It has been five years since I left my home. At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng lalaking iyon pero nagkaroon ako ng bagong dahilan para magpatuloy sa buhay.
Marami-rami na din naman ang nangyari sa loob ng limang taon na iyon.
Tuluyan na din akong nag-resign sa trabaho ko at nagdesisyon na pumunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa akin.
Sa tulong ni Ferry, napadpad ako sa isang lugar na alam kong hindi kailanman pupuntahan ni Enver kaya magiging tahimik ang panibagong buhay na gusto ko para sa sarili ko.
Nagtayo ako ng isang maliit na karinderya malapit sa isang factory ng mga candy at naging maganda naman ang naging kita ko dito dahil talagang nasa tamang pwesto din talaga ako.
Marami akong naging customer na nagtatrabaho sa factory at lahat sila ay naging mabait sa akin kaya naman habang tumatagal ay nagiging komportable na din ako sa pagbabagong nagaganap sa buhay ko.
Isa na doon si Mikea Reese, isang line leader sa factory.
Siya ang kauna-unahang customer ng karinderya ko at lagi siyang kumakain doon. Magkalapit din ang inuuwian namin at madalas ay sabay kaming umuwi tuwing gabi kaya naman naging malapit na kami sa isa’t-isa hanggang sa naging magkaibigan.
Pero noong nakaraang dalawang buwan lamang ay nag-resign na siya sa trabaho niya bilang line leader at lumipat sa mas malaking kumpanya bilang sekretarya.
Medyo hectic ang pasok niya dahil sa dami ng trabaho na pinapagawa sa kanya ng boss niya pero masaya niyang ginagawa ang lahat ng iyon dahil malaki din naman ang sinasahod niya doon.
At dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay binigyan siya ng kanyang boss ng dalawang araw na bakasyon at naisipan niya iyong gamitin sa pagtambay dito sa karinderya ko.
“Hindi ba dapat ay ginagamit mo ang araw na ito para sa pahinga mo?” sabi ko sa kanya matapos kong ibigay ang order ng isang customer ko. “Bihira ka nga lang mabigyan ng day off kaya dapat ay sulitin mo ito.”
“Ate, madami mang trabaho ang pinapaasikaso sa akin ng boss ko pero hindi naman iyon ganoon kabigat kumpara sa trabaho ko sa pabrika,” sabi niya. “Kaya hindi ko naman talaga kailangan ng day off. Sadyang hindi lang talaga ako pinapasok ng boss ko dahil hindi din naman siya papasok at may pupuntahan daw siyang personal na lakad.”
Well, galing din naman ako noon sa pagtatrabaho sa isang opisina kaya masasabi kong hindi nga ganoon ka-demanding ang trabahong iyon. Isip at kamay ang madalas kumilos sa ganoong trabaho habang nakaupo kaya hindi na nga nakakapagtaka na ayaw matulog maghapon ng babaeng ito.
“Besides, mas gusto kong tumambay dito dahil bihira na lang tayong magkita,” dagdag niya. “Na-miss kita.” Kumapit pa siya sa braso ko habang nagpapa-cure sa akin. “Hindi mo ba ako na-missed?”
Tinitigan ko siya at natawa na lang ako dahil sa ginagawa niya. Pinitik ko ang noo niya kaya mabilis siyang bumitaw sa akin at hinimas ang noo.
“What was that for?” inis niyang tanong.
“Hindi ko alam kung saan mo natutunan iyang ganyang pagpapa-cute.” Oo na’t may pagkaisip-bata pa itong si Mikea pero hindi naman siya ganito sa akin noon kahit pa gaano kami ka-close.
Napanguso siya. “Nakita ko iyon sa mga officemates ko,” aniya. “Nagpapa-cute sila sa boss ko kapag gusto nilang mapansin nito.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “At sinubukan mo sa akin?”
Tumango siya.
“At bakit?”
Lumapad ang ngiti niya sa akin. “Para pumayag ka na mamasyal tayo.”
Muli ko sana siyang pipitikin muli sa noo ngunit agad na siyang lumayo sa akin kaya bumuntong hininga ako. “Gustuhin man kitang samahan, alam mong hindi ko basta maiiwan itong karinderya ko.”
“Alam ko,” aniya. “Kaya nga mamayang gabi tayo aalis eh.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “At saan naman tayo pupunta ng gabi?”
