa loob.

"So, how have you been? Does the organization compensate you well?"

"Yes boss, they assigned me there to look after that new recruit"

"Good thing you are here now so you can serve me again"

"I am happy to do that again boss though, is it true that you just had an attack again?"

"Earlier, this pain keeps on coming back...but there are times that I feel like nawala na ito before..."

Naguguluhang sambit ni Aux na ikinalungkot naman ng mukha ni Colby remembering the real story on how Ley saves her before.

"Ahmm pero ginagawa niyo pa rin po ba ang alternative way?"

"Not really, I am having a lot of sex in the past but...I don’t know why I feel like I don’t want to do it again "

"Hmmm maybe your body needs something more boss"

"What do you mean?"

"Ahmm n-nabanggit po kasi ng doktor niyo before that it is psychological hindi ko lang po sure kung naalala niyo"

Nauutal na sambit ni Colby.

"Hmmm about that, hindi ko nga siguro maalala, though psychological, I am not sure if I understand that, still tingin mo ba I need to do those things again?"

Malungkot na sambit ni Aux na napansin naman agad ng kaibigan.

"Hindi niyo po boss kailangan gawin kung hindi na kayo kumportable"

"Nope, it isn’t that I am not comfortable but, I feel like my body sometimes is not enjoying it until that night..."

"That night po na ano?"

Slowly, Aux throw a serious look at Colby before speak.

"That woman, I saved her last time from those men, she was drugged and I don’t have a choice but to make her sweat and so we did it, I have sex with her which is so new to me, having sex with a woman but seriously, it feels good, it feels satisfying, ni hindi ako inatake masiyado"

Aux explained while Colby is somehow feel guilty, kahit gustuhin niya man na sabihin ang totoo hindi maari.

"Is that why you somehow feel comfortable sa kaniya?"

"What!? Do I?"

"W-Well mukha po, I mean hindi ka naman kasi ganiyan eh"

"Ahem...K-Kasi...she is Ley Salvador a great asset for my business kaya ganoon, don’t overthink!"

"But you two look good together"

Sambit ni Colby that made Aux throw a death glare at him.

"Good together? You think I am now crooked by that woman? Excuse me! I am still aware about myself and besides, magpapa-schedule ako sa iyo ng another session, make sure a safe one, gusto ko yung tipo kong mukha ng lalaki so better pick the right one!"

Mataray na sabi ni Aux sabay sandal muli sa couch at pumikit, hinayaan na lang muna ni Colby ang amo at lumabas na rin, halos pagpawisan siya ng malagkit thinking about what Aux commands him, alam niya na hindi niya ito pwede banggitin kay Ley pero wala siyang magagawa.

Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa niya bago harapin si Ley.

Nang makalabas ay sinalubong siya agad nito.

"Uy, ano na? Okay na ba siya?"

"Ayos naman na though...ano kasi..."

"Ano? Mayroon ba na problema?"

"Well kasi...nagpapa-schedule nanaman siya ng session eh, you know the sex thing niya to cure her illness"

Sa sinabi ni Colby ay tila natigilan siya, mayroon kung anong sakit sa loob niya na pilit kumakawala, nabatid ito ni Colby kaya naman hinawakan nito ang kaniyang kamay.

"B-Bakit ba kasi bumalik pa iyong sakit niya...hmmmm"

"S-Siguro kasi...nakalimutan na niyang mahal ka niya..."

Malungkot na sambit ni Colby sa naluluhang si Ley.

"Hmmm ang sakit lang...hmmm pero tama ka naman, she indeed forget that she love me...hmmmmm sob*sob* hmmm"

Luhaang sambit ni Ley at akmang lalakad papunta sa washroom nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Aux and call her.

Napatingin naman agad si Ley with her teary eyes, Aux just buried her eyes on her at tahimik lang na pumasok sa loob ng opisina kaya naman nagmadaling pumahid ng luha si Ley at sumunod sa loob.

Maayos na nakaupo na si Aux sa kaniyang swivel chair nang pumasok si Ley na makikita ang pamumula ng mata.

"A-Ano po iyon Ma'am?"

Tanong niya sa among nakatitig lang sa kaniya while in cross arms.

"We have a meeting later sa isang fabric company and I want you to go with me"

"Ahmm okay po Ma'am pero mag-aalas kwatro na po ah, ayos na po ba ang pakiramdam niyo?"

"I'm okay and besides malapit lang ang building nila rito"

Walang pakialam na sabi ni Aux habang nagsisimula nang magtrabaho muli sa kaniyang laptop.

"Okay po"

Sagot lang ni Ley at akmang lalabas na nang tawagin siya muli ni Aux at nang humarap siya ay halos magulat siya nang makitang nakatayo na si Aux sa harap niya na sobrang lapit.

"A-Ano po iyon?"

Nauutal na tanong ni Ley.

"Concealer"

"Ho?"

"Your eyes, put concealer to hide the redness"

Natigilan naman si Ley sa narinig and realized that Aux saw her crying kanina.

"S-Sorry po Ma'am"

"Just fix yourself...besides hindi rin bagay sa'yo ang umiiyak"

Seryoso pero malumanay na sambit ni Aux sabay balik sa kaniyang swivel chair.

