Share

Ikatlong Pahina

IKATLONG PAHINA

Larsen Cleo Point Of View

PINILI ko na manatili sa tabi niya. Hindi ko kaya na iwan siya na ganito ang kalagayan. After what he did to me, hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya mag-isa habang nilalagnat. Afterall, this is my chance to thank him. 

Kumuha ako ng maliit na basin at nilagyan ng tubig. Kumuha rin ako ng pwedeng pamunas sa kanya. Nang hawakan ko kasi ang braso niya at leeg, sobrang init niya talaga na parang buong katawan niya ay mainit. 

Umupo ako sa harap nya at pinigaan ang nakuha ko na maliit na tuwalya sa may banyo. Una kong pinunasan ang noo niya. Bigla siyang gumalaw at iniwasan ang pagpupunas ko.

“Huwag ka nang malikot,” saad ko at sinusubukan na punasan ang noo niya. "I'm trying to be nice here, kuya so better cooperate para matapos agad ito.”

“I don't need… your help.” Hirap na hirap na sabi niya.

“Still I want to help you,” sabi ko. “Hindi mo man kailangan o kailangan mo man, gusto kong tulungan ka, okay? Just stay still. This can help you lessen the heat of your body.”

“Go… away…”

“Oo,aalis din ako after nito.” Muli kong nilawlaw sa tubig ang tuwalya at muling pinigaan bago pinunasan ang leeg niya. “Mababasa ang damit mo. Magpalit ka na lang mamaya.”

I continue warming him. Tuloy-tuloy din ang pag-angal niya na kesyo hindi niya raw ako kailanga at umalis na raw ako. Hindi ko naman pinapansin ang mga sinabi niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. I'm doing this to pay his kindness towards me, nothing else. 

Tumayo ako at pinalitan ng panibagong tubig ang laman ng basin. Nang bumalik ako sa sofa ay naabutan ko siyang hinuhubad ang suot niyang puting tee shirt. Hindi ko maiwasan na tingnan ang maganda niyang katawan. Bukod sa maganda, namumula rin ang katawan niya dahil siguro sa init.

Umupo ako ulit sa pwesto ko saka pinigaan ang tuwalya.

“Bakit ka naghubad? Dapat nagpapawis ka lang para mawala ang init sa katawan mo.” Pangaral ko. “Isuot mo ulit iyang tee shirt mo—”

Natahimik ako nang ibato niya sa akin ang tee shirt. Amoy na amoy ko ang amoy na naamoy ko sa unan kanina paggising. Parehong-pareho ang kamay ng unan at ng tee shirt. 

“Why did you do that?!” Inalis ko ang tee shirt niya sa mukha ko. “Ang baho naman ng tee shirt mo! Pwe!”

“Shut up… and let me sleep.”

Pinanood ko siyang humiga ulit sa sofa. My eyes can't stop looking at his abs. Iniiwasan kong tignan iyon ngunit nabibighani talaga ang mga mata ko sa sobrang ganda ng hulma ng mga pandesal niya. 

“Gusto mo pa bang punasan pa kita o hindi na?” tanong ko, iniiwasan na tignan ang mga abs niya. “Mainit pa ba ang pakiramdam mo?”

Dumilat ang isang mata niya at tinignan ako. “You badly want to see my body huh?”

Namula ako sa sinabi niya. “Hindi 'no! As if naman! I don't like your body kaya! Ano pupunasan pa ba kita? Dami mong sinasabi!”

“If you want to, then here too.”

Nanlaki ang mga mata ko nang ituro niya ang abs niya. He is smirking while pointing his hand on his abs. 

“Baliw ka ba?!” gulat na saad ko. “Sa dami-daming pwedeng punasan, bakit diyan pa!? Ayoko riyan!”

Nakita ko kung paano dumilim ang mukha niya. From smirking, he glared at me. 

“Then go away. Go home. I don't need you here.” Tumalikod siya sa akin at humarap sa sandalan ng couch. “Go!”

“Fine! Bahala ko sa buhay mo!” 

Inis na tumayo ako at dinampot ang basin bago nagtungo sa may banyo. Tigas ng ulo! Siya na nga itong tinutulungan, siya pa may ganang magalit! Bahala na siya sa sarili niya! 

Georgel Kien Point Of View

I woke up when I heard a small noise. Masakit pa rin ang ulo ko but I think my fever is gone. Tatayo na sana ako nang makita ang babaeng natutulog at pinagsisiksikan ang sarili sa may maliit na single couch. 

Why is she still here? I thought she left already? Why is she sleeping there?

Umayos ako ng upo habang pinagmamasdan siya. She really tried fitting herself on that single couch. 