“Bukas na kasi iyong night market sa kabilang barangay at nakita ko sa social media na masarap daw ang mga pagkain doon,” kwento niya. “Kaya naisip kong dalhin ka doon. Malay mo, may maisip kang idagdag sa mga ulam na niluluto mo kapag nakatikim ka ng mga pagkain doon.”
May point siya. Makakatulong din sa akin kung titikim ako ng ibang luto at hindi lang ako nag-i-stick sa iilang putahe ng ulam na alam ko.
Hindi man sabihin ng mga customer ko, alam kong gusto din nilang makakin ng ibang ulam. Wala lang silang ibang choice dahil ako lang ang nagtitinda ng pagkain malapit sa factory na pinagtatrabahuhan nila.
“So?” Muli siyang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. “Sasamahan mo ako mamayang gabi?”
Napabuntong hininga na lang ako. Mukha namang kahit subukan kong tumanggi ay hindi ako titigilan ng babaeng ito kaya tumango na lang ako.
“Yes!” masaya niyang sabi. “Ako na ang pupunta sa bahay nyo para masabihan si Inday na gagabihin ka sa pag-uwi.”
Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad na lamang tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang apartment na inuupahan ko.
Matalino talaga ang babaeng iyon kahit kailan. Umalis agad siya para masiguro na hindi na magbabago ang isip ko at talagang sasamahan ko siya mamayang gabi sa paggagala niya.
Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon sa aking trabaho.
**********
Enver Andrius;
“Hindi ako makapaniwala na nakatiis akong manatiling kaibigan mo,” singhal sa akin ni Dash habang kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa harap ko. “Simple lang naman ang hinihiling ko para sa araw na ito, tutal ay pinag-day off mo naman si Mikea.”
“Just get lost, Dash,” taboy ko sa kanya. “Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. At pinag-day off ko si Mikea, hindi para makapagpahinga ako kundi para walang istorbo sa pagtatrabaho ko.”
“Aish!” Tumigil siya sa paglalakad sa mismong harap ng table ko at inis na ginulo ang kanyang buhok. “Bahala ka sa gusto mong gawin ngayon pero sinasabi ko sayo, babalik ako dito mamayang gabi at sasama ka sa akin sa pupuntahan ko, sa ayaw at sa gusto mo!”
At para masigurong hindi ako makakatanggi ay agad na siyang umalis sa harap ko at lumabas sa opisina ko na ikinailing ko na lang.
Masyadong isip-bata ang isang iyon pero kahit ganoon ay nanatili siyang nasa tabi ko kahit noong mga panahong lugmok ako sa lupa.
Napatingin ako sa calendaryo na nasa ibabaw ng mesa ko at napabuntong hininga na lang nang makita kung ano ang petsa ngayon.
Limang taon na din pala ang nakakaraan.
Pero parang kahapon lang dahil sariwa pa sa akin ang sakit ng pag-alis niya nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.
Dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman sinasadya ay nasira ang relasyon na ilang taon ko ding iningatan. At wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lamang dahil hinayaan kong mahulog ako sa bitag ng sarili kong ama.
Kung sana ay kinausap ko na lang si Milan, ang aking asawa, at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Sana ay sa akin niya mismo nalaman ang lahat nang sa gayon ay naliwanagan siya na hindi ko ginusto ang mga nangyari.
Simpleng komunikasyon lang naman ang solusyon pero hindi ko ginawa dahil ako mismo ay nagkulang ng pagtitiwala sa aking asawa.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ng pagsisisi ko?
Iniwan na niya ako ng tuluyan at kahit saang sulok ko siya hanapin ay hindi ko magawa dahil mismong kaibigan niya ang humaharang sa akin.
Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa buhay habang naghihintay ang pagkakataon na muli kaming magkikita.
Wala mang kasiguraduhan ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong kami pa din ang nakatadhana sa isa’t-isa.