Papalabas na si Ley nang ma-realized ang sinabi ni Aux na halos mamula ang mukha niya sa kilig.

"She really said that!? OMG! Shit kinikilig ako! Hayyysst alam ko na hindi dapat pero kinikilig talaga ako! Alam kong walang meaning pero kinikilig ako! Hmmmm she still know how to make me feel better kahit hindi na niya ako naaalala"

Sambit ni Ley sa kaniyang sarili sabay diretso sa washroom at nilagpasan si Colby na nagtataka sa paggaan bigla ng kaniyang pakiramdam.

Maya-maya pa ay paalis na sila papunta sa meeting at nakasunod lang si Ley kay Aux hanggang papunta ng destinasyong building.

Tahimik lamang sila at wala kahit na sinong nagsasalita, makikita ang pagka-busy ni Aux sa kaniyang cellphone nang maisipan magsalita ni Ley.

"Ma'am, ahmm pwede po ba malaman kung ano na ang paboritong pagkain ninyo ngayon?"

Biglang tanong niya ngunit hindi naman siya hinarap ng amo at tila walang naririnig.

Minabuti na lang na manahimik ni Ley dahil sa naramdamang pagkakapahiya, she instead get her cellphone as well and check it nang biglang magsalita si Aux.

"I'm not sure why you suddenly ask that though...I want pasta and sandwich these days"

Seryoso pero malumanay na sambit ni Aux habang nakatingin pa rin sa kaniyang cellphone.

"Talaga? Ahmmm, okay po that is nice to know, healthy naman pala ang kinakain niyo"

Nakangiting sambit ni Ley nang mapalingon si Aux sa kaniya.

"Is that why you ask me for my health? That is good sinisimulan mo na ang other role mo"

"Ahhh...oo nga po hehehe"

Sagot lang ni Ley kahit ang rason niya ay ang lutuan talaga ang amo bukas.

Nang makarating sila sa building ay agad naman na pumasok na ang dalawa nang makasalubong ang kakalabas lang na CEO ng Montenegro, nahinto ng bahagya si Aux at wala sanang balak tignan ang lalaki na CEO nang siya ang sinimulan na batiin nito.

"What a nice time seeing you here"

Bati ng lalaki na taas noo lang na hinarap ni Aux.

"Nice? Do you think so? Hindi ko lang siguro alam since nanggaling ka na sa taas, baka nga wala na akong rason para i-meet pa ang may-ari nito dahil for sure binonggahan mo na ang pinuntahan mo rito though...hindi naman siguro iyong siraan ang company ko hindi ba?"

Taas kilay na sabi ni Aux.

"Why would I do that to a fine beauty like you..."

Sambit lang ng lalaki na ngingiti-ngiti pa sabay hawak sa kamay ni Aux at hahalikan sana ito nang biglang bawi ni Aux that stop him.

"Because you are such an insecure man"

Diretsahang sabi ni Aux na nagpabago naman ng aura ng lalaking CEO sabay lakad ni Aux at nilagpasan sila ngunit bago pa man makalayo sila Aux ay muli ito nagsalita.

"Maybe you are right, and for that, expect that I will battle head to head to you until I'll get the best designer in this country"

Sabi ng lalaki na akmang lalakad na rin nang harapin siya muli ni Aux.

"I don’t need to expect as you already keep doing it and about that best designer, ako rin eh, I have the best designer in my company...I'd like you to meet, Ms. Ley Salvador my newest production designer"

Halos matulala ang lalaking CEO sa sinabi ni Aux sabay simpleng ngiti naman ni Ley na lumitaw mula sa likod ni Aux.

"You're kidding right?"

Tanong ng lalaki na nagpipigil ng inis kay Aux na marahan naman lumapit sa kaniya sabay seryosong bumulong.

"I don’t play games and I don’t joke to people like you"

Taas kilay na sabi ni Aux sabay tuloy-tuloy nang umalis papunta ng elevator habang ngumingiting tagumpay.

Ilang minuto rin ang naging meeting nila with the CEO ng building nang bumaba na sila at lumabas.

Tahimik lang na naghihintay sa labas ang dalawa sa kanilang sasakyan nang biglang mayroon pumaradang van na itim sabay labas ng dalawang lalaki at tinakpan ang bibig ni Ley na nakapagpahimatay dito at mabilis na naipasok siya sa sasakyan pero pipigilan sana ni Aux nang tinutukan siya ng baril and she needs to control her move to avoid being compromised at malaman ang kakayahan niyang lumaban.

Ngunit nang ipuputok na ang baril ay pasimple na lang na sumigaw ng malakas si Aux na nakapagpawala ng atensiyon ng mga lalaki at mga tao kaya naman mabilis na naagaw ni Aux ang baril sabay sipa sa lalaki na bigla naman sumakay lang ng sasakyan.

Natumba naman si Aux sa kinatatayuan nang biglang umalis ang van tangay-tangay ang alalay na si Ley.

Inis na napapasigaw si Aux sa kaniyang isip.

"Fuck! Why does everyone picks on you Ley!? Sino ka ba talaga!?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paula Pamintuan
thank u author.. pero paid chapter na sya next?..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status