Napailing ako at kinuha ang tee shirt na puti saka sinuot. Dinampot ko ang phone sa may glass table at nakita na it's already one in the midnight. Muli akong napatingin sa babae. Did she eat already? Bakit ba kasi nandito pa siya? 

Tumayo ako at dumiretso sa may kusina. I checked if she cooked something but I did not see anything. So does that mean she had no dinner? Hindi ba siya marunong magluto? Damn! 

Tinignan ko ang ref kung anong pwedeng lutuin. I decided to cook noodles since I'm hungry to cook. I want to eat and drink medicine. May importanteng lakad ako bukas kaya dapat mawala na agad itong sakit ng ulo ko. 

Kumain ako ng tahimik sa sofa habang tinitignan ang babaeng natutulog. I still can't find the reason why I brought her here. Ano ba ang pumasok sa utak ko at dinala ko siya rito? Then the scenario of what happened earlier flashed in my mind.

“Kidnapper huh? Really?” Ngumiwi ako nang maalala ang sinabi niya kanina. “Kidnapper my ass.”

After eating noodles, I cleaned my mess. I'm about to go inside my room when my eyes suddenly look where she is. Nakita ko na nakayapos ang dalawa niyang braso sa katawan.

Huminga ako nang malalim at pumasok ng kwarto. Kinuha ko ang kumot at lumabas ulit. I covered it for her before going inside my room. 

Tulala akong nakatitig sa kisame habang nakahiga. Hinahanap pa rin ang sagot sa kung bakit ko siya tinulungan? Bakit ko siya dinala dito sa condo unit ko? Damn! I must be crazy for doing all of this.

Larsen Cleo Point Of View

Nagising ako dahil sa masakit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata at ang unang umagaw ng pansin ko ay ang kumot na nakayakap sa akin. 

Mabilis na umupo ako ng maayos at nilibot ang paningin. I did not see him lying on the couch so I roamed my eyes around. Ngunit hindi siya nakita ng mga mata ko. Nasaan na iyon?

“Kuya?” tawag ko. 

Yumakap ako sa kumot at dahan-dahan na naglakad para hanapin siya. Sinilip ko ang kwarto at banyo ngunit wala siya. Nasaan naman kaya siya nagpunta? Ayos na ba ang pakiramdam niya? Nilalagnat pa kaya siya?

Paglabas ko ng banyo, saka ko lang napansin ang nakahandang pagkain sa may table. Lumapit ako roon at napansin ang maliit na papel. Dinampit ko iyon at nakita ba may iniwan siyang letter sa akin.

Eat all of this and go home. Make sure you lock the door.

Tinignan ko ang mga niluto niya. Tatlong pirasong boiled egg at limang pirasong bacon. May tinapay din at palaman. 

Napangiti ako bigla.

Naghilamos ako bago kumain. Inubos ko ang hinanda niya bago naghugas. After cleaning, lumabas ako at napansin na condo unit pala niya ang tinuluyan ko. Nilock ko ang pinto katulad ng sinabi niya sa note bago ako umalis. 

Isa lang ang nasa isip ko na balak gawin ngayon— ang puntahan at kausapin si Wil!

Dinala ako ng mga paa ko sa apartment namin ni Wil ngunit pansin ko na walang tao. I tried knocking and calling his name but no one answered me. 

“Wil?” pagtawag ko sa pangalan niya habang kumakatok. “Wil, ako ito. Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo.”

Ngunit wala akong natanggap na sagot. Hindi ako tumigil sa pagtawag at pagkatok. I know he's here. Baka tulog pa siya kaya kailangan kong lakasan ang boses para marinig niya.

“Wil, buksan mo 'to! Mag-usap tayo! Wil! Wil!”

Hindi ako sumuko kahit na may mga na angal na kapitbahay namin dahil sa ingay ko. Hindi ko sila pinansin. Wala naman silang ambag sa relasyon namin ni Wil kaya manahimik sila. Wala silang karapatan na sumingit. I don't have time for them!

“Wil! Wil! Nandito na ako! Buksan mo na ang pinto! Wil!”

Sumakit ang mga buto ko sa kamay sa kakatakot ngunit hindi pa rin bumubukas ang pinto. Maski sigaw ni Wil ay wala. Masakit na rin ang lalamunan ko kakasigaw kaya huminga ako saglit. Sakto namang dumaan si Ilong, ang isa sa tropa ni Wil.

“Ilong! Ilong sandali!” Hinabol ko ito.

“Bakit, Cleo?” tanong niya.

“Nakita mo ba si Wil? Nasaan kaya siya? Wala yatang tao sa apartment namin, e. Napansin mo bang umalis siya?”

Tumango siya. “Umalis nga siya kanina. Mga bandang ala una pa. Kasama niya si Sophia kanina.”