At dahil nga gustong makasiguro ni Mikea na sasamahan ko siya sa pupuntahan niya ay sinakto niya ang dating sa mismong oras na nagsasara na ako ng karinderya ko."Nasabihan ko na si Inday at pumayag naman siya na magtagal tayo sa labas hanggang 10pm," sambit ni Mikea matapos kong mai-lock ang gate ng karinderya. "Kaya huwag ka nang mag-alala sa bahay mo, okay?”Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talaga akong kawala dahil naasikaso na niya ang lahat mula sa bahay ko. “Oo na.” Inilagay ko na sa bag ko ang susi tsaka lumapit sa kanya. “Siguraduhin ko lang na hindi tayo lalapgpas ng alas-diyes ng gabi, huh. Sasabunutan kita kapag hindi ka nagpatangay umuwi kapag nag-aya ako.”Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. “Nako, huwag kang mag-alala. Alam ko naman na hindi ka pwedeng lumagpas sa oras na iyon kaya promise, uuwi tayo agad.”“Good.”Madali namang kausap ang isang ito kaya hindi na masama na pagbigyan ko siya ngayon. Bihira lang din siya kung magkaroon ng day-off at ang mga ganit
Woah!Marami na din naman akong night markets na napuntahan noong nasa college ako dahil mahilig kumain sa iba’t-ibang lugar ang ex-husband ko pero hindi ko inaasahan na ang night market na nasa harap ko ngayon ay mayroong kakaibang ganda na talaga namang nakaka-attract sa mga tao.Ang mga pagkain na isine-serve nila dito ay hango sa iba’t-ibang kultura ng ibang bansa. At mayroon din sila mga paraan nang sa gayon ay madali itong makain ng mga customers kahit pa patuloy ang paglilibot nila sa market.Tulad na lang ng box kung saan nila inilalagay ang pagkain at mayroong nakakabit na cup sa ilalim nito na siyang pinaglalagyan ng inumin.Kaya talagang mae-enjoy ng lahat ang pagkain at site-seeing sa paligid.Hindi lang naman kasi puro food stalls ang narito. Mayroon ding mga stalls para sa mga mini games tulad ng mga darts, target shooting, mini-basketball at iba pa na talagang kasisiyahan, hindi lamang ng mga matatanda, kundi maging ang mga bata.Ah, kung alam ko lang na mayroong mga ga
Enver Andrius’ Pov“Seriously?” hindi makapaniwala na sabi ni Dashiel nang bumalik siya sa office ko, kinabukasan matapos naming pumunta sa night market. “Nandoon din si Mikea?”Tumango ako. “Nagkita kami sa exit ng night market.”“Mag-isa lang siya?”“May kasama siyang lalaki,” sabi ko. “Pinakilala niya iyon sa akin na kaibigan niya at Francis ang pangalan.”“Oh.” Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Well, hindi naman lingid sa kaalaman ko na kaya madalas na pumupunta ang lalaking ito sa opisina ko ay para lang makita si Mikea. May gusto kasi siya sa sekretarya kong iyon, though, wala akong ideya kung paano sila unang nagka-encounter gayong mukhang kilala na niya ito bago pa mag-apply ang babae dito sa kumpanya.“Papasok na iyon mamaya kaya siya na lang ang tanungin mo kung ano ang nangyari sa day-off niya,” sabi ko. “Ang sabihin mo sa akin ngayon ay kung ano na ang balita sa ipinangako mo.”“Ah…” Mayroon siyang inilabas na papel sa bulsa niya at agad na inilapag iyon sa mesa ko. “Y
I always open my cafeteria only for half a day whenever it is Sunday. Hindi naman kasi ganoon karami ang kumakain sa amin kapag ganitong araw dahil walang pasok sa factory na siyang pinanggagalingan ng halos karamihan sa customers ko.Kaya matapos kong isara ang cafeteria at pauwiin ang kasama ko doon ay agad ko nang tinungo ang direksyon pauwi sa bahay.At habang palapit ako sa apartment na inuupahan ko ay napakunot ang aking noo nang makita na para bang may pinagkakaguluhan ang mga kapitbahay ko.Mayroon ding ambulansya doon kaya agad na akong nagmadali sa pag-aalala na naiwan ko sa bahay ko.At nang tuluyan akong makalapit sa apartment ay eksakto namang inilabas ang isang stretcher sa bahay nila Mikea.Nakahiga doon ang kanyang ina na walang malay, kasabay ang kanyang bunsong kapatid na umiiyak pa.“A-anong nangyari?” tanong ko kay Lucile, isa sa mga nakikiusyoso naming kapitbahay. “Bakit walang malay si Ate Michelle?”“Inatake sa puso ang matanda,” sagot nito. “Ang sabi ni Michael
