Share

Ikalawang Pahina

Ikalawang Pahina

Larsen Cleo Point Of View

NAGISING ako na masakit ang ulo ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama ko habang hawak-hawak ang masakit na ulo. Parang hinihiwa sa walo sa sobrang sakit. Ano bang nangyari? Bakit sobrang sakit ng ulo ko?

“Ahh…” 

Napapikit ako nang muling kumirot sa sakit ang ulo ko. Binagsak ko ang ulo sa unan para mawala ang sakit ngunit hindi iyon ang nangyari. Natigilan din ako nang maamoy ang mabangong unan. Dahan-dahan na dumilat ako at agad na nakita ang puting unan. Muli ko itong inamoy at nakompirma na hindi ito ang unan ko.

“Eh? Hindi naman ganito amoy ng unan ko ah.” Nagtataka na tanong ko at muling inamoy ang unan. “Mabango pero hindi ganito kabango ang unan ko. At saka amoy lalaki, eh. Ang tapang ng amoy—” Natigilan ako nang marealize ang sinabi. “A-Amoy lalaki?!”

Agad na lumibot ang mga mata ko para icheck kung nasaan ako. Bigla nalang nawala ang sakit ng ulo ko nang makita na wala ako sa apartment namin ni Wil. Napatakip ako sa bibig at hindi alam ang dapat na reaksyon.

“N-Nasaan ako…” takot na bulong ko. “N-Nakidnap ba ako?”

Maraming tumakbo sa isip ko na posibilidad na rason kung bakit ako nandito sa maganda, malinis at maayos na kwarto. Natatakot man ngunit hindi ko maiwasan namamangha at magandahan sa ayos at linis nitong kwarto. 

Tatayo na sana ako nang mapansin na nag-iba ang suot ko. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi na ang suot ko ang suot ko ngayon. 

“HALA!” Sigaw ko. “B-Bakit iba na ang suot ko ngayon? Nasaan na ang sando na suot ko?! Regalo sa akin iyon ni Wil hindi pwedeng mawala iyon!”

Bigla kong tinakpan ang bibig nang marelaize na sumigaw ako. 

“Shocks! Baka narinig ako ng kidnaper! Kailangan kong makaalis dito!” 

Pabalang kong inalis ang makapal na kumot at mabilis na tumayo ng kama. Medyo inayos ko pa saglit ang kumot bago tumakbo patungo sa may pinto. Hawak ko na ang doorknob at pipihitin na sana ito nang biglang bumukas ang pinto. Napa atras ako dahil sa takot. Ngunit imbes na sumigaw sa kaba, napasigaw ako sa gulat. 

“AHHH!”

Walang alinlangan akong lumapit sa lalaking n*******d at tanging puting tuwalya lamang ang suot na tumatakip sa pang ibabang bahagi ng katawan niya at saka siya sinampal ng malakas.

“Sino ka?! Ano ang ginawa mo sa akin?! Kinidnap mo ba ako?! Bakit mo ko kinidnap!? Wala akong pera na maibibigay sayo! Pakawalan mo na ako!”

“Stop! Why are you hitting me!?”

Hindi ko siya tinigilan hampasin. Hindi ko ininda ang sakit ng ulo. Kailangan ko siyang saktan para makaalis ako rito. May kailangan pa akong ayusin kaya kailangan ko ng umalis dito. Panigurado na hinihintay na ako ni Wil. 

“Deserve mo iyan! Bakit mo kasia ko kinidnap!” 

“I didn't—”

“Pakawalan mo na ako! Wala akong pera! Maling tao ang kinidnap mo! Kahit ano ay wala kang makukuha sa akin—”

 

“STOP!”

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko para patigilan sa paghampas sa kaniya. sinubukan kong kumawala sa mga kamay niya ngunit sobrang higpit ng kapit niya kaya hindi ko nagawa na makaalis.

“Bitiwan mo ako! Sinasabi ko sa iyo pakawalan mo na ako! Wala kang makukuha sa akin! Maski pisong duling ay wala ako!”

“Damn! Shut your mouth!” galit na sigaw niya na nagpatigil sa akin.

He looks really, really mad right now. 

“Damn you!” Binitawan niya ako dahilan para bahagya akong nawalan ng balanse. “You keep shouting and hitting me! You didn't even let me explain! If I were you, you should thank me! What I did to you is beyond kindness! Damn!”

Sarkastiko na tumawa ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Magpasalamat ako sa kaniya? Para saan? Sa pagkidnap sa akin? Wow! Iba na ang istilo ng mga kidnappers ngayon, ah!

“Excuse me, Mister!” Iniinis niya talaga ako, eh. Pwes ipapakita ko sa kaniya kung sino ako— kung sino ang binabangga niya! “Why would I thank you? Huh? For kidnapping me? Iba ka ring kidnapper, ah? Ikaw na itong nang kidnap, ikaw pa dapat ang pasalamatan? Ayos ka rin ah!”