Nag pintig ang tenga ko sa narinig. Agad na tumaas ang kilay ko. Sino namang pangit ang kasama ni Wil?

“Sino ulit? Sophia ba kamo?”

“Oo, si Sophia,” anas niya. “Bagong jowa niya. Hindi niya ba nabanggit sayo?”

“What?! Anong bagong jowa?! Ako lang ang gf niya!”

Nagkibit balikat si Ilong. “Hindi ko alam, Cle. Siya na lang tanungin mo.”

“Saan ba sila nagpunta?”

Mabilis na pinuntahan ko ang nasabing lugar ni Ilong. Punong-puno ng inis at galit ang buong katawan ko. Kung sino mang Sophia iyan, humanda siya. Matitikman niya ang bagsik ng totoong girlfriend!

Nakarating ako sa may Q Restaurant. Famous itong restaurant kaya nagulat ako nang ito ang sinabi sa akin ni Ilong kanina. So baka mayaman ang babaeng Sophia na iyon kaya dito niya dinala ang boyfriend ko! Humanda siya! 

“Good afternoon, ma'am. Welcome sa—”

Hindi ko na pinatapos ang pagbati sa akin ng waiter. Dali-dali akong pumasok sa loob at ginala ang mga mata para hanapin ang boyfriend ko. At mala-laser ang tingin ko nang mahuli sila ng mga mata ko. 

Mabibigat ang mga hakbang na lumapit ako sa kanila. Pumalakpak ako nang huminto sa harap nila dahilan para tingnan nila ako pareho. Kita ko ang gulat sa mukha ni Wil habang nagtataka naman ang mukha ng babae niya.

“Anong ginagawa mo rito, Cleo?!” tanong ni Wil. “Umalis ka rito!”

“Sino siya, babe?”

Babe?!

BABE?!!!!

“Ako lang naman ang girlfriend ng nilalandi mo!” galit na sigaw ko. Akmang susugurin ko na sana ang babaeng impakta nang tumayo si Wil at yumakap sa akin para pigilan ako. “Malandi ka! Boyfriend ko pa talaga! Makati! Ang kapal mong sirain ang relasyon namin! Ahas ka! Ahas!”

Takot na tumayo ang babae at bahagya na lumayo sa akin. Hindi naman ako tumigil at sinubukan pa rin siyang sugurin ngunit dahil yakap ako ni Wil ay hindi ko malapitan ang babae niya.

“Lumapit ka ritong hayop ka! Para malaman mo kung sino ang binangga mo! Hali ka rito! Lumapit ka!”

“Tumigil ka na, Cleo!” anas ni Wil bago ako tinulak. “Wala ng tayo so stop! Nakakahiya ka!” 

Nanigas ako sa tinuran ni Wil. Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Pinanood ko kung paano siya lumapit sa babae niya at niyakap ito. Takot naman na yumakap sa kanya ang babae. 

“W-Wil…”

“Shut the fuck up, Cleo! You are really crazy! Pumunta ka rito para mag iskandalo! Wala ka na talagang hiya sa sarili mo!”

Umiling-iling ako habang walang humpay sa pagtulo ang mga luha. “N-No, Wil… mag-usap muna tayo… please?”

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. I told you we're done! And what you did right now… hinding-hindi kita mapapatawad!”

Umiling-iling ako habang naiyak. Wala akong masabi. Lahat ng gusto kong sabihin ay nawala sa isip ko.

“Let's go.” 

Wala akong ibang nagawa kung hindi panoorin kung paano niya ako iwan kasama ng babae niya. Muling nawasak ang damdamin ko sa pangalawang pagkakataon. 

Why is he doing this to me? Bakit, Wil… bakit? 

Napaluhod ako sa panghihina. I covered my face with both hands and cried.

“What are you doing?!” I heard a familiar voice. “Bakit ka umiiyak diyan?”

Unti-unti kong inalis ang kamay at umangat ang tingin sa lalaking nagsalita. Nagtama ang paningin namin ng lalaking tumulong sa akin. I keep crying and do nothing at all. Napayuko ako habang patuloy sa pag-iyak. 

“Come one. Get up. We're leaving.”

He held my arm and tried to get me up. But I am too weak to stand up. I'm too broken to walk out.

“Hey, come on. A lot of people are looking at you now. Get up and come with me.”

Dahan-dahan na umiling ako. Hindi ko kaya. Wala akong lakas na tumayo. Wala akong lakas… ang tanging kailangan ko lang ay si Wil… siya lang…

“You left me no choice but to do this.”

Walang reaksyon ako nang binuhat niya ako. Ni hindi ako kumapit sa kaniya. Tinago ko lang ang mukha sa mga dibdib niya at doon umiyak hanggang sa dalhin niya ako sa sasakyan niya.

Written by DBardz

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status