Share

SECRET AND LIES WITH YOU
SECRET AND LIES WITH YOU
Author: KweenMheng12

Chapter 1 : PAGTANGGAP SA ALOK NA TRABAHO

Lumuwas ng maynila si Quinette para maghanap ng trabaho. Graduate siya ng kursong nursing, dito na din niya balak mag exam. Pero habang nagrereview ay hahanap muna siya ng maapplyan na trabaho. Dahil wala naman pang-suporta ang kanyang mga magulang, dahil pagsasaka lamang ang hanapbuhay ng mga ito. Isinama siya ng kanyang kaklase sa apartment na tinutuluyan nito. At dito na muna din siya mag-uuwian. Akala niya madali lang buhay sa maynila, hindi pala ganon kadali ang ammuhay dito. Lahat ng kilos ay pera. Mahal ang mga bilihin, mahal din ang pamasahe. Magtatatlong linggo na siya pero wala pa rin siya napapasukan at malapit na ang bayaran ng kanyang upa, bayad sa tubig at kuryente. Paubos na din ang kanyang tabi na pera, para sa kanyang pagkain. Mukhang minamalas siya sa paghahanap ng trabaho. Kahit na graduate siya a kolehiyo ay mas tainatanggap pa rin ang taga maynila na maya karanasan na at mga graduate dito sa lungsod. Araw-araw siyang naghahanap at nagpapasa ng kanyang resume, pero wala pa siyang maswertehan. Lumipas pa na ang  isang linggo ay  nganga pa rin siya. Pinatawag na siya ng kanilang landlady para sa kanyang bayarin. Binigyan naman siya ng palugit nito, tinawag siya ng kanyang ka-roomate na si Jessica.

“Quinette… Huy?!?” Tawag ni Jessica sa dalaga.

“Oh bakit Jessica?” Seryosong tanong ni Quinette at nilapitan niya ito.

“Ano kamusta nakabayad ka na ba?”Tanong ni Jessica sa kanya.

“Hindi pa nga eh, wala pang tumatanggap sakin sa mga naapplayan ko.” Malungkot na sagot niya dito.

“Gusto mo na raket ahh, para pambayad at budget mo.” Pag-alok ni Jessica sa kanya.

“Ano namang raket yan ah, baka naman illegal yan ah…” Natatawa na nakakunot ang ang kilay ni Quinette.

“Hindi noh, madali lang naman ang gagawin mo. May lakad kasi ako bukas eh kaya hindi ako available bukas. Kaya kung gusto mo sayo ko na lang ibibigay para kahit papano makatulong ako sayo Quinette.” Nakangising sabi ni Jessica.

“Hmmm magkano naman at ano ba ang gagawin ko ahh.” Nakangiting sagot naman ni Quinette sa kanyang ka roomate.

“Hmmm magiging “regalo” ka lang sa isang stag party. Sasayawan mo lang ang groom pagkabukas ng surprise box.” Paliwanag ni Jessica.

“Ano?!!!, hindi naman ako marunong sumayaw at diba mahalay ang suot diyan. Hindi ako nagsusuot ng mga ganon” Pagtanggi ni Quinette.

“Hmmm sige bahala ka, tumataginting na 20k ang bayad sa serbisyo mo. Iwan mo na sa probinsiya yang hiya at conservative mo kung gusto mo tumagal dito sa maynila.” Seryosong payo sa kanya ng kanyang roomate.

“Pero hindi ko pa talaga kakayanin at paano kung malaman ng aking pamilya sa probinsya yan siguradong itatakwil nila ako.” Seryosong sabi ni Quinette.

“Bakit sasabihin mo ba??? Wala naman makakaalam kasi malayo sila, kailangan makasurvived ka dito maynila at may maipapadala ka pa sa kanila. Isang gabi lang yun Quinette.” Mahabang paliwanag parin ni Jessica para makumbinsi si Quinette.

“Kailangan ko ba talaga maging matapang para mabuhay dito sa siyudad.?” Seryosong tanong ni Quinette.

“Oo kasi mamatay ka dito kung tutunganga ka lang, walang hiya-hiya dito. Kailangan mo rumaket at lumaban.” Malakas na sabi ni Jessica.

“Hayyyy… Sige kailan ba ayan ah, at turuan mo na lang ako sa mga gagawin ko ahhh. Kasi wala talaga ako idea Jessica.” Kinakabahan na sabi ni Quinette.

“Oo naman hindi kita pababayaan, pagkatapos ng lakad ko susundan kita dun para bantayan ka at maturuan sa mga gagawin mo” Masayang sabi ni Jessica.

 Kinakabahan man ay kailangan gawin ni Quinette ang raket na alok ni Jessica sa kanya para makabayad sa renta at ibang bills nya. Makakapagpadala din siya sa probinsiya kung may matira pa. Kailangan niya maging matatag dito sa maynila para makamit mga pangarap niya at maiahon niya sa hirap ang kanyang mga magulang.

Gumabi na at isinama na si Quinette ng isang magandang babae, kaibigan daw ito ni Jessica at makakasama niya din ito sa kanyang raket. Siya na din ang magguide sa mga gagawin niya habang wala pa si Jessica. Pinasuot siya nito ng bunny langerie design at kulay pink. Napakahalay kasi kita ang kanyang malulusog na dibdib ganon din ang kanyang maumbok na pang-upo. Parang siyang modelo bumagay din ang morena niyang kulay at inilugay nito ang kanyang mahaba at itim na matingkad na buhok.