“Kidnap you?” Nakasalubong ang mga kilay niya. “Why would I kidnap you?”

“Aba! Malay ko sayo! Itanong mo iyan sa sarili! Bakit mo ba ako kinidnap? Ha? Kasi maganda ako? I'm sorry but you're not my type and I have a boyfriend!”

“Fuck! What are you babbling about? I didn't kidnap you.”

“Oh eh 'di anong tawag mo rito? Ha? Dinala mo lang ako sa kwarto mo— sa bahay mo? Ganun? Para ano? For fun? For entertainment? Para ano? PARA ANO?!”

“SHUT THE FUCK UP!” Dumagundong sa buong kwarto ang sigaw niya.

Nanahimik ako sa takot at napa atras palayo sa kanya. 

Masama na tinignan niya ako.

“I did not kidnap you. Bakit ko naman gagawin 'yon? And to answer your stupid damn question, I brought you here because yesterday you're laying in the middle of the road! Fuck! You are crazy! You are unbelievable! After what I did, you just accused me of kidnapping you?! Fuck! Minsan na lang maging mabait, masama pa rin pala ang kalalabasan ko.”

Tumiklop ang bibig ko sa mga sinasabi niya. And then a memory of what happened yesterday flashed in my mind. From the moment na pinalayas ako ni Wil sa paghabol ko sa kanya pati ang paghiga ko sa kalsada dahil sa panghihina ng katawan hanggang sa may bumuhat sa akin. 

Napatakip ako sa bibig nang maalala ang lahat. 

“What? Did you just remember everything? Good for you then!”

“S-Sorry—”

“Fuck your sorry,” galit talaga siya. “You should thank me instead!”

Kahit na natatakot, kahit na nanginginig dahil sa hiya ay sinunod ko pa rin ang nais niya. Kasalanan ko naman talaga, eh.

“T-Thank you…”

He laughs sarcastically. “'Yan na 'yun? Thank you lang?”

Huminga ako nang malalim ngunit hindi ko na alam ano ang susunod na sasabihin. Umurong ang dila ko. Natulala na lang ako sa kanya. 

My eyes went from his angry face down to his angry abs. Kitang-kita ko ang maganda at hulmado niyang anim na pandesal. Paano niya na achieve ang ganiyan katawan? Maski si Wil ay hindi ganyan ang katawan, eh! I really love guys with a good physique, especially those who have abs. 

But not him. Not totally this man. 

“You have no right to drool over my body!” sigaw niya. “Don't stare at my body!”

Napaiwas ako at tumingala sa kisame. Did I look at his body too much? Hindi kaya! Chineck ko lang naman ang body niya 'no! 

“S-Sorry…”

“Damn!”

Mahina na binangga niya ako sa balikat at dire-diretso na pumasok ng kwarto. Agad naman sumunod ang mga mata ko sa kanya. At muli akong natulala sa ganda ng likod niya. Kitang-kita ang mga magagandang muscle niya roon. I wonder how many times he goes to the gym in a week. 

“I told you to stop staring at me!”

Mabilis na umikot ako at muling humarap sa pinto. Napahilamos ako sa mukha sa kahihiyan. Ano ba itong pinasok ko? Bakit ko hinayaan na mangyari ito? 

“Let's go out.”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng boses niya. Dinaanan niya lang ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbo akong sumunod sa kaniya.

Kung maganda ang kwarto, mas maganda ang labas. Bumuka ang mga labi ko sa sobrang ganda, linis at organize ng bahay niya. Siya talaga ang nakatira rito?

“Sit and eat.” Utos niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa may dining table. Kahit na parang aso niya iyon sinabi, sumunod pa rin ako. Nakita ko pa lang ang masasarap na pagkain sa may lamesa, natakam na ako. Kahapon pa ako walang kain kaya go na ito! Umupo ako sa gilid niya at agad na sinunggaban ang mga pagkain. 

“Eat slowly.” 

Hindi ko siya pinansin. Gutom ako kaya wala akong pake. 

“You eat like a pig. Eat slowly, woman. Hindi ka mauubusan.”

“N-Nagugutom ako, pwede ba?” hirap na hirap akong magsalita dahil punong-puno ng pagkain ang bibig ko. “Salamat sa pagkain pero pwedeng manahimik ka muna? Ayoko kasing makipagtalo sayo habang nakain. Thank you.”

“Wow… really…” rinig kong sabi niya ngunit hindi ko na lang pinansin. 

Busog na busog at sulit na sulit ako. Dumighaw ako ng malakas. Masaya na umayos ako ng upo at uminom ng tubig. Para akong isang linggo na hindi nakakain. 

Grabe! Sulit! 

Natigilan ako nang masulyapan ang lalaking kasama ko kumain. Dahan-dahan na binaba ko ang basa at ngumiti ng pilit.

“Oops! Sorry.”