Enver Andrius’ PovHumingi ng emergency leave si Mikea para sa natitirang oras niya sa trabaho para sa araw na ito. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa isang ospital at sinabing isinugod doon ang kanyang ina.Hindi na ako nagtanong kung ano ang nangyari at agad na lamang siyang pinayagan. Wala na din naman kasi siyang kailangan gawin dahil naibigay na niya ang lahat ng papeles na kailangan ko.Pero hindi ko naman inaasahan na sa pag-alis niya ay siyang pagdating ni Dashiel na ngayon ay nag-iinarte dahil hindi niya nasilayan si Mikea.“Why, En?” tanong niya sa akin habang hawak pa ang kanyang dibdib na animo’y talagang nasasaktan. “Bakit hinayaan mo siyang umalis agad?”Napailing ako. Ang drama talaga ng lalaking ito pagdating kay Mikea.“You should at least tell me.”“Isinugod ang nanay niya sa ospital,” sabi ko.At iyon ang nagpatigil sa kadramahan niya at agad na naupo sa silya. “Bakit? Anong nangyari?”Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam ang detalye pero ang dinig ko ay inatake
Hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang sitwasyong kinalalagyan ni Mikea.Sinabi ko naman na gusto kong tumulong pero bakit biglang naging ganito ang paraan na naisip nila?“Sigurado ka ba diyan, Mikea?” tanong ko sa kanya.Pinayagan siya ng kanyang boss na huwag munang pumasok sa araw na ito kaya naman agad siyang nagpunta sa akin para sabihin kung ano ang napag-usapan nila ng kanyang boss na dumalaw din pala sa hospital para sa nanay niya.Hindi lang kami nagpang-abot dahil kinailangan ko ding umuwi agad para kay Millie.“Iyon ang sinabi ni Boss,” sabi niya. “Kailangan kong makahanap ng pansamantalang papalit sa akin bilang secretary niya kung gusto kong mag-leave ng matagal nang hindi nawawala sa akin ang trabahong iyon.”Itinuro ko ang sarili ko. “At ako ang napili mo?”Hindi siya nagdalawang-isip na tumango.Tulad ng napag-usapan nila ng boss niya, pinayagan siyang mag-leave nito hanggang kailan niya gusto at makakabalik siya sa kanyang trabaho nang hindi nawawala ang kany
Kanina pa ako kinakabahan mula nang pumasok kami sa building ng Raiden Car Shop. At mukhang napansin iyon ni Mikea kaya naman bago kami tuluyang dumeretso sa opisina ng kanyang boss ay inilibot muna niya ako sa buong building.At sa totoo lang ay nakaka-amaze ang environment na mayroon dito.Kumpleto kasi sa benefits ang bawat empleyado. Mayroon ding mga entertainment facility dito na pwedeng gamitin ng mga empleyado, pero syempre, they can only use that if they are not on duty.Maliban pa doon, free ang meal nila dito na halos iilang kumpanya lang ang nag-i-implement. At talagang maganda ang pasahod.Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang karami ang naghahangad na maging empleyado dito.Kahit kasi iyong mga nasa production ay pinapayagang gamitin ang mga facility dito sa building.“This place is such an ideal workplace for everyone,” sabi ko habang pabalik na kami ni Mikea sa floor kung nasaan ang opisina ng boss niya. “Siguro ay kung nagtatrabaho ako ay pipilitin ko d
Umalis na si Mikea dahil kailangan na niyang sunduin si Millie kaya naman naiwan kaming dalawa ni Enver sa loob ng opisina niya.At halos dalawang oras na nga ang lumipas nang muli kaming magkita ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding nangangahas na magsalita sa aming dalawa.Well, on my side, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw ko ding magsalita ng kung anu-ano at baka mabanggit ko pa sa kanya ang tungkol kay Millie.Hindi naman sa ayaw kong maging parte siya ng buhay ng anak namin. Karapatan pa din niya ang malaman ang tungkol dito pero gusto ko munang malaman kung hindi ba masasaktan ang anak ko kapag ipinagtapat ko na sa kanila ang totoo.Dahil iyon ang isang bagay na hindi ko kakayanin na makita, ang masaktan ang nag-iisang tao na siyang dahilan kung bakit nakayanan kong mabuhay kahit pa labis ang dagok na dinanas ko noon.Sa totoo lang ay gusto kong umatras sa usapang ito. Hindi ko kakayanin na magtrabaho kasama ang lalaking ito pero alam ko na kailangan ni M