“Wow panalo ang iyong beauty madam! Maala Sanya Lopez… Bakit hindi ka magmodel?” Manghang sabi sa kanya ng babae.

“Hah.. naku hindi ako marunong nun at raket ko lang ito sa ngayon habang nagtatrabaho ako.” Nakangiting sagot ni Quinette.

“Naku mahirap maregular at makahanap ng trabaho dito sa  maynila lalo na kung galing ka pa ng probinsiya.” Malungkot na sabi ng dalaga.

“Napansin ko nga po, kahit pa nakagraduate ka sa kolehiyo mas pipiliin nila ang may experience na at taga dito mismo.” mahabang sabi din ni Quinette.

“Totoo yan danas ko yan… Hmmm yan tapos na outfit mo madam. Napakaganda mo at maging hubog ng katawan mo. Ingatan mo ang sarili mo, maraming mapagsamantala dito sa siyudad. Maging matalino ka sa bawat magiging desisyon mo lalo na sa pag-ibig.” Mahabang payo sa kanya ng dalaga.

“Salamat sa mga payo mo, hindi ko kakalimutan at tatandaan ko palagi.” Nakangiting sabi ni Quinette.

“Ang gagawin mo ay diyan ka lang sa loob ng kahon, pagbinuksan na yan ng Groom saka ka lang gigiling sa harap niya at pag binigyan ka ng alak inumin mo lang. Tapos gawin mo lang pinapagawa n niya sayo. Regalo ka kasi sa kanya.Papasok kami ng kasama ko at sasayaw din pero ang aming mga kliyente ay ang kanyang mga barkada, tapos iiwan namin kayo sa silid niyo kasi lilipat kami sa kabila. Bahala kana kung ano ipapagawa niya, nagkakasiyahan na sila. Dumating na din ang groom kaya sige na Quinette adjah!” Pagsabi sa kanya ng mga dapat gawin.

Pumasok na nga siya sa loob ng kahon at nagdasal siya na sana magawa niya ng tama ang kanyang trabaho. Sobra talaga siyang kinakabahan at parang hihimatayin na siya dahil sa nerbiyos hindi niya alam kung ppano siya gigiling. Pero gagwin niya una’t huli na talaga ito. Sa isip ni Quinette ay gusto na niyang magbackout. Naririnig na niya ang mga tawanan ng mga kalalakihan at masayang nag-iinuman.

“Open it Randell! Your gift is ready to serve you!” Malakas na sabi ng isang lalaki.

“Yes… go!go! Open na” Sigaw ng isa pang boses na mas excited pa sa groom.

“Ok are you ready all!! Bubuksan ko na, ayusin nyo lang na maganda ang regalo niyo sakin ahh” Masayang sabi ni Randell.

Nagbibilang na ang mga kalalakihan at tumugtog na ang musika para sa stag party.

Mapang-akit at malandi ang musika.

“One!, two!, three!!!” masayang pagbilang nga mga ito.

Hinila na ni Randell ang ribbon ng kahon, at bumukas ang kahon nilabas nito ang isang magandang regalo na lahat silaa y lumuwa ang mata dahil sa ganda at sexy na mala Diyosa ang nasa harap nila. Napapatig ng sobra si Randell sa mukha ng kanyang regalo at nakaramdam siya ng pag-iinit ng nilapitan siya nito at sinayawan. Lalo siyang nag-init ng makita ang mabibilog nitong dibdib na gusto na niyang hawakan at s******n.

Kabadong humarap si Quinette sa kaniyang mga kliyente, pagsayaw at giling niya ay pumasok sa loob ng silid ang kanyang mga kasama. Pero halos sa kanya lahat nakatingin, ginalingan niya ang kanyang paggiling kahit hndi alam kung tama ba ang ginagawa niya. Pero may isa siyang nakatitigan na nasa kanyang harap, maaring ito ang groom. Sobrang lagkit ng tingin nito sa kanya, na parang unti-unti na siya nitong hinuhubaran. Nagsigawan ang mga kalalakihan at nang matapos na ang kanilang show ay sumigaw pa ng more.

Nang tumigil na sila sa pagsayaw ay nilapitan siya ng isang lalaki at inabutan siya ng kopita. Alam niyang alak iyon pero hindi nya alm kung tatanggapin ba ito at iinumin. Tumingin siya sa kasamahan niya. At sumenyas naman naman ang mga ito na tanggapin at inumin. Paglagok niya ay nagsigawan silang lahat…

Nakiparty sila at nakipag-inuman, bago sa kanyang pakiramdam dahil sobrang init ng kanyang katawan parang pakiramdam niya ay nialalgnat siya. Pumunta sa harapan ang gwapong lalaki na nakatitigan niya kanina. At ito ang groom na paliligayahin niya ng buong magdamag na sinasabi ni Jesica.

“Maraming Salamat sa party nyo, ito na ang huli na ako ay binata. Salamat din sa magandang regalo niyo sakin masaya ako mga bro…” Pagpapasalamat ni Randell sa kanyang mga kaibigan.

“Buong gabi siyang sayo pare…” Sigaw ni Greg.

“Ok na ako sa paggiling niya sakin kanina. Gusto ko na din magpahinga.” Seryosong sabi ni Randell.

“Ok tara na mga bro sa kabilang kwarto para ipagpatuloy ang ang party. Magpapahinga na ang ating Groom at mr. CEO!” Pang-aalaska ni Greg.

Isa-isa ng lumabas ang mga kaibigan ni randell maging ang ibang kababaihan na kasama ng kanyang regalo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status