He is crossing his arm while staring at me. I gulp and try to stare at him, too. Hindi katulad kanina, medyo hindi na ako takot sa kaniya. Lalo pa ngayon na sobrang gwapo at hot niyang tignan. 

Oo, inaamin ko na. He's not just the kind of guy who has an ordinary look. Gwapo siya. Sobrang gwapo. Kulang pa yata ang salitang gwapo sa itsura nya. 

He has a very attractive and hot face. Define na define ang jawline niya, makapal ang mga kilay niya, mapupula rin ang mga labi niya at ang kulay asul niyang mga mata ay nakakadagdag sa gandang lalaki niya. Tapos maganda pa ang katawan, malaki ang mga braso niya na parang kaya kang iheadlock tapos may malalaki rin siyang mga dibdib at may abs pa!

He's just look like those korean male lead na papakasalan mo talaga. If nakilala ko siguro siya nang mas maaga baka siya ang boyfriend ko ngayon. But sorry, may Wil na ako, eh. 

“Are you listening?!”

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan nang sumigaw siya. Umayos ako ng upo at agad na ngumiti para hindi halata na hindi ako nakinig. Hindi ko naman kasalanan na kusang tumakbo ang isip ko at magpasya na pagmasdan siya. That's his fault. Why is he so attractive? Is he even aware of that?

“I said, are you listening?”

“O-oo!” biglaan na sagot ko. “Oo, nakikinig ako.”

Salubong ang mga kilay niya at huminga ng malalim. “So I was saying, after you wash the dishes, you can go. Are we clear on that?”

Tumango ako. "Okay!”

Kakanta-kanta at sasayaw-sayaw na hinugasan ko ang mga plato na ginamit namin kanina sa pagkain. Hindi naman ako umangal nang utusan niya ako dahil ito na rin ang pagtanaw ko ng utang na loob para sa pagtulong niya sa akin. Wala naman kasi akong maibibigay na iba sa kanya kung hindi ito. Napag alaman ko rin na tanghali na pala kaya pala mga ulam ang nakahain sa hapag. 

“Kailangan ko nang matapos ito para makaalis na ako at makausap ko si Wil.”

Binilisan ko ang paghuhugas. Hindi bara-bara ang ginawa ko kung hindi mabilis ngunit maayos na paghuhugas. Inabot ako ng ala una ng hapon bago natapos. 

“I'm done!” Nagpupunas ako ng mga kamay gamit ang tissue na lumalapit sa lalaking nanonood ng basketball. He is lying on the couch so I can't see him. Tumayo ako sa likuran ng couch habang ang mga mata ay nasa TV. 

“Uuwi na ako—”

Natigilan ako nang bumaba ang tingin ko sa kanya. He is snoring a bit. His eyes are both closed yet his mouth is a bit open. 

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Hindi ko man aminin ngunit gwapo talaga siya sa mga mata ko. Ayun nga lang, wala ng ibang meaning 'yon.

“Thanks for helping me,” bulong ko sa natutulog niyang mukha. “Babawi ako kapag nagtagpo ulit ang landas natin.”

Umayos ako ng tayo at marahan na kinuha ang remote sa kamay niya. I turn off the TV before I put the remote back in his hand. Chineck ko muna kung wala na ba akong naiwan na hugasin bago pinatay ang ilaw sa kusina. Pinunasan ko rin ang mesa bago muling bumalik sa sala kung nasaan siya.

“Aalis na ako, kuya.” Kausap ko siya kahit na alam kong hindi suya sasagot. “Salamat ulit sa pagtulong tapos… sorry dahil akala ko kinidnap mo ako.”

Humawak ako sa ulo niya ngunit hindi ko sinasadya na mahawakan ang mainit niyang noo. Gulat na dinampi ko ang buong palad sa noo niya.

“Mainit ka!”

Mabilis na inalis ko ang kamay nang bigla siyang gumalaw. Akala ko ay nagising siya sa pagsigaw ko ngunit hindi pala. Umayos lang siya ng higa.

“Bakit ang init mo? May lagnat ka ba?” tanong ko sa kanya. “Dapat uminom ka ng gamot. Hindi mawawala 'yang kung matutulog ka lang.”

“Can you zip your mouth?”

“A-Ay! palaka ka!” Napaatras ako sa gulat. “G-Gising ka?”

“You can go now,” paos ang boses na sabi nya. “Just make sure you lock the door. I'm too tired to lock it. Thanks for washing the dishes, now go away. I want to sleep more.”

“Eh paano ka?”

“What?”

“Paano ka kako? May lagnat ka oh! Did you drink med na ba? O gusto mo kuhaa kita? Nasaan ba ang nga gamot mo rito—”

“Don't bother.” He cut me off. “I can handle myself just go away.”

“Hindi kota maiiwan na ganyan ang kalagayan mo,” ani ko. “You helped me so I will help you. Nasaan ang mga gamot mo?”

“No. Don't. Go away and leave me alone.”

Napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya? Ano na ang gagawin ko ngayon?

Written by DBardz

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status